You are on page 1of 8

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 5

TAONG PANURUAN 2022-2023

Pangalan:_____________________________ Seksyon:_________________
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa iyong sagutang papel.

1. Bakit inilipat ang mga Pilipino sa sentro o tinatawag na pueblo?


a. Upang pagsilbihan ang mga prayle sa anumang oras
b. Upang mas makita nila nang malapitan ang kampana
c. Upang mas madali silang mabinyagan at mapamahalaan
d. Upang maging mga alipin na magtitinda ng sampaguita sa simbahan

2. Sa pagpapalipat sa mga Pilipino, mayroon sa mga ito ang hindi lumipat sa pueblo at umakyat sa mga
kabundukan. Alin sa mga sumusunod ang naging tugon ng mga Pilipino sa sitwasyong nabanggit?
a. Pagtanggap c. Paglaban
b. Kompromiso d. Pagtakas

3. Isa sa mga naging misyon ng mga Espanyol ay gawing Kristiyano ang mga Pilipino. Bagaman
naging Kristiyano ang mga Pilipino, may ilan sa mga ito ang nagkaroon ng sariling interpretasyon at
sinamahan din ng sinaunang paniniwala. Alin sa mga sumusunod ang naging tugon ng mga Pilipino
sa sitwasyong nabanggit?
a. Pagtanggap c. Paglaban
b. Kompromiso d. Pagtakas

4. Sa pamamagitan ng sistemang reduccion ay tuluyan nang nailipat ang mga Pilipino sa mga pueblo at
kasunod ng kanilang paglipat ay ang pagbabago rin ng kanilang kalendaryo. Kung noon ang
kalendaryo nila ay umiikot sa panahon ng pagtatanim at pag-aani, napalitan ito ng panahon ng
cuaresma, kapaskuhan, at iba pang okasyong panrelihiyon. Alin sa mga sumusunod ang naging tugon
ng mga Pilipino sa sitwasyong nabanggit?
a. Pagtanggap c. Paglaban
b. Kompromiso d. Pagtakas

5. Magkakaiba ang naging reaksyon o tugon ng mga Pilipino sa iba’t ibang mga patakaran ng mga
Espanyol at ilan sa mga ito ay ang pagsunog ng mga Pilipino sa mga kabahayan sa pueblo at
pagpatay sa mga alagang hayop hindi lamang ng mga Espanyol kundi maging ng mga kapwa nila
Pilipino na nagpasakop sa Espanyol. Alin sa mga sumusunod ang naging tugon ng mga Pilipino sa
sitwasyong nabanggit?
a. Pagtanggap c. Paglaban
b. Kompromiso d. Pagtakas

6. Isa sa mga naging reaksyon ng mga Pilipino noon sa mga patakaran ng mga Espanyol ay ang pag-
akyat sa kabundukan, masasabi mo ba na ito ay isang matalinong paraan ng pagtugon?
a. Hindi, sapagkat dapat ay nakipaglaban sila nang dahas
b. Hindi, sapagkat ito ay simbolo ng pagiging duwag
c. Oo, sapagkat sa pamamagitan nito ay maipagpapatuloy nila ang kanilang mga gawain nang
walang hahadlang
d. Oo, sapagkat ang pag-akyat sa bundok ay ang nag-iisang paraan para makamit ang buhay na
walang hanggan
7. Bukod sa pag-akyat sa kabundukan ay mayroon ding mga Pilipino na lumaban nang direkta sa mga
Espanyol sa pamamagitan ng dahas. Masasabi mo bang ito ay makatwiran?
a. Hindi, sapagkat hindi tama na labanan ang mga dayuhan
b. Hindi, dapat ay tinanggap na lamang nila ang mga patakaran
c. Oo, sapagkat ang dahas ang natatanging paraan para labanan ang mga mananakop
d. Oo, sapagkat walang tama at maling paraan sa pakikipaglaban sa mga mapang-abusong
mananakop

8. Isa sa unang misyon ng mga Espanyol sa Pilipinas ay palaganapin ang Kristiyanismo sa bansa.
Nagtagumpay man sila sa pagpapalaganap ng relihiyon ay hindi naman ito labis na naunawaan ng
mga Pilipino sa simula dahil na rin sa pagkakaiba ng wika, kaya ang mga Pilipino ay nagkaroon ng
sariling interpretasyon. Ano ang reaksyon mo rito?
a. Ito ay pagpapakita ng hindi pagkakaunawaan
b. Mali ang ginawa ng mga Espanyol na paraan ng konbersiyon
c. Mali ang ginawa ng mga Pilipino. Dapat ay nag-aral sila ng wikang Espanyol
d. Ito ay pagkakakita na sa kabila ng pagkakaiba sa wika, ang pananampalataya ang
magbubuklod sa mga Kristiyano

