You are on page 1of 13

RO_MIMAROPA_WS_Filipino8_Q4

Filipino 8
Ikaapat na Markahan
Ikaapat na Linggo

Aralin Hinagpis ni Florante (Saknong 1-25)


4 Alaala ni Laura (Saknong 26-68)
Ang Pag-ibig kay Flerida (Saknong 69-83)
MELC:
1. Nabibigyang kahulugan ang matatalinhagang ekspresyon, tayutay at
simbolo. (F8PT-IVcd-34)
2. Nailalahad ang mahahalagang pangyayari sa napakinggang aralin.
(F8PN-IVcd-34
3. Nasusuri ang pangunahing kaisipan ng mga
Alaala ni saknong
Laura na binasa.
(F8PB-IVcd-34)
4. Naisusulat sa isang monologo ang mga pansariling damdamin.
(F8PU-IVcd-36)

Susing Konsepto

Ang Hinagpis ni Florante


(Saknong 1-25)

Sa bahaging ito ay makikilala mo na si Florante, ang pangunahing


tauhan sa awit: isang matikas at magiting na heneral ng Albanya subalit sa
pagkakataong ito ay talunan. Basahin ang saknong 1-25 upang lubos mong
makilala si Florante.

1 Sa isang madilim, gubat na mapanglaw


Dawag na matinik ay walang pagitan mapanglaw-malungkot
Halos naghihirap ang kay Pebong silang,
Dumalaw sa loob ng lubhang masukal. Pebo-bathala ng araw

2 Malaking kahoy ay inihahandog,


Pawang dalamhati, kahapisa’t lungkot: nakalulunos- nakatatakot
Huni ng ibon ay nakalulunos,
Sa lalong matimpi’t masasayang loob.

3 Tanang mga baging na namimilipit,


Sa sanga ng kahoy ay balot ng tinik: kulay luksa-kulay itim
May bulo ang bunga’t nagbibigay sakit
Sa kangino pa mang masagi’t malapit.

4 Ang mga bulaklak ng nagtayong kahoy,


Pinakamaputing nag-ungos sa dahon;
Pawang kulay luksa at nakikiayon
Sa nakaliliyong masangsang na amoy.

1
RO_MIMAROPA_WS_Filipino8_Q4

5Karamiha’y sipres at higerang


kutad 11Dangan doo’y walang Oreadas
Na ang lilim niyon ay Nimfas,
nakasisindak; Gubat sa palasyo ng masidhing
Ito’y walang bunga’t daho’y Harpias
malalapad Nangaawa disi’t naakay lumiyag
Na nakadidilim sa loob ng gubat. Sa himalang tipon ng karikta’t
hirap.
6 Ang mga hayop pang dito’y
gumagala 12 Ang abang uyamin ng dalita’t
Karamiha’y syerpe’t basiliskong sakit
madla Ang dalawang mata’y bukal ang
Hyena’t tigreng ganid na nagsisila kaparis;
Ng buhay ng tao’t daiging kapwa. Sa luhang nanatak at tinangis-
tangis,
7 Ito’y gubat manding sa pinto’y Ganito’y damdamin ng may awang
malapit dibdib.
Sa Abernong Reyno ni Plutong
masungit, 13 “Mahiganting langit! Bangis
Ang nasasakupang lupa’y dinidilig mo’y nasaan?
Ng ilog Cocitong kamandag ang Ngayo’y naniniig sa
tubig. pagkagulaylay;
Bago’y ang bandila ng lalong
8 Sa may gitna nitong mapanglaw kasam-an
na gubat Sa Reynong Albania’y iwinawagay.
May punong higerang daho’y kulay
pupas 14 “Sa loob at labas ng bayan kong
Dito nakagapos ang kahabag- sawi,
habag Kaliluha’y siyang nangyayaring
Isang pinag-usig ng masamang hari,
palad. Kagalinga’t bait ay nalulugami,
Ininis sa hukay ng dusa’t pighati.
9 Bagong taong basal ang anyo at
tindig, 15 Ang magandang asal ay
Kahit nakatali kamay, paa at leeg, ipinupukol.
Kung di si Narciso’y tunay na Sa laot ng dagat na kutya’t
Adonis linggatong;
Mukha’y sumisilang sa gitna ng Balang magagaling ay ibinabaon
sakit. At inililibing na walang kabaong.

