You are on page 1of 9

1 PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK 1

MODULE 1: MGA URI NG TEKSTO (TEKSTONG NARATIBO AT PROSIDYURAL) Weeks 3 and 4 (1st Quarter)

anggulo sa halip na sa paghahanap ng katotohanan sa lahat ng detalye na kailangan pang


I. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN gamitin ng pananaliksik na siya naming taglay ng isang tekstong impormatibo.

Sa modyul na ito, masusuri ang iba’t ibang uri ng binasang teksto ayon sa Sa pagsulat ng naratibong di piksyon ay lumulutang ang mga elemento ng isang
kaugnayan nito sa sarili, pamilya, komunidad, bansa at daigdig. kuwento. Mula rito’y masasalamin ang estilo at pagkatao ng manunulat. Ang mga
elementong ito’y hindi makikita sa isang brochure o sa isang balita kaya naman bagama’t
parehong di piksyon ay kitang-kita pa rin ang pagkakaiba ng isang tekstong naratibo sa
II. LAYUNIN
tekstong impormatibo.
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Matutukoy ang kahulugan at katangian ng mahahalagang salitang ginamit ng 1. Maikling Kuwento


iba’t ibang uri ng tekstong binasa; at 2. Nobela
b. Maibabahagi ang katangian at kalikasan ng iba’t ibang tekstong binasa. 3. Kuwentong-bayan
Maaaring maghanap
4. Mitolohiya
sa internet sa mga
III. PANIMULA 5. Alamat
6. Mga Kuwentong Kababalaghan
halimbawa ng mga
Culminating Performance Standard: Nakasusulat ng reaksyong papel batay sa sumusunod na
7. Tulang Pasalaysay
binasang teksto ayon sa katangian at kabuuan nito sa: sarili, pamilya,komunidad, bansa halimbawa ng
8. Epiko
at daigdig.
9. Dula tekstong naratibo
10. Anekdota
IV. MOTIBASYON
11. Parabula, atbp.

Paborito mo, Ilahad mo! IBA’T IBANG PANANAW O PUNTO DE VISTA (POINT OF VIEW)

1. UNANG PANAUHAN – sa pananaw na ito, isa sa mga tauhan ang


IV. TALAKAYAN nagsasalaysay ng mga bagay na kanyang nararanasan, naaalala, o naririnig kaya
Ano nga ba ang tekstong Naratibo? gumagamit ng panghalip na ako, kita, kami, tayo, ko, natin, naming, akin, atin, at
amin.
Ang tekstong naratibo ay pagsasalaysay o pagkukuwento ng mga pangyayari sa
“Sumisilip pa lamang ang araw nang kami’y lumusong sa landas na patungo sa
isang tao o mga tauhan, nangyari sa isang lugar at panahon o sa isang tagpuan nang may
tubigan ni Ka Teryo. Nakasabay naming si ka Teryo. Nakasabay naming si Ka
maayos na pagkakasunod-sunod mula simula hanggang katapusan.
Albina, na kasama ang dalaga niyang si Nati at ang kanyang pamangking si
Pangunahing layunin ng ganitong uri ng teksto ang makapagsalaysay Pilang. Ang tatlo’y may sunong na mga matong ng kasangkapan at pagkain.”
ng mga pangyayaring nakapanlilibang o nakapagbibigagay-aliw o saya. Nakapagtuturo rin
ito ng kabutihang-asal, mahahalagang aral, at mga pagpapahalagang pangkatauhan tulad “Suyuan sa Tubigan”
ng kahalagahan ng pagiging mabuti at tapat, na ang kasamaan ay hindi nagtatagumpay Ni Macario Pineda
laban sa kabutihan, ang kasipagan at pagtitiyaga ay nagdudulot ng tagumpay, atbp.
2. IKALAWANG PANAUHAN – dito mistulang kinakausap ng manunulat ang
Paano naiiba ang Tekstong Naratibo sa Tekstong Impormatibo? tauhang pinagagalaw niya sa kuwento kaya’t gumagamit siya ng mga panghalip
na ka o ikaw, kayo, mo, ninyo,iyo,inyo ngunit hindi ito gaanong ginagamit ng ng
Ang mga manunulat ng naratibong di-piksyon ay nakabase sa katotohanan
mga manunulat sa kanilang pagsasalaysay.
ngunit higit itong nakatuon sa katotohanang may kaugnayan sa emosyonal at moral na

