You are on page 1of 6

Paaralan Kanlurang Mayao Elementary Baitang Five

School

Guro Rosevyl A. Caday Asignatura Filipino

Petsa ng Ika-11 ng Mayo, 2023 Markahan Q4


Pagtuturo

I.Layunin

A. Pamantayang Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng


Pangnilalaman sariling ideya, kaisipan, karanasan at damdamin.

B. Pamantayan sa Pagganap Nakagagawa ng debate.

C. MELC Nagagamit ang iba’t-ibang uri ng pangungusap sa pakikipagdebate tungkol


sa isang isyu.

(F5WG-IVb-e-13.2) ( 2 araw )
II. Nilalaman Paggamit ng Iba’t-ibang Uri ng Pangungusap sa Pakikipagdebate Tungkol
sa Isang Isyu

III. Sanggunian

a. Patnubay ng Guro MELC Filipino G5 Q4, PIVOT BOW R4QUBE, Curriculum Guide:
(p.101)

BOW sa Filipino pahina 31

ADM Q4 L3

b. Patnubay ng Mag-aaral ADM sa Filipino 5 Q4 W2

c. Pahina ng Aklat Alab Filipino 5

d. Karagdagang Sanggunian https://youtu.be/GuAswL2gfG4

e. Mga kagamitan - Powerpoint ng tatalakaying paksa


- ADM
- Alab Filipino 5
- Papel/ kwaderno
- bolpen

IV. Pamamaraan

1. Panimulang Gawain Pagsasanay:


Basahin ang mga sumusunod at tukuyin ang uri ng pangungusap na
ginamit. Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Bakit dinala sa ospital si Lolo Tomas?


A. pasalaysay B. patanong C. pautos D. padamdam
2. Pakiayos mabuti ang mga upuan at mesa.
A. pasalaysay B. patanong C. pautos D. padamdam
3. Aray ko, nakakasakit ka na!
A. pasalaysay B. patanong C. pautos D. padamdam
4. Mababait ang mga anak ni Aling Mona.
A. pasalaysay B. patanong C. pautos D. padamdam
5. Paano natin mapananatiling malinis ang kapaligiran?
A. pasalaysay B. patanong C. pautos D. padamdam

Balik-aral:

Isulat sa patlang ang uri ng pangungusap. Gamitin ang mga sumusunod na


titik: PS(pasalaysay), PT(patanong), PD(padamdam), PU(pautos), at
PK(pakiusap).
____ 1. Dito tayo sasakay ng dyip.

____ 2. Dadaan po ba kayo sa palengke?

____ 3. Hoy, bawal sumingit sa pila!

____ 4. Mahaba pala ang pila tuwing umaga.

____ 5. Pakitulungan ang matanda sa pagsakay.

Talasalitaan: Basahin at gamitin sa pangungusap ang mga sumusunod na


salita.

1. pangungusap
2. debate
3. isyu

Pagganyak: Nakapanood na ba kayo ng debate? Ano ang masasabi mo


tungkol dito?

2. Panimula Inaasahan na pagkatapos ng aralin na ito ay:


A. nagagamit ang iba’t-ibang uri ng pangungusap sa pakikipagdebate
tungkol sa isang isyu; at
B. natutuhan ang mga panuntunan at kahalagahan ng pakikipagdebate.
3. Pagtuturo/Pagmomodelo

Ang debate o pakikipagtalo ay isang pormal na pakikipagtalong may


estruktura at sistemang sinusundan. Isinasagawa ito ng dalawang grupo o
indibidwal na may magkaslungat na panig tungkol sa isang partikular na
paksa; ang dalawang panig ay: Ang proposisyon o sumasasang-ayon, at
ang oposisyon o sumasalungat. May isang moderator na magiging
tagapamagitan upang matiyak na magiging maayos ang daloy ng debate at
igagalang ng bawat kalahok ang tuntunin ng debate.

Pagkatapos ng debate, may mga huradong magpapasiya kung


kaninong panig ang higit na nakapanghikayat o mas kapani-paniwala. Ang
mga hurado ay dapat walang kinikilngan sa dalawang panig at kailangang
nakaupo nang magkakalayo sa isa’t-isa at hindi mag-usap-usap bago
magbigay ng kani-kanilang hatol upang maiwasang maimpluwensiyahan
ang hatol ng isa’t-isa.

Sa pakikipagtalong ito, ang bawat kalahok ay binibigyan ng pantay na


oras o pagkakataon upang makapaglahad ng kani-kanilang mga patoo
gayundin ng pagpabulaan o rebuttal. May nakatalaga ring timekeeper sa
isang debate upang matiyak na masusunod ng bawat tagapagsalita ang oras
na laan para sa kanila.

Maaring gamitin ang iba’t-ibang uri ng pangungusap sa


pakikipagdebate upang ipahayag ang pagsang-ayon at pagsalungat sa isang
isyu o usapin. Ang pagsang-ayon ay isang pahayag na nakikiisa sa isang
isyu o usapin. Ang ilang hudyat na salita o pariralang ginagamit sa
pagsang-ayon ay: sang-ayon ako, tama, iyan ay nararapat, pareho tayo, oo,
at tunay. Samantala, ang pagsalungat naman ay isang pahayag na
ngangahulugang pagtutol sa isang usapin o ideya. Ang ilang hudyat na
salita o parirala sa pagsalungat ay: ayaw ko, hindi ako naniniwala, hindi
ako sang-ayon, hindi ako naniniwala, hindi totoong, maling-mali talaga, at
hindi totoo.

