You are on page 1of 22

8

Filipino
Unang Markahan-Modyul 1:
Ang Karunungang-bayan
Subject Area – Baitang Walo
Self-Learning Module (SLM)
Unang Markahan 1 – Modyul 1: Ang Karunungang-bayan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Ivan P. Calledo
Editor: Vivian A. Fontanilla
Tagasuri: Delia E. Duhina
Tagalapat: James P. Casa
Tagadisenyo ng Pabalat: Reggie D. Galindez
Tagapamahala: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Leonardo M. Balala, CESE – Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Leonardo Mission – REPS, Filipino
Ismael M. Ambalgan –Chief, CID
Sheryl L. Osano – EPS, LRMS
Josevic F. Hurtada – EPS, Filipino, ADM

Inilimbag sa Pilipinas – SOCCSKSARGEN Region

Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of


Telefax: Koronadal (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
8

Filipino
Unang Markahan
Modyul 1:
Ang Karunungang-bayan
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 8 ng Self-Learning Module


(SLM) para sa araling Karunungang-bayan!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinagtatagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang modyul na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


pamatnubay at malayang pagkatuto sa mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita mos ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 8 ng Self-Learning Module (SLM) para sa


araling Karunungang-bayan!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin.


Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa modyul na ito ay sumisimbolo na ikaw,
bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga kaugnay

ii
na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutunan sa modyul.

Subukin Sa paunang pagsusulit na ito, matataya


natin ang mga kaalaman mo sa bawat aralin
na nakapaloob sa modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa nakaraang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa paraang tulad ng kuwento,
awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain
o isang sitwasyon.

Suriin Sa bahaging ito, ay magbibigay ng


maikling pagtalakay sa aralin. Layunin
nitong matulungan kang maunawaan ang
bagong konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawain para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pagpupuno ng patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutunan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay gawaing makatutulong sa iyo upang


maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan
sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.

iii
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutunang kompetensi.

Karagdagang Ang bahaging ito, may panibagong


Gawain gawaing ibibigay upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutunang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita


Sanggunian mo rin ang ito ang talaan ng lahat ng
pinagkukunan sa aglikha o paglinang ng
modyul

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul.


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang SUBUKIN bago lumipat sa iba pang gawaing
nakapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin
lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka ring
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami na sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito.

iv
Alamin

Sa araling ito, mabibigyang-daang maisabuhay muli ang karunungang-


bayan na pamana ng matandang panitikan at mailapat sa pang-araw-araw na
pamumuhay.

Layunin:
a. Nasusuri ang mahalagang kaisipan ng karunungang-bayan

b. Nakapaglalahad ng karanasan kaugnay sa kaisipang nakapaloob


sa karunungang-bayan

c. Naiuugnay ang mga kaugalian, kilos o gawi batay sa


karunungang-bayan

d. Nakabubuo ng sariling bugtong, salawikain, sawikain o kasabihan


batay sa kasalukuyang kalagayan

Kasanayang Pampagkatuto:

a. Naiuugnay ang mahahalagang kaisipang nakapaloob sa mga


karunungang-bayan sa mga pangyayari sa tunay na buhay sa
kasalukuyan (F8PB-Ia-c-22)

b. Naisusulat ang sariling bugtong, salawikain, sawikain o kasabihan


na angkop sa kasalukuyang kalagayan (F8PS-Ia-c-20)

1
Subukin

Ang bahaging ito ay susubok sa iyong dating kaalaman sa mga bagay-bagay


na napakinggan o nabasa.

Gawain I
Panuto: Punan ng tamang salita ang patlang para makabuo ng pahayag. Isulat
ang sagot sa sagutang papel.

1. Ang buhay ay parang gulong, minsan nasa ________, minsan nasa ilalim.
2. Aanhin pa ang damo kung patay na ang ________.
3. Kuwarta na naging ________ pa.
4. Madali ang maging tao, mahirap ang _________.
5. Daig ng maagap ang _________.
6. Kung ano ang _________, siya ring aanihin.
7. ‘Pag di-ukol, ‘di _________.
8. Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, di-makararating sa _________.
9. Nasa Diyos ang ________, nasa tao ang gawa.
10.Kung ano ang bukambibig, siyang laman ng _______.

Gawain II
Panuto: Hanapin sa hanay B ang sagot sa bugtong na makikita sa hanay A.
Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

A B
11. Isda ko sa Mariveles, a. dahon ng gabi

nasa loob ang kiskis b. sili


12. Maliit na bahay, c. sombrero
puno ng mga patay d. posporo
13. Naligo si kaka, e. walis
ngunit hindi lang man nabasa f. bayabas
14. Bumili ako ng alipin,
mas mataas pa sa akin
15. Isang hukbo ng sundalo,
dikit-dikit ang mga ulo

2
Aralin

1 Ang Karunungang-Bayan

Balikan

Alam mo ba na bago pa man dumating ang mga dayuhang mananakop sa


ating bansa, mayroon na tayong iba’t ibang uri ng panitikan mula sa salin dila. Sa
tulong ng gawain sa ibaba, ating alamin kung ano pang akdang pampanitikan ang
iyong nalalaman.

