You are on page 1of 3

Instrumental

          Ito ay ang tungkulin na tumutugon sa pangangailangan ng tao gaya ng pakikipag-ugnayan sa iba.


Subalit napakarami pang halimbawa ang maaari nating ikategorya sa instrumental na tungkulin.
Ginagamit rin natin ang wika sa tungkuling ito upang tukuyin ang preperensya, kagustuhan at
pagpapasiya ng ating kausap. Sa aktwal na karanasan, ang pakiusap, paguutos sa isang tao at
panghihikayat ay mga halimbawa ng instrumental.

Halimbawa:

1. Nakikiusap ang iyong ina na kuhanin mo ang kanyang pitaka sa loob ng sisidlan sa kwarto.
2. Hiniling mo sa iyong kaklase na kung maaari ay pahiramin ka niya ng lapis.
3. Nakiraan ka sa dalawang nag-uusap sa labas ng inyong silid-aralan 

          Sa kabilang banda, sa pagpapahayag natin ng ating pangungusap, kinakailangan na maging


malinaw ang pagpapahayag natin ng mga kaisipan at mga nadarama.

Halimbawa: Alin sa dalawang pahayag ang naglilinaw ng mensahe ng kagustuhan?

1. Gusto kong angkinin ang iyong mga kamay.


2. Gusto kitang maging girlfriend.

          Sa unang pahayag, hindi naging malinaw ang nais sabihin ng tagapagsalita, hindi gaya ng nasa
ikalawang pahayag kung saan mas malinaw niyang sinabi ang kanyang nararamdaman.

Regulatori
          Ito ang tungkulin ng wikang tumutukoy sa pagkontrol ng ugali o asal ng ibang tao. Saklaw nito ang
pagbibigay ng direksyon gaya ng pagtuturo kung saan matatagpuan ang isang partikular na lugar,
direksyon sa pagsagot sa pagsusulit, at direksyon sa paggawa ng anumang bagay (Marquez, 2017). May
kakayahan ang tungkuling ito na impluwensyahan ang iba batay sa sinasabi nito. Ilang halimbawa na nito
ang iba’t ibang mga traffic signs na makikita sa kalsada. Sa ganitong paraan, nakokontrol ang gawain ng
isang tao bagaman walang nagsasabi sa kanya ng kanyang mga gagawin at pawang mga simbolo
lamang ang kanyang nakikita.

          Isa pang halimbawa ay ang mga patalastas. Ginagamit ng mga kapitalista ang wika sa patalastas
upang makapanghikayat at impluwensyahan ang mga konsyumer na bilhin ang kanilang mga produkto.

Halimbawa:

1. Breeze. May lakas ng sampung kamay


2. Tide. Gulat ka no?
3. Rexona. It won’t let you down.

          Sa aktuwal na halimbawa, maaari ring maikategorya bilang regulatoryong tungkulin ang mga
sumusunod:

o Pagpayag o pagtanggi sa pagsasagawa ng isang gawain sa pamamagitan ng lantaran o


mapanghikayat na pagpagawa o pagpigil ng kilos
o Paghingi at negosasyon ng mga gamit
o Paglahad ng karapatang makapagkontrol ng mga gamit o aktibidad
Anim na Anyo ng Regulatoryo

1. Imperatibo. Ito ang mga utos o pakiusap kasama ang mga pagbabawal at pagbibigay-permiso.
Halimbawa:
       • Kunin mo ang jacket

2. Direktibang Patanong. Ito ay ang pagtanong sa tagapakinig o mambabasa kung kaya niyang
sundin ang utos.
Halimbawa:
       • Pwede bang kunin mo ang payong ko?

3. Direktibang Hindi Hayagan. Ito ay nanghihikayat mapaniwala ang tagapakinig o mambabasa na


kaya o hindi niya kayang gawing ang isang kilos.
Halimbawa:
       • Kayang kayang mo yan

4. Pahayag na Nagpapatunay ng Awtoridad. Ito naman ay paglalahad kung sino ang dapat sundin.
Halimbawa:
       • Ako ang nanay mo. Ako ang dapat sundin mo.

5. Pagkontrol ng mga Gamit. Paglalahad ito kung sino ang nagmamay-ari ng lugar o gamit.
Halimbawa:
       • Akin yang laruan

6. Pahayag ng Pagpapahintulot at Obligasyon. Paglalahad kung maaari o hindi maaaring gawin


ang isang utos.
Halimbawa:
       • Pwedeng pwede mong kunin yan.
       • Bawal inumin iyan

Heuristiko
          Ang tungkuling ito ng wika ay ginagamit sa pagkuha o paghanap ng impormasyong may kinalaman
sa paksang pinag-aaralan. Kabilang dito ang pagtatanong, pakikipagtalo, pagbibigay-depinisyon,
panunuri, sarbey at pananaliksik (Gonzales, 2016).

          Pinakaaktwal na halimbawa nito ay ang pagtatanong. Sa araw araw ng ating buhay ay


napakagamitin ng tungkuling ito sapagkat nagkakaroon tayo ng napakaraming katanungan. Halimbawa
ng mga pahayag na nagpapakita ng heuristikong tungkulin ng wika ang “anong nangyari?” “para saan?
“Sabihin mo sa akin kung bakit?” at marami pang mga katanungan.

Impormatibo
          Kung ang heuristiko ay naghahanap ng impormasyon, ang impormatibong gamit ng wika naman ay
nagbibigay ng impormasyon. Magkabaligtad ang dalawa.

          Ipinahayag ni Marquez (2017) na ang impormatibong gamit ng wika ay may kinalaman sa


pagbibigay ng mga impormasyon sa paraang pasalita o pasulat man. Kanya ring ipinahayag ang ulat,
pamanahong papel, tesis, disertasyon, panayam at pagtuturo sa klase bilang mga aktwal na halimbawa
nito.

You might also like