You are on page 1of 4

FIRST PERIODICAL TEST IN ARALING PANLIPUNAN 10

Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan.Piliin lamang ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ay tumutukoy sa anumang pangyayari, ideya, opinion, o paksa sa kahit anong larangang may kaugnayan sa
kasalukuyang panahon.
A. Lipunan B. Kultura C. Primaryang Sanggunian D. Kontemporaryong Isyu
2. Ito ay mga orihinal na tala ng mga pangyayaring isinulat o ginawa ng mga taong nakaranas nito.
A. Sekundaryang Sanggunian B. Isyu C. Primaryang Sanggunian D. Opinyon
3.Tumutukoy ito sa mga taong sama-samang naninirahan sa isang organisadong komunidad na may iisang batas,
tradisyon, at pagpapahalaga.
A. Pamahalaan B. Lipunan C. Kultura D. Relihiyon
4. Kung ang ascribed status ay nakatalaga sa isang indibiduwal simula ng siya ay ipinanganak, ano naman ang nakatalaga
sa isang indibiduwal sa bisa ng kanyang pagsusumikap?
A. achieved status B. abandoned status C. complicated D. applied status
5. Alin ang HINDI katangian ng Kontemporaryong Isyu?
A. makabuluhan B. pangkasalukuyan C. wala pang solusyon D. malawakang benepisyo
6.. Isang pampublikong bagay na ang kaganapan ay nakakaapekto sa malaking bahagi ng lipunan
A. Isyung personal B. Isyung Pampolitika C. Isyung Pangkalusugan D.Isyung panlipunan
7. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng gampanin ng isang indibiduwal sa pagtugon sa mga isyu at hamong
panlipunan?
A. Ipagsawalang bahala ang mga isyung hindi ka apektado.
B. Iasa sa gobyerno ang pagtugon sa mga isyu at hamong panlipunan.
C. Maging mulat sa lipunang ginagalawan.
D. Maghanap ng lipunang walang isyung kinakaharap.
8. Sa pag-aaral ng kontemporaryong isyu nalilinang ang mga sumusunod na katangian upang maging mabuting
mamamayan, maliban sa isa, Ano ito?
A. Pagpapahalaga sa sama-samang pagkilos
B. Kaalaman sa sariling karapatan at tungkulin bilang mamamayan
C. Pag-unawa sa iba’t ibang aspekto ng mga suliraning pangkapaligiran
D. Pagpapabaya sa kapaligiran
9. Anong sanggunian ang hindi nagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga kontemporaryong isyu?
A. Internet
B. Telebisyon
C. Pahayagan
D. Lumang pelikula
10. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng kontemporaryong isyu.
A. Mga nagdaang kalamidad ng bansa C. Uri ng pamumuhay ng ating mga ninuno
B. Kabuhayan ng isang maliit na komunidad D. Kasalukuyang sitwasyong politikal ng bansa

Para sa bilang #11. Basahin ang talata tungkol sa Isyung Personal at Isyung Panlipunan
“ Mayroon mga isyu na may kaugnayan sa ekonomiya. Isang magandang halimbawang ibinigay ni C.Wright Mills(1959)
ng pagkakaiba ng isyung personal at isyung panlipunan ay tungkol sa kawalan ng trabaho. Kung sa isang komunidad na
may 100,000 mamamayang maaaring maghanapbuhay ay may isang walang trabaho, maaaring ituring ito bilang isang
isyung personal. Subalit kung sa isang lipunang mayroong 50 milyong tao at 15 milyon sa mga ito ay walang trabaho,
maaari itong ituring na isyung panlipunan,”

11. Batay sa talata, ano ang pagkakaiba ng isyung personal at isyung panlipunan?
A. Isang pampublikong bagay ang isyung panlipunan samantalang ang isyung personal ay hindi.
B. Nakakaapekto ang isyung panlipunan sa malaking bahagi ng lipunan samantalang ang isyung personal ay
nakakaapekto sa isang tao lamang.
C. Sumasalamin ang isyung panlipunan sa mga suliraning kinakaharap ng isang lipunan
D. Ang isyung panlipunan at personal ay sumasalamin sa suliraning kinakaharap ng indibiduwal

