You are on page 1of 3

Sezar Jae G.

Flores

Introduction to Scriptures

Sa pagtalakay natin sa mithiin ng Biblia ay napakasarap balikbalikan at hindi ka magsasawa rito


sapagkat, ito ay napakaraming maibibigay na kaalaman tungkol sa ating kasaysayan, hindi
lamang sa atin, bagkos ay sa buong mundo . Sa unang kwento ayon sa Biblia, ito ay tumatakalay
tungkol sa pagkagawa ng ating mundo, paano ipinakita ng Panginoon ang kanyang intention sa
paggawa nito. Ngunit sino nga ba ang Panginoon? Ang panginoon ay siyang gumawa sa lahat ng
ating nakikita at sa hindi natin nakikita, kilala siya bilang Yahweh Elohim ng mga taga Israel
bilang kanilang Redeemer at Gumawa ng Mundo. Noong ginawa ng Panginoon ng ating Mundo
hindi ito agad-agad o biglaang nagkahulma, ito ay unti-unting ginawa ng Panginoon. Ang unang
ginawa ng ating Panginoon ay ang liwanag at sunod nito ay ang kalawakan, kalupaan, karagatan,
gulayamn, araw, butuin, buwan, ibon, isda, hayop, tao at sa ikapitong araw ay ang kanyang
pagpapahinga.

Huwag natin kalimutan ang napakagandang likha ng ating Panginoon atin siyang pasalamatan at
purihin sa pagkat tayo ay pinagpala, hindi niya tayo nilikha upang sirain o wakasan ang kanyang
mga nilikha kaya’t sa ating pagbabaybay ay kailangan natin na isaalang-alang na tayo ay
kailangan na magbigay galang sa kanya.

Ang kasalanan ng isang tao ay kay hirap nang ibalik o itama, sapagkat mag mula ng tayo ay
ipinanganak meron na tayong natural na kasalanan at ang pagkakaalam ko ay dahil ito sa
trahedyang nangyari noong nasa Eden pa sila Adan at Eva ng sila ay hinkayatin na kumain ng
pinagbabawal na pagkain sa gitna ng Eden na ang Fruit of Knowledge, sila ay nagkaroon ng
kaalaman sa kajilang mga ginagawa at dahil dito pinarusahan sila ng panginoon at itinaboy sa
Harden ng Eden. Kaya’t habang tayo ay nabubuhay ating itama ang ating mga maling nagawa
lalung- lalo na sa ating mga napakabigat na kasalanan huwag tayong magpapadala sa maling
gawajn ni satanas na kung saan sinisira nito ang ating relasyon sa ating pinakamamahal na
Panginoon.

Ang pagkapili ng Isarael bilang isa sa parte ng kwento sa biblia dito nasasama ang mga
napakahalagang karakter tulad nila noah, abraham at iba pa. Ang kanilang paglilingkod sa
Panginoon ay sadyang napakagandang tularan, sapagkat paea sa akin ay hindi lamang ang
panginoon ang siyang tanging pipili sa atin upang maglingkod sa kanya, meron din tayong
natatawag na pagdedesisyon, piliin natin ang paglilingkod sa ating panginoon, sapagkat ito ang
natatangi nating tulay para makamit natin ang napakandang pagpapala ng Panginoon.

Ang pagdating ni Hesus sa ating mundo at sa ating buhay ay nagkaroon ng napakagandang


inpluwensya sa atin, sapagkat dito pa mas lumalim ang ating pananampalataya dahil nga sa mga
ipinakita niyang mga magagandang aral na ating ginagamit ngayon lalo na sa ating
pagmiministriya, ang kagandahang loob ng ating Panginoon ay hindi mo maitatanggi dahil
alang-alang sa atin ipinadala niya ang kanyang anak upang tayo ay bigyan ng napakagandang
aral at dahil kay Hesus tayo ay nailigtas, isinakripisyo niya ang ang sarili niya para sa ating mga
kasalanan at dahil doon siya ay nararapat nating pasalamatan dahil siya ang nahing daan sa ating
muling pagbabalik sa Panginoon, magpasa hanggang ngayon ay nananatiling buhay ang presenya
ng Hesus sa ating puso at kailangan wag nating walain, kundi ay ibahagi natin ito sa kapwa natin
upang sa gayon ay masmapa unlad pa ating simbahan. Dahil ito ang nais ni Hesus na matupad
ang mapanatili ang koneksyon natin sa ating Panginoon.

Ang misyon ng ating panginoong Hesus ay ating ipagpatuloy, lalo na sa atin na taong simbahan
wag tayong matakot na harapin ang mga mahihirap na pagsubok na mahaharap natin sa daan
tungo sa pagmiministriya, ating isaalang-alang na ang Panginoon ay palaging nasa puso natin at
patuloy na promoprotekta sa atin, kaya’t ating ipagpatuloy ay ibahagi ang misyon na naiwan sa
atin ni Hesus at pagdating ng araw ating tunghayan ang muli niyang pagdating ayon sa mga
kasulatanan at sa kanyang muling pagdating ay ang lahat ay imbitado n salubungin siya tayong
lahat ay maliligtas walang maiiwan dahil ang Panginoon natin ay napakabuti.

Sa kanyang pagdating mabubuhay ang mga patay at sasamba sa kanya at tayong mga nabubuhay
ay huhusgahan at muli niya tayo o ang buong mundo na babaguhin sa pamamagitan ng kanyang
mga banal na salita.

Ang biblia ay binibuo ng maraming libro, dahil msraming kwento ang nasulat ng 40 na lalaki at
umabot ito ng 1,500 na taon. Ang biblia ay tumutukoy sa isang kwento lamang ngunit binubuo
ito ng napakaraming layunin at ang ibang libro ng biblia ay isinulat sa Hebrew, Greek at Latin at
naisalin ito sa wikang Ingles, British English at iba pabg lingwahe.
Sa ating pananampalataya naniniwala tayo na bibigyan tayo ng biyaya ng panginoon biyaya na
wala ng mashihigit pa.

Maraming bagay ang napakaganda at gusto natin na mapasatin tulad na lamang ng Kotse, Pera,
Gadgets at iba pa. Ngunit pwra sa akin ang pinaka importanteng bagay na dapat natin na alagaan
at wag sirain ay ang Biblia, dahil ito ang natatanging regalo para sa atin ng Panginoon, dito
nababatay lahat ng kauutusan lahat ng bagay na daoat nating gawin, kaya’t ingatan natin ang
natatanging biyaya ng Panginoon dahil magagamit natin ito upang panangga sa mga problema sa
kasalanan at sa mga trahedya.

Personal Reflection

Ang buhay namin na Seminarista ay hindi madali, ngubit pag-ating isasaalang-alang o ilalagay
natin ang biblia sa ating puso, ating mga gawain ay mapapadali dahil ang biblia ay ang ating
tulay tungo sa ating maunlad at masayang buhay. Ating rin ilagay sa puso at isip ang ating
Panginoong Hesukristo na siyang naghahari at nagbibigay ng kalakasan, kapayapaan, at
kaluwalhatian. Kaya’t sa ating paglalakbay bilang isang Seminarista ay isahalintulad natin sa
mga disipolo at apostol na hindi natakot na harapin ang mga pagsubok sa daan na ating
tatahakin, kaya dapat rin tayo matakot sapagkat hindi tauo papabayaan ng ating panginoong
Hesus sa anumang daan na ating tatahakin. Sa bawat pagtahak natin sa sting buhay wag nating
kalimutan na manalangin at magbigay ng pasasalamat.

You might also like