STA. LUCIA ACADEMY - 09693239648 Page | 1


1 PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK 1
MODULE 1: MGA URI NG TEKSTO (TEKSTONG NARATIBO AT PROSIDYURAL) Weeks 3 and 4 (1st Quarter)

3. IKATLONG PANAUHAN – ang mga pangyayari sa pananaw na ito ay Tinawag ni Aling Guada ang anak dahil kakain habang ito’y abalang-abala sa
isinasalaysay ng isang taong walang relasyon sa tauhan kaya ang panghalip na ginagawa at hindi halos napansing nakalapit na pala ang ina sa kanyang kinalalagyan.
ginagamit niya sa pagsasalaysay ay siya, sila, niya, nila, kanya at kanila. Sinasabi niyang kayganda ng ginagawa ng anak at tinanong din niya kung ano ba talaga
Namimitak na ang bukang-liwayway. Hindi pa nahahawi ang makapal ang balak niya.
na dagim na nakatalukbong sa paligid. Malagablab ang ginantsilyong apoy ng
Natatawang inakbayan ni Donato ang ina at inakay papasok sa munti nilang
siga sa harap ng dap-ayan. Hindi pa nakatilaok nang tatlong ulit ang mga labuyo
kusina.
nang madaling- araw na iyon ngunit gising nang lahat ang halos ng mga taga-
Baugen. Matatandang lalaki.Matatandang babae. Mga bata. Ang kabataan. Para Mula sa “Ang Kariton ni Donato”
silang mga guyam na sunod- sunod na nagtungo sa dap-ayan
“Alsado” ELEMENTO NG TEKSTONG NARATIBO
ni Reynaldo A. Duque
1. TAUHAN
MAY PARAAN NG PAGPAPAHAYAG NG DIYALAGO, SALOOBIN, O DAMDAMIN
Lahat ng tekstong naratibo ay nagtataglay ng mga tauhan. Ang dami o bilang ng
1. DIREKTA O TUWIRANG PAGPAPAHAYAG tauhan ay dapat umayon sa pangangailangan. Mahirap itakda ang bilang ng tauhang
Sa ganitong uri ng pagpapahayag, ang tauhan ay direkta o tuwirang nagsasaad magpapagalaw sa tekstong naratibo ang pangangailangan lamang ang maaaring
o nagsasabi ng kanyang diyalogo, saloobin, o damdamin. Ito ay ginagamitan ng panipi maktakda nito. May dalawang paraan sa pagpapakilala ng tauhan – ang expository at
(“”). Sa ganitong paraan ng pagpapahayag ay nagiging natural at lalong lumulutang dramatiko.
ang katangiang taglay ng mga tauhan.
 Expository - ang tagapagsalaysay ang magpapakilala o maglalarawan sa
Higit din nitong naaakit ang mga mambabasa sapagkat nagiging mas malinaw sa pagkatao ng tauhan.
kanya ang eksaktong mensahe o sinabi ng tauhan at ang paraan ng pagkakasabi’y  Dramatiko – kung kusang mabubunyag ang karakter dahil sa kanyang
naghuhudyat din sa uri ng damdaming taglay kaysa kung lalagugumin o hindi direktang pagkilos o pagpapahayag
sasabihin ng tagapagsalaysay.
Karaniwang tauhan sa mga akdang naratibo ay ang sumusunod:
Halimbawa:
a. PANGUNAHING TAUHAN – sa pangunahing tauhan o bida umiikot ang mga
“Donato, kakain na, Anak,” tawag ni Aling Guada sa anak na noo’y abalang-abala pangyayari sa kuwento mula sa simula hanggang sa katapusan. Karaniwang iisa
sa ginagawa at hindi halos napansing nakalapit na pala ang ina sa kanyang lamang ang pangunahing tauhan. Ang kanyang mga katangian ay ibinabatay sa
kinalalagyan. “aba’y kayganda naming nreng ginagawa mo, Anak! Ay ano ba talaga tungkulin o papel na kanyang gagampanin sa kabuoan ng akda.
ang balak mo, ha?”  Si Adong – Sa kuwentong pinamagatang “Mabangis na Lungsod”
 Aling Marta – Sa kuwentong pinamagatang “Ang Kalupi”
Natatawang inakbayan ni Donato ang ina at inakay papasok sa munti nilang
kusina. b. KATUNGGALING TAUHAN – ang katunggaling tauhan o kontrabida ay siyang
Mula sa “Ang Kariton ni Donato” sumasalungat o kalaban ng pangunahing tauhan. Mahalaga ang papel ng
2. DI DIREKTA 0 DI TUWIRANG PAGPAPAHAYAG tauhang ito sapagkat sa mga tunggaling nangyayari sa pagitan nila, nabubuhay
Ang tagapagsalaysay ang naglalahad sa sinasabi, iniisip, o nararamdaman ng ang mga pangyayari sa kuwento at higit na napatitingkad ang mga katangian ng
tauhan sa ganitong uri ng pagpapahayag. Hindi na ito ginagamitan ng panipi (“”). pangunahing tauhan.
 Si Bruno - Sa kuwentong pinamagatang “Mabangis na Lungsod”
Halimbawa:  Ang Alkalde – Sa Kuwentong pinamagatang “Moses, Moses”