12. Ano ang bahagi ng mga mamamayan sa pagharap sa mga isyu at suliraning panlipunan?
A. Pagiging mulat sa mga isyu at hamong panlipunan na nararanasan sa sariling komunidad.
B. Pagiging aktibong kabahagi sa pagbuo ng solusyon sa mga isyu at hamong panlipunan.
C. Iwasan na maging isa sa mga snahi ng isyu at hamong panlipunan.
D. Pilitin ang pamahalaan na tuparin ang kanilang mga responsibilidad sa mamamayan.
13. Ito ay pinagmumulan ng mga hilaw na materyales upang gawing produkto at pinagmumulan din ito ng iba’t ibang
hanapbuhay.
A. Likas na Yaman B. Yamang Mineral C. Yamang Tubig D. Yamang Lupa
14. Tumutukoy ito sa mga basurang nagmula sa mga tahanan at komersyal na establisimyento, mga basura na nakikita sa
paligid, mga basura na nagmumula sa sektor ng agrikultura at iba pang basurang hindi nakakalason.
A. Liquid waste
B. Solid waste
C. Biodegrable
D. Recyclables
15. Ayon sa pag-aaral ni Oliveira at mga kasama (2013), ang malaking bahagdan ng itinatapong basura ng mga Pilipino
ay nagmumula sa _______;
A. Commercial B. Industrial C. Municipal D. Residential
16. Lumalabas sa pagsusuri na ginawa ng Global Information Society (2010), na humigit kumulang sa anim na tolelada ng
ganitong basura ang itinatapon sa landfill na kinukuha ng mga waste pickers upang ipagbili ang anumang bahagi nito na
mapapakinabangan, halimbawa nito ay mga computer, cellphone at tv, ano ang tawag sa ganitong uri ng basura?
A. Special waste B. Electronic waste C. Residual D. Recyclable
17. Nagkakaroon ng polusyon na dulot ng mga sumusunod; kemikal sa basura, mine tailing, at ang mga karaniwang
landfill. Ang mga ito ay nagdudulot ng anong uri ng polusyon?
A. polusyon sa dagat
B. polusyon sa hangin
C. polusyon sa lupa
D. polusyon sa langit
18. Ang walang habas na pagputol ng puno ay nagdudulot ng iba’t ibang suliraning gaya ng mga sumusunod, alin ang
hindi kabilang?
A. pagbaha B. soil erosion C. pagkasira ng mga tahanan ng ibon at hayop D. pagkasira ng halamang dagat
19. Ang mabilis na pagtaas nito ay nangangahulugan ng mataas na demand sa mga pangunahing produkto kung kaya’t ang
mga dating kagubatan ay ginawang plantasyon, subdivision, paaralan at iba pang imprastraktura.
A. Populasyon B. Migrasyon C. Implasyon D. Komunikasyon
20. Ang mga basura, maruming tubig, at nakalalasong kemikal na galing sa planta, pabrika at hospital ay nagdudulot ng
anong uri ng polusyon?
A. polusyon sa dagat B. polusyon sa hangin C. polusyon sa lupa D. polusyon sa langit
21. Batas na kinikilala bilang Ecological Solid Waste Management Act of 2000 bilang legal na batayan sa iba’t ibang
desisyon at proseso ng pamamahala ng solid waste sa bansa.
A. Republic Act 9003 B. RA 9004 C. RA 9005 D. RA 9006
22. Ang mga NGO’s ay isa sa mga sumusuporta upang mabawasan ang suliranin sa solid waste, anong NGO ang
tumutulong sa pagtatayo ng MRF sa mga barangay?
A. Mother Earth Foundation C. Clean and Green Foundation
B. Bantay Kalikasan D. Greenpeace
23. Ito ang mabilis na pagbabago-bago ng panahon na pinabibilis o pinalalala ng mga gawain ng tao
A. Climate Change B. Migration C. Solid waste D. Deforestation
24. Tumutukoy sa matagalan o permanenteng pagkasira ng kagubatan dulot ng iba’t-ibang gawain ng tao o ng mga natural
na kalamidad.
A. Climate Change B. Migration C. Solid waste D. Deforestation
25. Bakit mahalaga ang pagtutulungan ng iba’t ibang sektor sa pagsugpo sa mga suliraning pangkapaligiran?
A. Kabalikat ang lahat sa pagsugpo sa iba’t ibang suliraning pangkapaligiran.
B. Malawak na suliranin ang mga isyung pangkapaligiran na nararapat harapin ng iba’t ibang sector sa lipunan
C. Makababawas sa mga gastusin ng pamahalaan ang pagtulong ng ibat ibang sector sa pagsugpo sa mga suliraning
pangkapaligiran
D. Mahihikayat ang maraming dayuhan na pumunta sa ating bansa kung mawawala ang mga suliraning pangkapaligiran.
26. Ang layunin ng Local Climate Change Action Plan (LCCAP) ay maglunsad ng mga proyekto upang matugunan ang
suliranin ng pagbabago ng klima. Anong komisyon ang nagging daan sa pagkakatatag at pagsasakatuparan ng mga
programa na may kinalaman sa climate change?
A. Climate Change Commission C. Action for Climate Change
B. Cultural Change Commission D. Change in Environment Commission
27. Sa patuloy na pagsusumikap ng pamahalaan na matugunan ang mga kinakaharap na suliranin sa kapaligiran binuo ang
National Framework Strategy on Climate Change Action Plan noong 2012 upang amyendahan ang naunang batas ng
2009. Alin sa mga sumusunod ang batas na tinutukoy?
a. RA 10533 b. RA 10174 c. RA 10134 d. RA 10573
28. Ang mga sumusunod na gawain ay mainam na gawin upang makatulong sa paglutas sa suliranin ng climate change
maliban sa isa.
A. pagtatanim ng puno/halaman
B. pagbabawas ng gamit ng enerhiya
C. pag iiwas sa pagsusunog ng basura
D. pagkonsumo ng sariling produkto

