You are on page 1of 11

PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANGAN (Akademik)

MODYUL 2 (2nd Sem.) MGA BATAYANG KAALAMAN SA AKADEMIKONG PAGSULAT WEEKS 3-4 (4th QUARTER)

I.PAMANTAYANG PANGNILALAMAN Kaya ingatan mo ang SLK na ito dahil ito ang magsisilbi mong gabay sa
Sa modyul na ito, ikaw ay makauunawa ng kalikasan, layunin at paraan ng pagsulat pagkatuto na siyang huhubog sa iyong kakayahan sa ika-21 na siglo ng
ng iba’t ibang anyo ng sulating ginagamit sa pag-aaral sa iba’t ibang larangan. pampagkatuto.

III.PANIMULA
II.LAYUNIN Ang asignaturang Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan (Akademik) ay
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang: nakatuon sa pag-aaral at pagsasagawa ng iba’t ibang sulating pang-akademiko na
 natutukoy ang katangian ng isang sulating akademiko, magagamit sa hinaharap pagdating ng araw.
 nabibigyang-kahulugan ang mga terminong akademiko na may kaugnayan
sa piniling sulatin; at
 nakasusulat ng isang katitikan ng pulong bilang halimbawa ng isang sulating IV.PAGGANYAK O MOTIBASYON
pang-akademiko.
Panuto: Punan ang mga kahon ng mga dapat gawin bago at sa oras ng
pagpupulong upang magkaroon ito ng maayos na daloy.

PAANO MATUTUTO SA MODYUL NA ITO

Narito ang simpleng gabay na magagamit sa pag-aaral ng modyul:


1. Basahin at sundin ang mga panuto sa bawat gawain.
2. Sagutan ang pagganyak upang matukoy ang kaalaman sa nasabing aralin.
3. TIGNAN at IWASTO ang mga sagot gamit ang sagutang papel na
matatagpuan sa huling pahina ng modyul.
4. Sikaping maging matapat sa pagsagot ng mga pagsusulit para malaman kung
gaano kalawak ang kaalaman patungkol sa paksa. DAPAT GAWIN
5. Isagawa ang mga gawain, ito ay makatutulong sa inyo para magkaraaon ng BAGO AT SA ORAS
NG
masmalalim na kaalaman patungkol sa paksa. PAGPUPULONG

TUNGKOL SA GABAY NG MAG-AARAL SA PAGKATUTUTO

Ang modyul na ito ay may layuning linangin ang malalimang pag-unawa at


pagsulat ng mga mag-aaral na lilinang sa mga kakayahang komunikatibo tungo sa
mabisa, mapanuri, at masinop na pagpapahayag ng ideya o saloobin.
Ginawa ang Self learning Kit na ito sa panahong New Normal upang maging
kasangkapang materyal ng mga mag-aaral sa kanilang pagkatuto. Mauunawaan
ang kalikasan, katangian at mga akademikong sulatin bilang pangangailangan sa
asignaturang ito.

STA. LUCIA ACADEMY, INC.


85
PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANGAN (Akademik)
MODYUL 2 (2nd Sem.) MGA BATAYANG KAALAMAN SA AKADEMIKONG PAGSULAT WEEKS 3-4 (4th QUARTER)

V.TALAKAYAN

Ang salitang AGENDA ay nagmula sa pandiwang Latin na Agre na Teacher’s note:


