You are on page 1of 2

BAHAGI NG PAHAYAGAN

1. Pangmukhang Pahina (Front Page)


a. Pangalan ng Pahayagan (nameplate/logo)- ito ang nagtataglay ng pagkakakilanlan ng isang pahayagan.
Malalaman agad natin kung sino ang gumawa ng pahayagang ito sa pamamagitan ng pangalan ng pahayagan.
b. Tainga (Ears)- Ito’y maaring mayroon o wala nito ang isang pahayagan. Ang tainga o ears ay nagtataglay ng
kaunting impormasyon hinggil sa isang isyu. Matatagpuan ito sa gilid na bahagi ng pangalan ng pahayagan. Ito’y
maaaring nasa kanan o kaliwang bahagi, o parehong sa kanan at kaliwa.
c. Ulo ng pinakamahalagang balita (banner headline)- Ito ang pangunahing pamagat ng pinakamainit at
pinakamahalagang balita na naganap. Ito'y karaniwang nasusulat sa tipong malalaki.
d. Pinakamahalagang balita (banner news)- Ito ang balitang pumapangalawa sa ulo ng pinakamahalagang balita.
Kadalasang makikita ang pinakamahalagang balita kasunod ng ulo ng pinakamahalagang balita.
e. Pamatnubay (lead)- Ito ay ang pinakamahalagang bahagi ng balita sa kabuuan sapagkat ito ay ang unang binibigyan
ng pansin at umaakit sa mambabasa. Ito’y sinasabing puso ng balita dahil dito nakalahad ang pinakamahalagang
impormasyon na dapat malaman ng mambabasa.
f. Balita (news)- Ang balita ay isang ulat na hindi pa nailathala, hinggil sa mga ginagawa ng mga tao na inaakalang
pananabikang mabatid at mapaglilibangan ng mga mambabasa. Ito ay ang mga kaganapan sa araw-araw na
pangyayari.
g. Larawan/klitse (cut)- Ito ay ang mga imaheng nakikita sa isang pahayagan na kuha ng isang tao gamit ang
camera.
h. Paliwanag sa larawan o kapsyon (caption/cutline)- Ito ay ang maikling pahayag na nagpapaliwanag sa larawan.
Kadalasan itong nakikita sa bandang ilalim ng larawan.
i. Pamagat ng paliwanag sa itaas ng larawan (overline)- Ito ay isang salita o parirala na tumutukoy sa
larawan.
j. Kiker (tagline/kiker)- Ito ay isang maikling linya na inilalagay sa kaliwa o sentrong itaas ng pina-kaulo ng balita. May
maliit na tipo at may salungguhit.
k. Petsahang balita (dateline news)- Sa petsahang balita makikita ang petsa ng pagkakalimbag ng isang balita.
l. Pangalawang bahagi ng ulo ng balita o kubyerta o dek (deck or bank)- ito ay pangalawang ulo ng balita na
bahagi pa rin ng pangunahing balita ngunit nagtataglay nang lalong maliit na titik at naiibang tipo kaysa sa
unang ulo.
m. Jumpline- Tumutukoy sa kung saang pahina matatagpuan ang kasunod ng naputol na pahayag o balita.
n. Payong- Matatagpuan ito sa itaas na bahagi ng pahayagan, sa itaas ng pangalan ng pahayagan.

