You are on page 1of 3

Lingguwistikong Komunidad

          Sa isang komunidad ay maraming uri ng tao ang naninirahan. Bawat grupo ay may iba’t ibang
dayalekto na ginagamit para sa kanyang pakikipagtalastasan at pakikipag-ugnayan sa kanyang kapwa.
May mga gumagamit ng mga katutubong salita, depende sa lugar na kanilang pinanggalingan.
Halimbawa ay ang gamit ng salitang Waray ng mga taga Bisaya, Ibaloy ng mga taga Mountain province,
Ilocano ng mga taga rehiyon ng Ilocos, at Zambal ng mga taga Zambales.

          Sa larangan din ng mga propesyonal, sila ay meron din sariling linggwistikong komunidad. Ang
mga doctor, abogado, enhiyenero at iba pa ay gumagamit ng partikular na salita ayon sa grupo ng
propesyon na kanilang kinabibilangan.

          Ang paglabas ng mga bagong wika ay mahirap mapigilan, sapagkat laganap na ito saan mang
lupalop ng lipunan. At dahil din sa pag-usbong ng makabagong teknolohiya ay nagdulot din ng pagsulpot
ng mga kakaibang salita. May mga salitang naibaon na sa limot, may ‘di na mauunawaan ng karamihan,
may umuusbong, at may bumabalik ngunit may iba nang pakahulugan. Gaya ng mga gamit sa katawan,
sumasabay din sa uso ang wikang Filipino.

          Bagaman nagkakaroon ng mga pagbabago sa ating wika, patuloy nitong pinag-uugnay ang mga
Pilipino kahit saan man at kahit ano man ang kanilang katayuan. Kaya’t kung iisiping mabuti ang
linggwistikong komunidad ay natural na umuusbong sa modernong panahon ngayon.

Mga Salik ng Lingguwistikong Komunidad


          Ayon kay Samson (n.d.) ang mga sumusunod ay mga mahahalagang salik ng isang linggwistikong
komunidad:

1. May kaisahan sa paggamit ng wika at naibabahagi ito sa iba.


2. Nakapagbabahagi ng malay ang kasapi sa tuntunin ng wika at interpretasyon nito.
3. May kaisahan sa pagpapahalaga at palagay hinggil sa gamit ng wika

Narito naman ang ilang mga halimbawa ng linggwistikong komunidad:

 Mga Grupong pormal


→ Bible Study Group
 Grupong Impormal
→ Barkada
 Yunit
→ koponan ng basketball, atbp., organisasyon ng mga mag-aaral sa paaralan.

Gamit ng Wika sa Lipunan


          Ayon sa librong Explorations in Language Study ni Michael Halliday (1973), dinamiko ang wika, ito
ay buhay na patuloy ring nag-iiba ang kahulugan, pagbigkas at tunog sa paglipas ng panahon.

          Ang malaking nakakaapekto dito ay ang lipunan na ating kinagagalawan. Sa kadahilanang marami
nang naiimbentong salita katulad na lamang ng gay linggo (o salita ng mga bading) at ang iba pang mga
bagong salitang nabubuo sa lipunan. Taon-taon maraming nadidiskubre na wika dahil masyadong
matalino na ang mga tao, kung kaya’t mabilis na naiimpluwensiya ng mga ito ang wikang gagamitin sa
isang partikular na lipunan.

1. INSTRUMENTAL - tumutugon sa mga pangangailangan ng tao gaya ng pakikipag-ugnayan sa iba.


Halimbawa: Isang batang lalaki na sumusulat ng tula para sa kaniyang takdang-aralin
2. REGULATORYO - tumutukoy sa pagkontrol sa ugali o asal ng ibang tao.
Halimbawa: Isang doktor na nagbibigay ng tagubilin sa kanyang pasyente sa mga dapat at hindi
dapat na gawin upang hindi lumala ang kanyang kondisyon.

