You are on page 1of 2

UEG NATIONAL HIGH SCHOOL

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT


FILIPINO GRADE 7
Pangalan : ____________________________________________________________Iskor:
________________
I.MARAMING PAMIMILIAN. Panuto: Piliin ang pinaangkop na sagot sa bawat bilang. Isulat ang titik ng
tamang sagot bago ang bilang.
_____1. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento ni Rene Villanueva na sinasabing batang papel?
a. Nemo b. Meno c. Adong d. Magayon
_____2. Ano ang hiniling ng panguhing tauhan sa kuwento?
a. maging mabuting bata c. maging batang masayahin
b. maging batang maramdamin d. maging isang tao
_____3. Ang may-akda sa kuwentong “Mabangis na Lungsod” ay si ___________.
a. Efren Abueg b. Edgar Samar c. Jose Rizal d. Lamberto Antonio
Para sa aytem bilang 4-7
“Bitiwan mo ako! Bitiwan mo ako! Naisigaw na lamang ni Adong. Ngunit hindi na niya muling narinig ang
basag na tinig. Naramdaman na lamang niya ang malupit na palad ni Bruno. Natulig siya. Nahilo. At pagkaraan
ng ilang sandal, hindi na niya nararamdaman ang kabangisan Sa kapayapaang biglang kumandong sa kanya.
_____4. Anong damdamin ang namamayani kay adong batay sa kanyang sinabi?
a. pagmamakaawa b. pagmamahal c. pagtataksil d. pagtutulungan
_____5. Anong ayos ng pangungusap ang nasalungguhitan?
a. maayos b. karaniwang ayos c. di-karaniwang ayos d. walang ayos
_____6. Mahihinuhang ang ugali ni Bruno ay _______.
a. matatag b. masama c. matapang d. mabuti
_____7. Anong kalagayang panlipunan ang masasalamin sa kuwentong “Mabangis na Lungsod?”
a. kahirapan b. kaginhawaan c. kaayusan d. mapagkawang-gawa
_____8. Isang landmark o icon ng Bikol at Pilipinas na may perpektong apa dahil sa simetrikong hugis nito.
a. Taal b. Mayon c. Apo d. Makiling
_____9. Sino ang babaeng iniibig nina Pagtuga at Ulap?
a. Makiling b. Waling-Waling c. Magayon d. Dawani
_____10. Ito ay malinaw na naipapahayag ng isang nagsasalaysay.
a. damdamin b. kariktan c. pagkakabuo d. punto-de-bista
_____11. Sino ang diwatang umibig sa isang tag-lupa?
a. Magayon b. Dawani c. Mariang Makiling d. Waling-Waling
_____12. Ang tawag sa taong nagsasalita sa tula ay __________.
a. persona b. may-akda c. tauhan d. actor
_____13. “ Anong pook ang maaari niya?” Ano ang kahulugan ng salitang maaari batay sa pagkakagamit niya
sa pangungusap.
a. pagsunod b. maangkin c. pwede d. pagnanasa
_____14. Ito ay isang salaysay tungkol sa buhay ng isang tao.
a. talambuhay b. talaarawan c. sanaysay d. tula
_____15. Ang kuwentong nagpasalin-salin sa dila ng ating mga ninuno at nag-iiwan ng aral sa mga
mambabasa.
a. dula b. kwentong bayan c. nobela d. alamat
_____16. Ang paglalahad ng mga pang-araw-araw na pangyayari sa lipunan, pamahalaan, paaralan, sa mga
sakuna at mga pangyayari sa ibayong dagat.
a. sanaysay b. kuwento c. balita d. tulas
_____17. Ang kuwentong “Ang Duwende” ay mula sa bayan ng _____________.
a. Bikol b. Samar c. Leyte d. Albay
_____18. Tukuyin ang hindi kabilang sa mga kakaibang nilalang.
a. kapre b. aswang c. sirena d. buwaya
_____19. Madalas ang paksa nito at tungkol sa personal na buhay ng mga artista.
a. balitang palakasan b. showbiz balita c. balitang kalakalan d. balitang pampulitika
