You are on page 1of 20

See discussions, stats, and author profiles for this publication at: https://www.researchgate.

net/publication/247905009

Ang mga Teorya ng Relatividad ni Albert Einstein: Isang Pagsusuri sa Kahandaan


ng Wikang Filipino sa Pagtalakay sa mga Paksa ng Makabagong Agham

Article  in  Malay · May 2009


DOI: 10.3860/malay.v21i2.1004

CITATION READS

1 42,252

1 author:

Feorillo Petronilo Demeterio


De La Salle University
59 PUBLICATIONS   104 CITATIONS   

SEE PROFILE

Some of the authors of this publication are also working on these related projects:

Communication and Social Reproduction Behind Family Owned Retail and Service Businesses in Batangas Province View project

Cataloging and Baselining the Filipino-Spanish Churches of the Diocese of Maasin on the Island of Leyte View project

All content following this page was uploaded by Feorillo Petronilo Demeterio on 18 March 2015.

The user has requested enhancement of the downloaded file.


MALAY 21.2 (2009): 71-89

Ang mga Teorya ng Relatividad ni Albert Einstein:


Isang Pagsusuri sa Kahandaan ng Wikang Filipino
sa Pagtalakay sa mga Paksa ng Makabagong
Agham
Feorillo P.A. Demeterio, PhD
Departamento ng Filipino, Pamantasang De la Salle-Maynila
demeteriof@dlsu.edu.ph

Layunin ng papel na ito na muling suriin ang kontrobersya tungkol sa kahandaan ng wikang
Filipino na tumalakay sa mga paksa ng agham sa pamamagitan ng pagsusulat ng papel na
nakatuon sa isa sa mga pinakamasalimuot na mga paksa ng makabagong pisika - ang mga
teorya ng relatividad ni Albert Einstein. Nahahati sa tatlong ahagi ang papel ng ito: ang espesyal
na teorya ng relatividad, ang panglahatang teorya ng relatividad,at ang mga pagtingin ng may
akda kung bakit hindi pa rin malawakan ang paggamit ng wikang Filipino sa domeyn ng agham.

Mga susing salita: Albert Einstein, Espesyal na Teorya ng Relatividad, Pangkalahatang Teorya
ng Relatividad, wikang Filipino, pagpaplanong pangwika, agham

This paper aims to reexamine the controversy about the preparedness of the Filipino
language to discuss Science subjects by attempting explain in Filipino the most complex
topics in modern physics – Albert Einstein’s theories of relativity. This paper is divided
into three parts: the special theory of relativity, the general theory of relativity, and the
concepts of the author on why is it that Filipino language is still not the accepted language
in the domain of Science.

Keywords: Albert Einstein, Special Theory of Relativity, General Theory of Relativity,


Filipino language, language planning, science

© 2009 Pamantasang De La Salle, Filipinas


72 MALAY TOMO XXI BLG. 2

Pinag-uusapan ng mga Pilipinong intelektuwal Sa mga larangan ng agrikultura at pag-aalaga


sa loob at labas ng akademya ang kakayahan ng ng hayop, medisina, at sa mga panimulang pag-
wikang Filipino na gumanap bilang midyum ng aaral ng agham sa kolehiyo, naipakita na ng mga
pagtuturo sa agham. May ilang nagsasabi na hindi dalubhasang ito ang kahandaan at pagiging
pa sapat ang antas ng intelektuwalisasyon ng epektibo ng wikang Filipino bilang midyum ng
wikang ito, na kapag ito ay tumahak sa domeyn pagtuturo sa agham.
ng agham, baka pagk alit o lang at hindi Nilalayon ng papel na ito na palawakin at
pagkakaunawaan ang maidudulot nito. Si Bonifacio palalimin pa ang kasalukuyang kakayahan at
Sibayan (2008), halimbawa, na isa sa mga kilalang kahandaan ng wika sa pamamagitan ng pagtahak
linggwista sa Pilipinas, ay naniniwalang kahit sapat sa isa sa mga pinakamasalimuot na paksa sa
na ang antas ng intelektuwalisasyon ng wikang makabago at post-Newtonian na pisika: ang mga
Filipino sa domeyn ng literatura, hindi pa ito handa teorya ng relatividad ni Albert Einstein. Nilalayon
sa do meyn ng agham (Sibayan, ht t p: // din ng papel na ito na magbigay ng isang personal
www.ncca.gov.ph/about-culture-and-arts/articles- na pagtingin matapos maranasan ang pagbubuo ng
on-c-n-a/article.php?igm=3&i=210). Ang isang panayam tungkol sa napiling paksang pang-
kaisipan ni Sibayan ay sumasang-ayon naman sa agham, at iuugnay ang pagtinging ito sa mas
kaisipan ng maraming Pilipino na naniniwalang malawak na usaping pagpaplanong pangwika sa
maaari lamang gamitin ang Filipino sa mga domeyn akademya.
ng humanidades at agham panlipunan, habang
Ingles pa rin ang nararapat para sa mga domeyn
ng agham, matematika at teknolohiya. Katunayan SI ALBERT EINSTEIN
nito, ang daykotomiya ng wikang Filipino at Ingles
ay sinasalamin sa akademya kung saan mas ginagamit Malaki ang maitutulong ng saglit na pagtanaw
ang wikang Filipino sa mga domeyn ng humanidades sa buhay ni Albert Einstein upang maunawaan natin
at agham panlipunan, at bihirang-bihira naman sa mga ang kanyang kaisipan (White at Gribbin, 1994)1.
domeyn ng agham, matematika at teknolohiya. Ang pinakamahahalagang ambag ni Einstein sa
May ilan namang nagsasabi na ang paggamit sa makabagong pisika ay ang kanyang pag-aaral sa
wikang Filipino ang siyang susi sa pagpapaangat Brownian motion na siyang nagbibigay ng pisikal
ng ating pambansang kasayanang pang-agham na at matematikal na pruweba sa teorya ng atomismo,
siya namang susi sa pagsusulong ng ating pang- ang kanyang pag-aaral sa epektong photoelectric
ekonomiya at panlipunang kaunlaran. May iilan nang na siyang nagpaibayo sa teoryang quantum at
Pilipinong dalubhasa sa agham ang nagpapatunay na nagbigay ng pundasyon sa teknolohiya ng solar
mas epektibo ang pagtuturo ng agham sa kabataang cells, ang kanyang espesyal na teorya ng
Pilipino gamit ang wikang Filipino. Noong Hulyo relatividad, ang kanyang panglahatang teorya ng
17-18, 2008, halimbawa, sa Pambansang Seminar relatividad, at ang kanyang pananaliksik tungkol
ng SANGFIL (Sanggunian sa Filipino) na ginanap sa unified field theory.
sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman, ibinahagi nina Kahit na ginawaran si Einstein ng Premyong
Dr. Severino Capitan, isang beterinaryo sa UP- Nobel sa Pisika dahil sa kanyang nagawa tungkol
Los Banos, Dr. Isidro Sia, isang manggagamot sa sa epektong photoelectric, mas kilala si Einstein
UP-Manila, Dr. Lilian de las Llagas, isang dahil sa kanyang dalawang teorya ng relatividad. Sa
manggagamot sa UP-Manila, at Dr. Florentino katunayan sa larangan ng kulturang popular, mahirap
Sumera, chemist sa UP-Diliman, ang kani-kanilang paghiwalayin ang pangalang “Einstein” at ang salitang
mga positibong karanasan sa paggamit ng wikang “relatividad” o di kaya ay ang pormulang E = mc2.
Filipino hindi lamang sa pagtuturo ng agham, kundi Sisikapin ng papel na ito na ipaliwanag sa mga
pati na rin sa pagsusulat at paglalathala ng kani- Pilipinong mag-aaral kung ano nga ba talaga ang
kanilang mga pananaliksik. nilalaman ng dalawang teoryang ito.
ANG MGA TEORYA NG RELATIVIDAD NI ALBERT EINSTEIN FEORILLO P.A. DEMETERIO 73