Sangkap ng katawa’y pawang


10 Makinis ang balat at anaki’y magkakaayos.
burok,
Pilik mata’t kilay mistulang 16 Nguni ay ang lilo’t masasamang
balantok; loob
Bagong sapong ginto ang kulay ng Sa trono ng puri ay iniluluklok;
buhok At sa balang sukab na may asal
hayop,
2
RO_MIMAROPA_WS_Filipino8_Q4
Mabangong insenso ang
isinusuob.”

17 Kaliluha’t sama ang ulo’y


nagtayo 22 Makapangyarihang kamay Mo’y
At ang kabaita’y kimi’t nakayuko; ikilos,
Santong katwira’y lugami at hapo, Papamilansikin ang kalis ng poot;
Ang luha na lamang ang pinatutulo. Sa Reynong Albanya’y kusang
ibulusok
18 At ang balang bibig na Ang Iyong higante sa masamang –
binubukalan loob.’’
Ng sabing magaling at
katotohanan, 23 Bakit kalangita’y bingi ka sa
Agad binibiyak at sinisikangan akin,
Ng kalis ng lalong dustang Ang tapat kong luhog ay hindi Mo
kamatayan. dinggin?
Diyata’t sa isang alipusta’t iring,
19 O taksil na pita sa yama’t Sampung tainga mo’y
mataas! ipinangunguling?”
O hangad sa puring hanging
lumilipas! 24 Datapwa’t sino ang tatarok
Ikaw ang dahilan ng kasam-ang kaya,
lahat Sa mahal Mong lihim, Diyos na
At niring nasapit na kahabag- dakila?
habag.” Walang nangyayari sa balat ng
lupa,
20 Sa korona dahil ng Haring Di ma’y kagalingang iyong
Linceo ninanasa.”
At sa kayamanan ng Dukeng ama
ko, 25”Ay! Di saan ngayon ako
Ang ipinangahas ng Konde Adolfo mangangapit!
Sabugan ng sama ang Albanyang Saan ipupukol ang tinangis-tangis,
Reyno. Kung ayaw na ngayong dinigin ng
Langit
21 Ang lahat ng ito, maawaing Ang sigaw ng aking malumbay na
langit, boses!”
Iyong tinutungha’y ano’t natitiis?
Mula ka ng buong katuwira’t bait,
Pinapayagan mong ilubog ng lupit.

sipres-isang punong mataas at may mga tuwid na sanga


higera-isang punong may malalpad na dahon na hindi namumunga
basilisko-halimaw na mukhang butiki kaliluhan-kasamaan
pupas-itim na itim pagkagulaylay-pagkakahandusay
Narciso-isang makisig na binata sa Mitolohiyang Griyego
Averno-pintuan ng impyerno Pluto-hari ng kadiliman
3
RO_MIMAROPA_WS_Filipino8_Q4

Alaala ni Laura
(Saknong 26-68)
Mababasa sa bahaging ito ang pag-alaala ni Florante sa minamahal niyang si
Laura na siyang nagbibigay ng lakas at pag-asa sa kanya. Ngunit ang mga
alaalang ito ay napapalitan ng selos sa tuwing sasagi sa isipan na si Laura ay
masaya sa piling ni Konde Adolfo. Sa mga saknong na ito ay matutunghayan
mo ang pagdadalamhati ni Florante subalit sa kabila nito ay nakatatagpo siya
ng lakas dahil sa pag-ibig ni Laura.

26 "Kung siya mong ibig na ako'y ano pang halaga ng gayong suyuan
magdusa, ...
Langit na mataas, aking mababata; kung ang sing-ibig ko'y sa
isagi mo lamang sa puso ni Laura-- katahimikan
ako'y minsan-minsang mapag- ay humihilig na sa ibang
alaala." kandungan?