nangunguhulugang gagawin. Sa pananaw na ito, mabibigyang depinisyon
Ibinibigay sa mga kalahok ang agenda sa mga kalahok ilang araw
ang agenda bilang isang dokumento na naglalaman ng listahan ng mga
pag-uusapan at dapat talakayin sa isang pagpupulong. bago ang pagpupulong upang malaman nila ang mga bahagi at mga
maaaring pag-usapan sa pulong. Dapat ding bigyang ng ideya ang
Ang agenda ay talaan ng mga pag-uusapan sa isang pormal na
mga kalahok sa mga paksang tatalakayin at sa mga usaping
pulong. Sumusulat ng agenda upang bigyang ng impormasyon ang mga
taong kasangkot sa mga temang pag-uusapan at sa mga usaping nangangailangang ng atensiyon.
nangangailangan ng pansin at pagtugon. Binigbigyang-halaga rin dito ang
rekomendasyon ay dapat magkaroon ng resolusyon. Mahalagang kasangkot sa paggawa ng agenda ang kalihim, habang ang
kalimitang nagpapatawag naman ng pulong ay ang mga opisyal tulad ng
Teacher’s note: pangulo ng pamantasan o mga administrador, CEO, director, pinuno ng
samahan, at iba pang mga may pananagutan sa paggawa ng agenda. Sa
Ang agenda ay talaan ng mga paksang tatalakayin (ayon sa
madaling salita, ang kalihim at mga administrador ang siyang mga
pagkakasunod-sunod) sa isang pormal na pagpupulong.
kasangkot sa pagsulat ng agenda.
Mahalagang bahagi ito ng pagpaplano at pagpapatakbo ng pulong.
Nakasaad din dito ang mga aksiyon o rekomendasyong inaasahang
pag-usapan sa pulong.  Ang agenda ay parang mapa. Nagsisilbi itong gabay na nagbibigay
ng malinaw na direksiyon kung paano mararating nang mabilis ang
patutunguhan.
Kinakailangang maibigay ang agenda sa mga taong kasangkot sa
pulong bago pa dumating ang takdang panahon ng pagpupulong.
Kinakailangang mapag-aralan ng mga kasangkot ang nakatala sa agenda MAHALAGANG IDEYA!
upang magkaroon sila ng panahon na siyasatin ang nalalaman nito at
makapagbigay pa ng mga mungkahi o ideya.  Karaniwan na ang nagpapatawag ng pulong ang responsible sa
pagsulat ng agenda.

KAHALAGAHAN NG PAGHAHANDA NG AGENDA

Masisigurong tatakbo nang maayos ang pagpupulong at ang lahat


ng kalahok ay patungo sa isang direksyon.

STA. LUCIA ACADEMY, INC.


85
PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANGAN (Akademik)
MODYUL 2 (2nd Sem.) MGA BATAYANG KAALAMAN SA AKADEMIKONG PAGSULAT WEEKS 3-4 (4th QUARTER)

NARITO ANG MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG AGENDA  Panalangin


1. Simulan kaagad ang paghahanda sa pagsulat ng agenda. Gawin ito sa  Muling pagbasa ng nakaraang katitikan ng pulong (review) at
araw mismo ng pagkakaroon ng desisyon sa petsa at tema upang matiyak pagrerebisa
na maisasagawa nang maayos ang susunod na pagpupulong, at may  Pagwawasto sa ilang kamalian kung mayroon at pagbibigay-linaw
kaisahang patutunguhan ang mga pag-uusapan sa pulong. sa isyu kung mayroon pa
 Pagsang-ayon sa nakaraang katitikan ng pulong
2. Bigyang-halaga ang lugar na pagdarausan ng pulong at ang oras kung  Regular report
kalian ito magsisimula at matatapos. Dapat tiyakin ng tagapagdaloy ng  Mga pangunahing puntong pag-uusapan
pulong na nakapokus lamang sa agenda ang pag-uusapan upang  Iba pang bagay na nais pag-usapan
masunod ang itinakdang oras at hindi abutin nang matagal na nagiging  Muling pagtatakda sa araw ng pagpupulong (petsa)
sanhi ng walang kabuluhang pagpupulong.
5. Tiyakin na ang mga taong kasangkot lamang na nasa listahan ang dapat
3. Bigyang-halaga ang layuning inaasahang makamit sa araw ng dumalo sa pulong.
pagpupulong. Tiyaking malinaw ang layunin upang mapaghandaan ng
mga kasapi ang mangyayari sa pulong.
HALIMBAWA NG AGENDA:

Teacher’s note: Memo Bilang ___________________________

PETSA : Abril 23, 2016


Magagawa lamang ang isang akmang agenda kung malinaw
sa gumagawa nito ang layunin ng pulong na gagawin. Kung ikaw PARA SA : MGA TAGAPANGULO NG KOLEHIYO NG EDUKASYON AT
MALALAYANG SINING
ang naatasang gumawa ng agenda, linawing mabuti ang layunin ng
pagsasagawa ng pagpupulong. RE : BUWANANG PULONG

MULA KAY : DR. SERVILLANO T. ,ARQUEZ, JR.

