You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV- A CALABARZON
Division of Batangas
District of Padre Garcia

Paaralan Pansol Integrated National High School Baitang 9


Guro Lolita S. Obis Asignatura Araling Panlipunan
Petsa/ Araw Pebrero 6, 2020 Biyernes Markahan Ikaapat na Markahan
Seksiyon/Oras Yakal 9:20-10:20
Narra 10:20-11:20
Tindalo 1:00-2:00
Acacia 2:00-3:00

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 9- Ikalawang Araw

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa mga sektor ng ekonomiya at mga
patakarang pang ekonomiya nito sa harap ng mga hamon at pwersa tungo sa
Pangnilalaman
pambansang pagsulong at pag-unlad.
B. Pamantayan sa Ang mga mag-aaral ay aktibong nakikibahagi sa maayos na pagpapatupad at
pagpapabuti ng mga sektor ng ekonomiya at mga patakarang pangekonomiya
Pagganap
nito tungo sa pambansang pagsulong at pag-unlad.
Napahahalagahan ang sama-samang pagkilos ng mamamayang Pilipino para
sa pambansang kaunlaran
AP9MSP-IVb-4
C. Mga Kasanayan sa 1. Naipakikita ang bahaging ginagampanan ng mga Pilipinong mag-
Pagkatuto aaral tungo sa pambansang kaunlaran sa pamamagitan ng iba’t ibang
gawain.
2. Nakapagbibigay ng sariling opinyon na patungkol sa mga Pilipinong
mag-aaral tungo sa pambansang kaunlaran.
Konsepto at Palatandaan ng Pambansang Kaunlaran
II. NILALAMAN
1. Sama-sama Pagkilos para sa Pambansang Kaunlaran
III. KAGAMITANG PANTURO
Ekonomiks, Araling Panlipunan Modyul Para sa Mag-aaral, pahina 359-362
A. Sanggunian
B. Iba pang Kagamitang
Laptop, larawan,powerpoint presentation, video clip
Panturo
IV. PAMAMARAAN
Pagbabalitaan tungkol sa mga pangyayari sa loob at labas ng bansa.
A. Balitaan
B. Balik Aral sa mga unang Ibigay ang bahaging ginagampanan ng bawat mamamayang Pilipino
natutuhan upang makamit natin ang pambansang kaunlaran.
C. Paghahabi sa layunin ng AWITIN MO AT GAGAWIN KO!
aralin(Pagganyak) Ipapasuri ang isang awiting pinasikat ni Noel Cabangon. Inilahad sa awitin
ang mga simpleng pamamaraan upang matawag tayong “Ako’y Isang
Mabuting Pilipino.”
https://www.youtube.com/watch?v=Heh3zEZLg2o
GABAY NA TANONG:
1. Sumasakay at bumababa ka ba sa tamang sakayan at babaan?
2. Ano- anong mga tuntunin at alituntunin sa paaralan ang sinusunod mo?
3. Paano ka makatutulong sa pangangalaga ng ating kapaligiran?
4. Gaano kahalaga ang pag- aaral sa iyo? Pangatwiranan.
5.Bakit mahalaga ang pagkakaloob ng tapat na serbisyo sa mga tao?
D. Pag- uugnay ng mga 1. Ano ang pangkalahatang mensahe ng awitin? Paano mo ito maiuugnay
halimbawa sa bagong sa pagtatamo ng kaunlaran? Ipaliwanag.
aralin 2. Kanino kayang mga tungkulin ang inilahad sa awitin? Ano ang
(Presentation) implikasyon nito sa pambansang kaunlaran?
3. Paano ka makatutulong sa pag- unlad ng bansa bilang isang
mabuting Pilipino? Pagtibayin.
E. Pagtatalakay ng bagong MAGKAPIT BISIG : PILIPINO TAYO
konsepto at paglalahad VISION – MISSION STATEMENT
ng bago ng kasanayan Ang bawat pangkat ng mga mag-aaral ay magsusuri ng nilalaman ng
No I (Modeling) Vision, Mission Statement, at ang Core Values ng Department of Education.
Matapos na masuri , kailangang maibigay ang mga pangngalan,pang-uri at
pang-abay na ginamit mula sa vision, mission at core values.
https://tinyurl.com/y8dk4gsa
https://tinyurl.com/yaw4olau

