You are on page 1of 3

Ang Kababaihan ng Taiwan, Ngayon at Noong

Nakaraang 50 Taon

Ang bilang ng populasyon ng kababaihan sa mundo ay 51% o 2% na mataas sa kalalakihan.


Maaring isipin ng ilan na ang kababaihan ay nakakukuhang parehong pagkakataon at karapatan gaya ng
kalalakihan. Ilang kababaihan lamang sa buong mundo nag nakakakuha ng pantay na karapatan at
paggalang tulad sa kalalakihan, Ang tungkulin at kalagayan ng kababaihan ay unti- unting nagbabago sa
nakalipas na 50 taon. Ito ay makikita sa dalawang kalagayan : una ang pagpapalit ng gampanin ng
kababaihan at ang ikalawa ay ang pag-unlad ng kanilang karapatan at kalagayan. Nakikita ito sa Taiwan.

Ang unang kalagayan noong nakalipas na 50 taon, ang babae s aTaiwan ay katulad sa
kasambahay o housekeeper. Ang tanging tungkulin nila ay tapusin ang hindi mahalagang gawaing-bahay
na hindi natapos ng kanilang asawa. Ang mga babae ay walang karapatang magdesisyon dahil sa
kanilang mababang kalagayan sa tahanan.

Ngayon, nabago na nag tungkulin ng mga babae at ito ay lalong nagging komplikado. Sa bahay
ng mga Taiwanese, sila pa rin ang may pananagutan sa mga gawaing-bahay. Ngunit sa larangan ng
trabaho, inaasahang magagawa nila kung ano ang nagagawa ng kalalakihan. Sa medaling salita,
dalawang mabibigat na tungkulin ang nakaatang sa kanilang balikat.

Ang ikalawang kalagayan ay pinatutunayan ng pagtaas ng kanilang sahod, pagkakataong


makapag-aral at mga batas na nangangalaga sa kanila. Karamihan sa mga kumpanya ay nagbibigay ng
halaga sa kakayahan ng mga babae at ang mga kinauukulan ay handing kumuha ng mga babaeng may
kakayahan at masuwelduhan ng mataas. Tumataas ang pagkakataon na umangat ang babae sa isang
kumpanya at nakikita na ring may mga babaing namamahala. Isa pa, tumaas ang pagkakataon para sa
mga babae pagdating sa edukasyon. Ayon sa visang estadistika mula sa gobyerno, higit na mataas ang
bilang ng mga babaing nag aaral sa kolehiyo kung ihahambing sa kalalakihan makalipas ang 50 taon.

At ang huling kalagayan ay ang pagbabago ng mga batas para sa pangangalaga sa kababaihan ay
nakikita na rin. Halimbawa, sa Accton Inc., isa sa nangungunang networking hardware manufacturer sa
Taiwan, ginawa nang isang taon ang maternity leave sa halip na 3 buwan lamang. Ang gobyerno ng
Taiwan ay gumagawa na ng batas sa pagkakaroon ng pantay na karapatan upang higit nilang
mapangalagaan ang kababaihan.

Bilang pagwawakas, naiiba na ang gampanin ng mga babae at higit itong mapanghamon kung
ihahambing noon. Ang kanilang karapatan at kahalagahan ay binibigyan na ng pansin. Ngunit hindi ito
nangangahulugan na ang mga babae ay tumatanggap na ng pantay na posisyon at pangangalaga sa
lipunan. Mayroon pa ring mga kompanya na hindi makatarunganang pagtrato sa mga babaing lider nito.
Marami pa ring kalalakihan ang nagbibigay ng mabigat na tungkulin sa kanilang asawa sa tahanan. Ito ay
matuwid pa rin sa kanila. Marami pa ring dapat magbago sa kalagayan ng kababaihan sa Taiwan at
malaki ang aking pag-asa na makita ang ganap at pantay na karapatan nila sa lipunan.
Ang Tigre at ang Matalinong Lobo

Isang lobo ang nahuli ng isang tigre. Papatayin na sana ng tigre


ang lobo upang kainin nang bigla itong magsalita at tumutol.