Sa pakikipagdebate o pakikipagtalo ay kailangan na may katibayan ang


lahat ng katwiran at ito ay nakalahad sa maayos na pagpapahayag. Ilahad
ng maayos at mahinahon ang mga mali sa katwiran ng kalaban. Maaari
ring ipaliwanag ang mga kahinaan ng mga ebidensiya o patunay na
inilahad ng kalaban.
Ang pakikipagdebate ay nakakatulong upang malinang ang ating mga
kasanayan sa wasto, mabilis na pag-iisip, mabilis na pagsasalita, lohikal
na pangangatwiran at pag-uuri ng tama at mali. Nakakatulong din ito
upang magkaroon tayo ng pang-unawa sa mga katwirang inilalahad ng iba
at pagtanggap sa nararapat na kapasyahan. Maging ang magandang asal
ay maaaring malinang tulad ng paggalang at pagtitimpi o pagpipigil ng
sarili.

Integrasyon ng ESP

4.Pagtalakay https://youtu.be/GuAswL2gfG4

Panoorin at sagutin ang mga tanong.

Ano ang debate?

Paano ito isinasagawa?

Bakit kailangang gamitin ang iba’t ibang uri ng pangungusap sa


pakikipagdebate tungkol sa isang isyu?

Integrasyon ng ESP

5.Paglalahat Punan ng angkop na salita ang bawat patlang. Piliin ang tamang sagot sa
kahon.

Ang _______________ ay isang pormal na pakikipagtalong may


estruktura at sistemang sinusundan. Isinasagawa ito ng dalawang panig:
ang ______________ at ang oposisyon. Ang proposisyon ay sumasang-
ayon sa isyung pagtatalunan at ang oposisyon naman ay ang
___________________ ditto, Upang maipahayag ang pagsang-ayon o
pagsalungat sa pakikipagdebate, maaaring gumamit ng iba’t-ibang uri ng
_________________. Sa pakikipagdebate ay kailangan na may
________________ ang lahat ng katwiran inilalahad ng bawat panig.

6.Pinatnubayang Pagsasanay TANDAAN ANG TEAM

T-Tamang boses ang gamitin

E-skwelang nagbabahagi ng ideya

A-ktibong makilahok

M-ay disiplina
PERFORMANCE TASK

*Sa ikalawang araw ay magpapakita ang mga bata ng debate tungkol sa


alin ba ang dapat gamitin sa pang-araw araw na pakikipagtalastasan: ang
wikang Filipino o wikang banyaga?

7.Malayang Pagsasanay

Basahing mabuti ang bawat pahayag. Isulat sa patlang ang Tama kung
tama ang pahayag at Mali naman kung hindi.

___________1. Sa pakikipagdebate malilinang ang kasanayan sa wasto at


mabilis na pag-iisip.

___________ 2. Malilinang din ang wasto at bilis ng pagsasalita.

___________ 3. Hindi nakakatulong ang pakikipagdebate upang malinang


ang lohikal na pangangatwiran.

___________ 4. Sa pikikipagdebate, nabibigyang kahalagahan ang


magandang-asal tulad ng paggalang at pagtitimpi o pagpipigil ng sarili.

___________ 5. Nakakatulong din ang pakikipagdebate upang magkaroon


ng pang-unawa sa mga katwirang inilalahad ng iba at pagtanggap sa
nararapat na kapasyahan.

8.Paglalapat Bakit kaya kailangang pag-aralan ang paggamit ng iba’t-ibang uri ng


pangungusap sa pakikipagdebate tungkol sa isang isyu?

9.Pagtataya Basahing mabuti ang mga sumusunod na tanong at piliin ang letra ng
tamang sagot.

1. Ito ay isang pormal na pakikipagtalong may estruktura at sistemang


sinusundan.
A. debate B. away C. hamon D. laro

2. Ito ay isang panig sa pakikipagdebate na sumasang-ayon sa isyung


pagdedebatehan.
A. Oposisyon B. moderator C. proposisyon D. hurado
3. Sino ang magpapasya kung aling panig sa pakikipagdebate ang
nakakapanghikayat o kapani-paniwala?
A. Oposisyon B. moderator C. proposisyon D. hurado
4. Alin sa mga sumusunod na kalinangan ang maidudulot ng
pakikipagdebate?
A. Wasto at mabilis na pagsasalita
B. Mabilis na pagtakbo
C. Mahinang pangangatwiran
D. Hindi nakakapagtimpi
5. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang halimbawa ng pagsang-
ayon?
A. Tama ang aking ina, napakaganda nga aming probinsiya.
B. Ayaw kong kumain ng hapunan.
C. Masarap sana ang minatamis na saging, ngunit bawal sa akin.
D. Walang katotohanan ang paratang ng mga tao laban sa aking kapatid.

IV. Takdang Aralin Magsulat sa iyong kuwaderno ng iyong nararamdaman o realisasyon gamit
ang mga sumusunod na prompt:

Naunawaan ko na __________________________________

Magagamit ko ito sa________________________________

Inihanda ni:

ROSEVYL A. CADAY

Guro sa Filipino

You might also like