You are on page 1of 1

IKA-APAT NA MARKAHAN

Araling Panlipunan 6
LAGUMANG PAGSUSULIT BLG. 1
IKA-22 NG MAYO, 2023

Panuto: Basahin at surihing mabuti ang bawat aytem/tanong. Isulat ang letra ng wastong sagot sa sagutang papel.
(50 puntos)

1. Sa bisa ng Proclamation No. 1081, naideklara ni Pangulong Marcos ang Batas Militar sa buong kapuluan.
Alin sa nabanggit ang dahilan ng deklarasyon nito?
A. Upang iligtas ang bansa sa banta ng mga grupong kumakalaban sa pamahalaan.
B. Upang maisakatuparan ng mga cronies ang katungkulan sa pamahalaan.
C. Upang manatili sa kapangyarihan si Pangulong Ferdinand Marcos.
D. Upang humaba ang panunungkulan bilang pangulo ng bansa.
2. Setyembre 21, 1972 nagsimula ang batas militar ngunit naisapubliko noong Setyembre 23, 1972. Ang mga
sumusunod ay mga pangyayaring nagbigay daan sa pagdedeklara ng batas militar sa Pilipinas maliban sa isa,
alin ito?
A. Pagpaslang kay Ninoy Aquino sa Manila International Airport
B. Suliranin sa CPP-NPA at Makakaliwang Muslim
C. Tangkang Pagpaslang kay Juan Ponce Enrile
D. Pagbobomba sa Plaza Miranda
3. Ang pagkakatuklas ng barkong MV karagatan na naglalaman ng mga baril at iba’t pampasabog ang isa sa
pangyayaring nagbigay daan upang ideklara ni Pangulong Marcos ang Batas Militar sa Pilipinas. Alin ang
maaring dulot nito sa kapayapaan ng Pilipinas?
A. Maaring gamiting upang ipagtanggol ang karaniwang tao.
B. Magbibigay ng malaking pagkikilala sa pamunuang Marcos.
C. Maaring maging dagdag puwersa sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas.
D. Maaring maging banta sa katahimikan at kapayapaan ng mamamayang Pilipino.
4. Agosto 21, 1971 naganap ang malagim na pambobomba sa Plaza Miranda, Quiapo, Maynila na ikinasugat at
ikinasawi ng marami. Alin ang dahilan ng pangyayaring ito?
A. Ang pagdating ni Senador Ninoy Aquino sa Manila International Airtport.
B. Pagsasagawa ng Proclamation Rally ang Liberal Party sa susunod na halalan.
C. Ang pagliligalig ng mga makakaliwang grupo dahil sa suliraning pangkabuhayan.
D. Ang pagkakasabat ng kontrabando na naglalaman ng matataas na kalibre ng baril, bala at
pampasabog.
5. Bukod sa mga natuklasang bala, baril at pampasabog sa barkong MV karagatan, alin pa sa mga sumusunod
ang sinasabing naging banta sa kapayapaan sa pamunuan ni Pangulong Marcos?
A. Pagpapatupad ng ELCAC sa Rehiyon
B. Paglaganap ng terorismo sa kanayunan
C. Suliranin sa CPP-NPA at Makaliwang Muslim
D. Pananakop ng Tsina sa ilang bahagi ng karagatan ng Pilipinas
6. Sa panahon ng pag-iral ng Batas Militar sa Pilipinas, maraming tao at indibidwal ang naglakas-loob na
labanan ang diktaturya ni Pangulong Marcos. Sino sa mga sumusunod ang kilalang director na gumamit ng
teatro at pelikula upang ang pagmamalabis ng Batas Militar sa mga Pilipino?
A. Eugenio “Geny” Lopez Jr. C. Liliosa Hilao
B. Jovito Salonga D. Lino Brocka
7. Nakilala ang mga piling mamamayan nang kalabanin ang pamunuan ni Pangulong Marcos. Sino sa kanila ang
naging biktima ng pagsabog sa Plaza Miranda sa Quiapo, Manila?
A. Eugenio “Geny” Lopez Jr. C. Liliosa Hilao
B. Jovito Salonga D. Lino Brocka
8. Dalawampung taon nanungkulan bilang pangulo si Ferdinand E. Marcos. Alin sa sumusunod ang naging
paraan ng taumbayan upang tapusin ang pamahalaang Marcos sa bansa?
A. Snap Election C. EDSA People Power Revolution
B. Pagpaslang kay Ninoy Aquno D. Pagpapatapon bilang exile

You might also like