Gawain

Kopyahin ang graphic organizer sa sagutang papel at punan ang kahon ng


mga salitang may kaugnayan sa kaisipang nakapaloob sa bilog.

Mga Panitikang
Pilipino
Sa Panahon ng
Katutubo

3
Tuklasin

Sa puntong ito, nais kong bigyan mo nang pansin ang tulang isinulat ni Dr.
Jose P. Rizal na humubog at may malaking naiambag sa ating panahon. Isa sa
nagbigay daan upang maimpluwensiyahan ang kabataan noon hanggang ngayon.

Sa Aking mga Kabata

Kapagka ang baya’y sadyang umiibig,


Sa kaniyang salitang kaloob ng langit.
Sanlang kalayaan nasa ring masapit
Katulad ng ibong nasa himpapawid.

Pagka’t ang salita’y isang kahatulan,


Sa bayan, sa nayo’t mga kaharian.
At ang isang tao’y katulad, kabagay,
Ng alinmang likha noong kalayaan.

Ang ‘di magmahal sa kaniyang salita,


Mahigit sa hayop at malansang isda.
Kaya ang marapat pagyamaning kusa,
Ng tulad sa inang tunay na nagpala.

Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin,


Sa Ingles, Kastila, at salitang anghel.
Sapagkat ang Poong maalam tumingin,
Ang siyang naggawad, nagbigay sa atin.

Ang salita nati’y tulad din sa iba,


Na may alfabeto, at sariling letra.
Na kaya nawala’y dinatnan ng sigwa,
Ang lunday sa lawa noong dakong una.

4
Gawain: Pagsusuri ng Tula

Panuto: Gamit ang dayagram, tukuyin ang kasabihang nakapaloob dito at ilahad
ang kaisipang nais ipabatid ng bawat kasabihan sa iyong sagutang papel.

Sa Aking mga Kabata

Kasabihan

Kaisipan

Suriin

Ang karunungang-bayan ay tumutukoy sa isang uri o klase ng panitikang


idinadaan sa maraming paraan ng pagsagot o paghuhula. Ito ay kabang-yaman ng
ating bansa at bago pa man dumating ang mga Español mayroon na tayong
bugtong, salawikain, sawikain at kasabihan.

Ang bugtong ay isang palaisipan o talinghaga. Ito ay isang pangungusap na


patanong na humihingi ng kasagutan. Ang mga bugtong ay kadalasang patungkol
sa pag-uugali, kaisipan, pang-araw-araw na buhay at katutubong paligid ng mga
Pilipino. Isang uri ng libangan na kadalasang nilalaro ng mga Pilipino. Ito ay may
matalinghagang kahulugan at nilulutas bilang isang palaisipan.

5
Ang bugtong ay gumagamit ng mga talinghaga o mga metapora sa
paglalarawan ng isang partikular na bagay o mga bagay na huhulaan. Madalas
itong nangangailangan ng matalas na pag-iisip at maingat na pagninilay-nilay
para mahulaan ang tamang sagot.

Halimbawa:

1. Mataas kung nakaupo,


mababa kung nakatayo.

Sagot: aso

1. Balong malalim,
puno ng patalim.

Sagot: bunganga

2. Magandang prinsesa,
nakaupo sa tasa.

Sagot: kasoy

4. Hindi hayop, hindi tao,


pumupulupot sa tiyan mo.

Sagot: sinturon

Ang salawikain ay isang patalinghagang pahayag na ginagamit ng mga


matatanda noong unang panahon upang mangaral at akayin ang mga kabataan
sa mabuting asal.

Halimbawa:

1. Anak na di-paluhain 3. Kapag may isinuksok


ina ang patatangisin may madudukot
2. Ang taong walang kibo 4. Kung maiksi ang kumot
nasa loob ang kulo matutong mamaluktot

Ang sawikain ay patalinghagang pananalita na nakapupupukaw at


nakahahasa sa kaisipan ng mga tao. Nakalilibang at nakadaragdag ng kaalaman.

Halimbawa:
Hulog ng langit (biyaya o suwerte)
Makati ang dila (madaldal)

7
Samantala, ang kasabihan naman ay ang bukambibig ng mga bata at
matatanda na kung tawagin sa Ingles ay Mother Goose o Nursery Rhymes. Ito ay
mga tulang pambata o tugmaang walang diwa o mababaw ang isinasaad na
kahulugan.

