You are on page 1of 2

MELVILLE ELEMENTARY SCHOOL HYMN LYRICS

Music by Pat S. Marquez, Jr.


Lyrics by Pat S. Marquez, Jr.& Roger N. Oribiana, Jr.
November 17,2021 8:46 pm
Room # 1108, Astoria Resort, Bgy. San Rafael, PPC

Nasa iyong kandungan


Ang tanda ng ating kasaysayan
Itinayo sa timog-kanluran ng Palawan
Kumikislap at tanglaw, gabay sa kabataan
Espanyol ang nagsindi, Melville ES ay isinilang.
II
Sila’y handang matuto
Sa sagwan ng buhay sa kahirapan
Hangarin ay tuwid sa tribung Molbog ay umiiral
Bukas ang palad ng guro,magulang na sila ay tulungan
Edukasyong may kalidad, masigurong ganap ang kinabukasan
Koro:
Melville ES, Melville ES
Sa Balabac kong bayan, tunay kang hiyas
Ang puso mo ay tunay at busilak
Tanglaw ka at gabay sa naglalayag na kapalaran
Parola ka ng karunungan sa aming kabataan.
Tulay:
Laging maglilingkod,asahan mong magka-akbay
Adhikain isusulong sa antas ng buhay
Mabuhay Ka! Melville ES, sayo ay nagpupugay.
Koro:
Melville ES, Melville ES
Sa Balabac kong bayan, tunay kang hiyas
Ang puso mo ay tunay at busilak
Tanglaw ka at gabay sa naglalayag na kapalaran
Parola ka ng karunungan sa aming kabataan,
Tanglaw ka at gabay sa naglalayag na kapalaran
Parola ka ng karunungan sa aming kabataan.
Melville ES kami ay nagpupugay.
End

You might also like