27 "At dito sa laot ng dusa't 32 "Sa sinapupunan ni Konde


hinagpis, Adolfo,
malawak na lubhang aking aking natatanaw si Laurang sinta
tinatawid, ko;
gunita ni Laura sa naabang ibig, kamataya'y nahan ang dating
siya ko na lamang ligaya sa dibidib. bangis mo,
nang di ko damdamin ang hirap na
28 "Munting gunamgunam ng sinta ito?"
ko't mutya
nang dahil sa aki'y dakila kong 33 Dito hinimatay sa
tuwa; paghihinagpis,
higit na malaking hirap at dalita, sumuko ang puso sa dahas ng
parusa ng taong lilo't walang awa. sakit;
ulo'y nalungayngay, luha'y
29 "Sa pagkagapos ko'y kung bumalisbis,
gunigunihin, kinagagapusang kahoy ay nadilig.
malamig nang bangkay akong
nahihimbing; 34 Magmula sa yapak hanggang sa
na tinatagisan ng sula ko't giliw, ulunan,
ang pagkabuhay ko'y walang nalimbag ang bangis ng
hangga mandin. kapighatian;
at ang panibugho'y gumamit ng
30 "Kung apuhapin ko sa sariling asal
isip, na lalong marahas, lilong
ang suyuan namin ng pili kong ibig; kamatayan.
ang pagluha niya kung ako'y may
hapis, 35 Ang kahima't sinong hindi
nagiging ligaya yaring madlang maramdamin,
sakit. kung ito'y makita
magmamahabagin;
31 "Nguni, sa aba ko! sawing matipid na luha ay paaagusin,
kapalaran! ang nagparusa ma'y pilit hahapisin.

4
RO_MIMAROPA_WS_Filipino8_Q4
36 Suka’t na ang tingnan ang mukha ko ang lunas sa madlang
lugaming anyo hilahil.
nitong sa dalita'y hindi makakibo,
aakayin biglang umiyak ang puso, 43 "Di kung ako Poo'y utusang
kung wala nang luhang sa mata'y manggubat
itulo. ng hari mong ama sa alinmang
Ciudad,
37 Gaano ang awang bubugso sa
kung ginagawa mo ang aking
dibdib
ng may karamdamang maanyong sagisag,
tumitig, dalawa mong mata'y nanalong ng
kung ang panambita't daing ay perlas?
marinig
nang mahimasmasan ang tipon ng 44 "Ang aking plumahe kung
sakit? itinatahi
ng parang korales na iyong daliri,
38 Halos buong gubat ay buntunghininga mo'y nakikiugali
nasasabugan sa kilos ng gintong ipinananahi.
ng dinaing-daing na lubhang
malumbay,
45 "Makailan Laurang sa aki'y
na inuulit pa at isinisigaw
iabot,
sagot sa malayo niyong
alingawngaw. basa pa ng luha bandang isusuot;
ibinibigay mo ay naghihimutok,
39 "Ay! Laurang poo'y bakit isinuyo takot masugatan sa
sa iba ang sintang sa aki'y pakikihamok.
pangako;
at pinagliluhan ang tapat na puso, 46 "Baluti't koleto'y di mo
pinaggugulan mo ng luhang tumulo? papayagang
madampi't malapat sa aking
40 "Di sinumpaan mo sa harap ng katawan,
Langit kundi tingnan muna't baka may
na di maglililo sa aking pag-ibig? kalawang
ipinabigay ko naman yaring dibdib,
ay nanganganib kang damit ko'y
wala sa gunita itong masasapit!
marumhan.
41 "Katiwala ako't ang iyong 47 "Sinisiyasat mo ang tibay at
kariktan, kintab
kapilas ng langit anaki'y matibay; na kung sayaran man ng taga'y
tapat ang puso mo't di dumulas;
nagunamgunam at kung malayo mang iyong
na ang paglililo'y nasa minamalas,
kagandahan. sa gitna ng hukbo'y makilala agad.
48 "Pahihiyasan mo ang aking
42 "Hindi ko akalaing iyong turbante
sasayangin ng perlas, topasyo't maningning na
maraming luha mong ginugol sa rubi;
akin; bukod ang magalaw na batong
taguring madalas na ako ang giliw, d'yamante,
puno ng ngalan mong isang letrang
L.
5
RO_MIMAROPA_WS_Filipino8_Q4