____________________________________________________________________________
4. Bigyang-pansin ang mga isyu o usaping tatalakayin sa pulong. Dapat na
maikli lamang ang bahaging ito. Siguraduhing lahat ng pag-uusapan ay Ipinaaalam sa lhat ng mga tagapangulo ng bawat departamento ng
mailalagay sa agenda. Narito ang mga halimbawang balangkas ng Kolehiyo ng Edukasyon at Malalayang Sining na ang buwanang
karaniwang agenda: pagpupulong ay gaganapin sa ika-30 ng Abril, 2016 sa ganap na 3:00 ng
hapon hanggang 5:00 ng hapon sa Media Center.

STA. LUCIA ACADEMY, INC.


85
PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANGAN (Akademik)
MODYUL 2 (2nd Sem.) MGA BATAYANG KAALAMAN SA AKADEMIKONG PAGSULAT WEEKS 3-4 (4th QUARTER)

AGENDA 1. Saloobin ng mga kasamahan.

1. Pagsisimula Teacher’s note:


2. Pagrerebyu at Pagrerebisa sa Nakaraang Katitikan ng Pulong
Para mas maging proaktibo ang mga kalahok sa pagpupulong,
3. Pagsang-ayon sa Nakaraang Katitikan ng Pulong mahalagang malaman ang kanilang saloobin at kung ano ang nais din
nilang matalakay sa pagpupulong.
4. Pagbibigay-pansin sa mga Isyu sa Nakaraang Katitikan ng Pulong

5. Pagtatalakay sa Bagong Gawain o Proyekto


2. Paksang mahalaga sa buong grupo.
Aplikasyon ng Level 4 Akreditasyon sa PACUCOA
Teacher’s note:
 Pagtatalaga ng mga komiti
Sa mga isasamang paksa sa agenda, makabubjuti kung ang
 Petsa ng Pagsusumite ng Aplikasyon mga ito ay mga paksang mahalaga sa buong grupo o organisasyon.
6. Iba Pang Bagay/Paksa na Pag-uusapan Ang mga paksang nakalista sa agenda ay dapat may direktang
kinalaman ang mga inaasahang kalahok sa pagpupulong. Masisiguro
7. Petsa ng susunod na buwanang pulong:ika-15 ng Mayo, 2016 lamang ang aktibong pakikibahagi ng mga kalahok kung sila ay bahagi
mismo ng pinag-uusapang paksa.

EPEKTO NG HINDI PAGHAHANDA NG AGENDA


3. Estrukturang patanong ng buong paksa.
1. Nawawala sa pokus ang mga kalahok, na nagdudulot ng tila walang
katapusang pagpupulong (na madalas ay wala naman talagang Teacher’s note:
nangyayari).
2. Lumiliit ang bilang ng dumadalo sa pagpupulong.
Hindi karaniwan na ang mga paksa sa agenda ay nasa anyong
tanong. Dapatapwa’t walang masama kung ito ay nasa anyong
pahayag, ang isang tanong ay mas nakakapanghamon ng isipan. Nag-
iimbita ang isang tanong ng aktibong partisipasyon ng mga kalahok.
MGA KONSIDERASYON SA PAGDISENYO NG AGENDA

Sa artikulong How to Design an agenda for an effective meeting.


Nagpanukala si Swatz (2015) ng mga konsiderasyong dapat tandaan sa
pagdisenyo ng isang agenda. Ayon sa artikulong ito. Kailangang isaalang-
alang ang mga sumusunod:

STA. LUCIA ACADEMY, INC.


85
PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANGAN (Akademik)
MODYUL 2 (2nd Sem.) MGA BATAYANG KAALAMAN SA AKADEMIKONG PAGSULAT WEEKS 3-4 (4th QUARTER)

