You are on page 1of 2

Pangalan:__________________________ Baitang at Antas:__________ Iskor:______

IKALAWANG MARKAHAN
WORKSHEET BLG. 5

GAWIN
A. Inaasahan kong marami kang natutuhan sa ating paksang-aralin,
kaya naman narito ang unang pagsasanay para sa iyo. Lagyan ng tsek
(/) ang kahon kung tumutugon ito sa wastong pagbaybay. Lagyan
naman ng ekis (x) kung hindi at ibigay ang wastong baybay.

1. seroks ______________________________
2. Cariñosa ____________________________
3. Mosque _____________________________
4. Meksiko _____________________________
5. Selfie ________________________________
6. amoy pawis __________________________
7. detox ________________________________
8. masjid _______________________________
9. gab-i _________________________________

10.de-lata ____________________________

B. Para naman sa iyong pangalawang pagsasanay, basahin mo ang


sumusunod na pangungusap at bilugan ang mga salitang lumalabag sa
tuntunin ng pagbabaybay o gramatika.
1. Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ni Isolde habang naglalakad patungong
altar sa araw ng kaniyang kasal.
2. Nangangalap ang DSWD ng mga delatang pagkain para sa mga lugar na
naapektuhan ng pandemya.

3. Hindi ang pagsasalita ng Ingles kundi ang kaisipang makaIngles ang tunay
na suliranin ng ating bansa.

1
4. Ang kanyang pamilya ay nagdarasal tuwing alas sais ng gabi.
5. Di mahulugang karayom ang Plaza Miranda sa Maynila tuwing Pista ng
Mahal na Nazareno.
6. Malapit ng makauwi ang kanyang tatay mula sa Saudi Arabia.
7. Mababaw daw ang mga Pilipino kung kaya’t madali silang mapasaya.

8. Iniabot ng palihim ni Ibarra ang liham kay Maria Clara.


9. Mataas raw ang sahod ng mga inhinyero.
10. Tuwing ika 19 ng Agosto ipinagdiriwang ang kaarawan ni Pangulong
Quezon.

C. Isulat kung Tama o Mali ang sinasabi ng sumusunod na pahayag. Isulat


ang iyong sagot sa patlang bago ang numero.
________1. Ginagamit ang gitling sa pag-uulit ng salita.
________2. Ginagamit ang ng bilang pang-angkop ng inuulit na salita.
________3. Ang D ay napapalitan ng R kung ang sinusundan nitong salita ay
nagtatapos sa patinig o sa malapatinig.
________4. Ang pangalan ay nagsasaad ng ngalan ng tao, hayop, bagay, pook at
pangyayari.
________5. Ang si, ang, at ang mga ay halimbawa ng pantukoy.
________6. Nag-uugnay ng dalawang salita, parirala, o sugnay ang pangatnig.
________7. Ang pang-abay at pang-uri ay mga panuring.
________8. Paletra ang pagbaybay sa wikang Filipino na nakaayon sa tunog
Ingles, maliban lamang sa Ñ.
________9. Mayroong walong dagdag na titik sa Ortograpiyang Pambansa.
________10. Ang pagkautal ng isang tagapagsalita habang nagbibigay ng
talumpati ay hindi masasabing kawalan o kakulangan sa kakayahang
lingguwistiko.

You might also like