You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III (CENTRAL LUZON)
Division of Tarlac Province
Moncada North District
CALAMAY ELEMENTARY SCHOOL
Mocada, Tarlac
Unang Markahang Pagsusulit sa Araling Panlipunan 6

Pangalan:_____________________________________________ Iskor:_____________________
Petsa_____________________

1. Ano ang kilusang binuo ng mga ilustrado?


A. Kilusang Katipunan B. Kilusang Propaganda
C. Kilusang Martir D. Kilusang Hukbo
2. Siya ay kilala bilang pinakadakilang manunulat ng mga propagandista.
A. Graciano Lopez Jaena B. Jose P. Rizal
C. Juan Luan D. Marcelo H. del Pilar
3. Ano-anong alyas ang ginamit ni Jose Rizal sa kanyang pagsulat sa kilusan?
A. Fraile at Fray Botod B. Laong-Laan at Dimasalang
C. Plaridel D. Zamora D. Bagani at Pepe
4. Sino ang naging unang patnugot ng La Solidaridad?
A. Graciano Lopez Jaena B. Jose P. Rizal C. Juan Luan
D. Marcelo H. del Pilar D. Mariano Ponce
5. Kilusan na gumamit ng dahas at rebolusyon laban sa mga Espanyol.
A. Kilusang Katipunan B. Kilusang Propaganda
C. Kilusang Martir D. Kilusang Hukbo
6. Siya ang Ama o Supremo ng Kilusang Katipunan?
A. Apolinario Mabini B. Andres Bonifacio
C. Emilio Jacinto D. Juan Luna
7. Kailan itinatag ang Kilusang Katipunan?
A. Hulyo 5, 1892 B. Hulyo 6, 1892
C. Hulyo 7, 1892 D. Hulyo 8, 1892
8. Bakit naitatag ang Kilusang Propaganda at Katipunan?
A. Para sa pansariling kapakanan ng mga ilustrado
B. Upang makamkam ng mga Pilipino ang lupain ng Espanya
C. Para sa reporma at kalayaan mula sa mga Espanyol
D. Upang umusbong ang krimen at kaguluhan
9. Anong ginamit na alyas ni Marcelo H. del Pilar sa kanyang mga akda?
A. Dimasalang C. Plaridel
B. Fray Botod D. Zamora
10. Sino ang may akda sa Dasalan at Tocsohan?
A. Graciano Lopez Jaena B. Jose P. Rizal
C. Juan Luan D. Marcelo H. del Pilar
11. Kailan nabunyag o natuklasan ang lihim na samahang KKK?
A. Noong Agosto 19, 1896 B. Noong Agosto 23, 1896
C. Noong Agosto 29, 1896 D. Noong Agosto 30, 1896
12. Kanino nalaman ni Gob. Hen. Ramon Blanco ang tungkol sa lihim na kilusan?
A. Kay Andres Bonifacio B. Kay Apolonio Dela Cruz
C. Kay Padre Mariano Gil D. Kay Teodoro Patiño
13. Saan sa Pugad Lawin nagpulong ang mga katipunero?
A. Sa bahay ni Andres Bonifacio B. Sa bahay ni Emilio Aguinaldo
C. Sa bahay ni Emilio Jacinto D. Sa bahay ni Melchora Aquino
14. Ano ang naganap noong ika-23 ng Agosto?
A. Pagdakip sa mga katipunero
B. Pagsuko ni Andres Bonifacio kay Hen. Blanco
C. Paglunsad ng himagsikan sa San Juan Del Monte
D. Pagpupulong at pagplano ng himagsikan ng mga katipunero sa Pugad
15. Ano ang napag-usapan o napagkayarian ng mga katipunero sa ginawang
pagpupulong sa Pugad Lawin?
A. Para makianib sa mga Espanyol
B. Para patayin si Padre Mariano Gil
C. Para simulan o ilunsad na ang himagsikan
D. Para humingi ng tulong kay Emilio Aguinaldo
16. Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang nagbibigay daan tungo sa Sigaw sa
Pugad Lawin at naging sanhi ng pagsiklab ng himagsikan?
A. Pagdakip at pagkulong kay Rizal sa Fort Santiago.
B. Pagbubunyag ng samahang KKK sa mga Espanyol.
C. Paglimbag at paglathala ng pahayagang Kalayaan.
D. Pakikipagkasundo ng mga katipunero sa mga Espanyol.
17. Bakit pinunit ng mga katipunero ang kanilang sedula?
A. Ito ay simbolo ng pagsanib kay Emilio Aguinaldo.
B. Ito ay simbolo ng pagtanggap ng kanilang pagkatalo.
C. Ito ay simbolo ng pagsang-ayon sa utos ng pamahalaang Espanyol.
D. Ito ay simbolo ng hindi pagkilala at paghiwalay nila sa pamahalaan ng
Espanya.
18. Bakit sa palagay mo natalo ang mga katipunero sa labanan sa San Juan Del
Monte?
A. Hindi sila nagkaisa.
B. Hindi sila sumunod sa habilin ni Andres Bonifacio.
C. Dahil hindi sila marunong humawak ng mga armas.
D. Dahil kulang sila sa armas at kulang sa karanasan sa pakikipagdigma.
19. Anong pangyayari ang naganap sa ating kasaysayan noong ika-19 ng Agosto
1896?
A. Pagkadeklara ng Batas Militar
B. Pagkahuli ng mga katipunero
C. Pagpupulong ng mga katipunero
D.Pagkabunyag ng lihim na kilusang o KKK
20. Noong ika- 23 ng Agosto 1896 nagpulong sina Bonifacio at mga katipunero sa
bahay ni Melchora Aquino. Kilala ang lugar na ito sa tawag na _________________.
A. Biak-na-Bato B. Pasong Tirad
C. Pugad Lawin D.Pinaglabanan sa San Juan del Monte
21. Ang mga sumusunod ay mga kaganapan sa pagpupulong ng mga katipunero sa
Pugad Lawin maliban sa isa.
A. Pagpunit ng sedula
B. Pagplano sa himagsikan
C. Pagsanib sa pamahalaang Espanyol