Halimbawa:

Putak nang putak


batang duwag, matapang ka’t nasa pugad
Kapag makitid ang kumot, matuto kang mamaluktot
Kung may tiyaga, may nilaga
Anak-pawis (dukha)

Pagyamanin

Upang madagdagan ang iyong kaalaman tungkol sa karunungang-bayan,


sagutin ang mga gawain sa ibaba.

Gawain I. Pagsusuri

Panuto: (1) Kopyahin ang dayagram sa sagutang papel; (2) Suriin kung anong
uri ang karunungang-bayan; (3) Isulat sa nakalaang kahon sa dayagram at; (4)
Piliin ang kahulugan sa loob biluhaba ( ).

Suriin at isulat sa iyong sagutang papel ang dayagram kung anong uri
ng karunungang-bayan ang sumusunod.

1. Ang taong walang kibo, 4. Ang sakit ng kalingkingan,


nasa loob ang kulo damdam ng buong katawan
2. Tulak ng bibig, 5. Makati ang dila

kabig ng dibdib
3. Anak-pawis 6. Kung may dilim,

may liwanag

8
Karunungang-bayan

Salawikain Sawikain Kasabihan


1. 1. 1.

Kahulugan kahulugan kahulugan

Mga Pagpipiliang Kahulugan

nagbabalat-kayo itinatago ang tunay na

dukha problema ng isa, problema ng lahat

madaldal pag-asa

nararamdaman may kaya sa buhay

Gawain II. Repleksiyon. Magsaliksik ng isang karungungang-bayan at iugnay


sa iyong sariling kaugalian, kilos o gawi. Isulat sa sagutang papel.

9
Isaisip

Gawain - Dugtungan Tayo!


Pagtibayin ang iyong natutunan sa mahahalagang konsepto ng aralin sa
pamamagitan ng pagbuo ng mga ideya sa ibaba. Gawin ito sa sagutang papel.

1. Naniniwala ako na mahalagang matutunan ang karunungang-bayan


sapagkat______________________________________________________________.
2. Ang mga karunungang-bayan bagaman bahagi ng ating matandang
panitikan ay masasabi kong angkop pa ring pag-aralan at isabuhay sa
kasalukuyan dahil_____________________________________________________.
3. Sa pamamagitan ng karunungang-bayan, naging malinaw sa akin
na_____________________________________________________________________
kaya ipinagmamalaki ko _______________________________________________.

Isagawa

Gawain 1

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sitwasyon, pagkatapos gawin mo ang


inaasahang produkto para sa araling ito.

Dadalaw ngayong buwan sa inyong barangay ang mga piling senior


citizen na nagmula sa iba’t ibang lalawigan. Ang layunin nila sa pagdalaw ay
upang matiyak na ang kabataan ay may naiaambag sa pagpapanatili ng yaman
ng kultura at tradisyon ng ating lahi. Ikaw ay naatasan ng iyong Punong
Barangay na magpakita ng mga katibayan na ang kabataan ay may malaking
bahagi sa pagpapanatili ng sariling kultura at tradisyon. Naisip mo na ipakita
ito sa pamamagitan ng pagbuo ng isang simpleng brochure na naglalaman ng
mga karunungang-bayan kung saan iuugnay mo ang gawaing pang kabataan
sa inyong barangay. Ayon sa inyong Punong Barangay ang simpleng brochure
na dapat mong maipakita ay magtataya sa sumusunod na pamantayan:

10
Rubrik

Lubos na Katanggap-
Katanggap- Mahina
Pamantayan tanggap
tanggap (1)
(3)
(5)
Lohikal ang May ilang teksto Nakalilito ang

Organisasyon pagkakaayos ng at larawan na pagkakaayos ng


mga teksto at wala sa lugar teksto at mga
larawan larawan

Klaro at tama ang May ilang Karamihan sa

Kalidad ng perspektibo larawan na di- mga larawan ay


klaro o tama ang di-klaro o malabo
Larawan perspektibo ang perpektibo

Mabisa ang Di-masyadong Di-mabisa ang

pagkakagamit ng mabisa ang pagkakagamit ng


karunungang- pagkakagamit ng mga
bayan sapagkat mga karunungang-
Gamit ng nakatulong ito karunungang- bayan sapagkat
upang maipakita bayan dahil di- halatang pilit ang
Karunungang- ang kultura at gaanong pagpapakita ng
bayan
tradisyong naipakita ang kultura at
Pilipino kultura at tradisyong
tradisyong Pilipino
Pilipino

11
Tayahin

Ngayong subok na ang iyong kaalaman at pang-unawa sa ating mga


aralin, panahon na upang sukatin natin ang lalim ng iyong pang-unawa sa
pamamagitan ng pagsagot ng sumusunod na pahayag.