4. Layunin ng bawat paksa. HAKBANG SA PAGSASAGAWA NG PULONG


Narito ang mga hakbang sa pagsasagawa ng isang pulong ayon kay Walsh
Teacher’s note:
(1995) batay sa kanyang aklat na The Meeting Manual:
Upang maging maayos ang daloy ng pagpupulong, 1. Pagbubukas ng pulong (Opening the meeting). Opisyal na idedeklara ng
mahalagang matiyak ang layunin ng paksa. Dapat maging malinaw sa chairperson ang pagsisimula ng pagpupulong.
mga kalahok kung anong layunin ng bawat paksa.dapat maging
malinaw kung layunin nito ang pagbabahagi ng impormasyon, 2. Paumanhin (Apologies). Bago pa man ang pagsisimula ng pulong,
pagkuha ng panukala para sa gagawing desisyon, o pag dedesisyon. kinukuha ng kalihim ang listahan ng mga nakadalo at hindi. Inihahayag ng
chairperson ang pangalan ng mga opisyal na pinadalhan ng pabatid ngunit
5. Oras na ilalaan sa bawat paksa. hindi nakadalo sa pulong.

3. Adapsyon ng katitikan ng nakaraang pulong (adoption of the previous


Ano ang Pulong?
minutes). Dito, binabasa ng kalihim ang katitikan ng nakaraang pulong o
Mula sa isang maaayos na agenda, maisasagawa naman ang binibigyan ang mga dumalo ng kopya ng naturang katitikan, inihahayag na
isang maaayos na pulong o meeting. Ang pagpupulong ay pagtitipon ng ang adapsyon o pagtanggap nito, binubuksan ang hapag upang ilatag ang
dalawa o higit pang indibidwal upang pag-usapan ang isang komon na mga puntong nais talakayin ukol sa katitikan. Itinatala ang mga paksang nais
layunin para sa pangkalahatasng kapakanan ng organisasyon o grupong talakayin mula sa katitikan. Kapag lahat ay sumang-ayon, tinatanggap na ito.
kinabibilangan nila. Ipinatatawag ang ganitong pagtitipon kung may sapat Kung mayroong mga pagtutol o mungkahing pagbabago, tinatalakay ito at
na dami ng mga paksa o isyung dapat pag-usapan. muling ihahayag ang adapsyon ng katitikan. Kapag tinanggap na ng grupo
ang katitikan, pinipirmahan ito ng chairperson.
PARA MASABING BALIDO ANG ISANG PULONG, DAPAT
4. Paglilinaw mula sa katitikan ng nakaraang pulong (business arising from
NA MATUPAD ANG MGA SUMUSUNOD NA KONDISYON
previous minutes). Kung may mga paksang nais pag-uusapan na hango sa
katitikan ng nakaraang pagpupulong, isinasama ito sa agenda. Nagkaroon
1. Ang nagpatawag ng pulong ay may awtoridad para gawin ito.
ng deliberasyon ukol dito.
2. Ang pabatid na magkaroon ng pulong ay nakuha ng mga
inaasahang kalahok.
5. Pagtalakay sa mga liham (correspondence). Kung mayroong ipinadalang
3. Ang quorum ay nakadalo.
mga liham para sa pagpupulong tulad ng liham sa koreo, e-mail, o fax mail,
4. Ang alituntunin o regulasyon ng organisasyon ay nasunod.
at kailangang talakayin at pagdebatehan sa pulong, ito’y dapat isagawa.
Maaari itong talakayin ng pabuod para maipabatid ito sa mga kasapi ng
organisasyon o grupo.

STA. LUCIA ACADEMY, INC.


85
PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANGAN (Akademik)
MODYUL 2 (2nd Sem.) MGA BATAYANG KAALAMAN SA AKADEMIKONG PAGSULAT WEEKS 3-4 (4th QUARTER)

6. Pagtalakay sa mga ulat (reports). Sa bahaging ito tinatalakay ang mga MEMORANDUM O MEMO
ulat, kung mayroon, na inihanda para sa pagpupulong. Nagkaroon ng  Prof. Ma. Rovilla Sudprasert (2014), sa kanyang aklat na English for the
mosyon na nagtatanggap ang ulat para maipakita na mayroong Workplace 3, ang memorandum o memo ay isang kasulatang nagbibigay
nagawang ulat para sa pulong na isasagawa. Sa bahaging ito, tinatalakay ng kabatiran tungkol sa gagawing pulong o paalala tungkol sa isang
at pinagdedebatehan ang nilalaamn. Interpretasyon, at rekomendasyon mahahalagang impormasyon, gawain, tungkulin o utos.
ng ulat.  Maituturing din itong isang sining