ANG ESPESYAL NA TEORYA ang karagatan. Para sa mga manlalaro, pareho


NG RELATIVIDAD ang galaw ng bola na sakay sa biyaheng 20 knots
ang bilis, sa bolang sakay sa byaheng 25 knots
Bago natin talakayin ang espesyal na teorya ng ang bilis, o kahit sa bolang sakay sa nakatigil na
relatividad ni Einstein, dapat nating malaman na sa barko, o sa bolang nilalaro sa lupa.
kasaysayan ng pisika, may tatlong magkakaibang Ang implikasyon ng ganitong larong kathang isip
teorya ng relatividad. Ang mga ito ay: 1) Ang ay ang kaalaman na walang eksperimentong
teorya ng relatividad nina Galileo at Newton; 2) maaaring gawin dito sa mundo na magpapatunay
ang espesyal na teorya ng relatividad ni Einstein; na ang mundo ay gumagalaw. Ang prinsipyo ng
at 3) ang panglahatang teorya ng relatividad ni relatividad nina Galileo at Newton ay sinabi ni
Einstein na nabuo makalipas ang sampung taong Newton na “pare-pareho ang galaw ng mga bagay
pag-aaral sa kanyang espesyal na relatividad. sa loob ng isang espasyo kahit ang espasyong ito
ay nakatigil o gumagalaw na may unipormeng bilis
Ang Teorya ng Relatividad nina Galileo pasulong sa isang tuwid na linya.”
at Newton
Ang Espasyo ayon kay Newton
Masusing pinag-aralan nina Galileo Galilei at
Isaac Newton ang galaw ng isang bagay gamit ang Hindi nakuntento sa relatividad ng isang galaw
punto de bista ng obserbasyon mula sa mundo. si Newton. Nais niyang makahanap ng isang
Batid nilang hindi absoluto ang punto de bistang nakatigil na punto de bista na siyang ituturing na
ito dahil ang mundo mismo ay may ilang klaseng absoluto sa anumang galaw. Sa kalaunan, ang
galaw sa punto de bista ng obserbasyon mula sa pagnanais na ito ang nag-udyok sa kanya na ituring
araw. Ang kasalukuyang kaalaman ng astronomiya ang espasyo mismo bilang nakatigil na punto de
ay lalo pang nagpakumplikado sa kumplikado ng bista kaya naisip ni Newton na ang espasyo ay
galaw ng mundo sa pamamagitan ng pagtala ng mga absoluto, nananatili at hindi gumagalaw Ang
sumusunod na datos: 0.3 milya bawat segundong anumang galaw ay isang paglaklakbay sa kanyang
pag-inog sa kanyang axis; 20 milya bawat sistema ng coordinate na may tatlong dimensyon:
segundong pag-ikot sa araw; 13 milya bawat ang haba (y), kapal (x) at taas (z).
segundong paggalaw kasama ang buong solar
system sa punto de bista ng ating lokal na star
system; 200 milya bawat segundong paggalaw
kasama ang ating buong star system sa punto de
bista ng Milky Way; at 100 milya bawat segundong
paggalaw kasama ang buong Milky Way (Barnett,
39-40). Kahit alam nina Galileo at Newton ang
nakamamanghang kabuuang galaw ng mundo, alam
na alam nila na ang mundo ay gumagalaw.
Ang prinsipyo ng relatividad nina Galielo at
Newton ay tungkol sa pagkawasto ng kanilang mga
batas ng mechanics kahit pa gumagalaw o hindi Pigura 1: Ang Espasyo ayon kay Newton
ang mundo, at kahit pa ano ang bilis ng galaw ng
mundo, ang bilis na ito ay uniporme at hindi Naniniwala si Newton na ang liwanag ay
nagbabago-bago. Maari natin itong ihambing sa binubuo ng maliliit na partikel na maaaring
galaw ng bola ng pingpong habang nilalaro ito sa maglakbay sa ganitong puwang at lubos na
loob ng isang malaking barko na naglalakbay sa espasyo. Pero nang nadaig ang teorya sa liwanag
isang takdang bilis sa panahong panatag na panatag ni Newton ng teorya ng liwanag bilang alon ni
74 MALAY TOMO XXI BLG. 2

Christian Huygens, naging problema ang isang Ang aparato nina Michelson at Morley ay
puwang na espasyo dahil ang isang puwang ay hindi tinatawag nilang interferometer. may kakayahan
maaaring tawirin ng anumang alon. itong bumiyak sa isang sinag ng liwanag upang
Kaya noong isinantabi ng mga siyentista ang maging dalawang sinag na may 90 degree ang
teorya ng liwanag bilang maliliit na partikel, pagkakahiwalay. Ang dalawang sinag na ito ay
nangangailangan sila ng lubos na espasyo na walang tutungo sa dalawang magkakahiwalay na salamin
puwang. Ang alon ay maaari lamang tumawid sa na magtutulak sa kanila tungo sa iisang lugar upang
mga bagay na tila likido tulad ng tubig at hangin makita kung magkakasabay ba ang kanilang
kaya lumikha ang mga siyentista ng konsepto ng pagdating.
luminiferous ether na siyang pumupuno sa lahat ng Ang aparatong ito ay sadyang ginawa para
espasyo. Kung para kay Newton ang espasyo ay maramdaman ang pagkakaiba sa bilis ng liwanag
puwang at walang laman, para sa mga siyentistang habang ito ay naglalakbay ng paayon o pasalungat
tumiwalag sa kanyang teorya ng liwanag, ang sa agos ng luminiferous ether na nagmumula sa
espasyo ay punong-puno ng napakapino at di- galaw ng mundo. Napakapulido ng pagkagawa ng
mararamdamang luminiferous ether. interferometer sa puntong may kakayahan itong
maramdaman ang kahit kulang sa isang milya bawat
Ang Luminiferous Ether at sina Michelson segundong pagkakaiba sa bilis ng liwanag na nauna
at Morley nang naitala sa 186,284 milya bawat segundo.
Gamit ang prinsipyo ni Galileo tungkol sa
Ang luminiferous ether bilang panakip sa pagdadagdag at pagbabawas ng bilis kapag ang
puwang na espasyo ay naging isang malaking sinag ng liwanag ay maglalakbay ng pasalungat sa
problema dahil wala pa ni isang siyentista ang sinasabing agos ng luminiferous ether, ang bilis nito
nakapaglalahad ng kat anggap-t anggap na ay dapat na babagsak sa 186,264 milya bawat
pruweba na nandiriyan nga ang bagay na ito sa segundo dahil 20 milya bawat segundo ang bilis ng
espasyo. Ngunit noong taong 1881, ginawa ng pag-ikot ng mundo. Kapag ang sinag ng liwanag
dalawang Amerikanong pisiko na sina A.A. naman ay maglalakbay ng paayon sa sinasabing
Mich elso n at E . W. Mo r ley a ng isa ng
eksperimentong tahasang nagpawalang bisa sa
t eo r ya ng lu mine fe r o u s e t h er. Ang Agos ng Luminiferous Ether: 20 na milya/segundo

eksperimentong ito ay nagdulot din ng isang bagong


Liwanag: 186,284 na milya/segundo
kaalaman tungkol sa kalikasan ng liwanag.
Mundo: 20 na milya/segundo

Salungat sa Agos ng Luminiferous Ether:


Tinatayang Bilis, 186,264 na milya/segundo

Agos ng Luminiferous Ether: 20 na milya/segundo

Liwanag: 186,284 na milya/segundo

Mundo: 20 na milya/segundo

Sang-ayon sa Agos ng Luminiferous Ether:


Tinatayang Bilis, 186,304 na milya/segundo

Pigura 3: Tinatayang mga Pagbabago sa Bilis


ng Liwanag Habang ito ay Naglalakbay
Pigura 2: Interferometer nina Paayon at Pasalungat sa Agos ng
A.A. Michelson at E.E. Morley Luminiferous Ether
ANG MGA TEORYA NG RELATIVIDAD NI ALBERT EINSTEIN FEORILLO P.A. DEMETERIO 75

agos ng luminiferous ether, ang bilis nito ay aakyat Ang pangalawang basa ni Einst ein sa
sa 186, 304 milya bawat segundo. konklusyon nina Michelson at Morley ay ang
Ang resulta na lumabas sa eksperimento nina nakakabagabag na kaalamang ang bilis ng liwanag
Michelson at Morley ay labis na nakakagulat. ay hindi nagbabago kahit ito ay nagmumula sa isang
Kahit saang direksyon naglakbay ang sinag ng bagay na umuurong o sumusulong, at kahit ito ay
liwanag, nananatili pa rin sa 186,283 milya bawat sinusukat sa isang nakatigil na punto de bista o
segundo ang bilis nito. Para kina Michelson at sumusulong na punto de bista.
Morley, ang kahalagahan ng kanilang eksperimento Ang implikasyong hindi pala totoong merong
ay nakabatay lamang sa matagumpay nilang luminiferous ether ay hindi naging problema kay
pagsasantabi sa konsepto ng luminiferous ether. Einstein dahil sa kanyang sanaysay tungkol sa
epektong photoelectric ng liwanag, iminumungkahi
Ang Hiwaga ng Bilis ng Liwanag na niya na ang liwanag ay maaaring isipin hindi
sa Pananaw ni Einstein bilang alon kundi bilang agos ng maliliit na partikel.
Ngunit ang pangalawang implikasyon ay naging
May ibang basa si Einstein sa eksperimentong malaking problema sa kanya dahil ang hindi
ito nina Michelson at Morley. Una, ang konklusyon nagbabagong bilis ng liwanag ay taliwas sa sentido
ng eksperimentong ito na nagpapatunay na wala komon at lumalabag sa tanggap na prinsipyo ni
talagang luminiferous ether ay nagwawasak sa Galileo tungkol sa pagdaragdag at pagbabawas ng
konsepto ng absolutong espasyo ni Newton na bilis. Tunay nga namang nakakalito kung bakit
nagwawasak naman sa konsepto ng absolutong ang bilis ang liwanag ay nanatiling 186,284 milya
galaw. Kaya para kay Einstein ang pagpapawalang- bawat segundo, kahit na ito ay sinusukat ng isang
bisa nina Michelson at Morley sa luminiferous ether taong sumasabay sa kanyang paglalakbay sa bilis
ay isang mahalagang pruweba na ang espasyo at na 20, o di kaya 1,000, o di kaya 150,000 milya
galaw ay relatibo at hindi absoluto. bawat segundo?