I. Panuto. Gumawa ng sariling karunungang-bayan, pumili lamang ng


isa (bugtong, salawikain, sawikain o kasabihan):

Pamantayan sa Pagbuo ng Karunungang-bayan

Pamantayan Bahagdan

Pagiging matalinghaga nito 25%

Nagpapakita ng kultura at tradisyon 25%

Napapanahon at nakapupukaw sa interes ng mga tao 25%

Maikli at nagtataglay ng tugma 25%

Kabuoan 100%

II. Panuto. Suriin kung ang sumusunod ay salawikain, sawikain,


kasabihan. Isulat sa sagutang papel ang tamang sagot.

1. maitim ang gilagid 6.itaga mo sa bato 11.‘Pag ang tubig ay magalaw,


ang ilog ay mababaw
2.Kung ano ang puno, 7.Utos na sa pusa, 12.Ang sakit ng kalingkingan,
siya ang bunga utos pa sa daga damdam ng buong katawan
3. Kasama sa gayak, 8.Malayo sa bituka 13.Parang natuka ng ahas
‘di kasama sa lakad
4.Ubos-ubos biyaya, 9.Tulak ng bibig, 14.Aanhin mo ang bahay na
bato,
bukas nakatunganga kabig ng dibdib
kung ang nakatira ay kuwago
5.nasa tao ang gawa, 10.Lahat ng gubat 15.Ang magtanim ng hangin,
nasa Diyos ang awa ay may ahas bagyo ang aanihin

12
Susi sa Pagwawasto

E .15 .1
4C .1
3A .1
2D .1
1B

.10itinanim
awa .9
paroroonan .8
bubukol .7 kasabihan .6
dibdib .6
masipag .5 bulong .5
magpakatao .4 palaisipan .4
bato .3 bugtong .3
kabayo .2 sawikain .2
itaas .1 salawikain .1
Subukin Balikan

sa isang mabahong hayop na .iniiwasan

nagpapahalaga sa ating sariling wika ay tinuturing pa


payabungin sapagkat ang hindi at pahalagahan
gating sariling .wika Ito’y ating an tangkilikin
Nais ipahiwatig ng pahayag na kailangang nating
Kahulugan
Mahigit sa hayop at malansang isda,

Ang hindi magmahal sa kaniyang salita


Kasabihan
Tuklasin
13
(nakasalalay sa guro ang pagwawasto sa gawain)

Karagdagang gawain
Kung ano ang puno, siya ang bunga

Tulak ng bibig, kabig ng dibdib


Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa
Aanhin mo ang bahay na bato kung ang nakatira ay kuwago
Kasabihan
Pag ang tubig ay magalaw, ang ilog ay mababaw

Ang sakit ng kalingkingan ramdam ng buong katawan


Utos na sa pusa, utos pa sa daga
Ubos-ubos biyaya, bukas nakatunganga
Kasama sa gayak, di kasama sa lakad
Ang agtanimm nghangin, bagyo ang aanihin- salawikain
Salawikain
Lahat ng gubat ay may ahas

Itaga mo sa bato
Parang natuka ng ahas
Malayo sa bituka
Maitim nga gilagid
Sawikain
Tayahin
(nakasalalay sa guro ang pagwawasto at pagbibigay puntos sa gawain)

Isagawa
(nakasalalay sa guro ang pagwawasto ng sa bawat katanungan)

Isaisip
May liwanag

Kung may dilim,


Kabig ng dibdib
Tulak ng bibig, Makati ang dila ( madaldal)
Kasabihan Anak-pawis (dukha o mahirap)
Ramdam ng buong katawan Nasa loo bang kulo

Ang sakit ng kalingkingan, Ang taong walang kibo,


Sawikain Salawikain
Pagyamanin

Sanggunian
Willita A. Enrijo et. Al. Panitikang Pilipino Modyul para sa Mag-aaral. Quezon
City and Mandaluyong City: Book Media Press, Inc. and Printwell Inc., 30-31.

14
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran
ng Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may pangunahing layunin
na ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong normal. Ang
nilalaman ng modyul na ito ay batay sa Most Essential Learning
Competencies (MELC) ng Kagawaran ng Edukasyon. Ito ay pantulong na
kagamitan na gagamitin ng bawat mag-aaral sa pampublikong paaralan
ng Rehiyon XII simula sa taong panuruan 2020-2021. Ang proseso ng
paglinang ay sinunod sa paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong
1.0. Malugod naming hinihikayat ang pagbibigay ng puna, komento at
rekomendasyon.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – SOCCSKSARGEN


Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal

Telefax No.: (083) 2288825/ (083) 2281893 Email

Address: region12@deped.gov.ph

You might also like