You are on page 1of 8

APOSTOLIC CATHOLIC CHURCH

Region 24 – Diocese of the Queen of Angels


Auxiliaries from Luzon, Visayas, Mindanao and Overseas
c/o The National Shrine of Ina Poon Bato
1003 EDSA Project 7, Veterans Village, Quezon City, Philippines

Nobyembre 2022

His Holiness +Juan Almario EM, P.P.


Patriach of the Apostolic Catholic Church/ Region 24 Spiritual Director

Ave Maria Purissima, Cin Pecado Con Su Vida!

Pagbati ng kapayapaan!

Ang pag-iikot ng imahe ng Reyna ng mga Anghel ay isa sa mga programa ng


Region 24 na naglalayon na iparamdam sa mga Auxiliries ang personal na
pagbisita ni Inang Maria. Ito ay simbolo ng mapagkupkop na pagmamahal ng
isang ina sa kanyang mga anak, sapagkat wika nga “Walang ina ang makatitiis sa
kanyang anak” lalo na sa mga panahong kinakailangan ng anak ang pagkalinga ng
kanyang ina.

Ang Region 24 ay naglalayong paikutin muli ang imahe ng Reyna ng mga Anghel sa
bawat rehiyon/toka na nasasakupan ng mga kabataan. Kaugnay nito ang mas lalo
pang pasiglahin sa pagganap ang mga Auxiliaries sa pamamagitan ng mga
programa na inihanda sa pag-iikot nito.

Upang magkaroon ng programa at direksiyon ang bawat rehiyon/toka na lilipatan


ng imahe ng Reyna ng mga Angel sa loob ng isang (1) buwan, ang Region 24, sa
paggabay ng simbahan ay nagkaroon ng direktibang programa na maaaring gawin
ng lokal na pamunuan ng Auxiliary.

(Bilang gabay sa programa, nakalakip sa liham na ito ang 2022 Queen of Angels
Pilgrimage Guidelines)

Ang Region 24 ay naniniwala na “It takes a village to raise a child”, na kabahagi


ang bawat isa at lahat ng antas ng pamayanan sa pagpapangalaga ng kabataan
para maihanda nang ganap ang kanilang magandang kinabukasan.

1
APOSTOLIC CATHOLIC CHURCH
Region 24 – Diocese of the Queen of Angels
Auxiliaries from Luzon, Visayas, Mindanao and Overseas
c/o The National Shrine of Ina Poon Bato
1003 EDSA Project 7, Veterans Village, Quezon City, Philippines

Ang inyo pong pagsuporta ay mahalaga sa katagumpayan ng misyon ng aktibidad


na ito, kung kaya kami po ay kumakatok sa inyo upang patuloy kaming gabayan at
suportahan sa mga gawain ng aming Rehiyon, ang Region 24, kaisa ng lahat ng
mga tinatakan.

Narito naman ang mga itinakdang araw/buwan para sa paglalakbay sa iba’t ibang
diyosesis kasama ng aming patrona:

Queen of Angels (Big Image) Monthly Schedule:


Month Region
October 2022 Ocotlan
November 2022 Estrella
December 2022 Victoria
January 2023 Dela Paz
February 2023 Almudena
March 2023 Del Pilar
April 2023 La Naval
May 2023 Victoria

Queen of Angels (Little Image) Monthly Schedule:


Month Region
September 2022 Guadalupe
November 2022 Fatima
December 2022 Lourdes
January 2023 Mercy
February 2023 La Sallete
March 2023 Abandoned
April 2023 Perpetual
May 2023 Mt. Carmel

Kasabay ng pagpapaikot ng imahen ng Reyna ng mga Angel ay isinusulong din po


namin ang pagpapaikot ng imahen ng Sto. Niño Delos Angeles sa mga lungsod ng
National Capital Region para isulong ang mga pang-batang programa.

2
APOSTOLIC CATHOLIC CHURCH
Region 24 – Diocese of the Queen of Angels
Auxiliaries from Luzon, Visayas, Mindanao and Overseas
c/o The National Shrine of Ina Poon Bato
1003 EDSA Project 7, Veterans Village, Quezon City, Philippines

Sto. Niño Delos Angeles Monthly Schedule:


Month Region
December 2022 Immaculada
January 2023 Salud
February 2023 Oliva
March 2023 Peñafrancia
April 2023 Palma
May 2023 Milagrosa

Pagpalain po nawa kayo ng REYNA NG MGA ANGHEL. Maraming Salamat po.

Lubos na gumagalang,

Serafines Kenley Macabale HDM Princess Marry Marcial


Region 24 Samahan Chairman Region 24 Cursillo Chairwoman for Women

Serafines John Zyrill Galut Serafines John Paul Lumbao


Region 24 Pastoral Chairman Region 24 Cursillo Chairman for Men

Approval:

His Holiness +Juan Almario EM, P.P.


