You are on page 1of 3

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT

FILIPINO GRADE 7
Pangalan : _______________________________________________________Iskor: ________________
I.MARAMING PAMIMILIAN. Panuto: Piliin ang pinakaangkop na sagot sa bawat bilang. Isulat ang titik ng
tamang sagot bago ang bilang.
_____1. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento ni Rene O. Villanueva na sinasabing batang papel?
a. Nemo b. Meno c. Adong d. Magayon
_____2. Ano ang hiniling ng panguhing tauhan sa kuwento?
a. maging mabuting bata b. maging batang maramdamin c. maging batang masayahin d. maging isang tao
_____3. Ang may-akda sa kuwentong “Mabangis na Lungsod” ay si ___________.
a. Efren Abueg b. Edgar Samar c. Jose Rizal d. Lamberto Antonio
_____4. Kinasusuklaman niya ang kasamaan ng ugali ni Bruno. Ang kahulugan ng kinasusuklaman ay ____.
a. masama b. kinamumuhian c. barya d. sumbrero
_____5. Isang landmark o icon ng Bikol at Pilipinas na may perpektong apa dahil sa simetrikong hugis nito.
a. Taal b. Mayon c. Apo d. Makiling
_____6. Sino ang babaeng iniibig nina Pagtuga at Ulap?
a. Makiling b. Waling-Waling c. Magayon d. Dawani
_____7. Ang diwatang umibig sa isang taga-lupa.
a. Makiling b. Waling-Waling c. Magayon d. Dawani
_____8. Sino ang may-akda sa tulang “Kay Mariang Makiling?”
a. Rene Villanueva b. Efren Abueg c. Damiana Eugenio d. Edgar Samar
_____9. Ang Duwende ay isang kuwentong-bayan mula sa _________.
a. Bikol b. Leyte c. Samar d. Capiz
_____10. Ito ay mga pangyayari sa araw-araw na pamumuhay, maaring lokal o sa ibayong dagat, showbiz, pampalakasan,
pampolitika, panlipunan at iba pa.
a. balita b. komiks c. sanaysay d. talambuhay
_____11. Ang mga alamat mula sa El Filibusterismo ay isinulat ni _______________.
a. Andres Bonifacio b. Antonio Luna c. Jose Rizal d. Apolinario Mabini
_____12. Sa bahaging ito makikita ang tauhan at tagpuan. Anong bahagi ng kuwento ito?
a. simula b. suliranin c. gitna d. wakas
_____13. Ano ang gustong gawin ng kalpintero sa hulihang bahagi ng tulang “Napagawi Ako sa Mababang Paaralan?”
a. maiukit ang pangalan b. ayusin ito c. magsusulat sa pader d. linisan ito
_____14. Ito ay isang salaysay tungkol sa buhay ng isang tao.
a. talambuhay b. talaarawan c. sanaysay d. tula
_____15. Ang kuwentong nagpasalin-salin sa dila ng ating mga ninuno at nag-iiwan ng aral sa mga mambabasa.
a. dula b. kwentong bayan c. nobela d. alamat
_____16. Isang akdang pampanitikan na kalimitang hayop ang mga tauhan at kapupulutan ng mga aral.
a. epiko b. alamat c. pabula d. kuwentong-bayan
_____17. Kulay berde at mataas tumalon, mahilig maglaro sa mga dahon. Anong insekto ito?
a. ipis b. uwang c. langgam d. tipaklong
_____18. Naglitawan agad ang mga langgam mula sa lungga. Ano ang kahulugan ng salitang naglitawan?
a. nagsulputan b. nagtaguan c. nagkagulo d. nagsipaggawa
_____19. Ang mga salitang ermat at erpat ay mga halimbawa ng salitang ___________________.
a. balbal b. kolokyal c. pampanitikan d. lalawiganin
_____20. Ang pinakamababang antas ng wika ay ________________.
a. balbal b. kolokyal c. lalawiganin d. pampanitikan
_____21. Ang pariralang haligi ng tahanan ay nasa antas ______________.
a. balbal b. kolokyal c. pampanitikan d. lalawiganin
_____22. Isang akdang pampanitikang nagsasalaysay ng buhay ng pangunahing tauhang maaring hango sa tunay na
buhay o kathang isip lamang.
a. tula b. epiko c. nobela d. maikling kuwento
_____23. “Hindi ako agad nakapagsalita nang ikaw ay lumapit.” Ang hindi nakapagsalita sa pangungusap ay
nangangahulgang ____________________.
a. natupad b. naumid c. nabulol d. napahiya
_____24. Ang wastong gamit ng mga pangatnig ay nakatutulong sa pagkakaroon ng kohirens o pagkakaugnay ng
mga _______________.
a. talata b. kaisipan c. isinusulat d. kohirens
_____25. Pag-ugnayin ang kaisipang “Maraming bata ang iniiwan ng magulang,” _____________________.
a. kaya’t bubukod sila ng tirahan c. dahil akala nila iyon ay pawang pang-aapi
b. dahil sa hirap ng buhay d. dahil iisa lamang sila sa mundo
_____26. Ang Tungkong Langit ay kuwentong nagsasalaysay kung paano ______________________.
a. nagkaroon ng ulan c. lumitaw ang tao sa daigdig
b. nabuo ang mundo dahil sa pag-ibig d. nagkaroon ng langit at lupa