2. Pahina ng Pangulong Tudling (Editorial Page)


a) Polyo (folio)- tinataglay ang bilang ng pahina, pangalan ng pahayagan, at ang petsa ng paglimbag. Ito’y
matatagpuan sa itaas na bahagi ng pahina.
b) Watawat (flag)- pinaliit na pangalan ng pahayagan. Ito ay kadalasang matatagpuan sa loob ng kahon ng
patnugutan.
c) Kahon ng patnugutan (masthead or staff box)- Ito yung pangalan ng pamunuan at katungkulan ng mga ito. Dito
natin makikita kung sino ang mga kasapi o miyembro taga patnugot ng isang pahayagan.
d) Pangulong tudling o editoryal (editorial proper)- mababasa rito ang kuro-kuro o punang isinulat ng editor o patnugot
o maaaring ang kanyang mga kinatawan na nauukol sa napapanahong paksa o isyu. Ito ang nagsisilbing stand ng
pahayagan na kadalasang tinatawag na top editorial/lead editorial. Kadalasan itong nakikita sa kaliwang bahagi ng
pahayagan.
e) Tudling editoryal o pitak (editorial column)- Ito ay naglalaman ng kuro-kuro, ideya, opinyon o paninindigan ng
manunudling (columnist) sa isang paraang kawili-wili tungkol sa iba’t ibang paksa. Sariling opinyon ito ng manunudling, di
tulad ng pangulong tudling na opinyon o paninindigan ng buong patnugutan.
f) Kartung Editoryal (cartoon)- bahagi ng pahayagan na nilalahad ang editoryal sa pamamagitan ng pagguguhit.
g) Liham sa patnugot (letter to the editor)- layunin ng liham sa patnugot ay makapagmungkahi ng mga bagay na
makapagpapabuti sa mga pamamalakad, kilusan, patakaran o kalagayan ng pahayagan. Kung minsan,sumasalungat o
tumutuligsa sa isa o ilang bahagi ng isang isyu na sa palagay ng sumulat ay labag sa kapalaran ng maraming
mamamayan.
h) Editoryal layner (editorial liner)- isang maikling pahayag o quoted sayings na makikita sa huling bahagi ng
artikulo para makapagbigay ng isang mensahe.
i) Panauhing tudling (guest editorial)- SORRY KUNG WALA KOY MAKITA NA DEFINITION... *SINUNTOK ANG
PADER*

3. Pahina ng Piling Lathalain (Feature Page)


a. Tudling ng palagiang lathalain (regular features column)- serye ng mga artikulo na naglalaman ng mga
komentaryo sa isang lathalain
b. Natatanging Lathalain (special features)- ito yung mga kawili-wiling kwento tungkol sa mga tao, lugar, at pangyayari.
Wala itong kinalaman sa paglalahad ng mga pangunahing impormasyon gaya ng paglalahad ng kalagayan, damdamin,
o tema.
c. Mga larawan (cuts or illustrations)- Ito ay ang mga imaheng nakikita sa isang pahayagan na kuha ng isang tao
gamit ang camera.

4. Pahina ng palaruan o isports (Sports Page)


a. Balitang pampalakasan (sports news)- balitang kalagayan ng palakasan sa loob o labas ng bansa
b. Tudling pampalakasan (sports commentary/column)- naglalaman ng komentaryo o opinyon sa balitang
pampalakasan.
c. Lathalaing pampalakasan (sports features)- tampok dito ang mga tanyag na tao o kampeon sa larangan ng
palakasan
d. Mga larawan o klitse (cuts)- Ito ay ang mga imaheng nakikita sa isang pahayagan na kuha ng isang
tao gamit ang camera.

5. Pahinang Pampanitikan (Literary Page)


a) Maikling kwento
b) Sanaysay
c) Tula
d) Dula o drama
e) Suring aklat
f) Suring pelikula
g) Suring dula atb.

6. Balitang Pandaigdig- mababasa sa pahinang ito ang mga balitang nagaganap sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

7. Balitang Panlalawigan- mababasa rito ang mga balita mula sa mga lalawigan sa ating bansa.

8. Balitang Komersyo- dito mababasa ang mga balita tungkol sa kalakalan, industriya, at komersyo.

9. Anunsyo Klasipikado- makikita rito ang mga anunsyo para sa iba’t ibang uri ng hanapbuhay, bahay, lupa, sasakyan,
at iba pang kagamitang ipinagbibili.

10. Obitwaryo- ang pahinang ito ay anunsyo para sa mga taong namatay na. Nakasaad dito kung saan
nakaburol at kung kailan ililibing ang namatay.

11. Libangan- ito ang pahina sa mga balita tungkol sa artista, pelikula, telebisyon, at iba pang sining. Naririto rin ang mga
crosswords, komiks, at horoscope.

12. Lifestyle- mababasa sa pahinang ito ang mga artikulong may kinalaman sa pamumuhay, tahanan, pagkain,
paghahalaman, at ibang aspeto ng buhay sa lipunan.

You might also like