Sinag ng Liwanag

186,284 milya/segundo

Punto de Bista A: 0 na milya/segundo

186,284 milya/segundo

Punto de Bista B: 20 na milya/segundo

186,284 milya/segundo

Punto de Bista C: 50 milya/segundo

Pigura 4: Pagka-parepareho ng Bilis ng Liwanag


sa Ibat-ibang Gumagalaw at Di-Gumagalaw na Punto de Bista
76 MALAY TOMO XXI BLG. 2

Ang Bilis ng Liwanag, ang Espasyo Naiiba ang pakay ni Einstein dahil tanggap
at ang Panahon niya na wala talagang luminiferous ether. Kaya
sa halip ginamit niya ang ideya ng pagsiksik ng
Para maayo s niya ang nak akalit o ng bagay at pagbagal ng daloy ng panahon para
pagkakapareho ng bilis ng liwanag sa isang dulo ayusin ang kontradiksyon ng sentido komon at
at ang dikta ng sentido komon at ang tanggap na ng prinsipyo ni Galileo sa pagdadagdag at
prinsipyo ni Galileo tungkol sa pagdadagdag at pagbabawas ng bilis sa isang dulo at ng hindi
pagbabawas ng mga bilis sa kabilang dulo, ginamit nagbabagong bilis ng liwanag sa kabilang dulo.
ni Einstein ang mga konsepto ng isang Dutch na Sa madaling sabi, para kay Einstein, ang bilis
pisikong si Hendrik Antoon Lorentz2 tungkol sa ng liwanag ay mas nauuna at mas mahalaga kaysa
kalikasan ng atomo habang ito ay gumagalaw nang sa espasyo at panahon. Kaya ang espasyo at
napakabilis (Einstein, http://www.bartleby.com/ panahon ay dapat magbabago para saluhin ang
173/, chap. 9, par. 5). katatagan at hindi nababagong bilis ng liwanag
Sa t eo r ya ni Lo rent z, ang mga (chap. 16, par 2-3).
elektromagnetikong puwersa sa loob ng mga Kaya para sa isang nakatigil na punto de bista
atomo ay nagbabago kapag ang mga ito ay kung saan ang espasyo at daloy ng panahon ay
gumagalaw na halos kasing bilis ng liwanag. Ang hindi nagbabago, ang bilis ng liwanag ay 186,284
mga nababagong puwersa naman ay babago sa milya bawat segundo. Samantalang para sa isang
anyo ng atom sa pamamagitan ng pagsiksik nito punto de bistang kumikilos ng 500 milya bawat
ayo n sa direksyon ng galaw, at ang mga segundo, kung saan ang espasyo ay sumisiksik na
puwersang ito ay babago din sa daloy ng panahon at ang daloy ng panahon ay bumagal na (kahit hindi
sa punto de bista ng nababagong atomo. Kapag nar aramdaman at nap apansin ang mga
sumiksik ang mga atom, sisiksik din ang anumang pagbabagong ito sa magkaparehong punto de
bagay na binubuo nito; at kapag bumabagal ang bista), ang bilis ng liwanag ay lalabas pa rin na
daloy ng panahon para sa mga atom, babagal 186,284 milya bawat segundo.
din ang daloy ng panahon para sa anumang bagay Tinataya ni Einstein na kapag ang isang bagay
na binubuo nito. Kaya ang isang bagay na ay kasing bilis na ng liwanag, iigsi ito hanggang
gumagalaw ng mabilis na mabilis ay iigsi ayon sa mawala, at ang daloy ng kanyang panahon ay
direksyon ng kanyang galaw, at bumabagal ang titigil para sa ibang punto de bista. Ngunit sa
daloy ng panahon sa punto de bista ng bagay na punto de bista ng humaharurot na bagay, lahat
ito (chap. 9, par. 5). Ang hindi pangkaraniwang ay tila hindi nagbabago. Tinataya rin ng teorya ni
kaisipan ni Lorentz tungkol sa epekto ng bilis ng Einstein na walang bagay na talagang maaaring
galaw sa estruktura at daloy na pahahon ng isang pumantay sa bilis ng liwanag. Sinasabi rin ng
bagay ay naisip din ng isa pang pisikong taga teoryang ito na kapag ang isang bagay ay
Ireland na si George Francis FitzGerald. pumapantay na sa bilis ng liwanag, ang masa nito
Subalit hindi nagkaroo n ng magandang ay lalaki hanggang ito ay maging infinito, na gagawa
pagtanggap sa komunidad ng mga siyentista ang naman ng isang infinitong resistensya na pipigil sa
mga kaisipan nina Lorentz at FitzGerald dahil taglay anumang galaw.
ng mga kaisipang ito ang iilang mga problema at Ang nakamamanghang konsepto ng pagbagal
kontradiksyon. Ito ay dahil na rin sa pagmimithing ng daloy ng panahon ay nabigyan na ng empirikong
gamitin nina Lorentz at FitzGerald ang kanilang pruweba sa pamamagitan ng pagdala ng isang
teorya sa pag-igsi ng bagay at pagbagal ng daloy atomikong orasan sakay sa isang jet plane paikot
ng panahon sa pagbuhay muli ng konsepto ng sa mundo. Napatunayan sa eksperimentong ito
luminiferous ether matapos itong pasinungalingan na ang pagka-adelantado ng napakaselang orasan
sa eksperimento nina Michelson at Morley (chap. ay sumasang-ayon sa kalkulasyon nina Lorentz,
16, par. 7). FitzGerald at Einstein.
ANG MGA TEORYA NG RELATIVIDAD NI ALBERT EINSTEIN FEORILLO P.A. DEMETERIO 77

Ang Pormulang E = mc2 unlad ng pisikang nukleyar na sa kasamaang palad


ay siya namang dahilan ng pagkakabuo ng bomba
Ang espesyal na teorya ng relatividad ay atomika. Ito ang naging dahilan kung bakit sa
nakapaloob sa isang sanaysay na may 30 pahina kulturang popular, si Einstein ay paminsan-minsang
lamang at may pamagat na “On t he itinuturong imbentor ng bomba atomika kahit na
Electrodynamics of Moving Bodies”. Isinumite ito ang kanyang tunay na kinalaman sa paggawa nito
ni Einstein sa mga editor ng Annalen der Physik ay ang pagbabala lamang sa presidente ng Amerika
noong Hunyo, 1905. Setyembre ng taon ding iyon, tungkol sa paggawa ng mga Nazi ng ganitong
isinumite ni Einstein sa mga editor ng journal na bo mba, liban pa sa kanyang mahalagang
iyon ang isang pahabol na sanaysay na may tatlong kontribusyon sa pisikang nukleyar.
pahina tungkol sa isa pang implikasyon ng kanyang
espesyal na teorya ng relatividad. May pamagat
itong “Does the Inertia of a Body Depend on its ANG PANGKALAHATANG TEORYA
Energy Content?” NG RELATIVIDAD
Gumawa si Einstein ng pormula para sa
tinatayang paglaki ng masa: m = m0 /  (1-v2 /c2 ), May isang dekada ang pagit an sa
kung saan ang m ay ang masa ng isang bagay na pagkakalathala ng espesyal at pangkalahatang mga
gumagalaw sa bilis na v; ang m0 ay ang masa ng teorya ng relatividad. Ang pundamental na
kaparehong bagay habang ito ay nakatigil pa pagkakaiba ng mga ito ay ang espesyal na
lamang; at ang c ay ang bilis ng liwanag. relatividad ay tumatalakay sa isang bagay na
Pinagnilaynilayan niya na ang paglaki ng masa gumagalaw na halos kasingbilis ng liwanag at
ay hindi maaaring magkakaro on ng ibang tinitingnan sa isang punto de bista na may
pinangagalingan kung hindi ang enerhiya mula permanenteng bilis; ang pangkalahatang teorya
sa paggalaw ng bagay mismo kaya sinabi niyang naman ng relatividad ay tumatalakay sa isang bagay
ang enerhiya ay may masa, na taliwas naman sa na gumagalaw at pabago-bago ang bilis at
sinasabi ng tradisyonal na pisika tungkol sa tila sumasaklaw sa paliwanag sa epekto ng malakas
hindi matitinag na pagkakaiba ng matter at na grabitasyon.
enerhiya. Hindi natin maramdaman ang galaw ng mundo
Mat apo s gamit an ng iilang pro seso ng dahil ang galaw na ito ay banayad at may
matematikal, nakuha ni Einstein ang halaga ng masa permanenting bilis. Pero kung ang mundo ay
ng bawat kumpol ng enerhiya sa: m = E/c2, kung biglang gumewang at magpabago-bago ng bilis,
saan ang m ay ang masa, ang E ay ang enerhiya, tiyak na mararamdaman natin ang kanyang
at a ng c a y an g bilis ng liw an ag . S a galaw. Kaya para sa isang taong nakasakay sa
pamamagitan ng pag-ayos ulit ng pormulang ito, loob ng isang kahong may permanenteng bilis,
nabuo ang tiyak at kilalang pormulang pang-agham paniniwalaan natin ang sinabi ni Einstein na ang
sa buong mundo at sa lahat ng panahon, ang E = galaw ay relatibo. Ngunit sa oras na gumewang
mc2. Ang pormulang ito ang nagpapatunay na at nagbago-bago ang bilis ng kahon, magiging
maaaring pagpalit-palitin ang matter at enerhiya, isang problema ang konsepto na ang galaw ay
at may isang napakalaking enerhiya ang natatago relatibo. Ang mga konsiderasyong ito ang
sa loob ng kahit pinakamaliit na matter (chap. nagtulak kay Einstein tuklasin kung baka nga ang
1 5, p ar. 4) . Gamit ang p o r mu lang it o , espasyo ay absoluto, taliwas sa nauna niyang
masasabing ang isang kilong uling ay may taglay sinabi sa kanyang espesyal na t eo rya ng
na enerhiyang katumbas sa 25 bilyon kilowatt relatividad. Dahil dito, mula noong 1907
ho u r s. Ang p o rmulang it o ang siya ring hanggang 1915, binuo niya ang isang teorya ng
nagpapaliwanag sa proseso ng radioactivity, sa relatividad na sasaklaw sa mga galaw na may
enerhiya ng araw, at nagbigay daan para sa pag- pabago-bagong bilis.
78 MALAY TOMO XXI BLG. 2

