PAGBABALIK TANAW NOLI ME TANGERE Kabanata 11: Ang mga Makapangyarihan
Ang San Diego ay maihahalintulad sa Roma at Italya sa
mahigpit na pag-aagawan sa kapangyarihan pamunuan ng bayan. Ang alperes at si Padre Salvi ang siyang makapangyarihan dito.
Kabanata 12: Araw ng mga Patay
Ang sementeryo ng San Diego ay nasa kalagitnaan ng isang
malawak na palayan at may bakod na lumang pader at kawayan. Sa ibang bahagi ng libingan, may dalawang tao ang humuhukay ng paglilibingan na malapit sa pader na parang babagsak na. Sinabi ng naninigarilyong lalaki sa sepulturero na lumipat na sila ng ibang lugar sapagkat sariwa at dumudugo pa ang bangkay na kany ang hinuhukay. Hindi niya matagalan ang gayong tanawin.
Kabanata 13: Mga Hudyat ng Unos
Dumating si Ibarra sa libingan at hinanap ang puntod ng
ama-si Don Rafael. Nakita nina Ibarra at matanda ang sepulturero. Sinabi nila ang palatandaan ng libingan ni Don Rafael. Tumango ang tagapaglibing. Pero nasindak si Ibarra ng ipagtapat ng sepulturero na kanyang sinunog ang krus at itinapon naman ang bangkay sa lawa dahil sa utos ni Padre Garrote.
Kabanata 14: Si Pilosopo Tasyo
Si Pilosopo Tasyo ay dating Don
Anastacio. Dahil sa katalinuhan, pinatigil saiya sa pag-aaral ng kanyang ina dahil ang gusto nito para sa anak ay maging isang pari
Kabanata 15: Ang mga Sakristan
Si Crispin at Basilio ay magkapatid na sakristan.
Nagtatrabaho sila sa simbahan na taga pagpatunong ng kampa na sinuswelduhan lang ng 2.00 piso kada buwan. Pinapalo sila at pinagbintangan na mgananakaw sa simbahan. Kapag nalaman ito ni Sisa ay siguradong magagalit ito.
Kabanata 16: Si Sisa
Si Sisa ay nakatira sa isang maliit na dampa na sa labas
ng bayan. May isang oras din bago marating ang kanyang tirahan mula sa kabayanan. Kapus-palad si Sisa sapagkat nakapag-asawa siya ng lalaking iresponsable, walang pakialam sa buhay, sugarol at palaboy sa lansangan. Si Sisa lamang ang kumakalinga kay Basilio at Crispin. Dahil sa kapabayaan ng kanyang asawa, naipagbili niya ang mga alahas niya ng siya ay dalaga pa. Minsan lang umuwi ang kanyang asawa at sinasaktan pa siya.