D. Pagsigaw ng “Mabuhay ang Kalayaan!”
22. Kanino nalaman ni Gob. Hen. Ramon Blanco ang lihim na kilusan?
A. Kay Apolonio Dela Cruz B. Kay Padre Mariano Gil
C. Kay Sancho Valenzuela D.Kay Teodoro Patiño
23. Ano ang dahilan ng pagkatalo ng mga katipunero sa labanan sa San Juan del
Monte?
A. Dahil kulang sila sa pagkakaisa.
B. Hindi nila sinunod ang plano ng himagsikan.
C. Dahil pinanghinaan ng loob si Andres Bonifacio
D.Dahil sa kakulangan ng armas at walang karanasan sa pagkikipagdigma.
24. Bakit sa palagay mo idineklara ni Gob. Hen Ramon Blanco ang Batas Militar sa 8
lalawigan?
A. Para mapigilan ang himagsikan
B. Para ipakita ang kanyang kapangyarihan
C. Para makipagkasundo sa mga katipunero
D.Para bitayin ang lahat ng mga katipunero
25. Sa iyong pananaw, anong katangian ang ipinakita ni Padre Mariano Gil sa
pagsuplong niya kay Gob. Hen. Blanco?
A. Hindi mapagkatiwalaan B. Tapat sa kanyang tungkulin
C. Marunong magtago ng lihim D. Masunurin sa mga nakatataas
26. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng pagmamahal sa kalayaan maliban sa isa.
A. Makiisa sa mga pagdiriwang ng mga piyesta opisyal
B. Sumusunod sa mga batas at alituntunin ng pamahalaan
C. Sumali sa mga malawakang pagra-rally laban sa pamahalaan.
D.Makiisa sa pagpapanatili ng kalinisan sa mga makasaysayang pook.
27. Maraming katipunero ang nagbuwis ng buhay para sa adhikaing makalaya. Ilang
ulit ang kanilang pagkatalo ngunit hindi sila sumuko sa pakikipaghimagsikan.
Anong katangian ang kanilang ipinakita?
A. Tapat at may paninindigan.
B. Matapang at hindi sumuko sa laban.
C. Marunong tumupad sa mga napagkasunduan.
D.Lahat ng nabanggit.
28. Sino ang pinuno ng katipunan sa Cavite?
A. Emilio Aguinaldo B. Emilio Jacinto
C. Mariano Alvarez D. Melchora Aquino
29. Dalawang pangkat ang humati sa katipunan. Ano ang mga ito?
A. Magdalo at Magsaya B. Magdalo at Magsilang
C. Magdiwang at Manalo D. Magdiwang at Magdalo
30. Sino ang pinuno ng pangkat na Magdiwang?
A. Baldomero Aguinaldo B. Emilio Jacinto
C. Mariano Alvarez D. Mariano Trias
31. Sino ang pinuno ng pangkat na Magdalo?
A. Baldomero Aguinaldo B. Crispulo Aguinaldo
C. Jose Tagle D. Mariano Trias
32. Sino ang tinaguriang Lakambini ng Katipunan?
A. Gregoria de Jesus B. Josefa Rizal
C. Marina Dizon D. Melchora Aquino
33. Layunin ng pagpupulong ito na pag-isahing muli ang katipunan.
A. Kawit Convention B. Naic Convention
C. Tejeros Convention D. Talang Convention
34.Alin sa mga sumusunod ang pangunahing layunin ng Tejeros Convention?
A. Makipagkasundo sa Espanya
B. Magdaos ng isang pagdiriwang
C. Maghalal at tangkaing mapag-isang muli ang katipunan
D. Magbayad ng bayad-pinsala sa mga hukbong Espanyol
35. Ang mga sumusunod ay mga pangyayari sa Tejeros Convention maliban sa isa,
alin ito?
A. Naihalal na pangulo si Aguinaldo.
B. Napigilan ng mga Espanyol ang halalan.
C. Tumutol si Daniel Tirona sa pagkahalal kay Bonifacio.
D. Naihalal si Bonifacio bilang Direktor ng Gawaing Panloob.
36. Maisasantabi ang hidwaan kapag idinaan ito sa_________________.
A. Pakikipag-agawan B. Pagsasawalang-bahala
C. Hindi maayos na pag-uusap D. Mahinahong pakikipag-usap
37. Alin sa mga sumusunod ang naging dahilan sa pagpatay sa magkapatid na
Bonifacio?
A. Kumampi sila sa mga Espanyol.
B. Nagtago sila sa mga simbahan.
C. Umatras sila sa mga labanan sa Cavite.
D. Pinangambahang magtatayo sila ng hiwalay na pamahalaan.
38. Siya ang magiting na pinuno ng katipunan sa Cavite na malimit na nananalo sa
mga labanan.
A. Andres Bonifacio B. Emilio Aguinaldo
C. Emilio Jacinto D. Mariano Alvarez
39. Pinamunuan ni _____________________ ang pangkat na Magdalo.
A. Baldomero Aguinaldo B. Crispulo Aguinaldo
C. Mariano Noriel D. Pio del Pilar
40. Siya ang asawa ni Andres Bonifacio na tinaguriang Lakambini ng Katipunan.
A. Delfina Herbosa B. Gregoria de Jesus
C. Josefa Rizal D. Melchora Aquino
41. Tinutulan niya ang paghalal kay Bonifacio bilang Direktor ng Gawaing Panloob.
A. Baldomero Aguinaldo B. Daniel Tirona
C. Mariano Noriel D. Pio del Pilar
42. Pinatay ang magkapatid na Andres at ______________ Bonifacio sa Maragondon,
Cavite.
A. Alejandro B. Jose
C. Procopio D. Santiago
43. Alin sa mga sumusunod ang dahilan ng pagkahati ng katipunan?
A. Pagkatalo sa mga labanan
B. Kumalas ang karamihan ng mga katipunero sa samahan.
C. Isinuplong sa mga pwersang Espanyol ang mga katipunero.
D. Nagpaglabas ng manifesto si Aguinaldo na buwagin ang katipunan at
magtatag ng pamahalaang rebolusyonaryo.