STA. LUCIA ACADEMY - 09693239648 Page | 2


1 PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK 1
MODULE 1: MGA URI NG TEKSTO (TEKSTONG NARATIBO AT PROSIDYURAL) Weeks 3 and 4 (1st Quarter)

damdaming umiiral sa kapaligiran nang maganap ang mga pangyayari tulad ng


c. KASAMANG TAUHAN – gaya ng ipinahihiwatig ng katawagan, ang kasamang kasayahang dala ng pagdiriwang sa isang kaarawan, takot na umiiral dahil sa malakas
tauhan ay karaniwang kasama o kasangga ng pangunahing tauhan. Ang na hampas ng hangin at ulang dala ng bagyo, romantikong paligid sanhi ng
pangunahing papel o tungkulin niya ay sumuporta, magsilbing hingahan, o maliwanag na buwang nakatunghay sa magkasintahang naghahapunan sa isang
kapalagayang-loob ng pangunahing tauhan. hardin, matinding pagod ng magsasakang nag-aararo sa ilalim ng tirik na tirik na araw,
kalungkutan ng pamilyang nakatunghay habang ibinababa sa kanyang huling
hantungan ang isang minamahal, at iba pa.
d. ANG MAY-AKDA – Sinasabing ang pangunahing tauhan at ang may-akda ay lagi
nang magkasama sa kabuoan ng akda. Bagama’t ang namamayani lamang ay ang 3. BANGHAY
kilos at tinig ng tauhan, sa likod ay laging nakasubaybay ang kamalayan ng
Ito ang tawag sa maayos na daloy o pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa
makapangyarihang awtor.
mga tekstong naratibo upang mabigyang-linaw ang temang taglay ng akda.
Ayon kay E.M. Forster, isang Ingles na manunjulat, may dalawang uri ng tauhan ang
Panimula (Introduction) – pagkakaroon ng isang epektibong simula kung saan
maaaring Makita sa isang tekstong naratibo:
maipakikilala ang mga tauhan, tagpuan, at tema.
A. TAUHANG BILOG (Round Character) – isang tauhang may multidimensyiyonal o Suliranin (Problem) – Pagpapakilala sa suliraning ihahanap ng kalutasan ng mga
maraming saklaw ang personalidad. Tulad ng isang tunay na katauhan, nagbabago tauhan partikular ang pangunahing tauhan.
ang kanyang pananaw, katangian, at damdamin ayon pangangailangan. Ang isang Saglit na Kasiglahan (Rising Action) – Pagkakaroon ng saglit na kasiglahang
tahimik at mapagtimping tauhan, halimbawa, ay maaaring magalit at sumambalat hahantong sa pagpapakita ng aksiyong gagawin ng tauhan tungo sa paglutas sa
kapag hinihingi ng sitwasyon o pangyayari sa kuwento at pangangailangang suliranin.
magbago ang taglay nimyang katangian at lumutang ang nararapat na emsyon o Kasukdulan (Climax) – Patuloy sa pagtaas ang pangyayaring humantong sa isang
damdamin. kasukdulan. Ito ang pinakamataas na uri ng kapanabikan. Dito nahihiwatigan ng
bumabasa ang mangyayari sa pangunahing tauhan, kung siya’y mabibigo o
B. TAUHANG LAPAD (Flat Character) – ito ang tauhang nagtataglay ng iisa o magtatagumpay sa paglutas ng suliranin.
dadalawang katangiang madaling matukoy o predictable. Madaling mahulaan at Kakalasan (Falling action) – ito ang kinalabasan ng paglalaban. Ito ang tulay sa
maiugnay sa kanyang katauhan ang kanyang mga ikinikilos at maituturing na wakas ng kuwento.
stereotype tulad ng mapang-aping madrasta, mapagmahal na ina, tin-edyer na hindi Wakas (Ending) – ito ang resolusyon o ang kahihinatnan ng kuwento maaaring
sumusunod sa magulang, atbp. Karaniwang hindi nagbabago o nag-iiba ang masaya o malungkot.
katangian ng tauhang lapad sa kabuoan ng kuwento.

