You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OF _____________
_________ ELEMENTARY SCHOOL
________ District

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT


EDUKASYONG PANTAHAN AT PANGKABUHAYAN 5
HOME ECONOMICS

TALAHANAYAN NG ISPESIPIKASYON

COGNITIVE PROCESS DIMENSIONS

Understanding
Remembering
Bahagdan

Bilang Bilang

Evaluating
Analyzing
Applying

Creating
Pamantayan sa Pagkatuto ng ng
Araw Aytem

1.1 Napapangalagaan ang sariling


kasuotan
1.1.1 naiisa-isa ang mga paraan
8 12% 6 1,3,5 2 6 4
upang mapanatiling malinis ang
kasuotan
(EPP5HE-Oc-6)
1.2 naisasagawa ang wastong
paraan ng paglalaba
7 16% 8 7,8 10,13 9 11 12,14
1.2.1 napaghihiwalay ang puti at di-
kulay
1.7 naisasagawa ang wastong
paraan ng pamamlantsa 5 14% 7 15,16 20,21 18 17 19
(EPP5HE-0d-8)
1.2 natutukoy ang mga bahagi ng
22,23, 25,
makinang de-padyak 5 10% 5
24 26
(EPP5HE-0g-18)
1.3 nakabubuo ng kagamitang
pambahay na maaring pagkakitaan
1.4 nakalilikha ng isang malikhaing 5 14% 7 27,29 28,30 31,32 33
proyekto
(EPP5HE-0g-18)
1.1 naisasagawa ang pagpaplano at
pagluluto ng masustansiyang
pagkain (almusal, tnanghalian, at 5 10% 5 34,35 38 37 36
hapunan) ayon sa badyet ng pamilya
(EPP5HE-0i-24)
1.2 naisasagawa ang pamamalengke 5 12% 6 41,42 39,43 40 44
ng mga sangkap sa pagluluto
1.3 naipapakita ang husay sa pagpili
ng sariwa, mura at masustansiyang
sangkap
(EPP5HE-0i-28)
1.1 naihahanda ang mga sangkap sa
45,46,
pagluluto 5 12% 6 48 49 50
47
(EPP5HE-0j-29)
19 11 8 7 5 0
TOTAL 45 100% 50
30 15 5
Republic of the Philippines
Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OF _____________
_________ ELEMENTARY SCHOOL
________ District

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT


EDUKASYONG PANTAHAN AT PANGKABUHAYAN 5
HOME ECONOMICS

Pangalan: ________________________________________________________________________ Iskor: _________


Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ang nararapat gawin kung ang damit ay nangangamoy?


