You are on page 1of 4

1

Program Type : News Program


Title : Radyo Niyugan
Length : 5 minuto
Scriptwriter : Cueto, Justine Mae
Date : 2013 Oktubre 12
1. LIVE/TAPE : STATION ID

2. MSC : ESTABLISH AND UNDER

3. Radyo ng sambayanan… una sa balita…

4. Ang tunay na tinututukan, sa eskwelahan, sa tahanan…

5. Maging sa mga tambayan…nangunguna (una,una,una)…

6. D-Z-R-N,nwebe kwarenta’y uno.

7. LIVE/TAPE : Para sa ulo ng mga nagbabagang balita…

8. Anchor 1 : Department of Justice gumawa ng panel laban sa mag asawang

9. Napoles…

10. Anchor 2 : Vice President Jejomar Binay ating makakapanayam ukol sa

11. panawagan para sa isang overseas Filipino worker…

12. Anchor 1 : Kaso ng Leptospirosis umabot sa humigit kumulang 700 sa

13. National Capital Region…

14. Anchor 2 : Suns tinambakan ang Air Force sa Shakey’s Volleyball League…

15. MSC : FADE IN

16. Anchor 1 : Magandang araw Pilipinas, kayo ay nakikinig sa numero unong

17. radyo istasyon ng bayan.

18. Anchor 2 : Ang tanging istasyong nagbibigay ng mga pinakangmaiinit na

19. balita ngayon.

20. Anchor 1,2 : Ang D-Z-R-N, nwebe kwarenta’y uno.

21. Anchor 1 : Ako si Joshua Surquia…

22. Anchor 2 : at Alyzsha Abella na makakasama ninyo sa loob ng limang

23. minuto.

24. Anchor 1 : Magbabalik ang D-Z-R-N,nwebe kwarenta’y uno matapos ang

25. isang paalala.

PA
2

1. LIVE/TAPE : INFOMERCIAL 1

2. Voice 1 : Congratulations, ineng! Sa wakas nakatapos ka na ng pagaaral.

3. Voice 2 : Thank you po. Maraming salamat, pinaghirapan ko talaga ito.

4. Voice 1 : Oh? Ano naman ang plano mong kuning kurso sa kolehiyo?

5. Voice 2 : Kahit 80 lang ang grade ko sa math, gusto ko pong maging

6. accountant. Yeah!

7. Voice 3 : Narito ang ilang karagdagang kaalaman sa tamang pagkuha ng

8. kurso. Mahalagang isaisip ang mga angking kakayahan at

9. kapasidad. Siguraduhing piliin ang kursong nais ng iyong puso.

10. Isang paalala mula D-Z-R-N,nwebe kwarenta’y uno.

11. Ang oras ganap na ______,hatid sa inyo ng Cocolets. Ang oras

12. ng buhay.

13. Anchor 2 : At tayo ay nagbabalik, Department of Justice gumawa ng panel

14. laban sa mag asawang Napoles. Narito si Jonas Umali para sa

15. mga detalye.

16. Reporter 1 : Salamat Alyzsha. Gumawa ng panel ang D-O-J na siyang

17. magsisimula ng preliminary investigation ukol sa animnapu’t isang

18. milyong tax evasion charges na isinampa ng Bureau of Internal

19. Revenue laban sa mga inaakusahang utak sa pork barrel scam,

20. Janet Lim Napoles at kanyang asawa na si Jaime Napoles,

21. ika-11 ng Oktubre. Jonas Umali nagbabalita.

22. Anchor 1 : Salamat Jonas, Vice President Jejomar Binay ating

23. makakapanayam ukol sa panawagan para sa isang overseas

24. Filipino worker. Narito si Alayna Fajarda para sa mga detalye.

PA
3

1. Reporter 2 : Salamat Joshua. Nanawagan si Vice President Jejomar Binay sa

2. mga kababayang Pilipino upang makalikom ng 30 milyong piso

3. para sa paglaya ni Joselito Zapanta, Pilipinong inakusahan ng

4. death penalty dahil sa pagpatay sa Sudanese landlord sa Saudi,

5. Arabia. Magandang araw po sa inyo.

6. Voice 1 : Magandang araw rin sa iyo.

7. Reporter 2 : Paano niyo po naisipang manawagan sa masa?

8. Voice 1 : “Well, I’m asking for your prayer and I hope that you can help us

9. raise the remaining money that will set Zapanta free”

10. Reporter 2 : Maraming salamat po, Alayna Fajarda, nagbabalita.

11. Anchor 1 : Magbabalik ang D-Z-R-N,nwebe kwarenta’y uno matapos ang

12. isang paalala.

13. LIVE/TAPE : INFOMERCIAL 2

14. Voice 1 : Kapapasok na balita, tatamaan ng bagyong Santi ang mga lugar

15. sa katimugan.

16. Voice 2 : Naku, mare maghanda na tayo.

17. Voice 3 : Ayos lang yan, lilipas din yan.

18. Voice 4 : Makalipas ang isang linggo.

19. Voice 3 : Naku,mare dapat naghanda talaga tayo.

20. Voice 4 : Narito ang ilang hakbang sa paghahanda bago ang sakuna.

21. Magimbak ng sapat na pagkain,maghanda ng flashlight,first aid kit

22. at sapat na kasuotan. Tandaan ang buhay ay weather weather

23. lang. Isang paalala mula sa D-Z-R-N,nwebe kwarenta’y uno.

24. Anchor 2 : At tayo ay nagbabalik, Kaso ng Leptospirosis umabot sa humigit

25. kumulang 700 sa National Capital Region. Narito si Jomelyn

26. Trinidad sa mga detalye.

PA
4

1. Reporter 3 : Salamat Alyzsha. Humigit kumulang 700 na kaso ng Leptospirosis

2. ang naitala sa N-C-R ngayon lamang ng buwan ng Oktubre ayon

3. sa Department of Health. Sinabi ng D-O-H na tumaas ang

4. porsyento ng Leptospirosis sa ating bansa kumpara noong

5. nakaraang taon. Jomelyn Trinidad nagbabalita.

6. Anchor 1 : Salamat Jomelyn. Suns tinambakan ang Air Force sa Shakey’s

7. Volleyball League. Narito si Bianca Lano para sa mga detalye.

8. Reporter 4 : Salamat Joshua. Pinadapa ng Cagayan Province Rising Suns ang

9. Air Woman kahapon sa The Arena sa San Juan City para sa

10. Shakey’s V-League Season 10 Open Conference, 27-25, 25-19 at

11. 25-12. Magtutuos naman ngayon ang Army Women at Smart

12. Maynilad at kung sino ang mananalo sa dalawang koponan ay

13. makakalaban ng Rising Suns para sa finals ng nakasabing laban.

14. Bianca Lano, nagbabalita.

15. Anchor 2 : Salamat Joshua, at yan ang mga nagbabagang balita na nakalap

16. naming sa oras na ito.

17. Anchor 1 : Muli ako si Joshua Surquia

18. Anchor 2 : at Alyzsha Abella

19. Anchor 1,2 : para sa D-Z-R-N,nwebe kwarenta’y uno.

20. Anchor 1 : Tandaan mahirap magbingi bingihan sa katotohanan.

21. LIVE/TAPE : STATION ID

22. MSC : ESTABLISH AND UNDER

23. MSC :FADE OUT

You might also like