You are on page 1of 5

Advancement in Technology in Advancing the Kingdom of God

“…ipangaral mo ang Salita ng Diyos; pagsikapan mong gawin iyan napapanahon man o hindi. Himukin mo at pagsabihan ang
mga tao at palakasin ang kanilang loob sa pamamagitan ng matiyagang pagtuturo.” 2 Timoteo 4:2
Family for Christ Fellowship Rally Topic

Kapag sinabing “teknolohiya”, agad na pumapasok sa isip natin ang mga bagay na

makapagpapagaan ng ating buhay. Marahil kahit sa mga kasuluksukang bahagi ng

mundo, may mga “teknolohiyang” namumuhay.

Noong nagkaroon ng pandemya, sa teknolohiya halos sumandal ang maraming

mga tao, lalo na sa usapin ng “komunikasyon”. Halos lahat kasi ng transaksiyon at mga

pag-uusap ngayon ay idinadaan sa pamamagitan ng teknolohiya, ilan sa mga ito ay ang

cellphone o laptop.

Sa usapin naman ng buhay pananampalataya o spiritual life ng mga tao, kapansin-

pansin rin ang pagdagsa ng mga online sharing of bible verses, virtual prayers, faith

deepening articles, on-screen masses lalo na sa timeline ng mga facebook pages,

Instagram o twitter, na ilan sa mga sobrang gamit na social media application lalo na sa

taong ito. Ilan ito sa pinakapangunahing halimbawa ng pag-unlad sa usapin ng

teknolohiya na maaaring maging tuntungan at kasangkapan natin sa pagpapahayag at sa

pagsulong ng Kaharian ng Diyos.

Sa katunayan, ang topiko natin ngayon ay binigyang inspirasyon ng Sulat ni San

Pablo kay Timoteo, na kailangang sa pagtuturo (partikular ng Salita ng Diyos), mayroon

tayong “pagtitiyaga”. Nangangahulugan itong gagawin natin ang lahat ng bagay upang
ipangaral ang Salita napapanahon man o hindi. At gagamit tayo ng mga kapamaraanang

magbibigay sa atin ng madali ngunit may esensyang pagpapahayag ng Salita.

Sa puntong ito, ating saysayin ang naging simula at kung paanong

magpasahanggang ngayon ay buhay pa rin at nagpapatuloy ang kakayahan sa pagsulong

ng Kaharian ng Diyos.

1. YUGTO NG SALITA (Age of Word)

Mula sa isang Salita ay naihayag ang isang obra maestrang kinabibilangan

natin at tinatamasa nating mga tao. Ito ang simula at unang pagpapahayag ng

pag-ibig ng Diyos sa atin. Kauna-unahang pagkakataong naramdaman natin

ang paghahari at pagkilos ng Diyos. Ito ang “teknolohiyang” hindi ginawa ng

agham (science), ngunit sobrang nakinabang at nagkaloob sa atin ng mga

pinakapangunahing pangangailangan natin upang mabuhay at sa kabilang

banda’y tamasahin ang langit dito sa lupa.

2. YUGTO NG PANAGINIP ( Age of Dreams/Visions)

Mula sa luma hanggang bagong tipan nakita nating kumilos ang Diyos sa

pagpapahayag ng Kanyang kaharian sa pamamagitan ng mga panaginip.

Maraming kwento sa Bibliya ang ating mababasa tungkol sa pangungusap ng

Diyos sa Kanyang mga tinawag upang magbigay ng mga babala, proteksyon at

gabay.
Isa sa mga pinakapamilyar tayong kwento ay ang pangungusap ng anghel kay

Maria at Jose sa kanilang panaginip upang maihayag sa tao ang paghahari at

kaligtasang dulot ng Diyos.

3. YUGTO NG TAPYAS NG BATO (Age of Tablet of Stones)

Dito’y unti-unting nagpapakita sa pisikal na bagay o anyo ang pagkilos ng

Diyos.

Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Umakyat ka rito. Maghintay ka at ibibigay Ko

sa iyo ang mga tapyas ng batong kinasusulatan ng mga kautusan at ng mga

tagubilin. Sinulat Ko ito upang maging tuntuning ituturo mo sa mga tao. Exodo

24:12”

Kung mapapansin nating mabuti, si Yahweh mismo ang nagsulat nito para sa

mga tao.