Sinasabi rin ni Forster na kinakailangang Makita ang dalwang uring ito ng tauhan sa Hindi lahat ng banghay ay sumusunod sa kumbensiyonal na simula-gitna-wakas.
tekstong naratibo. Bagama’t madaling matukoy o predictable ang tauhang lapad ay hindi May mga akdang hindi sumusunod sa ganitong kalakaran at tinatawag na anachrony o
miya iminumungkahi ang pagtanggal sa ganitong uri ng tauhan sa pagsulat ng akda mga pagsasalasay na hindi nakaayos sa tamang pagkakasunod-sunod. Mauuri ito sa tatlo:
upang masalamin pa rin nito ang tunay na kalakaran ng mga tauhan sa atig mundo.
1. ANALEPSIS (Flashback) – dito ipinapasok ang mga pangyayaring naganap sa
2. TAGPUAN AT PANAHON nakalipas.
2. PROLEPSIS (Flash-forward) – dito nama’y ipinapasok ang mga pangyayaring
Ang tagpuan ay tumutukoy hindi lang sa lugar kung saan naganap ang mga magaganap pa lang sa hinaharap.
pangyayari sa akda kundi gayundin sa panahon(oras, petsa, taon) at maging sa

STA. LUCIA ACADEMY - 09693239648 Page | 3


1 PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK 1
MODULE 1: MGA URI NG TEKSTO (TEKSTONG NARATIBO AT PROSIDYURAL) Weeks 3 and 4 (1st Quarter)

3. 3. ELLIPSIS – may mga puwang o patlang sa pagkakasunod-sunod ng mga Kung ilang hanay ang mga pulubing naroroon at mga nagtitinda ng tiket sa
pangyayari na nagpapakitang may bahagi sa pagsasalaysay na tinggal o hindi suwipistek, ng kandila, ng kung anu-anong ugat ng punongkahoy at halaman. At sa mga
isinama. hanay na iyon ay nakatunghay ang simbahan, naawa, nahahabag. At nakatingala naman
4. PAKSA O TEMA - ito ang sentral na ideya kung saan umiikot ang mga ang mga nasa hanay na iyon, kabilang si Adong. Hindi sa simbahan kundi sa mga taong
pangyayari sa tekstong naratibo. Mahalagang malinang ito ng husto sa kabuoan may puso pa upang dumukot sa bulsa at maglaglag ng singko o diyes sa maruruming
ng akda upang mapalutang ng may-akda ang pinakamahalagang mensaheng palad.
nais niyang maiparating sa kanyang mambabasa. Dito rin mahuhugot ang mga
pagpapahalaga, mahahalagang aral, at iba pang pagpapahalagang
Mapapaiyak na si Adong. Ang tingin niya tuloy sa mga ilaw-dagitab ay parang
pangkatauhang nagagamit sa mabuting pamu muhay at pakikisalamuha sa
mga piraso ng apoy na ikinakalat sa kalawakan. Kangina pa siyang tanghali sa loob ng
kapwa.
marusing na bakuran ng simbahan. Nagsawa na ang kanyang mga bisig sa kalalahad ng
Basahin natin! kamay, ngunit ang mga sentimong kumakalansing sa kanyang bulsa ay wala pang tunog
ng katuwaan. Bagkus ang naroon ay bahaw na tunog ng babala. Babalang ipinararamdam
ng pangangalam ng kanyang sikmura at sinasapian pa ng takot na waring higad sa
TEKSTONG NARATIBO (Maikling Kuwento)
kanyang katawan.
MABANGIS NA LUNGSOD
Ni: Efren R. Abueg “Mama…Ale, palimos na po.”

