Professional Documents
Culture Documents
Kabanata 2
Kabanata 2
KABANATA 2. PANAHON NG
KATUTUBO: Katangian ng Panitikan
at Mga
Bago Akda
natin talakayin ang nilalaman ng kabanatang ito, binabati kita dahil
sa matagumpay mong natapos ang mga gawain at pagsubok sa Kabanata 1.
Ngayon, ay dagdagan natin ang iyong natutuhan patungkol sa sinaunang
panitikan upang mabalikan at maunawaan natin ang ating pinanggalingan.
Sa kabanatang ito matatalakay natin nang ganap ang mga akdang
pampanitikan na nagtataglay ng kasaysayan ng lahing Pilipino.
TALAKAYIN NATIN.
Nabanggit sa aklat nina Lalic at Matic (2004) na bago pa dumating ang
mga Kastila sa Pilipinas ay mayroon na tayong panitikan. Ang mga panitikang
ito ay pasaling –bibig na may impluwensiya ng kaisipang Malayo-Polinesyo.
Ang mga nag-iingat at nagpapahayag ng mga panitikang ito ay ang mga apo o
matanda na karaniwang puno ng barangay o pinakapari ng relihiyon. Sinasamba
nila ang kalikasan, araw o
punongkahoy at mga kababalaghang gawa ng mga mabubuti at masasamang
espiritu na tinatawag nilang “anito”. Sa panahong ito, ang ating panitikan ay
nasa anyo ng alamat, kuwentong-bayan, awiting-bayan, epiko at mga
karunungang-bayan.
Ayon kay Villafuerte, et al. (2000), ang mga anyo ng panitikang ito ay
nagpapakita ng ating panlipunan at panlahing pagkakakilanlan. Bagaman at
karaniwan sa mga akdang ito ay pasalin-salin lamang sa mga bibig ng mga
matatanda at mayroon din silang sistema ng pagsulat. Nakababasa at
nakasusulat na ang ating mga ninuno gamit ang unang alpabeto na kahawig ng
alpabetong Malayo-Polinesyo o ng mga Indonesyo. Binubuo ito ng labimpitong
titik; tatlong patinig at 14 na katinig, na tinatawag na alibata o baybayin.
PERO TEKA, Alam mo ba ang mga unang ninuno natin na nandayuhan
sa Pilipinas bago ang mga Kastila?
Ayon sa aklat nina Marquez at Garcia (2013), naunang nanirahan sa
kapuluan ang mga negritong nakilala sa tawag na ita, ayta, agta o baluga. Sila
ay may kalinangan bagamat walang impluwensiyang pangkultura maliban sa
MODYUL SA PANITIKANG FILIPINO (GEE 2)
12
PUKAWIN NATIN
Hindi naiiba ang mga Pilipino noong bata pa ang daigdig. May mga
katanungan siyang nabuo sa isip tungkol sa pinagmulan ng kapaligiran. Ang mga
tanong na iyan ay sinagot ng ating mga ninuno sa paraang gumigising ng
gunuguni. Sa pagbibigay ng paliwanag ng pinagmulan ng mga pangyayari ay
waring ito ay totoo at hindi isang likhang-isip lamang. Kaya nabuo ang mga
unang kuwento.
Ngayon ay mag-isip ka. Tumingin sa paligid at lumikha ng isang
kuwentong ibabatay sa isang bagay o pangyayari. Subukin ang sarili kung
makabubuo ka ng isang kuwento. Tandaan na sa bawat kuwentong lilikhain ay
dapat masalamin ang magagandang pagpapahalaga sa buhay.
TALAKAYIN NATIN
Ayon kay Villafuerte, et al. (2000), may dalawang bahagi ang panitikang
sinauna. Una, ang kapanahunan ng mga Alamat, na nagsimula sa lalong kauna-
unahang panahon ng ating lahi. Ikalawa, ang kapanahunan ng Epiko o Tulang
Bayan na nagsisimula sa palibot-libot ng taong 1300A.D na nagtapos sa panahon
ng pananakop ni Legaspi noong 1565.
A. Kapanahunan ng Alamat
Tinalakay sa aklat nina Panganiban et. al (1982) na ang
kapanahunang ito ay binubuo ng mga bulong na pangmakahiya (incantations),
kuwentong-bayan (folktale) at alamat (legend). Karamihan sa mga ito ay salig
sa pananampalataya at pamahiin.
1. Bulong – Ito ay ginagamit na pangkulam o pang-ingkanto.
Halimbawa:
“ Nagnakaw kaw ka bugas ko,
Mabuslo raad ang mata mo,
Mamanog ang kalawasan mo,
Patyon kaw kang mga engkanto.”
Halimbawa:
Alamat ng Bayabas
Alamat ng Sibalom
Alamat ng Langit at Lupa
B. Kapanahunan ng Epiko
Ang kapanahunang ito ay binubuo:
1. Karunungang-Bayan
a. Bugtong – Ito ay mga anyong patula na binubuo ng dalawang taludtod na
may sukat at tugma. Taglay nito ang paglalarong patula na nagpapatalas ng
isip.
Halimbawa: Eto na si lelong
SAGOT: Bubuyog
Bubulong-bulong.
Tiririt ng maya,
Tiririt ng ibon,
Ibig mag-asawa’y
Walang ipalamon.
Sa dibdib mo lumalabas
Ang manlilikhang Lulid Amo;
Siya ang nakagagawa
At nagbigay ng dilim na higit sa gabi.....