3.  INTERAKSIYONAL - nakikita sa paraan ng pakikipag-ugnayan ng tao sa kanyang kapwa.


Halimbawa:
Tatlong magkakaibigan na nagbibiruan sa isa't isa.

4. PERSONAL - pagpapahayag ng sariling opinyon o kuro-kuro sa paksang pinag-uusapan.


Halimbawa:
Pagsulat sa diary o journal para maibahagi ang iyong saloobin na tanging ang iyong sarili at ang
diary ang nakaka-alam.

5. HEURISTIKO - pagkuha at paghahanap ng impormasyong may kinalaman sa paksang pinag-


aralan.
Halimbawa:
Isang mag-aaral na naghahanap ng impormasyon tungkol sa kanilang pananaliksik sa isang
halamang gamot.

6. IMPORMATIBO - kabaliktaran sa heuristiko; pagbibigay impormasyon sa paraang pasulat at


pasalita.

7. IMAHINATIBO - wikang ginagamit sa pagpapahayag ng imahinasyon sa malikhaing paraan.


Makikilala ito sa pamamagitan ng paggamit ng mga idyoma, tayutay, sagisag at simbolismo.
Gamitin ang tungkuling ito sa mga akdang pampanitikan tulad ng tula, nobela at maikling katha.

          Mga tagapagbalita na nagbibigay impormasyon tungkol sa kalagayan ng ating bansa. Mahalaga


ang wika sa ating lipunan, dahil kung walang wika tayong ginagamit hindi tayo magkakaintindihan at
maipahayag ang ating mga saloobin.

          Mahalaga ang wika sa ating lipunan dahil malalaman mo ang mga saloobin ng bawat tao. Ang wika
ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na bantas
upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Tinatayang nasa pagitan ng 6,000 hanggang 7,000 ang
mga wika sa daigdig, depende sa kung gaano katiyak ang pangahulugan sa "wika", o kung paano ipinag-
iiba ang mga wika at mga diyalekto. Ang siyentipikong pag-aaral ng wika ay tinatawag na lingguwistika.
Nag-ugat ang salitang wika mula sa wikang Malay. Samantalang nagmula naman sa Kastila ang isa pang
katawagan sa wika: ang salitang lengguwahe.

          Tinatawag ding salita ang wika. Katulad ng language - tawag sa wika sa Ingles - nagmula ang
salitang lengguwahe sa salitang lingua ng Latin, na nangangahulugang "dila", sapagkat nagagamit ang
dila sa paglikha ng maraming kombinasyon ng mga tunog, samakatuwid ang "wika" - sa malawak nitong
kahulugan - ay anumang anyo ng pagpaparating ng damdamin o ekspresyon, may tunog man o wala,
ngunit mas kadalasang mayroon.

Tungkulin ng Wika
Ayon naman kay Roman Jakobson, may 6 na tungkulin ang wika:

 Pagpapahayag ng damdamin (Emotive) - Saklaw nito ang pagpapahayag ng mga saloobin,


damdamin at emosyon.
 Panghihikayat (Conative) - Ito ay ang gamit ng wika upang makahimok at makaimpluwensya sa iba
sa pamamagitan ng pag-uutos at pakiusap.
 Pagsisimula ng pakikipag-ugnayan (Phatic) - Ginagamit ang wika upang makipag-ugnayan sa kapwa
at makapagsimula ng usapan.
 Paggamit bilang sanggunian (Referential) - Ipinakikita nito ang gamit ng wikang nagmula sa aklat at
iba pang sangguniang pinagmulan ng kaalaman upang magparating ng mensahe at impormasyon.
 Paggamit ng kuro-kuro (Metalingual) - ginagamit ang wika sa pamamagitan ng pagbibigay ng
komentaryo sa isang kodigo at batas.
 Patalinhaga (poetic) - Saklaw nito ang gamit ng wika sa masining na paraan ng pagpapahayag.

You might also like