You are on page 1of 3

Filipino 8

Module14: Pagsulat ng Sanaysay


Subject Teacher: Mary Jane E. Bonglay

Lesson Description:

Sa modyul na ito ay tatalakayin natin ang pagsulat ng sanaysay.

Course Objective:

A. Naipaliliwanag nang maayos ang pansariling kaisipan, pananaw, opinyon at saloobin kaugnay ng akdang
tinalakay.

B. Nagagamit ang iba’t ibang paraan ng pagpapahayag (pag-iisaisa, paghahambing, at iba pa) sa pagsulat ng
sanaysay.

Pagtalakay

MGA TUNTUNIN SA PAGSULAT NG SANAYSAY

1. Panimula/Introduksyon

-Ito ang pinakamahalagang bahagi ng isang sanaysay sapagkat ito ang unang tinitingnan ng mga
mambabasa, dapat nakapupukaw ng atensyon ang panimula upang ipagpatuloy ng mambabasa ang pagbasa sa
akda.

Paraan ng pagsulat ng Panimula

 Pasaklaw na Pahayag – Inuuna ang pinakamahalagang impormasyon


hanggang sa mga maliliit na detalye.
 Tanong na Retorikal – isang tanong na tinatanong ang nagbabasa para
hanapin ang sagot sa sanaysay at para isipin niya.
 Paglalarawan – pagbibigay linaw at deskripsyon sa paksa
 Sipi – isang kopya galing sa ibang mga literaturang gawa gaya ng libro,
artikulo at iba pang sanaysay.
 Makatawag Pansing Pangungusap – isang pangungusap na makakuha ng atensyon ng nagbabasa.
 Kasabihan – isang kasabihan na makakapagbigay ng maikling ekplenasyon ng iyong sanaysay
 Salaysay – isang ekplenasyon ng iyong sanaysay

2. Katawan

- Dito nakalagay ang lahat ng mga ideya at pahayag. Sa bahaging ito ng


sanaysay ay makikita ang pagtalakay sa mahahalagang puntos ukol sa tema at
nilalaman ng sanaysay, dapat ipaliwanag nang mabuti ang bawat puntos upang
maunawaan ito nang maigi ng mambabasa.

Paraan ng pagsulat ng Katawan

 Pakronolohikal – Nakaayos ayon sa panahon ng pangyayari


 Paanggulo – Pinapakita ang bawat anggulo o “side” ng paksa.
 Paghahambing – Pagkukumpara ng dalawang problema, anggulo atbp ng isang paksa
 Papayak o Pasalimuot – Nakaayos sa paraang simple hanggang komplikado at vice versa
3. Wakas/Konklusyon

- Dito nakalagay ang iyong pangwakas na salita o ang buod sa sanaysay. Sa bahaging ito nahahamon
ang pag-iisip ng mambabasa na maisakatuparan ang mga

tinalakay ng sanaysay

Paraan ng pagsulat ng Wakas

 Tuwirang Pagsabi – Mensahe ng sanaysay


 Panlahat na Pahayag – pinakaimportanteng detalye ng
sanaysay
 Pagtatanong – winawakas ang sanaysay sa pamamagitan ng isang (retorikal na) tanong
 Pagbubuod – Ang summary ng iyong sanaysay

-The End-

NAME: ________________________________ YEAR & SECTION: ________________

Pagsusulit bilang isa


Tukuyin kung tama o mali ang pahayag sa ibaba.

1. Panimula/Introduksyon ito ang pinakamahalagang bahagi ng isang sanaysay sapagkat ito ang unang
tinitingnan ng mga mambabasa.

2. Ang pasaklaw na pahayag ay hindi inuuna ang pinakamahalagang impormasyon hanggang sa mga maliliit na
detalye.

3. Tanong na Retorikal ay isang tanong na tinatanong ang nagbabasa para hanapin ang sagot sa sanaysay at para
isipin niya.

4. Paglalarawan ay pagbibigay linaw at deskripsyon sa paksa

5. Sipi ay isang kopya galing sa ibang mga literaturang gawa gaya ng libro, artikulo at iba pang sanaysay.

6. Makatawag Pansing Pangungusap ito ay isang pangungusap na hindi makakakuha ng atensyon ng nagbabasa.

7. Kasabihan ito ay isang kasabihan na makakapagbigay ng maikling ekplenasyon ng iyong sanaysay

8. Katawan dito nakalagay ang lahat ng mga ideya at pahayag. Sa bahaging ito ng sanaysay ay makikita ang
pagtalakay sa mahahalagang puntos ukol sa tema at nilalaman ng sanaysay

9. Wakas/Konklusyon dito nakalagay ang iyong pangwakas na salita o ang buod sa sanaysay.

10. Panlahat na Pahayag ito ang pinakaimportanteng detalye ng sanaysay

ACTIVITY/OUTPUT

Kayo ay mga sikat na manunulat kung saan ay nagsusulong ng kalinisan kaya naman naisipan nyo na
gumawa ng kasabihan na sa tingin nyo tutulong sa pagligtas sa inang kalikasan na kakikitaan ng ibat-ibang uri
ng pang-ugnay. Kayo ay pupuntusan batay sa pagtatasang ginawa ng inyong guro.

You might also like