You are on page 1of 6

PAGLAKAS NG EUROPE

Nagmula sa Europe ang pinakamayayamang mga bansa sa daigdig. Malaki ang bahaging ginagampanan
nila upang mapanatili ang katayuan ng Europe bilang isa sa mga pinakamaunlad na kontinente sa daigdig.
Kailan nga ba nagsimula ang paglakas ng mga mangangalakal na malaki ang naging bahagi sa paglakas ng
Europe sa bahagi ng kasaysayan.

Sa bahaging ito, inaasahang matutuhan mo ang mahalagang kaalaman tungkol sa paglakas ng Europe. Ang
bahaging ginampanan ng bourgeoisie, ng sistemang merkantilismo, pagkatatag ng National Monarchy,
Renaissance, at maging ng Simbahang Katoliko at Repormasyon ay makakatulong upang lubos na
maunawaan ang mga pagbabagong naganap sa Europe sa panahong ito.

Ang terminong bourgeoisie ay inuugnay sa mga mamamayanan ng mga bayan sa Medieval France na
binubuo ng mga artistan at mangangalakal. Ang mga mangagawang may kasanayan sa paggawa ng mga
kagamitang maaring may particular na gamit o pandekorasyon lamang .

Malaki ang pagkakaiba ng pamumuhay ng mga bourgeoisie sa pamumuhay ng aristokrasya, mga


magsasaka, o mga pari. Ang daigdig nila ay hindi ang manor o simbahan kundi ang pamilihan. Hindi nakatali
ang mga kasaping uring ito sa mga panginoong may lupa. Ang kanilang yaman ay hindi nanggaling sa lupa
kundi sa industriya at kalakalan. Ang mga artisan, halimbawa, ay naninirahan sa mga nabuong pamayanan
hindi sila aka depende sa sistemang piyudal ang binabayaran sila sa kanilang paggawa.

Sa huling bahagi ng ika-17 na siglo, naging isang makapangyarihang pwersa ang bourgeoisie sa europe.
Binubuo sila ng mga mangangalakal, banker, mga shipower, mga pangunahing mamumuhunan at mga
negosyante. Hindi nakabilang sa kanila ang mga artisan na sa panahong ito ay mauuri na sa mga
manggagawa. Ang kapangyarihan ng bourgeoisie ay bunga ng kayamanan at pakikipag alyansa sa hari laban
sa mga landlord. Subalit ang kanilang kapangyarighan sa nasabing panahon ay pang ekonomiya lamang.
Maiuugat ang English Revolution, American Revolution at French Revolution sa pagnanais ng bourgeoisie na
palayain ang sarili mula sa anino ng pyudalismo sa pakikialam ng monarkiya sa personal na kalayaan at sa
karapatan sa kalakalan at pagmamay ari.

Nagkaroon lamang ng political na kapangyarihan ang mga bourgeoisie pagdating ng ika-19 na siglo.
Nagkamit sila ng karapatang panrelihiyon at sibil sa pamamagitan ng pagtataguyod ng liberalismo .

MERKANTILISMO

Hango ay ideyang ito sa karanasan ng Spain na yumaman at naging makapangyarihan dahil sa mahalagang metal na
nanggaling sa mga kolonya nito sa South Amerika at Central America. Gayundin, kinakailangan nila ng mga kolonyang
magkakaloob ng mga ginto at pilak.

Ang isang bansang walang kakayahang makakuha ng ginto at pilak nang madalian ay dapat na mas paunlarin pa ang
kalakalan nito sa iba pang bansa. Kung titiyakin lamang ng pamalahaan na mas marami ang iniluluwas kaysa inaangat, mas
maraming ginto at pilak ang papasok sa bansa. Sa gayong paraan, mapaapanatili nito ang kalamangan sa balance ng
kalakalan.

Isang elemento ng Merkantilismo na nakatulong sa pagkabuo at paglakas ng mga nation state ay ang tinatawag na
Nasiyonalismong Ekonomiko. Ibig sabihin nito, kayang tustusan ng isang bansa ang sarili nitong pangangailangan. Sa
pamamagitan ng pagtataas sa dami ng iniluluwas na produkto, hindi na aasa ang bansa sa mga produktong dayuhan.