Patriach of the Apostolic Catholic Church/ Region 24 Spiritual Director

CC: Office of the Chancery

3
APOSTOLIC CATHOLIC CHURCH
Region 24 – Diocese of the Queen of Angels
Auxiliaries from Luzon, Visayas, Mindanao and Overseas
c/o The National Shrine of Ina Poon Bato
1003 EDSA Project 7, Veterans Village, Quezon City, Philippines

2022 Queen of Angels Pilgrimage Guidelines

1. Ang paglagak sa imahen ng Reyna ng mga Anghel sa isang Toka/Diocese ay


mananatili sa loob (1) isang buwan.
2. Ang Toka ay malayang maglipat ng imahen ng Reyna ng mga Anghel sa kanilang
mga nasasakupang distrito sa loob ng nasabing panahon. Magbigay lamang ng
abiso sa Region 24 Coordinators para maging opisyal ito.
3. Ang ekonomiyang pangangailangan para sa pagpapaikot ng Reyna ng mga Anghel
ay pangungunahan ng tumanggap na Toka/Diocese.
4. Ang Toka ay kailangang makapagsagawa ng mga program sa loob ng pananatili ng
Reyna ng mga Anghel. Narito ang mga programang inihahain ng Region 24.

NON-NEGOTIABLE PROGRAMS:
A. Auxiliary Welcome Program

● Ang Toka ay maglilikom ng mga bagong auxiliary o tinatakan upang


ibahagi ang mga aral ng simbahan.
● Inaasahan na magkapagbigay ng Auxiliary Welcome Kit bilang kanilang
gabay.
● Gagamitin ng Toka ang inihandang standard Auxiliary welcome
program module.

B. Apostolate
● Ang Toka ay may hindi bababa sa 30-60 Queen of Angels envelopes sa
loob ng isang buwang pananatili ng imahe ng Reyna ng mga Anghel.
● Mahalagang masiguradong malagyan ng Region 24 remarks o logo ang
mga sobre bago ito maialay sa misa.
● Pagkatapos ng misa, kailangan kunin ang mga sobre at isumite ang
donations sa Region 24 Treasury via Online payment.

C. Investiture/Renewal of RAM & DAMMA

4
APOSTOLIC CATHOLIC CHURCH
Region 24 – Diocese of the Queen of Angels
Auxiliaries from Luzon, Visayas, Mindanao and Overseas
c/o The National Shrine of Ina Poon Bato
1003 EDSA Project 7, Veterans Village, Quezon City, Philippines

● Pagtatalaga o pagpapanibagong sumpa ng hindi bababa sa 10 Toka


RAM & 10 Toka DAMMA.
● Ang RAM & DAMMA Orientation ay gagawin ng Region 24
Coordinators sa loob lamang ng 2-3 oras na programa. Magbigay ng
petsa at oras para sa Orientation at araw para sa Investiture o
Renewal.
● Ang Investiture/Renewal ay ginaganap sa loob ng misa pagkatapos ng
Banal na Kumonyon/Anima Cristi.
● Ang ritual/panunumpa ay ibabahagi ng Region 24 Coordinators na
ipagbibigay alam rin sa Pari bago magmisa.
● Ang Toka ay maghahanda ng Flower Pin para sa DAMMA at Warrior
Shield Pin sa RAM na igagawad sa araw ng pagtatalaga bilang RAM at
DAMMA.
● Ang mga aspirante na RAM at DAMMA ay mahalagang kasama ang
kanilang magulang o Ninong/Ninang sa araw ng kanilang pagtatalaga.

D. Localized Juniorette Pinning Ceremony


● Ito ay para sa mga luklukan ng Angelita at Hijas De Maria edad 11-16
years old.
● Magsasagawa ang Toka/Region 24 ng Juniorette Orientation sa loob ng
lamang 2-3 oras na programa. Magbigay ng petsa at oras para sa
Orientation at araw para sa Juniorette Pinning Ceremony.
● Ang registration fee ay hindi bababa sa Php200.
● Ang Pinning Ceremony ay ginaganap sa loob ng misa pagkatapos ng
Banal na Kumonyon/Anima Cristi.
● Ang ritual/panunumpa ay ibabahagi ng Region 24 Coordinators na
ipagbibigay alam rin sa Pari bago magmisa.
● Sa Region 24 magmumula ang Flower Pin para sa mga magiging
Juniorette. Magbigay ang Toka ng takdang bilang nito.
● Ang mga Juniorette ay mahalagang kasama ang kanilang magulang o
Ninong/Ninang sa araw ng kanilang pagtatalaga.