49 "Hanggang ako'y wala't 55 "Halina, Laura ko't aking


nakikipaghamok, kailangan
nag-aapuhap ka ng pang-aliw- ngayon, ang lingap mo nang
loob; naunang araw;
manalo man ako'y kung bagong ngayon hinihingi ang iyong
nanasok, pagdamay--
ang abang sinta mo'y nasa
nakikita mo na'y may dala pang
kamatayan.
takot.
56 "At ngayong malaki ang aking
50 "Buong panganib mo'y baka dalita
nagkasugat, ay di humahanap ng maraming
di maniniwala kung di masiyasat; luha;
at kung magkagurlis nang munti sukat ang kapatak na makaapula,
sa balat, kung sa may pagsintang puso mo'y
hinuhugasan mo ng luhang magmula.
nanatak.
51 "Kung ako'y mayroong 57 "Katawan ko ngayo'y siyasatin,
kahapisang munti, ibig,
tatanungin mo na kung ano ang tingni ang sugat kong di gawa ng
sanhi; kalis;
hanggang di malining ay hugasan ang dugong nanalong sa
idinarampi gitgit
sa mga mukha ko ang rubi mong sa kamay ko, paa't natataling liig.
labi.
58 "Halina, irog ko't ang damit ko'y
52 "Hindi ka tutugot kung di tingnan,
matalastas, ang hindi mo ibig dumamping
kakapitan mo nang mabigyan ng kalawang:
lunas; kalagin ang lubid at iyong bihisan,
dadalhin sa hardi't doon ihahanap matinding dusa ko'y nang gumaan-
ng ikaaaliw sa mga bulaklak. gaan.

53 "Iyong pipitasin ang lalong 59 "Ang mga mata mo ay iyong ititig


marikit, dini sa anyo kong sadlakan ng
dini sa liig ko'y kusang isasabit; sakit,
tuhog na bulaklak sadyang salit- upang mapigil ang takbong mabilis
salit, niring abang buhay sa ikapapatid.
pag-uupandin mong lumbay ko'y
mapaknit. 60 "Wala na Laura't ikaw na nga
lamang
54 "At kung ang hapis ko'y hindi ang makalulunas niring kahirapan;
masawata, damhin ng kamay mo ang aking
sa pilikmata mo'y dadaloy ang luha; katawan
napasaan ngayon ang gayong at bangkay man ako'y muling
aruga, mabubuhay!
sa dala kong sakit ay di iapula?

6
RO_MIMAROPA_WS_Filipino8_Q4

61 "Nguni, sa aba ko! Ay, sa laking 65 "Ito'y siyang una sa lahat ng


hirap! hirap,
wala na si Laurang laging pagdaya ni Laura ang
tinatawag! kumakamandag;
napalayu-layo't di na lumiliyag, dini sa buhay ko'y siyang
ipinagkanulo ang sinta kong magsasadlak
tapat. sa libingang laan ng masamang
palad.
62 "Sa abang kandunga'y
ipinagbiyaya 66 "O, Konde Adolfo, inilapat mo
ang pusong akin na at ako'y dinaya; man
buong pag-ibig ko'y ipinanganyaya, sa akin ang hirap ng sansinubukan,
nilimot ang sinta't sinayang ang ang kabangisan mo'y
luha. pinasasalamatan,
ang puso ni Laura'y kung di
inagaw."
63 "Alin pa ang hirap na di sa akin
may kamatayan pang di ko 67 Dito naghimutok nang kasindak-
daramdamin? sindak
ulila sa ama't inang nag-angkin, na umalingawngaw sa loob ng
walang kaibiga't nilimot ng giliw. gubat;
tinangay ang diwa't karamdamang
64 "Dusa sa puri kong kusang hawak
siniphayo, ng buntunghininga't luhang
palasong may lasong natirik sa lumagaslas.
puso;
habag sa ama ko'y tunod na 68 “Sa puno ng kahoy ay
tumimo, napayukayok;
ako'y sinusunog niring panibugho. ang liig ay supil ng lubid na gapos;
bangkay na mistula't ang kulay ng
burok
ng kanyang mukha'y naging puting
lubos.

