You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region XII
DIVISION OF SULTAN KUDARAT
Didtaras Elementary School

Banghay Aralin sa Filipino 3

I- Layunin
Sa loob ng 50 minutong talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A. maipapahayag kung ano ang kahulugan ng Pandiwa;
B. magagamit ang mga salitang kilos sa pagtatalakay ng iba’t-ibang gawain sa
tahanan, paaralan, at pamayanan;
C. magiging masunurin na mamamayang Pilipino.

II- Paksang Aralin


A. Paksa: Pandiwa
B. Sanggunian: https://kresources.files.wordpress.com/2014/06/filipino3_tg.draft-4-10-
2014pdf.
C. Kagamitan: Powerpoint, Manila paper, Mga larawan mula sa internet.

III- Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagtatala ng liban
4. Pagtatakda ng pamantayan sa silid-aralan
5. Balik-aral

B. Panlinang ng Gawain
1.Pagganyak
 Umawit ng awiting “Kung Ikaw ay Masaya”
 Drill – “ Pick and Act”
-Bubunot ang bawat grupo ng papel sa kahon na inihanda ng guro at
kung anong gawain ang nakasulat sa papel ay kanilang gagawin sa harapan.
Halimbawa: nagwawalis

2. Paglalahad
 Pagpapakita ng mga larawan na nagsasaad ng kilos o galaw.

sumasayaw kumakain naglalakad


tumatakbo lumalangoy

3. Pagtatalakay

Ano ang Pandiwa?


-Ito ay mga salitang nagsasaad ng kilos o galaw.
- ay isang salita (bahagi ng pananalita) na nagsasaad ng kilos o galaw (lakad, takbo,
dala), isang pangyayari (naging, nangyari), o isang katayuan (tindig, upo, umiral). Tinatawag ito na
verb sa wikang Ingles.

Mga Halimbawa:

Ang babae ay nagbabasa ng libro.

Mayroong kumakanta sa kaarawan.

Tumatawa si ate dahil sa biro ni Tatay.

Tumutugtog si kuya gamit ang kanyang gitara.

Kahapon ay sumulat ako ng liham.

Ang ate Elma ay nagwawalis sa loob ng bahay.

Ang batang lalaki ay umaakyat sa hagdanan.


Si bunso ay nagdidilig ng mga halaman.

4. Paglalahat
Ang Pandiwa ay mga salitang nagsasaad ng kilos o galaw.
Ang mga halimbawa nito ay:
sumasayaw tumatakbo
kumakain lumalangoy
naglalakad nagbabasa
kumakanta tumatawa
tumutugtog sumusulat

5. Paglalapat

Panuto: Hatiin ang klase sa (4) apat na grup. Lagyan ng thumbs-up kung ang

salita ay nagsasaad ng kilos o galaw at thumbs down kung hindi.

naglilinis nagluluto

kumakaway umiiyak

maganda tatay
pagduyan tumatalon

upuan naliligo

IV-Pagtataya

V-Takdang Aralin

Inihanda ni:
Ellen Mae M. Villafranca
Teacher I

You might also like