7. Pagtalakay sa agenda (general business). Ang mga nakalistang  Ito rin ay maaaring maglahad ng isang impormasyon tungkol sa isang
mahalagang balita o pangyayari at pagbabago sa mga polisiya.
pangunahing paksa sa agenda ay tinatalakay sa bahaging ito. Ito ang
pinakasentro ng isinasagawang pulong. Base sa layunin ng bawat paksa,  Dito nakasaad ang layunin o pakay ng gagawing miting
pagbabahagi ng impormasyon, pagkuha ng mga panukala para sa  Dr. Darwin Bargo (20140 sa kanyang aklat na Writing in the Discipline, ang
pagdedesisyon, o paggawa ng desisyon, pag-uusapan ng mga kalahok mga kilala at malalaking kompanya at mga institusyon ay kalimitang
ang mga paksa sa agenda. gumagamit ng mga colored stationary para sa kanilang mga memo tulad
ng sumusunod:
8. Pagtalakay sa paksang di-nakasulat sa agenda (other business). Kapag
 Puti – ginagamit sa mga pangkalahatang kautusan, direktiba, o
natapos na ang pagtatalakay sa agenda, itinatanong ng chairperson kung
impormasyon.
may mga isyung nis pang pag-usapan ang mga kalahok. Maaaring ilabas
 Pink/rosas – ginagamit para sa request o order na nanggagaling sa
ng mga kalahok ang mga isyu na sa pakiramdam nila’y mahalagang pag-
purchasing department.
usapan. Kabilang dito ang ano mang paksa na hindi nakalista sa agenda.
 Dilaw o luntian – ginagamit naman para sa mga memo na nanggagaling sa
9. Pagtatapos ng pulong (closing the meeting o adjournment). Dito ma marketing at accounting department.
isinasara ng chairperson ang pagpupulong. Isinasagawa ito kung lahat ng
nais pag-usapan ay naiharap na at natalakay. Sa pagdeklara ng
Sa pangkalahatan, ayon kay Bargo (2014), may tatlong uri ng memorandum ayon
chairperson ng pagtatapos, opisyal na nagwawakas ang pulong.
sa layunin nito.

a) Memorandum para sa kahilingan

TATLONG MAHAHALAGANG ELEMENTO SA MAAYOS b) Memorandum para sa kabatiran


AT EPEKTIBONG PULONG: c) Memorandum para sa pagtugon
1. Memorandum o memo
2. Adyenda at;
3. Katitikan ng Pulong
STA. LUCIA ACADEMY, INC.
85
PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANGAN (Akademik)
MODYUL 2 (2nd Sem.) MGA BATAYANG KAALAMAN SA AKADEMIKONG PAGSULAT WEEKS 3-4 (4th QUARTER)

Narito ang mga impormasyon na dapat taglayin ng isang memo na a) Sitwasyon – dito makikita ang panimula o layunin ng memo
hango sa akalt ni Sudprasert (2014) na English for the Workplace 3
b) Problema – nakasaad ang suliraning dapat pagtuonan ng pansin.
1. Makikita sa letterhead ang logo at pangalan ng kompanya, institusyon Hindi lahat ng memo ay nagtataglay nito.
o organisasyon gayundin ang lugar kung saan matatagpuan ito at
c) Solusyon – nagsasaad ng inaasahang dapat gawin ng kinauukulan
minsan maging ang bilang ng numero ng telepono.
d) Paggalang o Pasasalamat – wakasan ang memo sa pamamagitan
2. Ang bahaging “Para sa/Para kay/kina” ay naglalaman ng pangalan ng ng pagpapasalamat o pagpapakita ng paggalang.
tao o mga tao, o kaya naman ay grupong pinag-uukulan ng memo.
Para sa isang impormal na memo, mahalagang isulat ang buong 7. Ang huling bahagi ay ang ‘Lagda’ ng nagpapadala. Kadalasang inilalagay
pangalan ng pinag-uukulan nito. Kung ang tatanggap ng memo ay ito sa ibabaw ng kanyang pangalan sa bahaging Mula Kay…..
kabilang sa ibang departamento makatutulong kung ilalagay rin ang Halimbawa:
pangalan ng departamento. Hindi rin kailangang lagyan ng G.’ Gng.’ Bb.’
Mataas ng Paaralan ng Paco
at iba pa maliban na lamang na napakapormal ng memong ginawa.
Disyembre 1, 2017
3. Ang bahagi naming ‘mula kay’ ay naglalaman ng pangalan ng
Ika-30 Memorandum
gumawa o nagpadala ng memo. Gaya rin ng bahaging ‘Para sa/Para
Pagdidiwang ng Promenade
kay/Kina’ maaaring gamitin na lamang ang unang panglaan ng sumulat.
Mula kay: Nestor. Ngunit kung ito ay pormal, isulat ang buong pangalan Sa mga:
ng nagpadala. Isulat din ang pinagmulang seksiyon o tanggapan. Guro