"Huwag mo akong saktan! Huwag mo akong kainin!"

"Bakit?" tanong ng tigre.

"Sapagkat ako ay dapat mong katakutan! Hindi mo ba alam na


ako ang itinuturing na hari ng mga halimaw? Kapag ako ay iyong
kinain, magagalit sa iyo ang Diyos na naglalang sa akin .
Parurusahan ka Niya."

Ayaw maniwala ng tigre. "Sa pagkakaalam ko, leon ang


tinaguriang hari ng mga halimaw sa buong kagubatan!"

"Kung gayon," ang sabi ng lobo, "Sumama ka sa akin at


patutunayan ko sa iyo!"

Sumama nga ang tigre sa lobo. Lumakad sila ng magkasabay sa


isang bahagi ng kagubatang may mga iba't ibang uri ng hayop.

Nang makita sila ng mga hayop na iyon, dali-daling nagtatakbo


ang mga iyon at lumisan nanag takot na takot.

Laking paghanga ng tigre sa lobo. "Totoo nga pala ang iyong


sinabi! Dapat ka ngang katakutan!"

Dahil dito, dali-dali rin itong nagtatakbo palayo sa lobo. Ang


hindi nito alam, sa kanya totoong natakot ang mga hayop at
hindi sa lobong matalino.
Si Leon at Tigre (Pabula
ni:Georgina Redoblado)
 

Mayroong magkaibigang si Leon at si Tigre, sila ay matagal nang magkaibigan. Subalit sa


hindi inaasahan si Leon ay may nakitang babaeng tigre na nakapangpabighani sa kanya sa
isang tingin palang. Sinabi nya ito kay Tigre , at sa hindi inaasahan, ay ito rin pala ang iniibig
ni tigre sa mga sandaling iyon ay hindi mona nagpansinan ang dalawa, pero sa pagkakataong
ding iyon ay napag isipan ni leon na kung papatayin nya si tigre ay wala na siyang magiging
kaagaw, pero nagdadalawang isip pa sya. Ang hindi alam ni leon ay nakahanda na pala si
tigre sa kaniyang pinaplano, ang dalawang magkaibigan ay nag away nang dahil lang sa
iisang babaeng tigre, gustuhin mang hindi na ituloy ni leon ang plano para wala nang
mangyaring masama sa kanilang pagkakaibigan ay huli na, dahil nalaman na ito ni tigre. At
ayon nga , isang araw lumabas ng bahay ang babaeng tigre upang magpahangin lang muna,
at nakita ito ni tigre at leon, sa pagkakataong iyon ay buo na ang plano ni tigre at sinubukan
niyang hindi mona labanan si leon upang mas maawa pa sa kanya ang babaeng tigre at upang
sya ang ibigin nito, subalit sa hindi inaasahan ay hindi nya ito nagawa at dahil nga
nahihirapan na sya ay pilit nyang nilabanan si leon, matapang man si leon ay mabagsik
naman si tigre kaya  naglaban ang dalawa , sa kalagitnaan ng kanilang paglalaban ay
sumigaw ang babaeng tigre at sinabing pag hindi kayo tumigil ako na mismo ang tatapos sa
inyong dalawa, tumigil na kayo, akoy may asawa na, at may tatlong anak narin, huwag
niyong sirain ang inyong pagkakaibigan nang dahil lang sa pag ibig, dapat ang bawat isay
nag nagpapakumbaba sa mga bagay na tulad nito. At kung tunay talaga kayong magkaibigan
ay hindi kayo nag aaway nang ganoon ganoon lang, tama na akoy may asawa na at tatlong
anak narin, hindi ko magagawang ibigin ang isa man sa inyo dahil mahal na mahal ko ang
pamilya ko. Pasensya na kung umaasa kayo!

Lumipas ang dalawang buwan ay nag iba ang lahat, Oo sabihin nating magkaibigan parin
ang dalawa, subalit hindi na ito tulad ng dati, kaya huwag sirain ang pagiging magkaibigan,
sa isang wala namang kasiguraduhang bagay bagay.

You might also like