_____27. Ang Tungkong Langit ay isang __________________.
a. alamat b. epiko c. kuwentong-bayan d. awiting-bayan
_____28. Ang pag-iral na yaon ang sinasagkaan ng aking minamahal. Ano ang kahulugan ng salitang sinasagkaan?
a. hinahadlangan b. pinapayagan c. pinababayaan d. pinagwawalang-
bahala
_____29. Isang akdang pampanitikan na nagsasalaysay ng pinagmulan ng tawag sa isang bagay, lugar o tao.
a. tula b. nobela c. alamat d. kuwentong-bayan
_____30. Ang mga salitang sa totoo lang, tunay, talaga ay mga pangatnig na ginagamit sa ___________________.
a. pagpapatotoo at paghihikayat c. paglalahad ng paksa
b. pagsususnod- sunod ng mga pangyayari d. pagbibigay ng buod
_____31. Isang akdang pampanitikan na inaawit ng ating mga ninuno noong unang panahon na hanggang ngayon ay
naririnig pa rin natin at nagpapahayag ng kulturang kinagisnan sa isang tiyak na lugar.
a. tula b. nobela c. awiting-bayan d. kuwentong-bayan
_____32. Si Pilimon ay namasol sa karagatan, isang awiting-bayan mula sa Visayas. Ano ang kahulugan ng namasol
batay sa kontekstong nasa pahayag?
a. namalengke b. nangisda c. nakahuli d. ibinenta
_____33. Ang mga pahayag na : noong unang panahon, minsan, isang araw, lumipas ng mahabang panahon, mula
noon ay mga pang-ugnay na ginagamit sa ________________.
a. pagsasalaysay at pagsusunod-sunod ng mga pangyayari
b. pagpapatotoo at panghihikayat
c. pagkukuwento
d. paglalarawan
_____34. “Mula noon, ang baryong tinitirhan ng mag-anak ay tinawag na DIKAPINISAN.” Ang mga pahayag na ito ay
maaring maging wakas ng _________________.
a. epiko b. alamat c. kuwentong-bayan d. awiting-bayan
_____35. Ito ay isang akdang pampanitikan na nagpapahayag ng piling kaisipan sa pamamagitan ng sukat at tugma o kaya
ay sa malayang taludturan.
a. tula b. alamat c. kuwentong-bayan d. awiting-bayan
_____36. Alin sa mga sumusunod ang epiko ng Visayas?
a. Maragtas b. Hudhud c. Lam-Ang d. Bidasari
_____37. “Si Inay lulundag agad”. Ano ang kahulugan ng lulundag?
a. tatalon b. aalis c. tatakbo d. tatalilis
_____38. “Siya ay maghahanap ng pera para sa almusal”. Ano ang kahulugan ng almusal?
a. tanghalian b. hapunan c. umagahan d. miryenda
_____39. Panghalip na ginagamit sa hulihan bilang pananda sa pinalitang pangngalan sa unahan ng pangungusap.
a. anaporik b. kataporik c. panghalip d. pagpapatungkol
_____40. Panghalip na ginagamit sa unahan bilang pananda sa pinalitang pangngalan sa hulihan ng pangungusap.
a. kataporik b. anaporik c. panghalip d. pagpapatungkol
_____41. Ang pabulang “Si Shuboy Langgam at ang Binlid” ay isinulat ni _____________.
a. Alice T. Hidalgo b. Alice T. Gonzales c. Alicia T. Gonzales d. Alice U. Manzano
_____42. Sino ang nakakita kay Shuboy langgam sa nangyari sa kanya?
a. karpintero b. mangingisda c. manggagawa d. maninisid
_____43. Ano ang nangyari kay Shuboy langgam sa katapusan ng kuwento?
a. lalong naging tamad b. sumipag c. natakot d. walang pagbabago
_____44. Sino ang kalimitang may lisensiya upang humawak ng boga?
a. mangagawa b. kapulisan c. mamamayan d. negosyante
_____45. Sa kuwentong, “Ang mga Habilin ng Ina,” ano ang ginawa ni Crispin matapos makilala ang pagkakamaling
kanyang nagawa?
a. nagsisi b. nagdasal c. nagkibit-balikat d. nagwalang-bahala
_____46. Ang pagluha ni Tungkong Langit ay nagdulot ng pagkakataong ________________.
a. umulan b. bumagyo c. lumindol d. bumaha
_____47. Sa awiting-bayan na Si Pilimon, ano ang trabaho ni Pilimon?
a. magsasaka b. mangingisda c. karpintero d. tindero
_____48. Ang mga salitang una, ikalawa, ikatlo at sa huli ay mga salitang ginagamit sa ________________.
a.pag-iisa ng paglalahad b. pagkukuwento c. pangangatuwiran d. pagsulat
_____49. Anong kultura ang ipinakikita ng mga Ita pagdating sa pag-aasawa?
a. Pinatatakbo ang babae sa bundok at huhulihin ng lalaki
b. Pinag-iigib muna ang lalaki
c. Sisisid muna sa karagatan ang lalaki
d. Kakain muna ng nganga ang lalaking ikakasal
_____50. Ano ang pisikal na anyo ni Juan Pikas?
a. May iisang paa b. May iisang taynga c. May iisang mata d. May iisang paa,kamay at mata
_______________________________________________________________________________________________
God Bless!!!
Inihanda ni:
ANGELICA M. BARANGAY Noted:
Guro INOFEMIA G. GUADO
Ulong Guro

You might also like