9. Dapat ba nating sisihin ang mga Pilipino na tinanggap ang mga patakaran ng mga mananakop?
a. Hindi, sapagkat ang mga Pilipino na tumanggap sa mga patakaran ng mga Espanyol ay hindi
na dapat pang sisihin sapagkat sila ay biktima rin ng mapang-abusong mananakop.
b. Hindi, sapagkat ang mga tumanggap sa mga patakaran ng Espanyol ay hindi dapat sisihin
kundi sambahin
c. Oo, sapagkat walang kapatawaran ang kanilang ginawa
d. Oo, sapagkat hindi sana magtatagal ang mga Espanyol sa Pilipinas kung hindi sila
nagpasakop

10. Nagkaroon ng iba’t ibang reaksyon ang mga Pilipino sa mga patakaran ng Espanyol – pagtanggap,
paglaban, pagkompromiso, at pagtakas. Alin sa mga ito ang sa iyong palagay ang pinakamagandang
naging tugon ng mga Pilipino?
a. Paglaban sa mga Espanyol upang dumanak ang dugo
b. Pagtakas at pag-akyat sa kabundukan upang wala nang makita ang mga Espanyol
c. Pagtanggap sa lahat ng patakaran ng mga Espanyol upang maging probinsya ng Espanya
d. Wala sa mga nabanggit sapagkat ang lahat ng reaksyon o tugon ng mga Pilipino sa mga
patakaran ng Espanyol ay naging mahalaga sa pagbuo ng ating kasaysayan at pagka-Pilipino

11. Paano nagbago ang kabahayan ng mga Pilipino dahil sa impluwensya ng mga Espanyol?
a. Noong una ay walang dibisyon ang bahay ng mga Pilipino, ngunit nang dumating ang mga
Espanyol ay nahati ito sa iba’t ibang bahagi
b. Noong una ay mataas ang bahay ng mga Pilipino ngunit nang dumating ang mga Espanyol ay
puro sa ilalim na ng lupa itinayo ang bahay ng mga Pilipino
c. Noong una ay gawa sa bakal ang mga bahay ng mga Pilipino, naging gawa ito sa ginto nang
dumating ang mga Espanyol
d. Noong una ay puro nakaharap sa Hilaga ang pinto, nang dumating ang mga Espanyol ay sa
Silangan na lahat nakaharap ang pinto

12. Alin sa mga sumusunod ang HINDI dahilan ng pagbabago ng estruktura ng mga kabahayan ng mga
Pilipino?
a. Mainit na klima
b. Malimit na paglindol at pagbagyo
c. Paboritong kulay ng may ari ng bahay
d. Materyales na likas na matatagpuan sa Pilipinas
13. Paano ginagamit ng mga Pilipino noong panahon ng Espanyol ang unang palapag ng bahay-na-bato?
a. Ginagamit bilang lagayan ng mga gamit sa paglalaba at pananahi
b. Ginagamit bilang lagayan ng mga gamit sa pangangabayo at sirkus
c. Ginagamit bilang lagayan ng mga gamit sa pagsasaka at imbakan ng bigas
d. Ginagamit bilang lagayan ng mga gamit ng mga namatay na miyembro ng pamilya

14. Bakit kadalasang nakahiwalay ang kusina sa mga bahay-na-bato na ipintayo ng mga Espanyol?
a. Para hindi mainit
b. Para hindi agad mapanis ang mga lutuin
c. Para hindi madamay ang buong bahay kapag nagkasunog
d. Para hindi maamoy ng bisita ang nilulutong mga masasarap na pagkain

15. Sa kasalukuyang panahon, sa anong lungsod sa Pilipinas makikita pa rin ang mga lumang bahay na
bato na itinayo ng mga Espanyol na itinanghal rin bilang isa sa new7onders Cities of the World?
a. Lungsod ng Lucena sa Quezon
b. Lungsod ng Vigan sa Ilocos Sur
c. Lungsod ng Dasmarinas sa Cavite
d. Lungsod ng San Fernando sa Pampanga