4. Sa bahaging ‘Petsa’, iwasan ang paggamit ng munero gaya ng Iba pang Tauhan ng Paaralan

11/25/15 o 30/09/15. Sa halip, isulat ang buong pangalan ng buwan, o Sa pagdiriwang ng Promenade para sa taong ito, at sa mga susunod pa,
ang dinaglat na salita nito tulad ng Nobyembre o Nob. kasama amg alinsunod sa tinakda ng Punong Guro at ng administrasyon ng paaralan, dapat na
araw at taon upang maiwasang ang pagkalito. nakasuot ng tamang uniporme ang mga guro, at iba pang mga tauhan ng
paaralan.
5. Ang bahaging ‘Paksa’ ay mahalagang maisulat nang payak, malinaw Hinihiling ng administrasyon ng paaralan ang inyong pagsunod at
at tuwiran upang agad mauunawaan ang nais ipabatid nito. pagsuporta sa memorandum na ito.

6. Kadalasan ang ‘Mensahe’ ay maikli lamang ngunit kung ito ay isang Sally Penada

detalyadong memo kailgangang ito ay magtaglay ng mga sumusunod; Kalihim

STA. LUCIA ACADEMY, INC.


85
PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANGAN (Akademik)
MODYUL 2 (2nd Sem.) MGA BATAYANG KAALAMAN SA AKADEMIKONG PAGSULAT WEEKS 3-4 (4th QUARTER)

KATITIKAN NG PULONG MAHAHALAGANG BAHAGI NG KATITIKAN NG PULONG

 Ito ay opisyal na tala ng isang pulong. Ito rin ay kalimitang 1. Heading


isinasagawa ng pormal obhetibo, at komprehensibo o 2. Mga Kalahok o Dumalo
3. Pagbasa at pagpapatibay ng nangdaang katiitkan ng pulong
nagtataglay ng lahat ng mahahalagang detalyeng natalakay sa
4. Action items o usaping napagkasunduan
pulong.
5. Pabalita o patalastas
 Kapag ito ay naisulat at napagtibay, nagsisilbi itong opisyal at 6. Iskedyul ng susunod na pulong
legal na kasulatan ng samahan o organisasyon na magagamit 7. Pagtatapos
bilang prima facie evidence sa mga legal na usapin o 8. Lagda
sanggunian para sa susunod na pagpaplano at pagkilos.
MAHALAGANG IDEYA!
 Ito ay dokumentong nagtatala ng mahahalagang diskusyon at
desisyon.
 Hindi lamang iisang kasanayan ang gagamitin sa pagsulat ng katitikan ng
 Ibinabatay sa adyendang unang inahanda ng Tagapangulo ng pulong. Kailangang pairalin ang talas ng pandinig, bilis ng pagsulat, at
lupon. linaw ng pag-iisip.

 Maaaring gawin ito ng kalihim, typist, o reporter sa korte. MGA DAPAT GAWIN NG TAONG NAATASANG KUMUHA
NG KATITIKAN NG PULONG
 Maaaring maikli at tuwiran o detalyado. 1. Hangga’t maaari ay hindi participant sa nasabing pulong.
 Lumalabas na ang katitikan ng pulong ay nagsisilbing summary 2. Umupo malapit sa taganguna o presider ng pulong.
o pagbubuod ng mahahalagang napag-usapan.
3. May sipi ng mga pangalan ng mga taong dadalo sa pulong.