Ang Continuum ng Espasyo at Panahon Ngunit, habang lumilipad ang eroplano, ang
tatlong coordinate ng espasyo (altitud, longitud at
Ang konsepto ng isang continuum ng espasyo latitud) ay walang gaanong kabuluhan kapag hindi
at panahon mula sa kanyang espesyal na teorya ng sila sinasamahan ng espisipikong oras. Kaya
relatividad ay mahalaga sa kanyang pangkalahatang habang binabanggit ng piloto ang altitud, longitud
teorya ng relatividad. Isa sa kanyang mga at latitud, dapat din niyang banggitin ang
propesor sa Zurich, ang matematikong is Hermann espesipikong segundo kung kailan niya kinuha ang
Minkowski, ang muling nagdalumat sa continuum tatlong numerong iyon.
na ito bilang isang continuum ng espasyo-panahon
na may apat na dimensyon. Noong una, hindi
z T3
nasiyahan si Einstein sa geometrikal na pagdalumat


ng kanyang dating propesor ngunit dumating ang T2 T4
panahong napansin din niya na ito pala ay mahalaga T1
para sa kanyang pangkalahatang teorya ng
relatividad.
Ang nakalilitong konsepto ng isang espasyo- y
panahon na may apat na dimensyon, kung pag-
iisipan natin ng mas mabuti, ay isang konseptong 
madaling maintindihan. Ayon nga kay Einstein: x
“Ang mg a hindi mat emat iko ay labis na
mamamangha kapag narinig nila ang mga bagay na Pigura 6: Apat na Dimensyon
may ‘apat na dimensyon’. . . . Subalit walang mas ng Espasyo-Panahon
pangkaraniwan pang kasabihan kaysa pagbanggit
na ang ating mundo ay isang continuum ng Ang isang gumagalaw na bagay ay gumuguhit
espasyo-panahon na may apat na dimension (chap. ng isang continuum sa espasyo-panahon. Ayon kay
17, par. 1). Ang espasyo ay may tatlong Einstein, “Para magkakaroon tayo ng mas
dimensyon, haba, taas, at lapad. Kaya ang piloto kompletong deskripsyon ng galaw, dapat nating
ng isang eroplano sa himpapawid ay maaaring banggitin kung paano nagbabago ng posisyon
magbig ay ng kanyang k inar o ro o nan sa ang isang bagay sa loob ng panahon; ibig sabihin,
pamamagitan ng pagbanggit ng kanyang altitud, sa bawat punto sa trajektory, dapat babanggitin
longitud, at latitud. Para kay Newton, ang kung ano ng panaho n ang isang bagay na
espasyong ito ay sumusunod sa mga patakaran ng nandoroon (chap. 3, par. 3). Ito ang dahilan kung
geometry ni Euclid, kung saan kapag iniunat ang bakit ginawa ni Einstein ang pahanon bilang pang-
mga parallel na linya ay talagang hindi magtatagpo. apat na dimensyon sa continuum ng espasyo-
panahon (chap. 17, par. 3).
z Halimbawa, kapag ang isang tao ay mayroong

kakatagpuin sa isang bookshop sa loob ng isang


mall, kailangan niyang sabihan ang kausap kung
saan at kalian sila dapat magtatagpo. Sa
Z-coordinate sitwasyong ito, ang pangalan ng bookshop ay
y katumbas ng tatlong dimensyon ng espasyo, ang
X-coordinate oras ng kanilang pagtatagpo ay katumbas naman
 ng pang-apat na dimensyon ng continuum. Hindi
Y-coordinate sila magtatagpo kapag dumating ang kanyang
x
kausap sa tamang bookshop ngunit sa maling oras,
o di kaya sa tamang oras ngunit sa maling
Pigura 5: Tatlong Dimensyon ng Espasyo
ANG MGA TEORYA NG RELATIVIDAD NI ALBERT EINSTEIN FEORILLO P.A. DEMETERIO 79

bookshop. Kaya dapat magkapit talaga ang dahil ang G-load ay tumutulak sa kanya patayo sa
espasyo at panahon sa isang continuum. sahig ng kanyang kahon (chap. 20, par. 3). Ang
Kahit binago ng espesyal na relatividad ang kahon naman ng tao C ay bumabagsak sa lupa,
konsepto ng panahaon ni Newton, ang continuum habang ang kahon ng tao D ay nakalutang sa
ng espasyo-panahon ay hindi lumayo sa kaisipan kalawakan kung saan wala nang grabidad.
ni Newton na ito ay isang espasyong sumusunod
sa patakaran ni Euclid. Sa madaling sabi, ang
continuum ng espasyo-panahon ng espesyal na
relatividad ay siya pa ring espasyo ni Euclid.
Ngunit sa pangklahatang teorya ng relatividad, ang D
C
continuum ng espasyo-panahon na ito ay hindi na
susunod sa heometriya ni Euclid dahil ipinasok ni
Einstein ang posibilidad na ang espasyo-panahon
ay maaaring gusutin, yupiin, at lamutakin ng
malalakas na grabitasyon.

Ang Relasyon ng Grabidad at Akselerasyon

Inumpisan ni Einstein ang kanyang pagbalangkas Pigura 8: Kahon ng Tao C na bumabagsak


sa grabidad gamit ang prinsipyo ng equivalence na sa lupa at kahon ng Tao D na nakalutang
tumutukoy sa lohikal na pagkakapareho ng sa kalawakan
puwersang grabitasyonal at puwersang inersyal.
Ipinaliwanag niya ang prinsipyong ito sa Pinat unayan ng mga kat hang- isip na
pamamagitan ng mga kathang-isip na eksperimento eksperimentong ito na kahit walang grabitasyon,
tungkol sa apat na taong nasa loob ng mga kahon. maaari pa ring maramdaman ang grabidad (tulad
Ang kahon ng tao A ay nakatayo sa lupa kung saan sa sit wasyo n ng tao B); at kahit na may
umiiral ang grabidad. Ang kahon ng tao B ay grabitasyon, maaari pa ring hindi maramdaman ang
gumagalaw na may akselerasyon (bumibilis nang grabidad (tulad sa sitwasyon ng tao C). Kaya
bumibilis) pataas sa kalawakan kung saan wala sinabi ni Einstein na walang pagkakaiba ang
nang grabidad. Dahil ang kahon ng tao B ay may puwersang grabitasyonal at puwersang inersyal.
akselerasyong pataas, iniisip niyang nasa lupa siya Ang implikasyon ng prinsipyong ito ay kung
anu man ang mang yayar i sa isang hind i
gumagalaw na grabitasyonal na sitwasyon ay
mangyayari din sa isang inersyal, ngunit hindi
grabitasyonal na sitwasyon; at kung anuman ang
A B mangyayari sa isang inersyal na sitwasyon ay
mangyayari din sa isang grabitasyonal na
sitwasyon.
Kapag ang tao A na nasa loob ng isang kahong
nakatayo sa lupa ay naghagis ng bola sa horizontal
na direksyon, guguhit ng isang kurbadang
trayektorya ang bolang ito. Kapag ang tao B na
nasa loob ng isang kahong may akselerasyon sa
Pigura 7: Kahon ng Tao A na nananatili kalawakan ay naghagis ng bola sa horizontal na
sa lupa at kahon ng Tao B na may direksyon, guguhit din ng isang kurbadang
akselerasyon pataas sa kalawakan trayektorya ang bolang ito.
80 MALAY TOMO XXI BLG. 2

A B C

D E F

Pigura 9: Mga galaw ng bola sa kahon ng Tao Pigura 10: Mga trayektorya ng sinag
A na nakatayo sa lupa, sa kahon ng Tao B na ng liwanag sa kahon ng Tao D na nakalutang
may akselerasyon pataas sa kalawakan, sa kalawakan, sa kahon ng Tao E na may
at sa kahon ng Tao C na nakalutang sa akselerasyon pataas sa kalawakan,
kalawakan at sa kahon ng Tao F na nakatayo sa lupa

Taliwas sa nangyayari sa mga bola ng tao A at Dahil nauna nang sinabi ni Einstein na kung
B, kapag ang Tao C na nasa loob ng kahon na anuman ang mangyayari sa isang hindi gumagalaw
nakalutang sa kalawakan ay maghahagis din ng bola na sitwasyong grabitasyunal ay mangyayari din sa
sa horisontal na direksyon, guguhit lamang ng isang isang inersyal ngunit hindi grabetasyonal na
tuwid na linya mula sa kanyalng lugar hanggang sa sitwasyon; at kung anuman ang mangyayari sa isang
dingding ng kahon ang bolang ito. inersyal na sitwasyon ay mangyayari din sa isang
Ang naunang mga implikasyon—na kung grabitasyonal na sitwasyon; sinabi rin niya na sa
anu man ang mang yayar i sa isang hind i pananaw ng Tao F na nasa loob ng kahong
gumagalaw na sitwasyong grabitasyonal ay nakatayo lamang sa lupa, ang sinag ng liwanag ay
mangyayari din sa isang inersyal, ngunit hindi guguhit din ng kurbadang liwanag.
grabitasyonal na sitwasyon; at kung anuman ang Ngunit ang pagkurbada ng sinag ng liwanag sa
mangyayari sa isang inersyal na sitwasyon ay pananaw ng Tao E ay mangyayari lamang kapag
mangyayari din sa isang grabitasyonal na ang kinalalagyan niyang kahon ay may mabilis na
sitwasyon—ang nagdala kay Einstein sa isang mabilis na akselerasyon. Kaya para sa Tao F, ang
nakamamanghang pagtaya sa galaw ng sinag ng pagkurbada ng sinag ng liwanag ay mangyayari
liwanag. lamang kapag ang kanyang kahon ay nakatayo sa
isang grabitasyonal na lugar na mataas na mataas
Ang Pagkurbada ng Sinag ng Liwanag ang puwersa, tulad halimbawa sa grabitasyonal na
lugar ng araw o ng malalaking bituin.
Para sa pananaw ng tao D, na nasa loob ng Ipinaliwanag ni Einstein na inakala ng klasikong
kahong lumulutang sa kalawakan, ang isang sinag pisika na ang liwanag ay hindi maaapektuhan ng
ng liwanag na tumatagos sa isang butas sa isang grabidad dahil ang liwanag sa punto de bista natin
dingding ng kanyang kahon ay guguhit ng isang na nakatayo sa mas mahinang grabitasyonal na
tuwid na linya. Ngunit sa pananaw ng tao E, na lugar ng mundo ay talagang hindi kumukurbada.
nasa loob ng kahong may akselerasyong pataas, Idiniin ni Einstein na hindi tinangkang suriin ng
ang isang sinag ng liwanag na tumatagos sa isang klasikong pisika ang galaw ng liwanag sa mga
butas sa isang dingding ng kanyang kahon ay lugar na may mas malakas na malakas na
guguhit ng isang kurbadang trayektorya. grabitasyon.
ANG MGA TEORYA NG RELATIVIDAD NI ALBERT EINSTEIN FEORILLO P.A. DEMETERIO 81