A. ilagay sa labahan C. pahanginan
B. plantsahin D. tiklupin at ilagay sa cabinet
2. Ano ang dapat gawin bago umupo upang hindi magusot kaagad ang paldang uniporme?
A. ayusin ang pleats ng palda C. basta nalang umupo
B. ipagpag muna ang palda D. ibuka ang palda
3. Alin sa mga sumusunod ang gagawin kung may sira o butas ang mga damit?
A. ihanger ang damit sa cabinet
B. sulsihan o kumpunihin ang mga butas ng damit
C. isuot at gamitin ang mga damit
D. ipamigay ang mga damit sa kapitbahay
4. Bakit kailangang pangalagaan ang ating kasuotan?
A. upang mapakinabangan ito sa loob ng mahabang panahon
B. upang ikaw ay kaaya-ayang tingnan
C. upang mapanatili ang kagandahan ng kasuotan
D. lahat ay tama
5. Ito ay isinasagawa kung may sira o punit ang damit.
A. pagsusulsi B. paglalaba C. pamamalantsa D. pagtutupi
6. Umakyat sa puno ng mangga si Nestor, nalagyan ng mantsa ng mangga ang kanyang damit alin dito ang kanyang
gagawin?
A. tanggalin ang mantsa C. labhan ang damit
B. plantsahin ang damit D. sulsihan ang damit
7. Ano ang dapat gagawin sa mantsa ng dugo bago ito kusutin at sabunin?
A. lagyan ng kalamansi C. ibabad sa tubig
B. buhusan ng mainit na tubig D. lagyan ng yelo
8. Kung ang iyong damit ay nadikitan ng chewing gum, ano ang iyong gagawin pag–uwi sa bahay?
A. lagyan ng asin at kalamansi
B. ibabad sa araw ang mantsa
C. lagyan ng yelo ang mantsa upang tumigas ito bago kaskasin
D. buhusan ng mainit na tubig
9. Ang mga bata ay mahilig kumain ng matatamis na pagkain, lalo na ang tsokolate. Hindi maiwasan na magkaroon ng
mantsa ang kanilang mga damit habang sila ay kumakain. Ano ang tamang paraan sa pagtanggal sa mantsa ng tsokolate?
A. labhan ng sabon at tubig ang mantsa
B. kusutin sa tubig na may asin
C. ibabad ang mantsa sa mainit na tubig
D. lagyan ng zonrox ang mantsa
10. Ang alkohol ay isa sa mga kagamitan sa pag–alis ng mantsa, alin sa mga sumusunod na mantsa ito gagamitin?
A. putik B. kalawang C. tinta D. tsokolate
11. Ang ihi ay isa sa mga mantsa na karaniwang makikita sa damit ng mga bata. Paano mo tanggalin ang mantsa?
A. basain ng thinner C. sabunin ng tubig na may suka
B. ibabad sa mainit na tubig D. ibabad gamit ang zonrox
12. Paano mo tatanggalin ang putik na kumapit sa damit mo?
A. Lagyan ng katas ng kalamansi at asin at kusutin.
B. Ibabad ang damit sa mainit na tubig, sabunin at kusutin.
C. Kuskusin ang mantsa gamit ang brush bago ito sabunin at labhan.
D. kuskusin ito ng panligong sabon
13. Alin sa sumusunod ang mabisang pang – alis ng kalawang sa damit?
A. mainit na tubig B. pulbos C. kalamansi at asin D. zonrox
14. Nadatnan si Nena, ano ang mabisang pang- alis ng mantsa ng dugo?
A. sabong panligo C. sabong panlaba
B. sabong pampaputi ng balat D. sabong panghugas
15.Punasan ang ilalim ng plantsa ng basang basahan bago ito painitin upang makasigurong wala itong kalawang o dumi
na maaring dumikit sa damit.
A. tama B. mali C. ewan D. hind siurado
16. Ano ang temperature ng plantsa kapag nagplaplantsa ng damit na gawa sa koton at linen?
A. pinakamataas na temperature C. pinakamababang temperature
B. katamtamang temperature D. wala sa nabanggit
17. Bakit kinakailangang tiyaking tuyo ang kamay bago isaksak ang plug ng plantsa?
A. para maiwasan ang disgrasya C. para hindi magkaugat-ugat ang kamay
B. para di masunog ang kamay D. wala sa mga nabanggit
18. May pupuntahan si Nena at kinakailangan niyang plantsahin ang kanyang gagamiti ng damit, saang lugar siya dapat
magplantsa?
A. sa kusina kung saan nagluluto ang kanyang nanay
B. sa lugar na walang maaabala at maliwanag
C. sa labas ng bahay para walang makaistorbo sa kanya
D. wala sa mga nabanggit
19. Bakit kinakailangang huwag iiwan ang pinaplantsa kung kailangang may gawing ibang bagay?
A. para makaiwas sa sakuna C.para makatipid sa kuryente
B. para madagdagan ang init ng plantsa D. wala sa nabanggit
20. Ano ang hulking hakbang sa pamamalantsa ng Short/Pantalon?
A. Plantsahin ang kaliwang hita at isunod ang kanang bahagi.
B. Baligtarin ang damit at plantsahin muli ang baywang at balakang na bahagi ng bulsa.
C. Unahing plantsahin ang mga bulsa at isunod ang bahagi ng tahi sa zipper.
D.Plantsahin hanggang maging makinis ang kabuuan ng pantalon.
21. Mahalagang sundin ang mga hakbang pangkalusugan at pangkaligtasang gawi. Maging maingat sa lahat ng oras
upang makaiwas sa sakuna.
A. tama B. mali C. wala D. ewan
22. Pinaglalagyan ito ng karete ng sinulid sa itaas na bahagi ng ulo ng makina.
A. spool pin B. kabinet C. needle bar D. feed dog
23.Ito ang nagsisilbing kabitan ng karayom.
A. treadle B. needle clamp C. tension regulator D. bobina
24. Ito ay takip na metal na maaring buksan upang umalis o mapalitan ang bobina.
A. kabinet B. drive wheel C. bobbin case D. thread guide
25. Lahat ng mga nabanggit ay dapat gawin bago gamitin ang makina maliban sa isa, alin dito?
A. punasan ang makina ng basing tubig na may zonrox bago gamitin
B. tingnan kung gumagana ang makina
C. tingnan ang bobina kung may laman na sinulid
D. punasan ang makina ng tuyong pamunas
26. Tapos nang manahi si nanay at kinakailangan na niyang iligpit ang makina na kanyang ginamit, saang parte ng makina
niya dapat itago ang ulo ng katawan ng makina?
A. kahon B. treadle C. balance wheel D. spool pin
27. Ano ang ipinapatong sa damit upang hindi marumihan kapag naghahanda ng pagkain?
A. Apron B. padron C. bimpo D. tuwalya
28. Kunin ang sukat sa dibdib. Ilagay paikot ang medida sa pinakamalaking bahagi ng dibdib at sa ilalim ng braso.
Panatilihing tuwid ang likod ng iyong sinusukatan.
A. Tama B. mali C. hindi D. ewan
29. Ilang sentimetrong sukat ang dapat idagdag sa laylayan ng apron na gagawin?
A. 2-3 cm B. 4-5 cm C. 6-7 cm D. 7-8 cm
30. Ang mga kagamitang ito ay ginagamit sa paglikha ng malikhaing proyekto, maliban sa isa, alin dito?
A. Gunting B. makinangb pantahi C. sinulid D. ballpen
31. Gagamitin ng nanay mo ang ginawa mong apron, paano niya ito isusuot?
A. nakaekis B. nakahilis C. nakatayo D. nakahiga
32. Natapos nang ihalbana ni aling Nita ang lupi at tahiin sa makina ang tupi ng apron na gagamitin, ano ang susunod na
hakbang na dapat na niyang gawin?
A. Gawin ang lupi sa taas ng apron. C. Tahiin ang bulsa.
B. Tastasin ang hilbana. D. Ikabit ang tahi.
33. Bakit mahalagang gumamit ng padron sa paggawa ng isang gamit pangkusina tulad ng apron?
A. upang matiyak ang maayos na tahi
B. upang maiwasan ang pag-aaksaya ng lakas, panahon at pera
C. upang mas maganda ang magagawang apron
D. upang makuha ang tamang sukat ng apron
34. Ito ay sustansiyang tumutulong sa pagpapatubo at pagpapalaki ng mga buto at kalamnan.
A. Taba B. bitamina C C. protina D. madadahong gulay