5
APOSTOLIC CATHOLIC CHURCH
Region 24 – Diocese of the Queen of Angels
Auxiliaries from Luzon, Visayas, Mindanao and Overseas
c/o The National Shrine of Ina Poon Bato
1003 EDSA Project 7, Veterans Village, Quezon City, Philippines

E. Fund Raising Campaign for Toka Semi-Annual Obligation


● Ang Toka ay maaring magkaroon ng Localized Investiture for the
Confraternity of the Queen of Angels at maghirang ng mga Toka
Hermano/Hermana.
● Maaring gamitin ng Toka ang opisyal logo ng Cofradia at Queen of
Angels sa taong kasalukuyan.
● Ang Toka ay malayang magpagawa ng mga medalya o sash na
sumisimbolo para sa localized investiture para sa Reyna ng mga
Anghel.
● Ang Toka ay malayang gumawa pa ng ibang pamamaraan pang-
ekonomiya para matustusan ang kanilang Toka Semi-Annual
Obligation maliban sa Localized Investiture.
● Hindi kinakailangan magregalo ang Toka para sa Imahen ng Reyna ng
mga Anghel. Mahalagang pagtuunan ng pansin ang pagbuo ng Semi-
Annual Obligation.
● Makipag-ugnayan sa Region 24 Coordinators para sa remaining
balance ng Semi-Annual Obligation na kailangan mabuo.

F. Region 24 Visitation and Youth Development Program


● Ang mga opisyales ng Region 24 ay magsasagawa ng mga learning
session at kumustahan program.
● Layunin nitong mapalakas ang relasyon ng mga kabataan sa Region 24
pamunuan at makapagbigay ng inspirasyon at aral sa mga kabataan
tulad ng mga usapin sa “Way of life”, “Charity” and “Service”.

NEGOTIABLE PROGRAMS:
A. Catechism – Kids Learning Session
B. Bible Sharing
C. Saturday Devotion
D. Outreach Program

6
APOSTOLIC CATHOLIC CHURCH
Region 24 – Diocese of the Queen of Angels
Auxiliaries from Luzon, Visayas, Mindanao and Overseas
c/o The National Shrine of Ina Poon Bato
1003 EDSA Project 7, Veterans Village, Quezon City, Philippines

E. Localized/Diocesan Youth Mañanita


F. Any Learning Sessions on Society & Youth Development

5. Panatilihing may buhay na kandila at sariwang bulaklak ang imahen ng Reyna ng mga
Anghel.

6. Mahalagang makapag-alay ng araw-araw na rosaryo at pamimintuho sa Reyna ng mga


Anghel sa loob ng isang buwang pananatili nito.

7. Hinihikayat na magkaroon ng Misa Nobernayo o Pasiyam sa Reyna ng mga Anghel


bago ito umalis sa Diocese (opsyonal). Ang mga readings, gospel, stipend at pari ay
kasamang ihahanda ng Diocese.

8. Ang mga pinansyal na pangangailangan para sa paglipat ng Imahen ng Reyna ng mga


Anghel ay pamamahalaan at pangungunahan ng Toka. Ang Toka ay malayang maghanda
ng sariling sasakyan para sa paglipat nito. Maliban dito, ang Region 24 ay may sasakyan
na halagang 3,000-5,000 pesos na halaga para sa pagpapa-arkila nito.

9. Hindi kinakailangan kasama ang mga Auxiliaries sa paglipat ng Reyna ng mga Anghel
maliban na lamang kung kaya makapagbigay ng dagdag sasakyan ang Toka para rito.

10. Patuloy na ipagbigay alam sa Region 24 coordinators ang lahat ng mga programa
para sa Reyna ng mga Anghel.

2022 Sto. Niño Delos Angeles Pilgrimage Guidelines

7
APOSTOLIC CATHOLIC CHURCH
Region 24 – Diocese of the Queen of Angels
Auxiliaries from Luzon, Visayas, Mindanao and Overseas
c/o The National Shrine of Ina Poon Bato
1003 EDSA Project 7, Veterans Village, Quezon City, Philippines

Ang pagpaiikot ng Sto. Niño Delos Angeles ay magkaroon ng mga programang nakatuon
sa mga bata tulad ng mga Angelito at Angelita o edad 11 taong gulang pababa. Narito
ang mga programang pang-bata:

A. Sunday Kids School Program


● Layunin nitong magkaroon ng makahulugan at makulay na pag-aaral
patungkol sa Sunday Gospel ng araw na iyo at maibahagi sa mga bata
ang halaga ng Salita ng Diyos sa kanilang buhay.
● Ang program ay magtatagal lamang sa loob ng isang oras (1) kasama
ng mga palaro at learning materials.

B. Saturday Cathecism
● Layunin nitong makapagbahagi ng mga aral at doktrina ng Simbahan
mula sa mga liturhiya at sakramento. Kabilang ang mga aral ng mga
Anghel at Banal.
● Ang program ay magtatagal lamang sa loob ng isang oras (1) kasama
ng mga palaro at learning materials.

C. Bible/Saint Themed Party


● Layunin nitong makalikha ng masayang programa tampok ang kwento
sa Bibliya o ang buhay ng isang Banal. Maaring magsuot ng mga “Saint
Custome” sa loob ng programa.
● Ang program ay magtatagal lamang sa loob ng isang oras (1) kasama
ng mga palaro at learning materials.

-end-

You might also like