4. YUGTO NG BALUMBON (Age of Scroll)

Ezra 6:2; Jeremiah 36:4; Luke 4:17-20

Ito’y mga pahayag ng Diyos para sa mga tao sa pamamagitan ng Kanyang mga

tinawag. Mula sa kanilang mga personal na pakikipag-ugnayan o pakikipag-

usap sa Diyos, naisulat ng mga Propeta ang mga nais ng Diyos na iparating sa

mga tao.

5. YUGTO NG SULAT ( Age of Letters)

Mga sulat ni San Pablo sa iba’t-ibang simbahan at tao, ay isa sa mga

halimbawa ng personal na ugnayan ng isang tinawag at binago ayon sa nais ng

Diyos. Ang mga sulat na ito ay nagpahayag ng samo’t saring aral na


humihimok sa mga simbahan at personal na taong palakasin ang

pananampalataya sa paglilingkod sa Diyos sa pagsulong ng Kanyang Kaharian.

6. YUGTO NG IMPRENTA (Age of Publications)

Hindi na rin nagtaggal at nalathala ang tinatawag na “bibliya”. Lumabas ang

maraming version, ngunit may iisang nilalayong rason, “ang pagpapahayag ng

pagsulong ng Kaharian ng Diyos”. Dito’y naimprenta na rin ang samo’t-saring

basahing mas nagpalalim pa ng pang-unawa at pagkilala natin sa Diyos batay

sa pagkilos Niya sa mga tao sa kasalukuyang panahon.

7. YUGTO NG GADGETS

Sa kasalukuyang panahon, masasabing ito ay may pinakamalaking

kontribusyon sa mabilis na paglaganap ng Salita. Nakaaliw gamitin ang

teknolohiyang ito, dahil maaaring lumitaw sa gumagalaw na anggulo ang mga

nais nating iparating na hindi na lamang binabasa kundi naririnig at nakikita na

rin. Ito na nga siguro ang pinakamahusay na imbensyon ng tao sa mabilis na

pangangaral ng Mabuting Balita. At syempre wala ang mayamang kaalamang

ito kung wala rin ang pagkilos ng Diyos sa buhay ng mga nakapaglikha nito.

Noon, inaabot ng ilang buwan ang mga propeta, mga alagad at tagasunod ni Hesus sa

paglalakad upang makapunta sa ibang ibayo upang makapangaral. Mula sa paa, sa

paggamit ng mga hayop, bangka, barko at sa kasalukuyang panahon mga motorsiklo,

besikleta, eroplano at iba pang modernong mga sasakyan, nakarating sa kasuluksulukang

bahagi ng mundo ang Kanyang Salita. Ang yugto ng bawat pag-unlad sa usapin ng
transportasyon at komunikasyon na siyang pinaka-medyum ng pangangaral ng Salita, ay

mga patunay na wala tayo excuse not to proclaim God’s Kingdom on earth. Kahit sa

usapin ng transportasyon, masasabi nating pinagaan ng teknolohiya ang ating gawain

kaugnay ng bagay na ito.

Sa kabilang banda’y, kasabay ng pag-unlad ng teknolohiya ay ang pag-unlad rin ng ating

mga kakayahan upang gamitin ito sa kapakinabangan, at hindi ang teknolohiya ang

siyang gagamit sa atin na magbibigay daan, upang umasa tayo sa maaaring maidulot nito

sa atin. Sa huli, hanggat may paa, bibig, kamay at puso tayo, at kung magpapasakop tayo

sa ating mga responsibilidad sa buhay ng Salita at sa responsibilidad natin sa ating Diyos,

kahit wala tayong access sa modern technology we can advance God’s Kingdom, just by

using our feet, lips, hands and heart.

Sa kabuuan, walang halaga ang modernong teknolohiyang ito kung walang bahagi dito

ang Diyos. Sa Kanya pa rin bumuhos ang kaalaman nating lahat, kung bakit sumibol ang

mga tulad nitong inventions. Binigyan Niya tayo ng kaalaman, ibahagi rin natin ang

kaalamang ito. Patience, commitment and dedication, ayon sa payo ni San Pablo, sa

pangangaral ng Salita, napapanahon man o hindi, kailangang kumilos tayo to advance

God’s Kingdom on earth.

You might also like