Ang pag unlad ng isang doktrinang tinawag na merkantilismo ay nakatulong din sa pagbuo at paglakas ng mga nation-state
sa Europe. Nabuo ang prinsipyo ng merkantilismo upang itaguyod ang kaunlarang pang ekonomiya at kapangyarihang
politikal ng isang bansa. Bagama’t kadalasang ikinakategorya bilang patakarang pang ekonomiya, ang merkantilismo ay
isang sistema na ang pangunahing mga layunin ay politikal. Ang mga layuning ito ay ang magkaroon ng malaking kitang
magbibigay daan upang ang hari ay makapagpagawa ng mga barko, mapondohan ang kaniyang hukbo, at magkaroon ng
pamahalaang katatakutan at rerespetuhin ng buong daigdig.

Ang doktrinang bullionism ay sentral sa teorya ng merkantilismo. Sa ilalim ng doktrionang ito, Ang
tagumpay ng isang bansa ay masusukat sa dami ng mahalagang metal sa loob ng hangganan nito. Ibig
sabihin, kung mas maraming ginto at pilak ang makukuha ng isang bansa, mas maraming pera ang
malilikom nito bilang buwis. Nangangahulugan ito na mas magiging mayaman at makapangyarihan ang
naturang bansa.

Sa paglakas ng bourgeoisie at paggamit ng sistemang merkanilismo ay naging daan upang manumbalik ang
hari. Paano nga ba muling naging makapangyarihan ang hari? Paano rin nakatulong ang mga bougeoisie sa
pagiging makapangyarihan nila muli? ATING TUNGHAYAN MGA ACCLA:)

PAGTATAG NG NATIONAL MONARCHY

Malaki ang naitulong ng pagtatag ng national monarchy sa paglakas ng Europe. Matatandaan na sa


panahon ng piduyalismo, walang sentralisadong pamahalan. Mahina kapangyarihan ng hari. Ang naghahari
ay ang mga noble na sila ring mga panginoong maylupa. Ang hari ay itinuturin lamang na pangunahing
panginoong may lupa.

Subalit nagbago ang katayuan ng monarkiya sa tulong ng bourgeoisie. Ang hari na dating mahina ang
kapaangyarihan ay slowly na namamayapag sa pamamagitan ng pagpapalawak ng teritoryo at
pagpapatatag ng sentralisadong pamahalaan. Humirang siya ng mamamayang nagpapatupad ng batas at
nagsasagawa ng palilitis at pagpaparusa sa korte ng palasyo. Bilang resulta, ang katapatan ng mga
mamayanan ay lumipat mula sa panginoong may lupa tungo sa pamahalaan na may kakayahang
protektahan sila. Handa silang magbayad ng buwis para sa proteksyong ito.

PAG-USBONG NG NATION-STATE

Sa pagbabago sa konsepto ng monarkiya, naitatag na rin ang mga batayan ng mga nation-state sa Europe.
Ang nation-state ay tumutukoy sa isang estado na pinananahanan ng mamamayanan na may
magkakatulad na wika, kultura, relihiyon, at kasaysayan. Dahil sakanilang pagkakahalintulad na kultural,
ang mga mamamayan ay isang nagkakaisang lahi.

Mahalagang katangiang ng nation-state sa panahong ito ang pagkakaroon ng sentralisadong pamahalaan


sa ilalim ng isang pambansang monarkiya na may kakayahan at kapangyarihan na magpatupad ng batas sa
buong nasasakupan. May mga bagong institusyon na umusbong bunga ng pagiging nation-state. Isa rito
ang pagkabuo ng isang hukbo ng mga propesyunal na sundalo na tapat sa hari.
Tungkulin ng ng hukbo na palawigin ang teritoryo at kapangyarihan ng monarkiya kahit nangangahulugan
ito ng digmaan. Nagsimula rin ang institusyon ng burukrasya sa mga opisyal o kawani na may kasanayan
para patakbuhin ang pamahalaan ayonn sa kautusan ng monarkiya. Kabilang sa katungkulan ng mga
opisyal at kawani ang pangongolekta ng buwis, pagpapatupad ng buwis, pagpapatupad ng batas, at
pagkaloon ng hustisya.