_____20. “ Mabilis na tinakbo ang bata. Daig pa ng bata ang rumaragasang trak sa EDSA sa pagtakbo.” Ano
ang paraan ng pagpapahayag ng ideya ang ginamit?
a. paglalarawan b. pagsasalaysay c. pagkukwento d. pag-awit
_____21. Tukuyin kung aling trabaho ang hindi kabilang sa blue-collar.
a. abogado b. tubero c. magsasaka d. agwador
_____22. Ang trabahong ginagawa sa opisina ay __________.
a. blue-collar b. pink-collar c. white-collar d. red-collar
_____23 .Aling salitang Ingles ang hindi ginamit sa tulang “ Napagawi ako sa Mababang Paaralan?”
a. plagpol b. notbuk c. komportrum d. nagdidiskas
_____24. Ano ang balak gawin ng kalpintero sa huli?
a. maging isang propesyonal c. maging masayahin
b. mag-aaral ng mabuti d. maiukit ang pangalan
_____25. Ano ang ibig sabihin ng El Filibusterismo?
a. ang tampalasan b. huwag mo akong salangin c. ang lapastangan d. nagpunta ako
_____26. “ Nag-aalaga si Inang ng mga baboy at manok.” Ano ang paksa ng pangungusap?
a. nag-aalaga b. si Inang c. mga baboy d. manok
_____27. Ang sanay say na pinamagatang “ Paglisan sa Tsina” ay isinulat ni ___________.
a. Maningn ing Miclat c. Edgar Samar
b. Lamberto Antonio d. Efren Abueg
______28. “ Lubhang makulay ang mga pista ng mga Muslim sa Pilipinas. “ ang bahagi ng pangungusap na
may salungguhit ay tinatawag na __________.
a. paksa b. panaguri c. karaniwan d. ponema
_____29. Ang kuwentong ito ay tungkol sa pinaGmulan ng mga bagay-bagay at kapupulutan ng aral.
a. alamat b. kwentong bayan c. tula d. pabula
_____30. Ito ay lipon ng mga salita na nagsasaad ng buong diwa.
a. pangungusap b. ponema c. parirala d. sanaysay
II. TALASALITAAN
_____31. Muntik na siyang mahagip ng humahagibis na sasakyan.
a. humahangin b. umaalis c. nagmamadali d. umuugong
_____32. Inaangilan sila ng masungit na matanda dahil sa kanilang maingay na paglalaro. Ang angil ay
nangangahulugan na :
a. inis b. galit c. sigaw d. ungol
______33. Nagpatawing-tawing ang mga papel sa hangin.
a. nagpaagos-agos b. nagpalangoy-langoy c. nagpatangay-tangay d. nagpatalon-talon
_____34. Binulyawan/Sininghalan siya ng galit nag alit niyang magulang dahil sa kanyang pagiging pasaway.
a. sinigawan b. pinalo c. pinangaralan d. sinermunan
_____35. Puno ng layak ang paligid kaya nagtakip siya ng ilong nang makalanghap ng masamang amoy.
a. basura b. kanin-baboy c. alikabok d. dumi ng tao/hayop
_____36. Ang iba sa kanila ay mga patrong taga-ibang bayan.
a. imahen b. taong tumutulong sa kapwa c. grupo ng mga kabataan d. sinasamba
_____37. Hindi ko napuspos ang elementary nang mahinto ako at maulila sa mga magulang.
a. ganap b. natapos c. huminto d. naumpisahan
_____38. Ilan dito ay mga naging kaklaseng kabisote, mapangopya, tugain at matatakutin.
a. pagpaparusa sa isang tao c. pagbugbog sa isang tao para umamin
b. pananakot d. pagiging mapagmataas
_____39. Kasama ang aking martilyo, lagari’t radela ay nagpaunlak ako.
a. panghati ng kahoy c. pampatag ng kongkretong semento bago patuyuin
b. pamukpok ng pako d. ginagamit upang maging makinis kahoy
_____40. Di na ito ang kuwartong may atip na kugong butas-butas.
a. pantakip sa bubong b. pader ng bahay c. pintuan d. bintana

God Bless!!!

Inihanda nina:
Bb. Angelica M. Barangay
Bb. Donajane G. Barut
Gng. Gemma T. Pua

You might also like