You are on page 1of 1

“hindi kita iiwan”

Ni: Zia Librando

"malapit na tayo" sabi ko kay Jen, ang aking best friend habang nag
m-mountain climbing...nang biglang naputol ang lubid na nakatali sa amin, buti
nalang may maliit na rock ledge para kami ay manatili muna, papalubog na ang
araw, malapit na maubus ang aming tubig, ubos na ang aming pagkaing baon.

Ako ay nagising sa liwanag ni haring araw, ginising ko na si Jen


nang makapag plano na kami kung paano kami makaka baba dito. Napag isipan
naming ihulog ang isa sa sapatos ni Jen para maka akit ng atensyon, "isa,
dalawa, tatlo" at inihulog na nga namin...ilang oras na ang nakakalipas, naiinip
na si Jen kaya naman siya ay kumapit sa mga nakaumbok na bato upang
makababa ng sapat para marinig ang sigaw, ako ay kinabahan dahil sa mga bato
lamang siya nakakapit, nasira ang isang bato na kaniyang kinakapitan, "JEN!!!"
sigaw ko "Oo na babalik na ako diyan" sabi niya, muling naka akyat na siya.

Grabe na ang uhaw at gutom na aming nadarama, nagsisimula na


akong mahilo at makakita ng kung ano ano, kinuha ko ang aming lalagyan ng
tubig "sayo na iyan at magkaroon ka ng lakas na loob, maniwala ka na
makakababa ka dito" sabi ni Jen.

Maya-Maya ay naisipan ko na mag hulog ulit ng sapatos but this time


ay may cellphone na itong laman "Jen akin na iyong sapatos, may naisip akong
idea" sapatos ni Jen ang aming gagamitin dahil hinuhubad ko ang akin kapag
kami ay nag m-mountain climbing. "hindi iyon maari, nasa ibaba na ito" sagot
niya, lumingon ako at klarong klarong suot niya pa ang sapatos.

Tumingin ako sa ibaba at nakita ko si Jen na naka hilatay sa isang bato.

You might also like