35. Aling sustansiya ang makukuha sa mga pagkaing tulad ng kanin, tinapay, mais, patatas, at ubi na nagbibigay init ng
katawan.
A. taba at langisB. carbohydrate C. bitamina D. mineral
36. Sa pagpaplano at paghahanda ng pagkain, dapat isaalang-alang ang mga sumusunod na salik maliban sa isa, alin
dito?
A. kasarian B. gulang C. oras sa paghahanda D. ugali
37. Alin dito ang inihahain mula 5:30 ng hapon hanggang 10:00 ng gabi?
A. agahan B. hapunan C. tanghalian D. meryenda
38. Alin dito ang sinusunod upang matiyak ang dami at wasto ang sangkap na gagamitin sa pagluluto ng pagkain.
A. talaan ng paninda B. resipe C. meal plan D. talaan ng putahe
39. Ang mga sumusunod ay ang mga katangian ng sariwang isda MALIBAN sa _______________.
A. Mapupula ang hasang.
B. Kapit na kapit sa balat ang mga kaliskis.
C. May di-kanais-nais na amoy.
D. Matatag ang laman at bumabalik sa dating anyo kapag pinipisil.
40. Si Ana ay inutusan ng kanyang ina na bumili ng karneng baboy sa palengke. Aling katangian ng sariwang baboy ang
dapat niyang bilhin?
A. Mala-rosas ang kulay ng laman, hindi mapulang-mapula o nangingitim, at maputi ang taba.
B. May di kanais nais na amoy.
C. Mayroong pasa ang karne. .
D Malambot ngunit di bumabalik sa dating anyo kapag pinipisil.
41. Ano ang kulay ng laman ng sariwang karne ng baboy?
A. dilaw B. mala-rosas C. itim D. berde
42. Ano ang naglalarawan ng kulay ng sariwang gulay at prutas?
A. maitim B. malabo C. matingkad D. wala
43. Ano ang dapat gawin upang walang makalimutang sangkap o mahalagang bagay kapag namamalengke?
A. Gumawa ng listahan ng mga bibilhin.
B. Hayaan nalang na may makalimutan.
C. Ipakabisado sa kasama ang mga dapat bilhin.
D. Hindi na mamamalengke.
44. Ang mga sumusunod ay mga dapat tandaan upang ikaw ay makakatipid sa pamamalengke MALIBAN sa __________.
A. Bumili ng pagkaing napapanahon.
B. Huwag mahiyang tumawad sa bilihin.
C. Bilhin ng maramihan ang mga pagkaing araw-araw na ginagamit tulad ng bigas, asin, at iba pa.
D. Bumili ng mga bagay na hindi naman kailangan.