Ang Hindi Euclidian na Espasyo-Panahon kanyang dating kaklase, matalik na kaibigan, at ang
ni Einstein taong tumulong sa kanya upang makakuha ng
trabaho sa Patent Office ng pamahalaang Swiso,
Dito nagtanong si Einstein kung ano nga ba ang na si Marcel Grossmann, ang tumulong sa kanya
kalikasan ng grabidad at bakit ito may kakayahang upang maunawaan niya ang matematikang
gawing kurbada ang sinag ng liwanag na alam nating kailangan niya para sa kanyang pangkalahatang
walang taglay na masa? Para masagot ang mga teorya ng relatividad.
katanungang ito, binalikan ni Einstein ang klasikong Ngunit ang geometry na ellipsoidal ay hindi pa
prinsipyo na ang liwanag ay dumadaloy sa rin sapat para saklawin ang lawak ng kulu-kulubot
pinakamalapit na distansya sa pagitan ng dalawang at tila nilamutak na continuum ng espasyo-
punto sa espasyo-panahon. Sa geometry ni Euclid, pahanon. Sa kabutihang palad ulit, ipinakikilala ni
isang tuwid na linya ang dinadaluyan ng liwanag na Grossmann kay Einstein ang tensor calculus. Kung
ito. gagamitin natin ang isang simpleng analohiya, kung
Naniniwala si Einstein na ang liwanag ay kayang saklawin ng geometry ni Euclid ang
talagang dadaloy sa pinakamalapit na distansya sa anumang hugis na iguguhit sa isang malapad na
pagitan ng dalawang punto. Ngunit ipinaliwanag lugar, kaya namang saklawan ng tensor calculus
niya ang pagkurbada ng liwanag gamit ang ang anumang hugis na iguguhit sa mukha ng isang
posibilidad ng pagkurbada ng espasyo-pahanon. masungit na karagatan.
Para kay Einstein, ang continuum ng espasyo-
panahon ay hindi na katulad sa espasyo nina Euclid Mga Kaganapan Matapos Mailathala
at Newton. Sa halip, ito ay isa nang continuum na ang Pangkalahatang Teorya ng Relatividad
naaapektuhan ng masa ng mga bagay na nilalaman
nito. Kung binabago ng magneto ang kondisyon Ang panglahatang teorya ng relatividad ay naging
ng espasyong katabi nito, may kakayahan din ang isang mas mahusay na balang kas sa
malalaking bagay na baguhin ang istruktura ng pagpapaliwanag ng paghapay ng orbit ng planetang
karatig nitong espasyo-pahanon (chap. 19, par 1). Mercury. Ang pag-ikot ng Mercury sa araw ay
Sa teorya ni Einstein, hindi naman talaga grabidad isang napaka-iregular na penomenon. Hindi
ang nagpakurbada sa sinag ng liwanag kung hindi lamang dahil sa wala ito sa sentro, kundi umiikot
ang istruktura ng espasyo-panahon na kinurbada rin ito sa kanyang perihelion at gumuguhit ng hugis
ng masa ng isang malaking bagay. ng roseta.
Ang ideya ng isang may kurbadang espasyo-
panahon ang ginamit ni Einstein na paliwanag sa
Orbit
penomenon ng grabidad. Sa halip na gayahin si
Newton sa pagpapaliwanag na ang grabidad ay
isang aksyong dumadaloy sa malayong distansya,
dinalumat ni Einstein ang grabidad bilang pagdaloy
ng isang bagay sa kurbada ng espasyo-panahon.
Upang maipaliwanag ng husto ang kanyang Araw
espasyo-panahon na lumalabag sa heometriya ni
Euclid, kailangang gumamit si Einstein ng isang
heometriyang ellipsoidal na nauna nang naimbento Perehelion
ng matematikong si Bernhard Riemann may isang Planetang
siglo na ang nakaraan mula noon. Mercury
Ang mga matematika nina Minkowski at
Riemann ay talagang napakakumplikado kahit para Pigura11: Paghapay ng orbit ng planetang
sa henyong si Einstein. Sa kabutihang palad, ang Mercury
82 MALAY TOMO XXI BLG. 2

Hindi kayang ipaliwanag ng pisika ni Newton KONKLUSYON


ang iregularidad na ito. Ngunit kapag ipinasok natin
sa larawan ang napakalaking grabitasyon ng araw Sa personal na karanasan, matapos kong gawin
at ang napakabilis na galaw ng Mercury, mabilis ang papel na ito, hindi ko naramdaman ang
itong maipapaliwanag gamit ang teorya ng kakulangan sa kakayahan at kahandaan ng wikang
pangkalahatang teorya ng relatividad (chap. 29, Filipino upang maging isang mabisang midyum sa
par. 9-10). pagtuturo ng agham sa kabataang Pilipino.
Napatunayan ni Arthur Stanley Eddington noong Bagamat may mga konsepto si Einstein at ang
1919 ang kontrobersyal na pagtaya ni Einstein makabagong pisika na walang sapat na katumbas
tungkol sa pagkurbada ng sinag ng liwanag nang sa wikang Filipino, hindi ito isang malaking balakid
pumunta siya sa Isla ng Prinsipe malapit sa Africa dahil maaari naman tayong humiram ng mga salita
upang pagmasdan at idokumento ang mga bituin sa ibang mga wika. Sa panayam na ito, wikang
sa likod ng araw habang nagaganap ang isang solar Espanyol muna ang hinihiraman upang maging mas
eclipse (chap. 22, par. 4). Ang mga larawanng kuha elegante ang retorika ng mga pangungusap.
ni Eddington ay nagbigay ng napakalakas at Madalas, ang mga salitang Espanyol na ito ay
sensasyunal na pruweba ng masalimuot at malalim binabaybay ayon sa nakasanayan nating sistema
na teorya ng pangkalahatang relatividad. Dahil sa pagbaybay ng mga salitang Filipino tulad ng mga
dito nakilala si Einstein ng halos buong mundo. sumusunod:
Kung ang mga sanaysay niya noong kanyang
mahiwagang taon ay nagbigay sa kanya ng Salin sa Filipino
kasikatan sa mga mata ng mga siyentista, ang mga Terminong Ingles Batay sa Wikang
Espanyol
larawang kuha ni Eddington ay nagbigay sa kanya
ng kasikatan sa halos lahat ng tao. Absoluto
Absolute
Acceleration Akselerasyon
Kumpol ng mga Altitude Altitud
Bituing Hyades
Atom Atomo
Araw Electrification Elektripikasyon
Electromagnetic Elektromagnetiko
Emperical Emperiko
Formula Pormula
Kumurbadang Gravitation Grabitasyon
Buwan Gravity Grabidad
Sinag ng Liwanag
Horizontal Horisontal
Inertia Inersya
Mundo
Infinite Infinito
Latitude Latitud
Pigura 12: Pruweba ni Eddington Longitude Longitud
sa Pagkurbada ng Sinag ng Liwanag Magnet Magneto
Mass Masa
Naging napakamahalaga sa astronomiya ng Mechanical Mekanikal
pangkalahatang teorya ng relatividad. Ang Nuclear Nukleyar
kanyang mga pagtataya at implikasyon ang Orbit Orbita
nagpapaliwanag sa maraming bagay na dati ay Relative Relatibo
nakakalito tulad ng pagbagal ng daloy ng panahon Relativity Relatividad
Trajectory Trayektorya
dahil sa grabitasyon, ang grabitasyonal na red-shift
ng liwanag (chap. 29, par. 11), ang paglobo ng Tsart 1: Mga Terminong Ingles at ang mga
daigdig, ang pinagmumulan at kahihinatnan ng katumbas na salin
daigdig, at ang mga black hole sa kalawakan. batay sa Wikang Espanyol
ANG MGA TEORYA NG RELATIVIDAD NI ALBERT EINSTEIN FEORILLO P.A. DEMETERIO 83

Hindi sa lahat ng pagkakataon ay maaring ay wala talagang katumbas sa wikang Espanyol.


hiraman ang wikang Espanyol dahil may ilang Ang mga sumusunod ay mga terminong Ingles,
terminong Ingles na kapag ipilit natin ang ang katumbas nito sa wikang Espanyol, at ang
katumbas sa wikang Espanyol ay lumalayo na pinili kong pagpapanatili ng kanilang kabuuang
ang anyo para sa ating mga Pilipino, o di kaya anyo.

