You are on page 1of 4

MAPEH 5

Summative Test
(3rd Quarter)

Name: _________________________________________ Score: _____

MUSIC
I.
A. Panuto: Isulat sa mga patlang bago ang aytem ang pangalan ng instrumentong
isinasaad sa pangungusap. Piliin ang tamang sagot sa mga salitang nasa loob ng
panaklong.
____________________1. Ang instrumentong ito ay kabilang sa rondalya na may anim na
kwerdas.
(gitara, laud, oktabina)
____________________2. Ang instrumentong ito ay ang pinakamalaki sa rondalya.
(oktabina, baho de arco, laud)
____________________3. Ang instrumentong ito ay hugis peras.
(laud, gitara, bandurya)
____________________4. Ang instrumentong ito ay may labing-apat na kwerdas at
ginagamitan ng pick.
(gitara, oktabina, baho de arco)
____________________5. Ang instrumentong ito ay kahawig ng bandurya ngunit mas maliit
ang katawan.
(baho de arco, piccolo bandurya, bandurya)
B. Panuto: Piliin mula sa Hanay B ang uri ng tinig ng mga sumusunod na mang-aawit sa
Pilipinas na nasa Hanay A. Ilagay ang titik ng tamang sagot sa patlang.
A B
_______ 1. Daryl Ong A. Soprano
_______ 2. Lea Salonga B. Alto
_______ 3. Joey Ayala C. Tenor
_______ 4. Jaya D. Bass
_______ 5. Lani Misalucha

ARTS

II. A. Panuto: Basahin ang pangungusap. Lagyan ng tsek (✓) kung ito ay nagpapahayag
ng gamit ng paglilimbag sa likhang-sining at (x) kung hindi.
______1. Pagpreserba ng kulturang Pilipino.
______ 2. Pagbibigay karangalan sa bansa.
______ 3. Ang likhang-sining ay nagdudulot ng karagdagang gastos.
______ 4. Ang likhang-sining ay maaaring pangdekorasyon sa bahay o sa ibang gusali.
______ 5. Nagsisilbing libangan ang paggawa ng sining.
______ 6. Nakatulong sa pagkakaroon ng kita ng pamilya at ng bansa.
______ 7. Nagdudulot ng pagpapasikat ng mga pintor.
______ 8. Ang likhang-sining ay nagpapadagdag ng ganda sa bahay o ng isang lugar.
______ 9. Sa bansang Tsina, ginagamit ang paglilimbag bilang pamamaraan sa pagtala ng
kasaysayan ng kanilang bansa.
______10. Ginagamit ang likhang-sining sa pagpapahayag ng emosyon o damdamin ng isang
artista o taong mahilig nito. .

PE
III. A. Panuto: Tukuyin ang hakbang pansayaw na inilalarawan sa bawat pahayag. Piliin
at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.
A. Touch Step C. Close Step E. Lateral na Posisyon
B. Waltz Step D. Kumintang F. Step Point
___1. Paggalaw ng kamay mula sa pupulsuhan nang pakanan o pakaliwang pagpapaikot
___2. Humakbang sa ikaapat na posisyon at paglapitin ang mga paa gaya sa unang posisyon
___3. Ihakbang ang kanang paa sa ikaapat na posisyon, ihakbang ang kaliwang paa papalapit sa
kanang paa sa ikatlong posisyon sa likuran, ihakbang ang kanang paa sa ikaapat na posisyon
___4. Nasa isang panig ng tagiliran ng katawan ang dalawang kamay na ang taas ay kapantay ng
balikat
___5. Iaayos ang mga paa sa ikaapat na posisyon at iayos pabalik sa unang posisyon

B. Panuto: Piliin ang tamang sagot mula sa mga pagpipilian. Bilugan ang titik ng tamang
sagot.
1. Ano ang panimulang ayos ng magkapareha sa unang bahagi ng sayaw?
A. magkatabi B. magkaharap C. magkatalikod D.
magkaagapay
2. Alin ang isang uri ng hakbang na ginamit sa sayaw na ito?
A. waltz step B. change step C. step point D. brush step
3. Sa anong bahagi ng sayaw isasagawa ang pang-aakit sa tulong ng panyo?
A. Ikaapat na bahagi C. Ikaanim na bahagi
B. Ikalimang bahagi D. Ikapitong bahagi
4. Ang pagsasagawa ng apat na touch steps sa may unahan na salitan ang kanan at kaliwang paa
ay nasa ________.
A. Unang bahagi C. Ikatlong bahagi
B. Ikalawang Bahagi D. Ikaapat na baghagi
5. Ang walong pasulong na hakbang na pabalse habang umiikot pakanan ay makikita sa
________ ng sayaw.
A. Ikalimang bahagi C. Ikapitong bahagi
B. Ikaanim na bahagi D. Ikawalong bahagi

HEALTH

IV. Panuto: Iguhit ang larawan ng masayang mukha (☺) kung nagpapakita ng kasiglahan
ng buhay at () malungkot na mukha kung hindi. Iguhit ang sagot sa patlang.
_____1. Pinaghuhusayan ang pag-aaral at pinapalakas ang positibong kagandahang asal.
_____2. Gumagamit ng mga produktong may caffeine, alkohol at tabako.
_____3. Sumasali sa mga gawain na inyong kinagigiliwan upang maiwasan ang pagkagumon sa
mga gateway drugs.
_____4. Nakikipagkaibigan sa mga kabataan na nakatutulong sa iyo sa mabuting paraan.
______5. Ginagawang huwaran ang mga taong naninigarilyo, umiinom ng alak, at gumagamit
ng bawal na gamot.
______6.Nakikipag-inuman sa barkada kapag may problema.
_______7. Itinutuon ang pansin sa ibang aktibidad gaya ng isports.
_______8. Nakikiisa sa mga patakaran at pagpaplano ng mga magulang hinggil sa katanggap –
tanggap na gawi sa pamumuhay.
_______9. Nagnanakaw para makabili ng alak.
_______10. Nagiging aktibo sa komunidad sa pagtulong na masugpo ang pag-aabuso ng
gateway drugs.

GOOD LUCK & GOD BLESS!! 


ANSWER KEY:
MAPEH
1. Gitara 2. baho de arco 3. bandurya 4. oktabina 5. Piccolo
bandurya
1. C 2. B 3. A 4. A 5. D
ARTS
1. ✓ 5. ✓ 2. ✓ 6. ✓ 3. x 7. x 4. ✓ 8. ✓ 9. ✓ 10. ✓

PE
1. D 2. C 3. B 4. E 5. A
1. B 2. A 3. D 4. B 5. C
HEALTH

You might also like