You are on page 1of 1

Kaya ito ang naisip ko na pabalat dahil ang "El Filibusterismo" ay isang

mahalagang bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas dahil sa mga kaisipan at


konseptong itinatampok nito na patuloy na nagbibigay-inspirasyon at
nagpapalawak sa kamalayan ng mga Pilipino dahil ito ay Nakapagbigay
ito ng mas malalim na pag-unawa sa mga suliraning kinakaharap ng
mga Pilipino noong panahon ng pananakop ng Espanya. Sa
pamamagitan ng paglalahad ng mga karanasan ng mga karakter sa
nobela, nais ni Rizal na magpakita ng mga kahalagahan ng kalayaan at
karapatan, at magbigay ng inspirasyon sa mga Pilipino upang labanan
ang mapang-aping sistema ng Espanya. Nagsilbing inspirasyon ito sa
mga rebolusyonaryong Pilipino na lumaban para sa kalayaan at
karapatan. Ang mga ideya at konsepto sa nobela ay nagtulak sa mga
Pilipino na magkaisa at magtulungan upang labanan ang mga pang-
aabuso ng mga dayuhan. Naging instrumento ito sa pagpapakalat ng
mga ideya ng pambansang pagkakaisa at kultura. Sa paglalahad ng mga
kuwento at mga karakter sa nobela, nais ni Rizal na palawakin ang
kaalaman at kaisipan ng mga Pilipino tungkol sa kanilang kultura at
kasaysayan, at magpakita ng mga halimbawa ng kahalagahan ng
pagkakaisa.

You might also like