Katumbas sa Wikang Salin sa Filipino Gamit ang


Terminong Ingles Espanyol Wikang Ingles

Axis Eje Axis


Black Hole Agujero Negro Black Hole
Continuum Continuo Continuum
Coordinate Coordenada Coordinate
Degree Grado Degree
Ellipsoidal Elipsoidal Ellipsoidal
G-Load G-Load
Interferometer Interferometer
Knots Nudo Knots
Kilowatt Hours Kilowatt Hours
Lumineferous Ether Lumineferous Ether
Matter Matter
Milky Way Via Lactea Milky Way
Particle Particula Partikel
Perihelion Perihelio Perihelion
Photoelectric Fotoelectrico Photoelectric
Quantum Mechanics Quantum Mechanics
Red-Shift Red-Shift
Solar Eclipse Solar Eclipse
Solar System Eclipse de Sol Solar System
Star System Star System
Tensor Calculus Tensor Calculus
Unified Field Theory Unified Field Theory

Tsart 2: Mga Terminong Ingles, ang katumbas nito sa Wikang Espanyol,


at ang desisyong panatilihin at angkinin ang kanilang kabuuang anyo

Lumalabas na sa papel na ito, mas marami ang mga Amerikanong guro at iskolar ay nakaranas
akong nahiram sa wikang Espanyol kaysa sa din ng ganitong paglipat-lipat sa dalawang wika
wikang Ingles Kaya hindi talaga problema ang habang binabasa nila ang mga materyales na
kakulangan ng mga konsepto ng wikang Filipino. nakasulat sa wikang Aleman habang sinusulat ang
Marahil ang pinakamahirap na parte sa aking unang mga sanaysay at libro tungkol kay Einstein
pagsusulat ng panayam na ito ang nangyayaring sa wikang Ingles. Kung nagawa ito ng mga
paglipat-lipat sa dalawang wika habang binabasa Amerikano para sa iba pang mga Amerikano,
ko ang mga Ingles na materyales at sinusulat naman walang dahilan kung bakit hindi rin natin ito
ang Filipinong papel. Ngunit alalahanin natin na magagawa para sa kabataang Pilipino. Ang
84 MALAY TOMO XXI BLG. 2

kahirapang dulot ng paglipat-lipat sa dalawang Lilitaw dito ang likas na talino ng Pilipino. Ito
wika ay hindi rin malaking balakid na sapat upang ay isang rebolusyong intelektwal. Ito ay
pigilan tayo sa ating pagtuturo ng agham gamit ang people empowerment. Ito ang agham para sa
wikang Filipino. lahat.
Habang dumarami ang mga materyales tungkol
sa agham na isinulat at isinalin sa wikang Filipino, Kapag wikang Filipino na ang ginagamit natin,
maiibsan at maiibsan ang kahirapang dulot ng hindi lamang t atat ag ang pang-agham na
paglipat-lipat sa dalawang wika sa dahilang ang kaalaman at kahusayan ng ating mga mag-aaral,
mga susunod na manunulat ay magkakaroon na ng dadaloy na rin ito at magpapalakas sa ating
mas maraming materyales na nakasulat sa wikang kulturang popular.
Filipino. Ayon kay Teresita Fortunato (35-44), Sa kabila ng praktikal, pragmatiko, istratehikal,
isang linggwista sa Pamantasan ng De La Salle- pulitikal at ideolohikal na kahalagahan sa paggamit
Maynila, “Yumayaman ang kulturang Filipino sa ng wikang Filipino bilang midyum sa pagtuturo ng
pagdaragdag ng mga bagong lexicon. Sa ganitong agham, tila walang pakundangan ang nakararaming
paraan, napayayaman ang wikang Filipino at mga institusyon at guro sa patuloy na paggamit ng
nabubuo ang kultura ng syensya at ang mga wikang Ingles. Binanggit ni Bro. Andrew Gonzalez,
asignaturang abstrak sa pamamagitan ng behikulong isa sa mga kilalang linggwista sa Pilipinas, ang
ginagamit (37). mahalagang dahilang estruktural kung bakit ang
Sa tanong na kung kaya at handa na ba ang domeyn ng agham ay hindi reseptibo sa anumang
wikang Filipino na sumabak sa pagtuturo ng agham, hakbangin na palitan ang nakasanayang wikang
sa personal ko na pananaw, malinaw na kaya at internasyonal ng isang wikang lokal, o sa konteksto
handa na ang ating wika sa gawaing ito. Ayon nga natin ang Ingles ng Filipino. Ayon kay Gonzalez,
sa manunulat na si Efren Abueg. “hindi na kwestyon while unquestionably science can be developed
kung kaya itong (agham) ituro sa wikang Filipino,” in Filipino, it cannot be globally shared in
dahil ang aktwal na nangyayari sa mga silid aralan Filipino, and while monolingualism in Filipino
ay ginagamit naman talaga ang “Filipino sa may be satisfactory for most purposes, a
pagtuturo kung hindi na maabot ng kaalaman ng bata monolingual Filipino scientist would soon lose
ang pinag-aaralan sa wikang Ingles” (http:// touch with his/her discipline. In short, both
www.genyo . idiwa. ph/ar t icle3. drawing on the international bank of scientific
asp?id=173&secid=2). knowledge and contributing to that bank cannot
Sa tanong na kung dapat bang gamiting ang be done solely in Filipino, no matter to what
wikang Filipino sa pagtuturo ng agham, sumasang- degree the language is intellectualized (nasa
ayon din ako sa pananaw nina Abueg at Fortunato http://www.multilingual-matters.net/cilp/003/0005/
Sevilla, isang kemiko sa Pamantasan ng Santo cilp0030005.pdf).
Tomas, na hindi lamang ito magiging isang mas Ipinahiwatig ni Gonzalez na may istruktural na
mabisang tulay sa pagbahagi ng kaalaman, ito ay resistensya ang agham sa Filipinisasyon dahil ang
lulunas din sa dikotomiya ng kaalaman ng mga mg a siyent ist a bilang mga siyent ist a ay
Pilipinong elista at masa at bubuo ng isang mas nangangailangan ng isang internasyonal na wika
makapangyarihang kulturang pang-agham. Ayon para makasali sa global na palitan ng mga
kay Sevilla (sa Abueg: Genyo Online, 22 kaalamang pang-agham. Ngunit ito ba ay sapat
Setyembre 2008): na dahilan upang pigilan ang nakararami nating
institusyon at guro na gamitin na ang wikang
Kung Filipino ang gagamitin sa agham, Filipino sa pagtuturo ng agham? Sa personal
makasasali pati na ang karaniwang tao. kong pananaw, hindi ito dapat na maging balakid
Maiintindihan ng bawat isa kung ano ang sa Filipinisasyon ng agham. Una, dahil may mga
pinag-uusapan at hindi sila madaling maloloko antas ang agham: pagteteorya, pananaliksik,
ng mga ekspertong dayuhan o Pilipino. pagtuturo, pag-aaral, at kulturang popular.
ANG MGA TEORYA NG RELATIVIDAD NI ALBERT EINSTEIN FEORILLO P.A. DEMETERIO 85

Pag-aaral aaral at pagtuturo ay tiyak na huhubog ng mga


bagong henerasyon ng mga mag-aaral na mas
Pagtuturo handang humarap sa mga gawain at hamon ng mas
Pananaliksik matataas na antas ng agham.
Sa puntong ito, bilang pangwakas na salita,
Pagteteorya maglalakas loob akong maglalahad ng mga nakikita
Kulturang Popular kong dahilan kung bakit sa kabila ng praktikal,
pragmatiko, istratehikal, pulitikal at ideolohikal na
Pigura 13: Ang ibat-ibang antas sa domeyn kahalagahan sa paggamit ng wikang Filipino bilang
ng agham midyum sa pagtuturo ng agham, ay nagpupumilit
pa rin ang nakararaming mga institusyon at guro
sa paggamit ng wikang Ingles.
Ipinapahiwatig niya na kailangan ng agham ang Unang una, at nasabi na ito ng maraming
isang wikang internasyonal, ngunit ito ay totoo dalubhasa sa wikang Filipino, ang paglipat mula
lamang doon sa pinakamatataas na antas ng sa wikang Ingles tungo sa wikang Filipino ay isang
ag ham: ang pag t et eo rya at p ananaliksik malaki at k umplikad o ng hakbang na
(Gonzales, 24 Setyembre, 2008). Dapat nating nangangailangan ng masinsinang pagsasanay muli
linawin na ang wikang Ingles ay kailangang- sa mga gurong nahubog na sa wikang Ingles. Ang
kailangan lamang sa mga antas ng pagteteorya hakbang na ito ay isang paradigm shift, at kung
at pananaliksik at ang pangangailangang ito ay paniniwalaan natin ang pilosopong si Thomas Kuhn,
hindi dapat na magdidikta kung anong wika ang ang bawat bagong paradigm ay talaga naman
nararapat gamiting sa mas mababang antas ng tinututulan ng mga taong nananalig at nasasanay sa
agham: ang pagtuturo, pag-aaral, at kulturang lumang paradigm (Kuhh, 1970). Ang pagpapalit
popular. ng wika ay hindi lamang sasasagasa sa mga
Ang pangalawa kong dahilan kung bakit hindi indibidwal na mga guro, ito rin ay babangga sa mga
dapat ituring na balakid ang istruktural na institusyon, kasama na ang institusyon sa pagtuturo
pangangailangan ng agham sa isang wikang ng agham dito sa Pilipinas.
internasyonal ay ang katotohan na sa ngayon ang Pangalawa, at kaugnay sa naunang dahilan, dahil
antas ng pagteteorya at pananaliksik ng ating agham mga indibidwal at institusyon ang babanggain ng
ay napakahina pa. Pinatunayan ng siyentistang si pagpapalit-wikang ito, indibidwal at institusyonal
Flo r Lacanilao (ht tp://www.sawikaan.net/ din dapat ang mangangasiwa sa pababagong ito.
language_and_learning.html) at ng sosyolohistang Kung magbaliktanaw tayo sa tila napakabilis at
si Raul Pertierra, halimbawa, kung gaano tayo napaka-epektibong pagpalit ng wikang Ingles sa
kahina sa antas ng pananaliksik sa agham. Sa wikang Espanyol, makikita natin ang sentralisado
madaling sabi, sa nakalipas na maraming taon, at institusyonal na pagbura sa wikang Espanyol at
wikang Ingles ang ginagamit natin sa ating agham pagpunla sa wikang Ingles. Kapag aasa lamang
ngunit hindi rin naman lumakas at umunlad ang tayo sa antas ng mga indibidwal na guro, mahirap
agham dito sa Pilipinas. Kaya bakit hindi natin kumbinsihin ang mga institusyon at iba pang mas
subukan ang mungkahi nina Abueg at Sevilla na nakararaming indibiduwal na gamitin ang wikang
paggamit ng wikang Filipino sa mga antas ng Filipino sa pagtuturo ng agham. Lalo pa itong
pag-aaral at pagtuturo ay maaaring maging isang naging mahirap ngayong tila isinisi pa sa
malak in g ha k b an g s a p a g p ap alak as n g programang bilinggwal ang pagbaba ng kalidad ng
Pilipinong agham hindi lamang sa antas ng edukasyon sa ating bansa, at ngayong hayagang
kulturang popular kung hindi pati na rin sa mga minimithi ng pambansang pamahalaan na muling
antas ng pananaliksik at pagteteorya. Dahil ang palalakasin ang Ingles bilang pangunahing wika sa
pagkamit ng wikang Filipino sa mga antas ng pag- akademya.
86 MALAY TOMO XXI BLG. 2

