You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IX - ZAMBOANGA PENINSULA
DIVISION OF ZAMBOANGA CITY
MAMPANG ELEMENTARY SCHOOL
TALON- TALON DISTRICT
Mampang, Zamboanga City

WEEKLY LEARNING PLAN


Quarter 1 Week 4 Grade Level 3
Date September 12-16, 2022 Learning Area FILIPINO
Teacher RETCHELL B. DUTERTE Principal MA.SOCORRO E. LINAO
MELCs Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari ng kuwentong napakinggan sa pamamagitan ng larawan F3PN-Ic-j-3.1.1
Day Objectives Topic/s Classroom-Based Activities Home-Based Activities
1 1. Napagsusunod-sunod ang Pagsusunod-sunod ng mga 1. Tukoy-Alam
mga pangyayari ng kuwentong Pangyayari
napakinggan sa pamamagitan Ipakita ang mga larawan ng sumusunod.
ng larawan
2. Nasasagot ang mga tanong
tungkol sa tekstong
napakinggan

Ipaayos ang mga larawan sa tamang pagkakasunod-sunod. Ipasalaysay sa mga bata ang
kuwento na ipinakikita ng mga larawan.

Itanong: Kailan nilalaro ang ipinakita sa larawan?


2. Paglalahad

Ano ang ginagawa ninyong magkakaibigan o magkakap

atid pagkatapos ng ulan? Sabihin ang pamagat ng kuwento.

Itanong: Bakit mapalad si Isan?

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga

Basahin nang malakas ang kuwento.

Mapalad si Isan

ni Josenette Pallaza Brana

Matapos ang isang linggong pag-ulan, sumikat din ang araw

“Isan! Isan!,” tawag ng mga kaibigan niya.

“Akyat tayo sa bundok, maglaro tayo doon! Masarap magpadulas sa mga damo,”

“Hintay Lang! Magpapaalam ako kay Inay,” sigaw ni Isan.

“Huwag anak, Mapanganib ngayon ang umakyat sa bundok. Hindi kayo dapat maglaro
doon. Katatapos lamang ng bagyo. Baka kung ano ang mangyari sa inyo. Masyadong madulas
ang daan,” sagot ng ina.

Hindi na nagpilit si Isan.

Bandang hapon nakarinig sila ng balita na may pagguho ng lupa sa karatig-pook nila.

Nabalitaan din ang nangyari sa mga batang umakyat sa bundok.

“Mapalad ako,” ang bulong ni Isan.

Itanong:

. Sino-sino ang tauhan sa kuwento?


. Ano ang ibig gawin ng mga kaklase ni Isam?

. Bakit hindi pumayag ang ina ni Isan na sumama siya sa bundok?

. Ano ang huling nangyari sa kuwento?

. Ano kaya ang maaaring mangyari kung sumama si Isan?

. Anong magandang pag-uugali ang ipinakita ni Isan?

. Tama ba ang mga ipinakita niyang ito?

. Sino sa mga tauhan ang nais ninyong tularan? Pangatwiranan ang sagot.

. Kung kayo si Isan, sino ang susundin ninyo: ang mga kaklase ninyo o ang inyong ina?

Pangatwiranan ang sagot.

. Ano-ano ang libangan ninyong magkakapatid o magkakaibigan sa tuwing bakanteng

Oras? Kung umuulan? Pagkatapos ng ulan? Kung mainit ang panahon?

4. Pagpapayamang Gawain

Maghanda ng mga larawan tungkol sa kuwentong binasa (nang malakas) sa mga bata.
Ipakita ang mga ito. Pag-usapan ang bawat isa.

Sabihin sa mga bata na iayos ang mga larawan ayon sa tamang pagkakasunod-sunod.

Tumawag ng ilang bata upang isalaysay muli ang napakinggang kuwento sa tulong ng mga
iniayos na larawan.

5. Paglalahat

Ano ang natutuhan mo sa aralin?

6. Karagdagang Pagsasanay

Pagawain ang mga bata ng filmstrip ng napakinggang kuwento.

Ipakita sa mga bata ang modelo ng filmstrip.


Ipaguhit sa bawat kahon ang mga pangyayari sa napakinggang kuwento nang may
Nasasagot ang mga tanong
tungkol sa tekstong binasa wastong pagkakasunod-sunod.

1. Tukoy-Alam

Ipakita ang ilang mga larawan tungkol sa laro ng lahi. Ipatukoy sa mga bata ang ngalan ng
bawat laro.

Pagsagot sa mga Tanong Tungkol


sa Binasa

2. Paglalahad

Gumawa ng mini-survey sa klase tungkol sa kung ano ang nilalaro ng bawat bata.
Ipatanong:
2
Ano ang paborito mong laro? Ipatala ang sagot sa tsart na nasa ibaba.

Laro Babae Lalaki Kabuuan

Tumawag ng ilang bata upang iulat ang nakalap na impormasyon. Isulat sa pisara ang mga
inulat na impormasyon ng mga bata.

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga

Ipabasa nang tahimik ang “Tara na, Laro Tayo!” sa Alamin Natin, p.13.
Itanong:

. Ano ang pamagat ng talata?

. Tungkol saan ito?

. Ano-ano ang laro sa computer na alam mo?

. Ano ang mga laro ng lahi na tinukoy sa talata? Alam mo bang laruin ang mga ito?

Ipasalaysay sa mga bata kung paano ito laruin.

. Ano ang isinisimbulo ng mga laro ng lahi?

. Ano ang magandang naidudulot ng paglalaro sa ating isip at sa ating katawan?

. Dapat pa ba nating laruin ang mga laro ng lahi? Bakit?

Balikan ang mini-survey na isinagawa.