https://tinyurl.com/yc8eblmb
PAMPROSESONG TANONG:
F. Pagtatalakay ng bagong
1. Ano ano ang mga tumatak sa iyong isipan batay sa iyong binasa? Bakit?
konsepto at paglalahad
2. Sa iyong palagay bakit may mission at vision statement ang DepEd? Para
ng bagong kasanayan
kanino ito?
No. 2.
3. Ang mga layunin ba na ito ay makatutulong para sa pambansang
(Guided Practice)
kaunlaran? Ipaliwanag ang iyong sagot.
RIZAL TALK
Sa isang malinis na papel ay sasagutan ng mga mag-aaral ang
sumusunod na katanungan ayon sa paraang hinihingi.
Unang bilang: Sagutin ang tanong sa paraang patalinhaga
Pangalawang bilang: Ibigay ang kasagutan sa pamamagitan ng mabilisang
pagguhit
Pangatlong bilang: Maipaliwanag ang sagot sa pamamagitan ng isang
Slogan.
1. Ano ang iyong magiging paninindigan tungkol sa kasabihang “Nasa
kabataan ang pag-asa ng bayan” ni Dr. Jose Rizal?
2. Sang-ayon ka ba o hindi na ito ay maipatupad?
3. Ano ang magandang hakbangin upang ito ay mapatotohanan?

G. Paglilinang sa Kabihasan
(Tungo sa Formative Assessment)
(Independent Practice

https://tinyurl.com/ybw357ub

Pamantayan Puntos Natamong Puntos


Kawastuhan ng ideya batay sa paksa 5
Organisado at malikhain na paglalahad ng
5
ideya ayon sa paksa ng araling inilahad
Kinapulutan ng magandang aral at opinyon 5
batay sa inihahad
Kooperasyon ng bawat kasapi ng pangkat 5
Kabuuang Puntos 20
H. Paglalapat ng aralin sa SO HELP ME GOD!
pang araw araw na Bilang isang mag-aaral magbigay ng 5 pangungusap o pangako na iyong
buhay(Application/Valuin gagawin upang makatulong sa ating pambansang kaunlaran.
1. ___________________________________________
g)
2. ___________________________________________
3. ___________________________________________
4. ___________________________________________
5. ___________________________________________
I. Paglalahat ng Aralin Bakit mahalagang magkaroon ng partisipasyon ang mga mag-aaral na tulad
(Generalization) mo para sa pambansang kaunlaran?
J. Pagtataya ng Aralin MULTIPLE CHOICE
Panuto: Basahin ang mga katanungan sa bawat bilang at isulat ang letra ng
bawat sagot sa sagutang papel.
1. Ang Pilipinong bayani na nagsabi ng katagang “Nasa kabataan ang
pag-asa ng bayan”
a. Andres Bonifacio
b. Jose Rizal
c. Apolinario Mabini
d. Emilio Aguinaldo
2. Anong departamento ng pamahalaan ang may magandang pangarap
at mithiin para sa mga Pilipinong mag-aaral.
a. DENR
b. DOST
c. DILG
d. DEPED
3. Sino ang nangangasiwa ng pag-aaral ng mga mag-aaral sa
paaralan?
a. Guro
b. Magulang
c. Guidance Councilor
d. Registrar
4. Sa ano pang grupo ng mga tao mas magiging matagumpay ang mga
Pilipinong mag-aaral?
a. Pamilya
b. Komunidad
c. Stakeholders
d. Lahat ng nabanggit
5. Sino ang mga taong tutulong at iibig sa ating bansa sa susunod pang
mga panahon?
a. Mag-aaral
b. Sundalo
c. Guro
d. Lahat ng nabanggit
K. Karagdagang gawain Takdang Aralin:
para sa takdang Sa inyong komunidad, sino ang inyong masasabi na huwaran bilang
aralin(Assignment) isang tao na nagpapalaganap ng makabayan o makabansang kaunlaran?
Paano at bakit mo siya napili?
PAGNILAYAN

A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha


ng 80% sa pagtataya.
B. Bilang ng mag- aaral na
nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remediation.
C. Nakatulong ba ang remedial?
Bilang ng mag aaral na
nakaunawa sa aralin.
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation.

E. Alin sa mga istratehiya ng


pagtuturo na katulong ng
lubos? Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasan nasolusyunan sa
tulong ng aking punungguro at
superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang
aking nadibuho na nais kong
ibahagi sa mga kapwa ko guro?

Binigyang pansin nina:

JANICE R. MENDOZA, Ed. D SABENIANO E. ROSALES , Ed. D


Head Teacher I Principal IV

You might also like