Pangatlo, ang pagpapalit ng wikang ito ay nakikitang puwersa na may kakayahang magpagalaw
dapat na sinasabayan ng malawakang pagsusulat sa karayom ng kompas. Malalim ang epekto sa kanya
ang karanasang ito.
at paglalathala ng mga materyales sa wikang • 1885: Pinilit siya ng kanyang ina na mag-aral sa
Filipino. Kahit pa man makumbinse natin ang pagtugtog ng violin.
lahat ng mga guro ng agham na gumamit ng • 1889: Nagkaroon si Einstein ng sariling programang
wikang Filipino, mahihirapan pa ring umusad ang pang-edukasyon at ibinabad niya ang kanyang sarili
mithiing ito dahil mahina ang akademyang sa pagbabasa ng agham. Inanyayahan ni Max
Talmud (naging Talmey noong nasa Amerika na
Pilipino sa usapin ng pananliksik, pagsusulat, at siya), kaibigan ng kanilang pamilya at mag-aaral ng
p ag lilimb ag . Ang u s ap in t u n g k o l s a medisina, ay kasama nila sa hapunan tuwing Linggo,
pananaliksik, pagsusulat at paglalathala ng mga si Einstein na magbasa ng ilang mahahalagang
kaguruan ay problema kahit na sa malalaking literatura sa agham, matematika at pilosopiya.
pamantasan, at ito ay matingkad na matingkad • 1894: Dahil sa pagbagsak ng kanilang negosyo,
lumipat sa Milan ang mag-anak na Einstein, at
tuwing dumarating ang akreditasyon. Hindi pagkatapos ay sa Pavia, sa Italya.
maaaring ang pagpapalit natin ng wika ay • 1895: Hindi siya pumasa sa pagsusuli t para
sasabayan lamang ng iilang text book at kalat-kalat makapasok sa Swiss Federal Institute of Technology,
na sanaysay. na kilala sa Aleman nitong inisyal na ETH, ang
Habang sinusulat ko ang panayam at muni- pi na ka kil a l a pa m a nt a san g t ekn ol oh i ka l sa
Switzerland. Hindi siya nakapasa dahil kulang ang
muning ito, nakikita ko na hindi talaga ang kanyang mga dokumento mula sa mataas na
pagkukulang sa wikang Filipino ang dahilan kung paaralan, kaya naman isang taon muna siyang nag-
bakit hindi ito ginagamit na midyum sa pagtuturo aral sa lunsod ng Aarau. Dito niya inumpisahang
ng agham. Ang mga dahilan ay nakaugat sa pag-aralan ang teorya ng elektromagnetismo ni James
kahinaan sa mga tao, institusyon, at pamahalaan Clerk Maxwell.
• 1896: Nakapasok si Einstein sa ETH at nag-umpisa
na gumagamit, o hindi gumagamit, sa wikang ng kanyang kolehiyo Zurich. Umibig siya sa kaklase
Filipino. niyang Serbyan na si Mileva Maric na siya niyang
naging asawa. Ayon sa ilang mga historyador, malaki
ang naiambag ni Maric sa mga nagawa ni Einstein
MGA TALA sa teoretikal na pisika.
• 1900: Nagtapos siya sa ETH. Naging kaibigan niya
1
si Michele Besso, ang kanyang intelektwal na
Ang kronolohiyang ito ay hinango mula sa mga datos confidant na siyang nagpakilala sa kanya sa mga
na nakapaloob sa “Albert Einstein: the Nobel Prize in ginawa ni Ernst Mach.
Physics 1921: Biography,” sa webpage ng Nobel Prize, • 1901: Naging mamamayang Swiso si Einstein. Sa
sa http: //nobelprize.org/nobel_prizes/ physics/ taon ding ito ipinanganak ni Mileva ang una nilang
laureates/1921/einstein-bio.html, petsa ng paglathala: anak na si Lieserl bago pa sila ikinasal. Inampon ng
1967, petsa ng pagdalaw: 29 Setyembre 2008; sa ibang tao Si Lieserl at hanggang ngayon ay hindi
Abrahm Pais, Subtle is the Lord: The Science and the alam kung ano ang naging kapalaran niya. Lumipat
Life of Albert Einstein (Oxford: Oxford University sa lunsod ng Berne si Einstein na noon ay wala pang
Press, 1983); at sa Michael White & John Gribbin, matatag na hanapbuhay ay.
Einstein: A Life in Science (London: Free Press, 1994). • 1902: Kasama si Besso, nakakuha sila ng trabaho sa
Patent Office ng pamahalaan ng Switzerland.
• 1879: Isinilang si Einstein sa mag-asawang Hudyong • 1903: Pinakasalan niya si Mileva. Kasama ang
sina Herman, isang enhinyero at negosyante, at kanyang malalapit na kaibigan, nagtayo sila ng isang
Pauline, sa lunsod ng Ulm, Germany. di-pormal na grupong pinangalanang Olympia
• 1880: Lumipat sa lunsod ng Munich ang mag-anak Academy kung saan tinatalakay ang mga kaisipan
na Einstein, dito ipinundar ng kanyang ama ang nina Poincare, Mach at Hume, at ang mga kaalamang
kumpanyang Elektrotechnische Fabrik J. Einstein & nagmula dito ay na kapa gbiga y ng malaking
Cie na gumagawa ng mga kagamitan para sa impluwensya sa agham at pilosopiya ni Einstein.
nagsisimula pa lamang na elektripikasyon ng mga • 1905: Ang tinaguriang mahiwagang taon ni Einstein,
lunsod sa Europa. o annus mirabilis sa Latin, at Wunderjahr sa Aleman,
• 1884: Binigyan si Einstein ng kompas ng kanyang dahil dito niya inilathala ang apat na mga sanaysay
ama. Namangha siya sa ideya na may hindi na nagpakilala sa kanya bilang isa sa mga mahuhusay
ANG MGA TEORYA NG RELATIVIDAD NI ALBERT EINSTEIN FEORILLO P.A. DEMETERIO 87