lilo-taksil aruga-alaga
apuhapin-hanapin iapula-ipanggamot
hapis-dusa lingap-pagmamahal
sinapupunan-kandungan lumiliyag-umiibig
sinisiyasat-sinusuri ipinagkanulo-trinaydor
magkagurlis-magasgasan siniphayo-binigo
malining-malaman napayukayok-napasubsob
mapaknit-mawala

7
RO_MIMAROPA_WS_Filipino8_Q4

Ang Pag-ibig kay Flerida


(Saknong 69-83)
Makikilala mo sa bahaging ito si Aladin, isang gererong Moro na prinsipe ng
Persya na dumating sa kagubatang kinaroroonan ni Florante dala rin ang
isang suliranin. Inagaw ng sariling ama na si Sultan Ali Adab ang
pinakamamahal niyang si Flerida. Sa labis na hinagpis ay napadpad siya sa
kagubatan. Sa araling ito ay lubos mong mauunawaan ang mga hinagpis ni
Aladin at ang kanyang pagpaparaya.

69 Nagkataong siyang pagdating


sa gubat 74 Malao'y humilig, nagwalang-
ng isang gererong bayani ang tikas, bahala,
putong na turbante ay kalingas- di rin kumakati ang batis ng luha;
lingas sa madlang himutok ay
pananamit moro sa Persyang kasalamuha
siyudad. ang wikang: "Flerida'y tapos na
ang tuwa!"
70 Pinigil ang lakad at nagtanaw-
tanaw, 75 Sa balang sandali ay
anaki'y ninitang pagpapahingahan, sinasabugan
di kaginsa-ginsa'y ipinagtapunan yaong buong gubat ng maraming
ang pika't adarga't nagdaop ng "Ay! Ay!"
kamay. na nakikitono sa huning
mapanglaw
71 Saka tumingala't mata'y itinirik ng panggabing ibong doo'y
sa bubong ng kahoy na takip sa nagtatahan.
Langit,
istatuwa manding nakatayo'y 76 Pamaya-maya'y nagbangong
umid, nagulat,
ang buntunghininga niya'y walang tinangnan ang pika't sampu ng
patid. kalasag;
nalimbag sa mukha ang bangis ng
72 Nang magdamdam-ngawit sa furias--
pagayong anyo, "Di ko itutulot!" ang ipinahayag.
sa puno ng isang kahoy ay umupo,
nagwikang "O palad!" sabay ang 77 "At kung kay Flerida'y iba ang
pagtulo umagaw
sa mata ng luhang anaki'y palaso. at di ang ama kong dapat na
igalang,
73 Ulo'y ipinatong sa kaliwang hindi ko masabi kung ang pikang
kamay tangan--
at saka tinutop ang noo ng kanan; bubuga ng libo't laksang
anaki’y mayroong ginugunamgunam-- kamatayan!
isang mahalagang nalimutang
bagay.

8
RO_MIMAROPA_WS_Filipino8_Q4

78 "Bababa si Marte mula sa itaas


at kailalima'y aahon ang Parcas;
buong galit nila ay ibubulalas;
yayakagin niring kamay kong
marahas.

79 Sa kuko ng lilo’y aking 81 "At yuyurakan na ang lalong


aagawin, dakila--
Ang kabiyak niring kaluluwnag bait, katuwira'y ipanganganyaya;
angkin, buong katungkula'y wawal-ing-
Liban na kay Ama, ang sinuma’t bahala,
alin sampu ng hininga'y ipauubaya.
At di igagalang ng tanging patalim.
82 "Itong kinaratnan ng palad kong
80 "O, pagsintang labis ng linsil
kapangyarihan, salaming malinaw na sukat
sampung mag-aama'y iyong mahalin
nasasaklaw; ng makatatatap, nang hindi sapitin
pag ikaw ang nasok sa puso ang kahirapan kong di makayang
ninuman, bathin."
hahamaking lahat masunod ka
lamang! 83 Sa mawika ito luha'y pinaagos,
pika'y isinaksak saka
napahimutok;
nagkataon namang parang isinagot
ang buntunghininga niyaong
nagagapos.

tikas-tindig tangan -hawak


pika-sibat yuyurakan-tatapakan
adarga-panangga linsil -mali
umid-hindi makapagsalita bathin-dalhin
tinutop-hinawakan himutok-hinaing

Alam mo ba?
Ang katawagang Persiya ay ginamit ng mga historyador mula sa kanluran
para tukuyin ang bansang Iran, ang mga mamamayan nito at mga kaharian dito.
Ito ay nagmula sa salitang griyego para sa Iran, ang Persis.