44. Ang mga sumusunod ay mga pangyayari sa Tejeros Convention maliban sa isa,
alin ito?
A. Pagkahalal kay Aguinaldo bilang pangulo
B. Tinutulan ni Daniel Tirona ang pagkahalal kay Bonifacio.
C. Inatake ng mga pwersang Espanyol ang pagpupulong.
D. Nagalit at ipinawalang bisa ni Bonifacio ang resulta ng halalan.
45. Alin sa mga sumusunod ang naging dahilan ni Aguinaldo upang dakpin at at
ipapatay ang magkapatid na Bonifacio?
A. dahil natalo siya sa halalan
B. hindi nanalo ang pangkat ng Magdalo
C. nangambang magtatayo ng hiwalay na pamahalaan
D. isusuplong ni Bonifacio si Aguinaldo sa pwersang Espanyol
46. Anong katangian ang ipinakita ni Daniel Tirona nang kanyang tutulan ang
paghalal kay Bonifacio bilang Direktor ng Gawaing Panloob?
A. Nais niyang maproteksyunan ang mga miyembro ng samahan.
B. Minaliit si Bonifacio dahil hindi ito nakapagtapos sa pag-aaral.
C. Mas pinairal niya ang kanyang isip kaysa sa kanyang damdamin.
D. Marunong gumalang at sumunod sa naging pasya ng Tejeros Convention.
47. Ano ang reaksyon ni Bonifacio sa ginawang panlalait ni Tirona?
A. Nagsawalang kibo si Bonifacio.
B. Pinawalang bisa niya ang halalan.
C. Sumang-ayon sa kinalalabasan ng halalan.
D. Naging masaya siya sa kanyang tungkulin.
48. Sino ang nagbukas ng kanyang tahanan upang maging kanlungan ng mga
sugatang rebolusyonaryo?
A. Melchora Aquino B. Teresa Magbanua
C. Gregoria De Jesus D. Marcela Agoncillo
49. Ano ang naging taguri kay Teresa Magbanua?
A. Ina ng Katipunan B. Ina ng Rebolusyon
C. Joan of Arc ng Kabisayaan D. Lakambini ng Katipunan
50. Sino ang nagsilbing tagapag-ingat ng lahat ng dokumento at selyo ng katipunan?
A. Melchora Aquino B. Teresa Magbanua
C. Gregoria De Jesus D. Marcela Agoncillo
SUSI SA PAGWAWASTO
1. B
2. D
3. B
4. A
5. A
6. B
7. C
8. C
9. C
10. D
11. A
12. C
13. D
14. D
15. C
16. B
17. D
18. D
19. D
20. C
21. C
22. B
23. D
24. A
25. A
26. C
27. D
28. A
29. D
30. C
31. A
32. A
33. C
34. C
35. B
36. D
37. D
38. B
39. A
40. B
41. B
42. C
43. D
44. C
45. C
46. B
47. B
48. A
49. C
50. C

You might also like