na siyentista sa buong mundo. Ang mga sanaysay kanyang pagiging mamamayang Swiso. Ayon sa
na ito ay tungkol sa Brownian motion, sa espesyal kanyang sertipiko ng naturalisasyon, siya ay 61 na
na teorya ng relatividad, sa teoryang quantum sa taong gulang, puting lalaki na may katamtamang
kalikasan ng liwanag, at sa pagkakapareho ng matter kulay ang balat, kayumanggi ang mata, kulay abo
at enerhiya na ipinahiwatig sa kilala nang pormulang ang buhok, may limang talampakan at pitong pulgada
E=mc2. Sa taon ding ito niya natapos ang kanyang ang taas, at may bigat na 175 na libras.
doktorado sa pamamagitan ng isang disertasyon • 1945: Siya ay nagretiro sa kanyang pagtuturo sa
tungkol sa mga dimensyong molecular. Princeton University.
• 1911: Si Einstein ay naging isang full professor sa • 1955: Si Einstein ay namatay sa sakit sa puso sa
Pamantasang Aleman ng Praga. Princeton Hospital sa edad na 76. Ang kanyang
• 1912: Naging propesor siya ng teoretikal na pisika mga labi ay sinunog, ngunit ang kanyang utak ay
sa ETH, sa lunsod ng Zurich. itinago ng doktor na nag-autopsiya sa kanya para
• 1914: Naging direktor siya ng Kaiser Wilhelm sa mga susunod na pananaliksik.
Institute at propesor ng teoretikal na pisika sa
Pamatansan ng Berlin. Naging mamamayang Aleman 2
“The epoch-making theoretical investigations of H. A.
rin siya sa taong ito. Inumpisahan din sa taong ito Loren t z on t h e el ect r odyn a m ica l a n d opt ica l
ang proseso ng kanilang paghihiwalay ni Mileva. phenomena connected with moving bodies show that
• 1915: Nabuo niya ang kanyang panglahatang teorya experience in this domain leads conclusively to a
ng relatividad. theory of electromagnetic phenomena, of which the
• 1919: Pinakasalan niya ang kanyang pinsan na si law of the constancy of the velocity of light in
Elsa Einstein-Lowenthal. Naganap ang isang solar va cuo is a necessar y con sequen ce. Pr om inent
eclipse na nagbigay sa kanyang pagkakataong theoretical physicists were therefore more inclined
maikalap ng pruweba ang panglahatang teorya ng to reject the principle of relativity, in spite of the
relatividad tungkol sa pagkurbada ng sinag ng fact that no empirical data had been found which
liwanag ng bituin kapag ito ay dumadaplis sa isang wer e con t ra dict ory t o t hi s pr i n ci ple. ” Al ber t
napakalaking bagay, tulad ng araw. Einstein, Rel ativi ty: t he Special and Gene ral
• 1922: Ginawaran siya ng Premyong Nobel sa Pisika The or y, Robe r t La wson , Tr a n s. , sa webpa ge
para sa pagkakatuklas niya sa batas tungkol sa Bartleby.Com: Great Books Online, sa http://
epektong photoelectric na tinalakay niya sa kanyang www.bartleby.com/173/, petsa ng paglathala: 2000,
sanaysay tungkol sa teoryang quantum sa kalikasan petsa ng pagdalaw: 29 Setyembre 2008, Chapter VII,
ng liwanag. Ibinigay niya kay Mileva ang perang Paragraph 5.
natanggap niya mula rito bilang bahagi ng mga
kondisyon ng kanilang paghihiwalay at bilang
suporta sa kanilang may sakit at may schizophrenia
na anak na si Eduard.
SANGGUNIAN
• 1927: Inumpisahan niya at ni Niels Bohr na buuin
ang pundasyon ng quantum mechanics, isang Abueg, Efren. “Ang Siyensya at ang Wikang
sangay ng pisika na sumusuri sa proseso ng matter Filipino.” Sa website na Genyo Online: the
at enerhiya sa mga lebel na atomic at sub-atomic. Interactive Learning Portal. Sa http://
• 1928: Inumpisahan niyang buuin ang hindi niya
matapos-tapos na unified field theory, kung saan
w ww. ge nyo .id iw a. p h/ a rt ic le3 .
minimithi niyang ilarawan ang lahat na mga asp?id=173&secid=2. Petsa ng Pagdalaw: 22
pundamental na puwersa at ugnayan sa loob ng Setyembre 2008.
balangkas ng iisang teorya. Almario, Virgilio. “Ang Wika ng Karunungang
• 1933: Para matakasan ang pagtugis ng mga Nazi, Filipino.” Sa website ng National Commission
iniwan niya ang Germany at pumunta sa Amerika.
Kasama ang asawang si Elsa, nanirahan sila sa
f or Cul ture and the Art s. S a ht t p: //
Princeton, New Jersey. Tinalikuran niya ang kanyang www.ncca.gov.ph/about-culture-and-arts/
pagiging mamamayang Aleman. articles-on-c-n-a/article.php?i=64&subcat=13.
• 1939: Nilagdaan niya ang isang liham na sinulat ni Petsa ng Paglathala: 15 Agosto 2003. Petsa ng
Leo Szilard para kay Presidente Franklin Roosevelt Pagdalaw: 22 Setyembre 2008.
na nagbabala sa Amerika tungkol sa posibilidad na
ang mga Nazi ay maaaring gumagawa na ng bomba
Almario, Virgilio. “Sapagkat Buháy ang Wikang
atomika. Filipino.” Sa website na Sawikaan. Sa http://
• 1940: Si Einstein ay naging isang mamamayang www.sawikaan.net/sapagkat_buhay.html.
Amerikano kahit na hindi niya tinatalikuran ang
88 MALAY TOMO XXI BLG. 2

Petsa ng Paglathala: 2004. Petsa ng Padalaw: index.php?module=article&view=46. Petsa ng


22 Setyembre 2008. Paglat hala: 14 Marso 2007. Petsa ng
Barnett, Lincoln. The Universe and Dr. Einstein. Pagdalaw: 25 Setyembre 2008.
New York: Bantam Books, 1968. Lacanilao, Flor. “A Jolt from the True State of
Cassidy, David. Einstein and our World. New Sciencce in the Philippines,” sa webpage na
York: Humanity Books, 1995. Inq.Net sa http://globalnation.inquirer.net/
Clark, Ronald. Einstein: The Life and Times. mindfeeds/view_articlephp?article_id65347.
New York: Avon Books, 1984. Lacanilao, Flor. “A Jolt from the True State of
David, Randolf. “Politika ng Wika, Wika ng Science in the Philippines.” Sa webpage na
Politika.” Sa website na Sawikaan. Sa http:/ Inquirer.Net. Sa http://globalnation.inquirer.
/www.sawikaan.net/politika_ng_wika.html. net/mindfeeds/mindfeeds/ view_article.
Petsa ng Paglathala: 1996. Petsa ng Padalaw: php?article_id=65347. Petsa ng Paglathala: 11
23 Setyembre 2008. Mayo 2007. Petsa ng Pagdalaw: 25 Setyembre
de Quiros, Conrado. “Ang Kapangyarihan ng 2008.
Wika, Ang Wika ng Kapangyarihan.” Sa Lacanilao , Flo r. “Measuring Resear ch
website Sawikaan. Sa http://www.sawikaan. Performance.” Sa webpage na Bahay Kubo
net/wika_ng_kapangyarihan. html. Petsa ng Research. Sa http://www.bahaykuboresearch.net/
Paglathala: 1996. Petsa ng Padalaw: 22 index. php? module=article& view=51. Petsa ng
Setyembre 2008. Paglat hala: 14 Marso 2007. Petsa ng
Einstein, Albert. Relativity: the Special and Pagdalaw: 25 Setyembre 2008.
General Theory. Lawson, Robert, Trans. Sa Lacanilao, Flor. “R & D Process.” Sa webpage
webpage Bart l eb y. Co m: Grea t B o o ks na Baha y Kubo Resea rch. Sa ht t p ://
Online. Sa http://www.bartleby.com/173/. w w w. bahayk u bo r esear ch. net /
Petsa ng Unang Paglathala: 1920. Petsa ng index.php?module=article&view=46. Petsa ng
Paglathala: 2000. Petsa ng Pagdalaw: 29 Paglat hala: 14 Marso 2007. Petsa ng
Setyembre 2008. Pagdalaw: 25 Setyembre 2008.
Fortunato, Teresita. “Pagsasalin: Instrumento sa Licuanan, Patricia. “Language and Learning.” Sa
Pagpapayaman ng Bokabularyong Filipino.” Sa websit e na Sawikaa n. Sa ht t p: //
Buhay at Lipunan: Filipino para sa mga w w w . s a w i k a a n . n e t /
Agham Pantao. Manila: De La Salle langu age_and_learning. ht ml. Pet sa ng
University Press, 2003). Pp. 35-44. Paglathala: 24 January 2007. Petsa ng Padalaw:
Gonzalez, Andrew. “Language Planning and 22 Setyembre 2008.
Intellectualisation.” Sa website na Multilingual Miclat, Mario. “Globalization and National
Matters and Channel View Publications. Sa Language.” Sa website na Sawikaan. Sa http:/
http://www.multilingual-matters.net/cilp/003/ /www.sawikaan.net/globalization.html. Petsa ng
0005/cilp0030005.pdf. Petsa ng Pagdalaw: 24 Paglathala: 2006. Petsa ng Padalaw: 22
Setyembre 2008. Setyembre 2008.
Infeld, Leopold. Albert Einstein: His Work and Nobel Prize. http:/nobelprize.org/nobel_prizes/
Its Influence on our World. New York: Charles physics/laureates/1921/einstein.bio.html, 1967.
Scribner’s Sons, 1950. Petsa ng Pagdalaw: 29 Setyembre 2008.
Kuhn, Thomas. The Structure of Scientific Pais, Abraham. Subtle is the Lord: The Science
Revolutions. Chicago: University of Chicago and the Life of Albert Einstein. Oxford:
Press, 1970. Oxford University Press, 1983.
Lacanilao, Flor. “Measuring Research Performance,” Pertierra, Raul. Science, Technology and
sa webpage na Bahay Kubo Research. Sa http:/ Everyday Culture in the Philippines. Quezon
/w ww.ba ha yku bo r e s e a r c h. ne t / City: Institute of Philippine Culture, 2003.
ANG MGA TEORYA NG RELATIVIDAD NI ALBERT EINSTEIN FEORILLO P.A. DEMETERIO 89

Sibayan, Bonifacio. “The Intellectualization of Petsa ng Paglathala: 2002. Petsa ng Pagdalaw:


Filipino.” Sa website ng National Commission 22 Setyembre 2008.
f or Cul ture and the Art s. S a ht t p: // White, Michael & Gribbin John. Einstein: A Life
www.ncca.gov.ph/about-culture-and-arts/ in Science. London: Free Press, 1994.
articles-on-c-n-a/article.php?igm=3&i=210.

View publication stats

You might also like