16. Noong hindi pa dumarating ang mga Espanyol sa Pilipinas ay mga Datu o Rajah ang namumuno sa
mga Pilipino, ngunit nang dumating ang mga Espanyol ay nawala na ang mga Datu at Rajah. Sino
ang pumalit na may pinakamataas na katayuan sa lipunan?
a. Mga Amerikano c. Mga Arabo
b. Mga Hapon d. Mga Espanyol

17. Paano nagkaroon ng pagbabago sa katayuan ng kababihan noong panahon ng Espanyol?


a. Babae ang pinunong panrelihiyon ng mga sinaunang Pilipino sa katauhan ng mga babaylan at
naging lalaki noong panahon ng mga Espanyol sa katauhan ng mga prayle.
b. Babae ang mandirigma noon at lalaki ang mga sundalo ng Espanyol
c. Ang babae noon ay dapat hindi tumitigil sa bahay – dapat ay nag-aaral o nagtatrabaho
d. Lalaki noon ang namumuno naging puro babae noong panahon ng Espanyol

18. Magbigay ng mga posisyon sa ating bansa na kasalukuyang babae ang nasa pwesto o may babaeng
miyembro na nagpapakita ng panunumbalik ng kapangyarihan ng babae sa lipunang Pilipino.
a. Senator, Senate President, President c. Senator and Vice President
b. Senator, Vice President, President d. Senator, President, Chief Justice

19. Sa kasalukuyang panahon sa Pilipinas, masasabi mo bang may pantay na karapatan ang babae at
lalaki?
a. Oo dahil lahat ng karapatan na natatamasa ng lalaking Pilipino ay natatamasa rin ng mga
Filipina, ngunit may mga pagkakataon pa ring kinakailangan ng proteksyon ispesipikong
kasarian upang labanan ang mga nalalabing diskriminasyon.
b. Hindi dahil nangingibabaw pa rin ang karapatan ng mga lalaki
c. Hindi dahil malaki na ang lamang ng mga kababaihan sa mga kalalakihan
d. Oo dahil iyon ang sabi ng tatay ko

20. Bakit tunog Espanyol ang karamihan ng mga apelyido ng mga Pilipino?
a. Karamihan ng mga Filipina noon ay nag-asawa ng Espanyol
b. Dahil sa kautusan ni Gobernador-Heneral Narciso Claveria Bautista na bigyan ng apelyidong
Espanyol ang mga Pilipino
c. Natuwa ang mga Pilipino sa mga apelyidong tunog Espanyol kaya ginamit ito
d. Wala sa nabanggit
21. Bakit sa loob ng mahigit 300 taon ay hindi tayo natuto magsalita o gumamit ng wikang Espanyol?
a. Dahil hindi nila ito itinuro sa atin nang libre gaya ng ginawa ng mga Amerikano sa wikang
Ingles
b. Maiksi ang dila ng mga Pilipino para sa wikang Espanyol
c. Hirap tayong matutunan ang wikang Espanyol
d. Tinuruan ngunit nakalimutan lamang

22. Alin sa mga sumusunod ang naging pagbabago sa larangan ng sining noong panahon ng Espanyol?
a. Mula sa paglililok ng mga anito ay mga birhen, santo, at retablo na ang inuukit
b. Mula sa pagkain ng mais ay kumain na ng bigas ang mga Pilipino
c. Mula sa pag-inom ng lambanog naging serbesa
d. Mula sa kantang bisaya naging Intsik

Panuto sa bilang 23-28: Piliin mula sa kahon ang ipinakikita sa mga sitwasyon sa bawat bilang.

a. Impluwensya ng Espanyol sa Panahanan o Kabahayan


b. Impluwensya ng Espanyol sa Pagkain at Inumin
c. Impluwensya ng Espanyol sa Pagdiriwang
d. Impluwensya ng Espanyol sa Kasuotan
e. Impluwensya ng Espanyol sa Musika at Sayaw

23. Si Xerge ay isang aktibong mag-aaral ng Langkaan Elementary School at hilig niya ang pagsasayaw.
Kamakailan lamang ay sumali siya sa isang patimpalak kung saan ay nagtangghal ang kanilang
grupo ng sayaw na cariñosa.

