You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
MIMAROPA REGION
SCHOOLS DIVISION OF ORIENTAL MINDORO

Modyul 8 “Kita Mo, Kwenta Mo!”

Written Works

Panuto: Basahing mabuti at unawain ang bawat tanong. Piliin ang letra ng
tamang sagot at isulat ito sa sagutang papel.

Most Essential Learning Competency:

1.1 Naisasapamilihan ang inalagaang hayop/isda. (EPP5AG-0j-18)

1. Upang ikaw ay makasigurado na mayroon kikitain sa paghahayupan


dapat may kakayahan kang alamin ang paraan ng pagtutuos ng iyong
____________ at ______________.
A. Kakayahan at oras
B. Lugar at mga materyales
C. Uri ng hayop at pagkain
D. Puhunan at kabuuang gastos

2. Si Mang Pedro ay sumubok mag-alaga ng 5 baboy sa likod bahay. Nais


niyang masigurado na magiging maayos at kikita siya pagkatapos ng 3-
4 na buwan. Alin ang dapat niyang ihanda ?
A. Talaan ng gastos at kinita
B. Talaan ng materyales
C. Talaan ng bibilhin
D. Talaan ng budget

3. Ang mga sumusunod na pahayag ay nagpapakita ng wastong paraan


upang malaman kung ikaw ay kumita sa iyong pag-aalaga ng hayop
maliban sa isa.Alin ito?
A. Pagtatala ng lahat ng nagastos sa mga materyales
B. Pagtutuos ng lahat ng gastos at kita pagkatapos
C. Pagkakaroon ng kasanayan sa paghawak ng pinansyal na
aspeto
D. Iwasang itala ang kabuuang gastos o puhunan upang hindi
makita ang perang nagamit

4. Ito ang dapat gamitin pormula upang malaman kung ikaw ay tumubo
COMPETENCY-BASED ASSESSMENT TOOLS_SY2021-2022
o kumita.
RO_MIMAROPA_EPP_5_AG
Republic of the Philippines
Department of Education
MIMAROPA REGION
SCHOOLS DIVISION OF ORIENTAL MINDORO

A. Gastos+ puhunan = Tubo


B. Kabuuang benta- Puhunan= Tubo
C. Halaga ng serbisyo- Gastos= Tubo
D. Kabuuang benta+ Puhunan = Tubo

5. Si Carlos ay nakapagbenta ng halagang P10,600.00 mula sa itlog ng


manok at ang nagastos lamang niya rito at P 6,350.00. Magkano ang
kinita o tinubo ni Carlos mula sa pagbebenta ng itlog?
A. P 4,250.00
B. P 4,300.00
C. P 3,250.00
D. P 16,950.00

Inihanda ni:

AIMEE V. DE GUZMAN
Teacher III Simon Gayutin MES
Victoria District

Key to Corrections

Written Works

Week 8
Answer Cognitive Process Dimension
1. D Remembering
2. A Applying
3. D Understanding
4. B Remembering
5. A Analyzing

____________________________________________________________________________________
PERFORMANCE TASKS_SY2021-2022
RO_MIMAROPA_EPP_5_AG
Performance Task
Republic of the Philippines
Department of Education
MIMAROPA REGION
SCHOOLS DIVISION OF ORIENTAL MINDORO

Pamantayang Pangnilalaman:
 Naipamamalas ang pang-unawa sa kaalaman at kasanayan sa pag-
aalaga ng hayop bilang gawaing mapagkakakitaan.
Pamantayan sa Pagganap:
 Naisasagawa ng may kawilihan ang pag-aalaga ng hayop bilang
gawaing mapagkakakitaang.
Most Essential Learning Competency:
 1.2 Natutuos ang puhunan, gastos, at kita. (EPP5AG-0j-18)

“Kita Mo, Kwenta Mo!”


Context/Situation

Sa paghahayupan napakahalagang malaman ang mga paraan ng


pagkwenta sa kabuuang puhunan, gastos at kita upang masubaybayan ang
kahihinatnan nito. Ito ang nagiging sukatan kung gaano katagumpay ang
isang negosyo tungkol sa pag-aalaga ng hayop. Maraming mga negosyante
ang mas pinili ang larangan ng paghahayupan dahil sa laki ng kita at mabilis
mapalago ang puhunan basta’t maayos lamang ang paghawak at
pamamalakad dito.

Dapat malaman ang tamang pagtutuos ng puhunan ,gastos at


kita.Kailangan ding isagawa ang paggawa ng talalan upang higit na malaman
kung nagging maayos ang paghahayupan.Ang mga salik na ito ay mahalaga
upang malaman kung ikaw ay tumubo o kumita.

Task/Challenge

1. Gumawa ng isang talaan ng mga gastos at puhunan sa pag-aalaga ng


Manok
2. Magsurvey o kumalap ng impormasyon sa pamamagitan ng interview sa
miyembro ng pamilya sa halaga ng bawat kailangan sa pag-aalaga ng
manok
3. Itala ang mga datos sa talaan.

Talaan ng Gastos
PERFORMANCE TASKS_SY2021-2022
RO_MIMAROPA_EPP_5_AG
Republic of the Philippines
Department of Education
MIMAROPA REGION
SCHOOLS DIVISION OF ORIENTAL MINDORO

Halaga ng 50 sisiw
Halaga ng pagkain
Halaga ng gamot
Iba pang gastusin
Kabuuang Gastos
Kabuuang Benta
Kabuuang Tubo
Tandaan:
1. Benta per/ kilo P160.00
2. Kabuuang Kilo ng 50 piraso ng manok-125 kilos

Rubrik sa Pagsasagot ng Talaan


Kailangan Kailangan
Pamantayan Napakahusay Mahusay Katamtaman Pang ng
5 4 3 Paunlarin Pagsasanay
2 1
Maayos na Maayos na Naitala ang Naitala Walang
naitatala ang naitatala ilang ngunit naitalang
Nilalaman lahat ng mga ang halos mahalagang nawawala datos
kinakailanga lahat ng datos ang
ng datos kinakailan mahahalag
gang datos ang datos
Napakalinis Malinis at Hindi Wala sa Marumi
at malinaw gaanong tamang ang
napakalinaw ang malinis at talaan ang pagkakasu
ng pagkakasu malinaw mga datos lat ng
Kalinisan pagkakasulat lat mga ang datos
ng mga datos datos pagkasulat
datos

Inihanda ni:

AIMEE V. DE GUZMAN
Teacher III Simon Gayutin MES
Victoria District

_____________________________________________________________________________
PERFORMANCE TASKS_SY2021-2022
RO_MIMAROPA_EPP_5_AG

You might also like