9
RO_MIMAROPA_WS_Filipino8_Q4

Gawain1
Panuto: Ibigay ang matalinhagang kahulugan na tinataglay ng sumusunod
na mga pahayag mula sa mga saknong na tinalakay. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

1. Ang madilim at mapanglaw na gubat na kinagagapusan ni Florante.


A. Ang madilim at walang kalayaang kalagayan ng bansang Pilipinas
sa panahon ng mga kastila.
B. Ang madadawag na kagubatang matatagpuan sa bansang Pilipinas.
C. Ang malungkot at masasamang karanasan ng mga Pilipino sa
panahon ng pananakop ng mga Kastila.

2. Ang mga sipres at higerang kutad na may mga lilim na nakasisindak.


A. Ang mga Kastila na may masamang layunin sa mga Pilipino.
B. Ang kadiliman at kalungkutan na pinagdaraanan ng bansang
Pilipinas.
C. Ang kawalang pag-asa na makalabas sa nakatatakot na kagubatan.

3. Ang pahayag na, “O taksil na pita sa yama’t mataas,”, ay maituturing


na isang tayutay na nasa uring __________________.
A. Simile, sapagkat nagpakita ng pagtutulad ng dalawang bagay.
B. Metapora, sapagkat nagpamalas ng pagwawangis ng mga bagay.
C. Panawagan, sapagkat kapansin-pansing mayroong tinatawag ang
nagsasalita.

4. Ang pahayag na, “korona ng hari”, ay tumutukoy sa _______________.


A. Kayamanan ng hari
B. Kapangyarihan ng hari
C. Dunong ng hari

5. Ang pahayag na, “sa mata ng luhang, anaki’y palaso” ay


nangangahulugang _____________________.
A. Nagpapakita ng kawalang Kalayaan
B. Nagpapakita ng labis labis na pagluha
C. Nagpapakita ng labis na kasiyahan

Gawain 2
Panuto: Isulat ang salitang OKEY kung ang pahayag ay nagpapamalas ng
mahalagang pangyayari mula sa binasang mga saknong at isulat naman ang
KOKEY kung hindi. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Mula sa saknong 1-25 “Ang Hinagpis ni Florante”
__________1. Ang labis na panibugho niya sa kaisipang si Laura ay masaya na
sa piling ni Konde Adolfo.
__________2. Ang pag-alaala sa malagim na kamatayan ng mga magulang
mula sa kamay ni Konde Adolfo.

10
RO_MIMAROPA_WS_Filipino8_Q4
__________3. Ang kahilingan ni Florante na maparusahan ng Diyos ang
kasamaan na ginawa ni Konde Adolfo.
__________4. Ang paglalarawan sa kagubatan na kinaroroonan ni Florante at
ang kanyang malungkot na panambitan.

Mula sa saknong 26-68 “Alaala ni Laura


___________5. Ang mga paghahandang ginagawa ni Laura sa tuwing sasabak
sa giyera si Florante.
___________6. Ang pagpapadama ni Laura ng pag-ibig kay Konde Adolfo.
___________7. Ang labis na pag-iingat at pagpapahalaga ni Laura kay Florante.

Mula sa saknong 69-83 “Ang Pag-ibig kay Flerida:”


___________8. Ang labis na gutom at pagod ni Aladin bunga ng paghahanap
kay Flerida.
___________9. Ang pagluha ni Aladin dahil sa malungkot na kinasapitan ng
pag-ibig kay Flerida.
___________10. Ang pag-agaw ng isang ama sa minamahal ng anak at ang
pagganti ng anak sa kaniyang ama.