24. Sina Alexis ay mula sa mayamang pamilya. Malaki ang kanilang bahay at mayroon itong
pangalawang palapag. Nasa unang palapag ay garahe ng sasakyan at nasa pangalawang palapag
naman ang silid-tanggapan para sa bisita at naroon din ang azotea.

25. Si Zachary John ay palaging hinihintay ang buwan ng Agosto sapagkat paborito niya ang Buwan ng
Wika kung kailan maisusuot niya ang kaniyang barong.

26. Noong ika-25 ng Enero ay ipinagdiwang ang kapistahan ni San Pablo dito sa ating barangay.
Nagpunta kami sa bahay nina Jehiel at doon ay pinakain kami ng masasarap na putahe katulad ng
menudo, mechado, caldereta, at hindi nawala ang napakasarap na leche flan.

27. Kilala ang Pilipinas sa pagkakaroon ng pinakamahabang selebrasyon ng pasko. Buwan pa lamang ng
Setyembre ay makikita mo na ang mga Chritmas tree at Christmas lights sa mga bahay. Sabik rin ang
mga batang katulad ng grupo nina Lea Mae, Loraine, Princess, Yerin, Andrew, at Nigel sa pagsapit
ng buwan ng Disyembre dahil hilig nila ang mangaroling.

28. Ilang linggo lamang ang nakalilipas ay inalala ang semana santa o cuaresma na nagpapaalala sa
naging tahak ng buhay ni Hesukristo. Si Martine ay naging bahagi ng pasyon o pabasa sa kanilang
lugar.
29. Si Joseph ay mahilig sa inuming kape. Samantala, ang kapatid naman niyang si Philbert ay sa
inuming tsokolate.

30. Dapat ba na ang mamahala sa Pilipinas ay isang magaling na dayuhan upang umunald ang bansa?
a. Oo, dahil matikas ang kanilang katawan
b. Oo, sapagkat magaling mamuno ang mga dayuhan
c. Hindi, dahil maaari tayong abusuhin at mas tama na Pilipino upang alam niya ang
pangangailangan
d. Hindi, dahil ang mga dayuhan ay walang sapat na kakayanan na amunuan ang mga Pilipino,
mahihina silang lahat. Walang makakatalo sa mga Pilipino

31. Dapat bang taglay ng mga opisyal ang lahat ng sangay at ang kapangyarihan upang madaling
maisakatuparan ang mga batas?
a. Oo, para mabilis ang hustiya
b. Hindi, dapat isa o dalawa lang
c. Oo, para wala nang maraming tanong
d. Hindi, upang mabalanse ang kapangyarihan lalo na sa pagkamit ng hustisya

32. Dapat bang may limitasyon ang panunungkulan ng mga opisyal ng pamahalaan?
a. Oo para mapalitan agad
b. Hindi, mas maganda kung walang limitasyon hanggang sa opisyal na ang sumuko
c. Oo para kung hindi na maganda ang kaniyang serbisyo sa publiko ay hindi na siya
mapagbigyan pang manungkulan
d. Hindi, mas makakabuti kung isang opisyal ang mamumuno hanggang hindi siya namamatay

33. Bakit hindi nagtagumpay ang mga Espanyol na binyagan sa Kristiyanismo ang mga Igorot?
a. Nagkaroon ng kakulangan sa mga misyonero
b. Nahirapan silang tunguhin ang bulubundukin ng Cordillera
c. Naging mahirap para sa mga sundalong Espanyol na lupigin ang mga Igorot dahil sa pasikot-
sikot ng daan
d. Lahat ng nabanggit

34. Bakit hindi tuluyang nasakop ng mga Espanyol ang Mindanao?


a. Nagkaroon ng mga Digmaang Moro
b. Maraming mabangis na hayop sa Mindanao
c. Maraming patibong ang ginawa ng mga tao sa Mindanao
d. Natakot ang mga Espanyol nang malaman na may mga cobra sa Mindanao

35. Paano nakaapekto ang pwersahang pagsakop ng mga Espanyol sa naging reaksyon ng mga Pilipino?
a. Nagkaroon ng pagkakaisa ang mga magkakahiwalay na kaharian upang labanan ang mga
dayuhang mananakop
b. Hindi nakapagplano ng maayos ang mga Pilipino at Amerikano
c. Tumulong sa mga Pilipino ang mga Hapon
d. Mabilis na napagod ang mga Espanyol