4. Handa sa mga sipi ng adyenda at katitikan ng nakaraang pagpupulong.


KAHALAGAHAN NG KATITIKAN 5. Nakapokus o nakatuon lamang sa nakatalang adyenda.
1. Naipapaalam sa mga sangkot ang mga nangyari sa pulong. 6. Tiyaking ang katitikan ng pulong na ginagawa ay nagtataglay ng tumpak

2. Maaaring maging mahalagang dokumentong pangkasaysayan at kompletong heading.

sa sa paglipas ng panahon 7. Gumamit ng recorder kung kinakailangan

3. Ito’y magiging hanguan o sanggunian sa mga susunod na 8. Itala ang mga mosyon o pormal na suhestiyon nang maayos.
pulong 9. Itala ang lahat ng paksa at isyung napagdesisyunan ng koponan.
4. Ito’y batayan ng kagalingan ng indibidwal 10. Isulat o isaayos agad ang mga datos ng katitikan Pagkatapos ng

STA. LUCIA ACADEMY, INC. pulong.


85
PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANGAN (Akademik)
MODYUL 2 (2nd Sem.) MGA BATAYANG KAALAMAN SA AKADEMIKONG PAGSULAT WEEKS 3-4 (4th QUARTER)

TATLONG URI O ESTILO NG PAGSULAT NG KATITIKAN NG PULONG; 3) Pagkatapos ng Pulong


- Repasuhin ang isinulat
a) Ulat ng Katitikan – ang lahat ng detalyeng napag-uspaan sa pulong
Halimbawa: Dr. Rosalie Kailan itatakda ang Mga February A#
ay nakatala. - Kung
Meriles may bagay na hindi naiintindahan, lapitan
pagrerebisa sa mga kaguruan ng 8-9, 2016 at tanungin agad
Pamantasan ng Adamson PagkataposOBEng pulong
silabus?ang mga namamahala
Departamento rito o ang mga dumalo.
b) Salaysay ng Katitikan
Kolehiyo ng Edukasyon – at isinasalaysay lamang ang mga
Malalayang Sining ng Edukasyon
mahahalagangDepartamento
detalye ng pulong. Ang ganitong uri ng katitikan ay
ng Edukasyon - Kapag tapos ng isulat ang katitikan, ipabasa ito sa mga namumuno sa
maituturing naKatitikan ng Nakaraang
isang legal na dokumento.Pulong Dr. pulong
Neliza
paraInitalagang OBE Mga
sa mga hindi tamang kaguruan February
impormasyon. A#
Casela coordinator upang ng 8-9, 2016
Disyembre 4, 2015, Tanggapan ng Departamento ng Edukasyon
- Mas mainam na may numero ang bawt linya at pahina ng katitikan
c) Resolusyon ng Katitikan – nakasaad lamang sa katitikan ang lahat
1:00 – 2:00pm siyang maging Departamento
ng isyung napagdesisyunan ng samahan. Kadalasang mababasa upang madali itong matukoyng ng Edukasyono pagsusuri sa susunod na
sa pagrerepaso
tagapagdaloy
ang mga katagang “Napagkasunduan na … o “Napagtibay na…
Mga Dumalo: pulong. gawain