Itanong: Alin-alin ditto ang laro ng lahi? Ano-ano pang libangan ang mabuti sa ating isipan at
pangangatawan?

4. Pagpapayamang Gawain

Ipagawa ang Linangin Natin, p.14.

Hatiin sa pangkat ang klase.

Isulat ang isang teksto at ilang katanungan para sa bawat pangkat. Ibigay ito sa bawat
pangkat upang basahin at sagutan. Hayaang mag-ulat ang bawat pangkat. Talakayin ang
kanilang mga sagot.

5. Paglalahat

Itanong: Ano ang natutuhan mo sa aralin? Ipakumpleto ang pangungusap sa Tandaan Natin,
p. 14.

1. Nagagamit nang pangngalan 6. Karagdagang Pagsasanay


sa pagsasalaysay tungkol sa
mga tao, lugar, at bagay sa Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p.14.
paligid
2. Nahahati nang pabigkas ang
isang salita ayon sa pantig.
3. Nababaybay ang mga salitang
natutuhan

1. Tukoy-Alam

Ipakita ang ilang bagay tulad ng bola, sipa, sungka, lubid, at lata.

Itanong: Sa anong laro ito ginagamit?

Ang Gamit ng Pangngalan 2. Paglalahad

Itanong: Sino-sino ang kasama mo tuwing maglalaro? Saan kayo naglalaro?

Ipabasang muli ang “Tara na, Laro Tayo,”

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga

Pangkatin ang Klase. Kumpletuhin ang tsart sa pamamagitan ng pagsagot sa mga ibinigay na
tanong.

Anong laro? Sino ang maglalaro? Kailan lalaruin? Saan nilalaro?

Hayaang ipakita ng bawat pangkat ang natapos na Gawain. Ipabasa sa mga bata ang mga
salita sa bawat hanay.

Itanong: Ano ang tinutukoy ng bawat salita sa unang hanay? Pangalawa? Pangatlo? Pang-
apat? Ano ang tawag sa mga salitang ito?

Tumawag ng ilang bata upang magsalaysay tungkol sa isang laro na nasa talaan.

4. Pagpapayamang Gawain

Pangkatin ang klase. Gumawa ng sarili at bagong laro na ipakikilala sa klase. Talakayin ang
Nakakagamit ng diksiyonaryo kagamitang kailangan sa laro, sino ang maglalaro, saan ito lalaruin, at paano ito lalaruin.
3 Ipagawa ang natapos na laro sa ibang pangkat.

5. Paglalahat

Itanong: Ano ang natutuhan mo sa aralin?

6. Karagdagang Pagsasanay

Ipasalaysay sa mga bata ang isang laro na gustong-gusto nila. Pahulaan ito sa mga kaklase.
Ipatukoy din ang pangngalan na ginamit sa pagsasalaysay.

1. Tukoy-Alam

Itanong: Tuwing magbabasa ka, ano ang ginagawa mo kapag mag salitang hindi
nauunawaan?

2. Paglalahad

Magpakita ng manipis o anumang diksiyonaryong magagamit.

Itanong: Nakagamit na ba kayo ng diksiyonaryo?

Hayaang magbahagi ang mga bata ng kanilang karanasan sa paggamit nito.


Paggamit ng Diksiyonaryo
Ipasuri ang isang pahina ng diksiyonaryo sa Alamin Natin, p.16.

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga

Itanong:

. Ano ang pamatnubay na mga salita sa pahinang ito?

. Ano-anong salita ang nakatala sa pahina?

. Ano-ano ang ibang entry sa diksiyonaryo na makikita sa pahina?

. Paano inayos ang mga salita sa diksiyonaryo?

. Paano ang tamang pagpapantig sa salitang pruweba? Pukawin? Proyekto?

. Ano ang kahulugan ng salitang pruweba? Pukawin? Proyekto?


. Anong bahagi ng pananalita ang salitang pruweba? Pukawin? Proyekto?

Ipakita sa mga bata ang tamang paggamit ng diksiyonaryo.

4. Pagpapayamang Gawain

Ipagawa ang Linangin Natin, p16.

1. Makagawa ng collage na 5. Paglalahat


sumasalamin sa maganda o
kaaya-ayang libangan ng mga Itanong: Paano ginagamit ang diksiyonaryo?
bata
2. Magamit ang pangngalan sa Ipakumpleto ang pangungusap sa Tandaan Natin, p.16.
pagsasalaysay ng isang
kuwentong may kaugnayan sa 6. Karagdagang Pagsasanay
4 natapos na collage
Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p.16.

Pabalikan ang “Tara na, Laro Tayo” sa Alamin Natin, p.13.

Ipatala sa mga bata ang mga salitang hindi nauunawaan.

Ipahanap at sipiin ang kahulugan ng mga ito gamit ang diksiyonaryo.

Gagampanan ng bawat pangkat na mag-aaral

1. Ang mga mag-aaral ay hahatiin sa ilang pangkat.

2. Ang bawat pangkat ay gagawa ng isang collage na isang kaaya-ayang libangan. Magpakuha
ng ibat ibang gamit tulad ng papel, mga tuyong dahon, maliliit na sanga, at plastic.

3. Gamit ang mga nakolektang kagamitan, ipagawa ang napagkasunduang larawan ng kaaya-
ayang libangan. Ipagawa ito sa kalahating bahagi ng isang manila paper.

4. Magpasulat ng isang talata na may apat hanggang limang pangungusap tungkol sa natapos
na collage. Paguhitan ang pangngalan na ginamit.

Panlingguhang Pagtataya
5
PREPARED BY:
RETCHELL B. DUTERTE
Teacher I

CHECKED BY:
MADELYN D. ANGELADA
Master Teacher I

NOTED BY:

MA. SOCORRO E. LINAO


Elementary School Principal III

You might also like