PAGLAKAS NG SIMBAHAN AT ANG PAPEL NITO


SA PAGLAKAS NG EUROPE

Sa loob mismo ng Simbahan ay tinuligsa ang pang-aabuso ng mga hari


na naging dahilan upang lalong lumakas ang kapangyarihan ng Papa.
Sa pagsapit ng taong 1073, naging mas makapangyarihan ang
Simbahan nang itakda ni Papa Gregory VII na ang lipunan ay bahagi
ng kaayusang banal na napapasailalim sa batas ng Diyos. Bilang
pinakamataas na lider espiritwal at tagapagmana ng Simbahang
Katoliko mula kay San Pedro, ang Papa ang mayb pinakamataas na
kapangyarihan sa pananampalataya at doktrina. May karapatan ang
Papa na tanggalin sa hari ang karapatang mamuno kung hindi siya
tumupad sa kanyang obligasyong Kristiyano.

Ang Investiture Controversy ay sumasalamin sa tunggalian ng interes


ng Simabahan at pamahalaan kaugnay ng mga ideya ni Papa Gregory
VII. Hindi nagustuhan ng haring German na si Henry IV ang ideya ni
Papa Gregory VII ay tuwirang nakaaapekto sa mga kaugalian at
usaping politikal sa Germany. Dahil dito, humingi ng tulong si Henry
IV sa mga obispong German na pababain na sa puwesto ng Papa.
Bilang tugon, idineklara ng Papa na ekskomulgado si Henry IV sa
Simbahang Katoliko. Hiniling ng hari na alisin ang ekskomulgasyon sa
kaniya. Nang hindi ito ginawa ng Papa, tumayo si Henry IV nang
nakayapak sa labas ng palasyo nf Canossa sa hilagang Italy ng tatlong
araw noong 1077. Hiniling niya na alisin na ang parusang
ekskomulgasyon.
Pag-usbong ng Renaissance

Dahil sa pag-unlad sa agrikultura bunga ng mga pagbabago sa


kagamitan at pamamaraan sa pagtatanim, umunlad ang
produksiyon sa Europe noong Middle Ages. Ang mga lungsod
estado sa hilagang Italy ay nakinabang sa kalakalang ito. Noong
ika-11 hanggang ika-12 na siglo, umunlad ang mga ito bilang
sentrong pangkalakalan Monopolisado rin ng hilagang Italy ang
kalakalan sa pagitan ng Asya at Europe. Ilan sa mga lungsod-
estadong umusbong ay ang Milan, Florence, Venice, Matua,
Ferrara, Padua, Bologna, at Genoa. Ang mga Medici sa Florence
ay halimbawa ng isang pamilya ng mangangalakal at banker.

Sa pagtatapos ng Middle Ages sa huling bahagi ng ika-14 na


siglo, isinalang ng renaissance. Ang renaissance ay
nangangahulugang ‘’muling pagsilang’’ o rebirth. Maari itong
ilarawan sa dalawang paraan. Una, bilang kilusang kultural o
intelektwal na nagtangkang ibalik ang kagandahan ng sinaunang
kulturang Greek at Roman sa pamamagitan ng pag-aaral sa
panitikan at kultura ng mga nasabing sibilisasyon. Ikalawa,
bilang panahon ng transisisyon, mula sa Middle Ages tungo sa
Modern Period o Modernong Panahon.
BAKIT SA ITALY?

ITALY ang pinagmulan ng kadakilaan ng sinaunang Rome at at higit


na maqy kauganayan ang mga Italyano kaysan sa mga Romano, o
alinmang bansa sa Europe.

Itinuturing na isa sa maraming dahilan kung bakit naging tunay na


sinilangan ng Renaissance ang Italy, ang ang magandang lokasyon
nito. Dahil dito, nagkaroon ng pagkakataon ang mga lungsod dito na
makipagkalakalan sa Kanlurang Asya at Europe.

ANG HUMANISMO AY ISANG KILOSANG INTELEKTWAL NOONG


RENAISSANCE NA NANINIWALANG DAPAT PAGTUUNAN NG PANSIN
ANG KLASIKAL NA SIBILISASYON NG GREECE AT ROME SA PAGAARAL
DAHIL NAGLALAMAN ITO NG LAHAT NG ARAL NA DAPAT
MATUTUHAN UPANG MAGKAROON NG ISANG MORAL AT
EPIKTIBONG BUHAY.

THAT’S ALL FOR


TODAY, THANK
YOU

You might also like