Para sa bilang 29-30-31-32-33


A. Disaster Management C. Disaster E. Top-Down Approach
B. Hazard D. Bottom-up Approach F. Migration
29. Ito ay isang dinamikong proseso na sumasakop sa pamamahala at pagpaplano, pag-oorganisa, pagtukoy ng mga
kasapi, pamumuno at pagkontrol.
30. Ito ay tumutukoy sa mga banta na maaaring dulot ng kalikasan o ng gawa ng tao.
31. Ito ay tumutukoy sa mga pangyayari na nagdudulot ng panganib at pinsala sa tao, kapaligiran, at mga gawaing pang
ekonomiya.
32. Ang mga hakbang sa pagtukoy, pag-aanalisa at paglutas ng suliranin at hamong pangkapaligiran ay nagsisimula sa
mga mamamayan at iba pang sector ng lipunan.
33. Tumutukoy sa sitwasyon kung saan lahat ng gawain mula sa pagpaplano na dapat gawin hanggang sa pagtugon sa
panahon ng kalamidad ay inaasa sa mas nakatataas na tanggapan o Ahensya ng Pamahalaan.

34. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng Top-Down Approach sa pagbuo ng Disaster Risk Reduction
and Management (DRRM) Plan?
A. Pinamunuan ni Kerwin, isang lider ng Non-Government Organization (NGO) ang pagtukoy sa mga kalamidad na
maaaring maranasan sa kanilang komunidad.
B. Ipinatawag ni Kapitan Daniel Bernardo ang kanyang mga kagawad upang bumuo ng plano kung paano magiging
ligtas ang kaniyang nasasakupan mula sa panganib ng paparating na bagyo.
C. Hinikayat ni Albert ang kaniyang mga kapitbahay na maglinis ng estero upang maiwasan ang pagbara nito na
maaaring magdulot ng matagalang pagbaha sa darating na tag ulan
D. Nakipag-usap si Kelly sa mga may-ari ng malalaking negosyo sa kanilang komunidad upang makalikom ng pondo
sa pagbili ng mga first aid kit at iba pang proyekto bilang paghahanda sa ibat-ibang kalamidad.
35. Ito ay tumutukoy sa mga banta na maaaring dulot ng kalikasan o ng gawa ng tao. Kung hindi maiiwasan maaari itong
magdulot ng pinsala sa buhay, ari-arian, at kalikasan.
A. Hazard B. Anthropogenic Hazard C. Natural Hazard D. Vulnerability
36. Ito ay tumutukoy sa mga hazard na bunga ng mga Gawain ng tao.
A. Anthropogenic Hazard C. Natural Hazard
B. Hazard D. Vulnerability
37. Ito ay tumutukoy sa mga hazard na dulot ng kalikasan.
A. Natural Hazard B. Hazard C. Vulnerability D. Human Induced Hazard
38. Ito ay tumutukoy sa tao, lugar, imprastraktura na may mataas na posibilidad na maapektuhan ng mga hazard.
A. Vulnerability B. Natural Hazard C. Risk D. Anthropogenic hazard
39. Nasa paligid pa din ang banta ng COVID-19.Alin sa mga sumusunod ang tamang gawin upang makaiwas sa virus na
dala ng sakit?
A. Magpabakuna ng COVID-19.
B. Maghugas ng kamay ng madalas gamit ang sabon at tubig.
C. Palagiang pagsusuot ng facemask.
D. Lahat ng nabanggit
