You are on page 1of 4

Internasyonal

Mga patay na ibon, ginawang drones para pag-


aralan ang migratory birds
 Abril 14, 2023 6:17pm GMT+08:00
 SINULAT NI: JAMIL SANTOS,GMA Integrated News
Tila nagkaroon ng “ikalawang buhay” ang mga patay nang ibon matapos silang gawing
drones para gamitin sa pag-aaral ng migratory birds sa New Mexico, USA.
 
Sa ulat ng GMA News Feed, sinabing pinangunahan ni Dr. Mostafa Hassanalian ang
pagbuo ng drones gamit ang taxidermy birds o mga napreserbang patay na ibon.
 
Ayon sa kaniya, ginamit nila noong una ang artificial materials sa paggawa ng drones na
may gumagalaw na pakpak. Gayunman, hindi nila nagaya ang pagaspas ng pakpak ng
tunay na ibon.
 
“We came with this idea that we can use and re-engineer birds and dead birds, and make
them as a drone. And the only thing that we need to provide them to make them alive, is
to basically design an attrition mechanism to put in their body, and everything is there. So
they have their tail, they have their wings, they have their head, the body, everything is
there. So we do reverse engineering,” sabi ni Hassanalian.
 
Inaasahang makatutulong ang pag-aaral ng behavior ng migratory birds sa pagbuo ng
mga makabagong teknolohiya sa aviation industry.
 
Hindi naman maiwasan ng ilang privacy advocates na mangamba sa posibilidad na
magamit ang teknolohiya sa pag-eespiya at iba pang uri ng illegal surveillance.
 
Kinikilala ng mga researchers ang mga kritisismo, ngunit iginiit na hindi ito ang pakay ng
kanilang pag-aaral.
 
“We cannot deny, I mean, this is a new research that we have introduced to the research
communities. We cannot deny the application of this to other types of military
applications. But what we have in focus is mainly civil application and specifically to
understand the wildlife or monitor the birds,” sabi ni Hassanalian. —VBL, GMA
Integrated News
Tags: drones, birds

Nasyonal
72 katao, nalunod sa iba't ibang lugar sa
bansa nitong Holy Week —PNP
 Abril 10, 2023 5:34pm GMT+08:00

Inihayag ng Philippine National Police (PNP) na umabot sa 72 katao ang naitala nilang
nasawi sa mga insidente ng pagkalunod sa iba't ibang lugar nitong nagdaang Holy Week.
Apat naman ang nasawi dahil sa aksidente sa kalsada.

Sa televised public briefing nitong Lunes, sinabi ni PNP spokesperson Police Colonel
Jean Fajardo, na ang naturang bilang ng mga nasawi sa pagkalunod ay hanggang nitong 6
p.m. ng Easter Sunday.

Karamihan sa insidente ng pagkalunod ay nangyari sa Calabarzon (19 ang biktima),


Ilocos (14), at Central Luzon (10).

Sa 72 na nasawi, 23 ang nasa edad tatlo hanggang 17. Tatlo naman ang senior citizens,
ayon kay Fajardo.

Sa isang pahayag, pinayuhan ni PNP chief Police General Rodolfo Azurin Jr. ang publiko
na laging babantayan ang kanilang mga anak sa family outing.

Local

Police staff sergeant,


kinaantigan nang
mamahagi ng pagkain para
sa ilang bata sa Dapitan
City
Maraming netizens ang natuwa sa litratong ibinahagi ng isang Facebook user na si
AdventuRenzz matapos maispatan ang isang police staff sergeant na bumili ng pagkain
para sa mga batang nakaupo sa isang kilalang “landing site” sa Dapitan City. 

Paliwanag ng uploader, akala niyang pinagalitan ng pulis ang mga batang nakatambay,
pero kinausap pala nito ang mga bata at pinayuhan na magsikap at mag-aral nang
mabuti para maabot nila ang kanilang pangarap sa buhay. Binilhan din ng pulis  ang
mga bata ng pagkain.

Dumaan ako sa boulevard dito sa Dapitan o mas kilalang landing site sa lugar. Akala ko
may kasalanan yung mga bata kaya parang  pinagalitan sila ni sir, pero hindi pala.
Kinausap pala ni sir yung mga bata na magsumikap at mag-aral nang mabuti para sa
kanilang pangarap, at pinayuhan din nito na huwag na madalas magtambay doon,”
paliwanag ng uploader sa lingwaheng Bisaya. 

Dagdag pa niya, hindi na niya narinig pa ang ibang sinabi ng police staff sergeant pero
nararamdaman niyang mabuting pulis ito sa lugar. 

Aniya, “Although, hindi ko masyadong napakinggan ang ilang sinabi mo sir, pero
nararamdaman ko po na mabuti kayong tao. Sana pagpalain pa po kayo.”

Ilang mga nakakilala rin sa pulis ang nagsabing kahit noong nasa kolehiyo pa ito mabait
at namimigay na raw talaga ito. Ang police officer ay kinilalang si Police Staff Sergeant
Marvel Laurie na naka-assign sa Dapitan City Police Station. 
Showbis

Alden kasama ang pamilya


sa bakasyon sa Dakak
Ni Nora Calderon

PAALIS ngayong umaga si Alden Richards kasama ang kanyang pamilya papuntang
Dakak Park & Beach Resort sa Dapitan City, Zamboanga del Norte.

First time na makakasama ni Alden sa beach ang kanyang pamilya para mag-bonding.
Noon pumunta rin kasi sa isang beach sa Batangas ang pamilya niya during Holy
Week, hindi siya nakasama dahil may show siya sa Canada.

Kaya ini-schedule ni Alden habang maaga pa ang bakasyon nila na magkakasama this
year at nagpaalam siya sa GMA para hindi siya bigyan ng trabaho ngayong Holy Week.

Gusto niyang bumawi dahil sa busy schedule raw niya, madalas na paggising niya ay
tulog pa ang daddy at mga kapatid niya, at pag-uwi naman niya sa gabi ay tulog na rin
sila.

“Pero susundin pa po rin namin ang nakaugalian na namin tuwing Holy Week na itinuro
sa amin ng lola ko noong mga bata pa kami,” sabi ni Alden. “Kaya sa Good Friday,
nakabalik na kami para sama-sama kaming makinig sa Seven Last Word. Then kapag
Easter Sunday, sama-sama kaming nagsisimba. Nami-miss ko po talaga ‘yon.”

Bago umalis para sa bakasyon ng pamilya, nag-taping pa si Alden ng isang episode ng


Magpakailanman na ipapalabas after the Holy Week.

Ayon kay Alden ay magiging busy na uli siya next month. Sa April 5, aalis na siya para
sa second leg ng “Sikat Ka Kapuso” concert sa New Jersey on April 7 at sa Toronto,
Canada sa April 8. First time niyang makakasama sina Jennylyn Mercado, Dennis Trillo,
Lovi Poe, Betong Sumaya, at Dingdong Dantes. Pagbalik ni Alden mula abroad,
magsisimula na siyang mag-taping ng bago niyang fantaserye sa GMA-7.

You might also like