Panuto :Basahin ang maikling kwento at sagutin ang iilang mga katanungan na nasa bilang 45-48.

ANG MASARAP NA SANGKAP NI RITA


May isang payak na mag-anak ang masayang naninirahan sa isang liblib na bayan sa Leyte. Isang
araw, ang ina ng mag-anak na si Aling Nena ay dumating galing sa palengke dala ang mga sangkap na kanyang nabili
na gagamitin sa pagluluto ng paboritong pagkain ng mag-anak, ang sinigang na baboy. Tinawag ni Aling Nena ang
kanyang anak na babae na si Rita at inutusan na ihanda ang mga sangkap na kanyang lulutuin. Ginawa agad ni Rita
ang ipinag-uutos ng ina, hinugasan niya ang mga sangkap tulad ng karne ng baboy at mga pampalasa gaya ng
sampaloc, kamatis at okra. Hiniwa niya ang mga ito ayon sa hugis at laki nito. Siniguro niya na malinis ang lahat ng
sangkap bago ito lutuin dahil sabi ng kanyang ina, “Mas masarap ang mga sangkap ng pagkain kung malinis ang
paghahanda at paghahain”. Masaya ang ina ni Rita dahil marunong na itong maghanda ng mga sangkap sa pagluluto
ng sinigang na baboy.
45. Anong uri ng putahe ang planong ihanda ni Aling Nena para sa kanyang pamilya?
A. Sinigang na baboy B. nilagang baboy C. sinigang na isda D. sinigang na baka
46. Sino ang inutusan ni Aling Nena para lutuin ang putahing ihahanda para sa mag-anak?
A. Nena B. Rita C. Nita D. Nela
47. Anu-ano ang mga sangkap na pinamili ni Aling Nena sa palengke?
A. karne ng baboy, sampalok, kamatis at okra
B. karne ng kambing, sinigang mix, okra at sibuyas
C. karne ng baka, sampalok, kamatis at okra
D. karne ng manok, sampalok, kamatis at sitaw
48. Ano dito ang HINDI kabilang na sangkap sa pagluluto ng sinigang na baboy?
A. karne ng baboy B. sibuyas C. tuyo D. kamatis
49. Magluluto si Lisa ng pagkain, ano ang dapat niyang gawin sa mga sangkap?
A. Dapat kumpletuhin ang sangkap na gagamitin.
B. Hayaan na lang na kulang ang mga sangkap para makatipid.
C. Dapat niyang tipidin ang mga sangkap na ihahalo sa pagkain.
D. Bumili ng kahit kunting sangkap lamang ang mahalaga may sangkap na ihahalo.
50. Bakit kailangang matiyak na ang pagkaing ihahanda ay masustansiya, sapat at gusto ng pamilya?
A. Para mabusog ang lahat.
B. Para maging malusog ang pamilya.
C. Para maiwasan ang pag-aaksaya ng pagkain.
D. Para masagana palagi ang inihahanda sa hapagkainan.pagkain?
Republic of the Philippines
Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OF _____________
_________ ELEMENTARY SCHOOL
________ District

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT


EDUKASYONG PANTAHAN AT PANGKABUHAYAN 5
HOME ECONOMICS

ANSWER KEY

1. A 26. A
2. A 27. A
3. B 28. A
4. D 29. D
5. A 30. D
6. A 31. A
7. B 32. B
8. C 33. B
9. C 34. C
10. C 35. B
11. B 36. D
12. C 37. B
13. B 38. B
14. A 39. C
15. A 40. A
16. B 41.B
17. A 42.C
18. B 43.A
19.A 44.D
20. D 45.A
21. A 46.B
22. A 47.A
23. B 48.C
24. C 49.A
25. A 50.C

You might also like