Prof.- Frances
RepasuhinItinalaga
muli ang isinulat
para at tignan
sa lugar Mga kung wastoFebruary
kaguruan ang baybay ng
I salita,
Dr. Rosalie MerilesDr. Lorma Espeso na papagdarausan ng ng
Ruthbantas,
Ibasan at iba 8-9, 2016
Dr. Neliza
GABAY SA CaselaProf.
PAGSULAT Manuel Are
NG KATITIKAN gawain Departamento
Prof. Florante GarciaProf. Frances Ryth Ibasan - Ibigay ito sa mga dumalo sa pulong sa oras na matapos ang pinal na
ng Edukasyon
1) Bago
Prof. ang Pulong
Imelda Adobo kopya. Magtabi ng kopya sakaling may humiling na repasuhin ito sa
- Ihanda ang saili bilang tagatala. Dr. Florante Binibigyang kabatiran Mga Disyembre I
hinaharap.
Garcia sa lahat ng kaguruan kaguruan at 16-20,
- Lumikha ng isang template upang mapadali ang pagsulat. na ang midterm exam mag-aaral 2015
ay magaganap sa ika-
- Maaaring gumamit ng lapis o bolpen at papel, laptop o tape recorder 16 hanggang
MAHALAGANG IDEYA! 20 ng
Disyembre 2015.
2) Habang Nagpupulong  Katulad ng iba pang uri ng dokumento sa pagtatrabaho,
- Itala ang mga aksyon habang nangyayari ang mga ito, hindi pagkatapos. nakasalalay sa pagpaplano o paghahanda ang kahusayan ng
isinulat mong katitikan ng pulong.
Iba pang
Tandaan: Bagay na
Binigyang
Hindi kailangang itala ang bawat salitang maririnig sa pulong. Pansin:
Naisusulat ito upang maibigay ang balangkas ng mga nangyari sa pulong,
hindi ang irekord ang bawat sasabihin ng kalahok.
A# - Bigyan ng Aksyon N – Naisagawa na I – Pagbibigay-
impormasyon
Sanggunian:
Garcia, F. (2017). Pintig Senior High School FILIPINO Sa Piling larang (Akademik).
STA. LUCIA ACADEMY, INC.
Quezon City: SIBS Publishing House
85 sa Piling
Julian-Baisa, A. at Lontoc, N. (2017). Pinagyamang PLUMA (K to 12 Filipino
Larang (Akademik). Quezon City: Phoenix Publishing House
PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANGAN (Akademik)
MODYUL 2 (2nd Sem.) MGA BATAYANG KAALAMAN SA AKADEMIKONG PAGSULAT WEEKS 3-4 (4th QUARTER)

VI. PAGTATAYA

CN:_____________ Pangalan:___________________________________________________________________________________ Baitang at Pangkat:______________________________________________

Pagsasanay 1
Panuto : Ibigay ang hinihinging sagot ng bawat tanong. Isulat sa patlang ang sagot.
_________________________1. Ito ay ang salitang Latin na pinagmulan ng salitang Agenda.

_________________________2. Ito ay ang talaan ng mga pag-uusapan sa isang pormal na pulong.

_________________________3. Ito ay pagtitipon ng dalawa o higit pang indibdwal upang pag-usapan ang isang komon na layunin para sa pangkalahatang kapakanan ng
organisasyon o grupo.

_________________________4. Ito ay ang ikalawang hakbang sa pagsasagawa ng pulong.

_________________________5. Ito ay ang mga tatlong mahahalagang elemento sa maaayos at epektibong pulong.

_________________________6. Ito ay ang kasulatang nagbibigay ng kabatiran tungkol sa gagawing pulong o paalala tungkol sa isang mahahalagang impormasyon, gawain,
tungkulin o utos.

_________________________7. Ito ang nagsisilbing summary o pagbubuod ng mahahalagang napag-uspaan.

_________________________8. Ito ay isang uri o estilo ng pagsusulat ng katitikan ng pulong na isinasalaysay lamang ang mga mahahalagang detalye ng pulong.

_________________________9. Ito ay ang kulay na ginagamit ng mga malalaking kumpanya o institusoyn para sa pagsusulat ng memorandum o memo para sa
pangkalahatang kautusan, direktiba, o impormasyon.

_________________________10. Ito ay ang estilo ng pagsulat ng katitikan ng pulong na nakatala lahat ng detalyeng napag-usapan.

STA. LUCIA ACADEMY, INC.


85
PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANGAN (Akademik)
MODYUL 2 (2nd Sem.) MGA BATAYANG KAALAMAN SA AKADEMIKONG PAGSULAT WEEKS 3-4 (4th QUARTER)

Pagsasanay 2
Panuto : Manuod ng isang meeting o pulong sa youtube, at pagkatapos sumulat ng isang katitikan ng pulong. Gamitin ang halimbawa sa inyong module sa pagsusulat nito.

Mula Kay Mga Dapat Bigyang- Kinauukulan Tinatayang Petsa Kalagayan


pansin/Isyu

A - Bigyan ng Aksyon N – Naisagawa na I – Pagbibigay-impormasyon

VII. PAGPAPAYAMAN
Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang antas ng kalidad ng iyong pagsasakatuparan ng sumusunod na mga kasanayan.

STA. LUCIA ACADEMY, INC.


85

You might also like