40. Ang ubo, sipon, pangangati ng lalamunan at lagnat ay mga sintomas ng COVID-19. Ano ang tamang gawin kung ang
iyong kaklase ay biglaang nilagnat sa loob ng inyong silid-aralan?
A. Makipagkwentuhan upang gumaan ang nararamdaman ng maysakit.
B. Papuntahin ito sa klinik upang mabigyan ng paunang lunas.
C. Layuan dahil mahahawa ka.
D. Balewalain na lang dahil malapit na ang uwian.
41. Ayon kay Abarquez at Zubair (2004), ito ay isang pamamaraan kung saan ang mga pamayanang may banta ng hazard
at kalamidad ay aktibong nakikilahok sa pagtukoy, pagsuri, pagtugon, pagsubaybay, at pagtataya ng mga risk na maaari
nilang maranasan.
A. Community Based-Disaster and Risk Management C. Risk Management Theory
B. Community Management Center d. Risk Management Symposium
42. Ito ay tumutukoy sa pagsusuri sa lawak, sakop at pinsala na maaaring danasin ng isang lugar kung ito ay mahaharap sa
isang sakuna o kalamidad sa isang partikular na panahon.
A. CBDRM B. PDRRMF C. NDRRMO D. Hazard Assessment
43. Ang mga ___na may pinakamataas na posibilidad na makaranas ng epekto ng hazard at kalamidad ang siyang may
napakahalagang partisipasyon sa CBDRM Approach.
A. Pamahalaan B. Mamamayan C. Lipunan D. Institusyon
44. Ang mga sumusunod ay katangian ng Bottom-up Approach maliban sa;
A. Ang mga mamamayan ay may kakayahang simulan at panatilihin ang kaunlaran ng kanilang komunidad
B.Nagsisimula sa mga mamamayan ang mga hakbang sa pagtukoy, pag aanalisa at paglutas sa mga suliraning
nararanasan ng pamayanan
C. May malawak na partisipasyon ang mamamayan sa komprehensibong pagpaplano at mga Gawain sa pagbuo ng
desisyon.
D. Iniaasa ng mamamayan sa mas mataas na tanggapan o ahensya ng pamahalaan ang desisyon
45. Sa pagsasagawa ng Vulnerability Assessment, sinusuri ang mga sumusunod maliban sa isa;
A. Element at Risk B. People at Risk C. Location of People at Risk D. Status

46-50. Piliin ang letra ng bawat pangungusap na tumutukoy sa Kahalagahan ng Community Based Disaster Risk
Reduction and Management Approach (CBDRRM)

A. Ang lahat ng pagpaplano, pagtataya,at paghahandang nakapaloob sa disaster management plan ay patungo sa pagbuo
ng isang pamayanang handa at matatag sa pagharap sa mga hamong pangkapaligiran
B. Malaki ang posibilidad na maging disaster resilient ang mga pamayanan
C. Limitado ang pagbuo ng disaster plan dahil tanging ang pananaw lamang ng mga namumuno ang nabibigyang pansin
sa pagbuo ng plano
D. Ang CBDRRM ay nakaayon sa konsepto ng Bottom Up Approach kung saan napupunan ang kahinaan ng Top Down
Approach
E. Napapabilis ang pagbangon at rehabilitasyon ng mga lugar kung ito ay may CBDRRM
F. Naiiwasan ang mga matitinding pinsala dulot ng mga natural hazard, anthropogenic hazard, disaster at vulnerability.

You might also like