36. Bakit sinasabing hindi ganoong katindi ang epekto ng pagpapalaganap ng kulturang Espanyol sa
Pilipinas kumpara sa ibang mga naging kolonya ng Espanya?
a. Hindi tinanggap ng mga Pilipino ang kulturang Espanyol mas pinili ang kulturang koreano
b. Dahil sa kalayuan ng Pilipinas sa Espanya
c. Dahil hindi gusto ng mga Espanyol na impluwesiyahan tayo
d. Wala sa nabanggit
37. Bakit mahalagang malaman na may mga katutubong pangkat na hindi napasailalim sa kapangyarihan
ng mga Espanyol?
a. Upang sila ay mabigyang halaga at maging inspirasyon ang kanilang tapang na ipinakita at
pagmamahal sa sariling kultura
b. Upang matutong makipag-away ang mga Pilipino
c. Upang may mapag-usapan
d. Wala sa nabanggit

38. Maipagmamalaki mo ba ang tagumpay na ito ng ating mga kababayang Igorot at Muslim?
a. Oo, dahil malaki sila
b. Hindi, dahil hindi sila tunay na Pilipino
c. Hindi, dahil wala namang kahanga-hanga sa ginawa nila
d. Oo, walang katulad ang kanlang ipinakitang tapang at pagmamahal sa bansa

39. Bakit ganon na lamang ang pagtatanggol ng mga Muslim sa kanilang pagkakakilanlan at relihiyon?
a. Mayroon silang kasunduan sa Tsina na hindi nila maaaring kausapin ang mga Espanyol
b. Sa ibang lahi nila gusto magpasakop at hindi sa mga Espanyol
c. Ayaw nilang mabuko ang kanilang sikreto na mayroon silang mga mata sa dibdib
d. Dahil alam nilang hindi matutupad ang mga pangako ng Espanyol gaya sa ibang lugar at
gayundin ang pagpapahalaga nila sa relihiyong Islam. Isang kataksilan para sa mga kapatid
nating Muslim ang kilalanin ang bagong relihiyong ipinakilala ng mga Espanyol

40. Bakit nabigo ang mga Espanyol na sakupin ang ilang bahagi ng Pilipinas?
a. Dahil mahirap puntahan
b. Dahil sa mga rumaragasang ilog
c. Dahil sa mga mababangis na hayop
d. Dahil may mga Pilipinong nakipaglaban at piniling yakapin ang sariling kultura
TALAAN NG ISPESIPIKASYON
IKATLONG PANAHUNANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 5

Mga Kasanayan sa Pagkatuto Bilang


ng
Bahagdan Bilang
ng
Item Placement Under Each Cognitive Domains
Remembering Understanding Applying Analyzing Evaluating Creating
Araw Aytem
Naipaliliwanag ang mga paraan ng 5 12.5 5 1 2,3,4,5
pagtugon ng mga %
Pilipino sa kolonyalismong Espanyol
(Hal. Pag-aalsa,
pagtanggap sa kapangyarihang kolonyal/
kooperasyon)
Napahahalagahan ang pagtatanggol ng 5 12.5 5 6,7,8,
mga Pilipino laban sa kolonyalismong % 9,10
Espanyol
Natatalakay ang impluwensya ng mga 19 47.5 20 13, 16 14, 20, 21 15, 18 11, 12, 17, 19
22, 23, 24,
Espanyol sa kultura ng mga Pilipino % 25, 26, 27,
28, 29
Nasusuri ang kaugnayan ng 5 12.5 5 33, 34 30, 31,
pakikipaglaban ng mga Pilipino sa pag- % 32
usbong ng nasyonalismong Pilipino
Napahahalagahan ang mga katutubong 6 15% 6 35, 36, 38
Pilipinong lumaban upang mapanatili ang 37, 39,
kanilang kasarinlan 40
KABUOAN 40 100 40 2 4 2 22 10 0

Prepared by:

KERIS P. FILIPINO
Guro sa Araling Panlipunan 5
SUSI SA PAGWAWASTO

1. C
2. D
3. B
4. A
5. C
6. C
7. D
8. D
9. A
10. D
11. A
12. C
13. C
14. C
15. B
16. D
17. A
18. C
19. A
20. B
21. A
22. A
23. E
24. A
25. D
26. B
27. C
28. C
29. B
30. C
31. D
32. C
33. D
34. A
35. A
36. B
37. A
38. D
39. D
40. D

You might also like