Gawain 3
Panuto: Punan ang talahanayan sa ibaba sa pamamagitan ng paglalahad at
pagsusuri ng pangunahing kaisipan na tinataglay ng mga piling saknong
mula sa binasa. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Mga saknong Pagpapakahulugan sa mga


saknong
14 “Sa loob at labas ng bayan kong sawi, Ang ibig sabihin ng saknong
Kaliluha’y siyang nangyayaring hari, na ito ay…
Kagalinga’t bait ay nalulugami,
Ininis sa hukay ng dusa’t pighati

55"Halina, Laura ko't aking kailangan Kung ihahambing sa


ngayon, ang lingap mo nang naunang araw; kasalukuyan ang saknong
ngayon hinihingi ang iyong pagdamay-- na ito ay maihahambing
ang abang sinta mo'y nasa kamatayan. sa…
80 "O, pagsintang labis ng kapangyarihan, Batay sa saknong, ang pag-
sampung mag-aama'y iyong nasasaklaw; ibig ay …
pag ikaw ang nasok sa puso ninuman,
hahamaking lahat masunod ka lamang!

11
RO_MIMAROPA_WS_Filipino8_Q4

Gawain 4
Panuto: Bumuo o lumikha ng isang monologo kaugnay ng sitwasyong
inilahad sa ibaba. Ipahayag ito gamit ang mga damdamin gaya ng pagkagalit,
pagkatakot, kasiyahan at kalungkutan. Isulat sa isang malinis na papel.
Sitwasyon;
Isang umaga, maaga kang pumasok sa eskuwela upang makiisa sa
paglilinis ng bakuran sa harap ng inyong silid-aralan. Habang naglilinis nakita
mo ang hinahangaan mong kamag-aaral mula sa kabilang pangkat/seksyon.
Hindi mo nais na malaman niya ang iyong lihim na paghanga, subalit bigla
kang inulit ng iyong matalik na kaibigan kaya nabunyag sa buong klase at sa
hinahangaan mo ang iyong sekreto. Ipahayag ang iyong damdamin sa
isang makabuluhang monologo na binubuo ng sampung pangungusap.
Pamantayan sa Pagmamarka:
Kaangkupan ng mga damdaming tinataglay ng monologo-40
Nilalaman at kaugnayan sa sitwasyong inilahad 40
Wastong gamit ng mga salita at bantas 20

Mga Gabay na Tanong


Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga katanungan. Isulat ang mga
kasagutan sa sagutang papel.
1. Ano-ano ang mga bagay na dahilan ng hinagpis ni Florante? Isa-isahin
ang mga ito.
2. Ilarawan mo si Laura bilang isang kasintahan.
3. Bilang isang mag-aaral, ano ang maipapayo mo kay Florante sa
kanyang pag-aakalang pinagtaksilan siya ng minamahal na si Laura.
4. Kung ikaw si Aladin, ano ang iyong gagawin kapag inagaw ang iyong
minamahal?
5. Kung babalikan mo ang kasaysayan ng ating bayan, ano o sino ang
sinasagisag ng pagdating ni Aladin sa gubat habang naghihirap si
Florante?

12
RO_MIMAROPA_WS_Filipino8_Q4
Susi sa Pagwawasto

Gawain 1 Gawain 2
1. A 1. OKEY
2. B 2. KOKEY
3. C 3. OKEY
4. B 4. OKEY
5. B 5. OKEY
6. KOKEY
7. OKEY
8. KOKEY
9. OKEY
10. OKEY

Gawain 3
Sariling sagot ng mga mag-aaral.

Gawain 4
Sariling sagot ng mga mag-aaral.

Mga Gabay na Tanong:


Sariling sagot ng mga mag-aaral.

Sanggunian
K to 12 Most Essential Learning Competencies 2020
Dayag, Alma M. et al. (2015) Pinagyamang Pluma 8 (K to 12)
Publishing House, Inc. Quezon City
Obra Maestra II

Inihanda ni:
RHEA T. BEJASA, Guro III

Tiniyak ang kalidad at kawastuhan ni:


Magdalena B. Morales
Tagamasid Pansangay -Filipino

Sinuri ni:
LIEZL E. ORBETA, Dalubguro II

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyong MIMAROPA


Meralco Avenue, corner St. Paul Road, Pasig City, Philippines 1600
Telephone No. (02) 863-14070
Email Address: mimaropa.region@deped.gov.ph
13

You might also like