Ang maraming mukhang nagdaraan ay malalamig na parang bato, ang imbay ng


Ang gabi ay mabilis na lumatag sa mga gusali, lumagom sa malalaki’t maliliit na lansangan,
mga kamay ay hiwatig ng pagwawalang-bahala, ang hakbang ay nagpapahalata ng
dumantay sa mukha ng mga taong pagal, sa mga taong sa araw-araw ay may bagong
pagmamadali ng pag-iwas.
lunas na walang bisa. Ngunit ang gabi ay waring maninipis na sutla lamang ng dilim na
walang lawak mula sa lupa hanggang sa mga unang palapag ng mga gusali. Ang gabi ay “Singko po lamang, Ale…hindi pa po ako nanananghali!”
ukol lamang sa dilim sa kalangitan sapagkat ang gabi sa kalupaan ay hinahamig lamang
Kung may pumapansin man sa panawagan ng Adong, ang nakikita naman niya
ng mabangis na liwanag ng mga ilaw-dagitab
ay irap, pandidiri, pagkasuklam. “Pinaghahanapbuhay ‘yan ng mga magulang para
.
maisugal,” madalas naririnig ni Adong. Nasaktan siya sapagkat ang bahagi ng
Ang gabi ay hindi napapansin ng lalabindalawang taong gulang na si Adong.
pangungusap na iyon ay untag sa kanya ni Aling Ebeng, ang matandang pilay na kanyang
Ang gabi ay tulad lamang ng pagiging Quiapo ng pook na iyon. Kay Adong, ang gabi’y
katabi sa dakong liwasan ng simbahan.
naroroon, hindi dahil sa may layunin sa pagiging naroon, kundi dahil sa naroroon, katulad
ng Quiapo. Sa walang muwang na isipan ni Adong, walang kabuluhan sa kanya kung
naroon man o wala ang gabi— at ang Quiapo. At halos araw-araw, lagi siyang napapaiyak, hindi lamang niya ipinapahalata kay
Aling Ebeng, ni kanino man sa naroroong nagpapalimos. Alam niyang hindi maiiwasan ang
Ngunit isang bagay ang may kabuluhan kay Adong sa Quiapo. Alisin na ang paghingi sa kanya nito ng piso, sa lahat. Walang bawas.
nagtatayugang gusali roon, alisin na ang bagong lagusan sa ilalim ng lupa, alisin na ang
mga tindahang hanggang sa mga huling oras ng gabi’y mailaw at maingay. Huwag “May reklamo?” ang nakasisindak na tinig ni Bruno. Ang mga mata nito’y nanlilisik
lamang matitinag ang simbahan at huwag lamang mababawasan ang mga taong kapag nagpatumpik-tumpik siya sa pagbibigay.
pumapasok at lumalabas doon, dahil sa isang bagay na hinahanap sa isang marikit.
Sapagkat ang simbahan ay buhay ni Adong. At ang mga kamay ni Adong ay manginginig pa habang inilalagay niya sa
masakim na palad ni Bruno ang salapi, mga sentimong matagal ding kumalansing sa

STA. LUCIA ACADEMY - 09693239648 Page | 4


1 PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK 1
MODULE 1: MGA URI NG TEKSTO (TEKSTONG NARATIBO AT PROSIDYURAL) Weeks 3 and 4 (1st Quarter)

kanyang bulsa, ngunit kailan man ay hindi nakarating sa kanyang bituka. suot na gora. Napadukot si Adong sa kanyang bulsa. Dinama niya ang mga bagol.
Malamig. At ang lamig na iyon ay hindi nakasapat upang ang apoy na nararamdaman niya
kangina pa ay mamatay. Mahigpit niyang kinulong sa kanyang palad ang mga bagol.
“Maawa na po kayo, Mama…Ale…gutom na gutom na ako!”
“Diyan na kayo, Aling Ebeng…sabihin ninyo kay Bruno na wala ako!”
Ang mga daing ay walang halaga, waring mga patak ng ulan sa malalaking bitak mabilis niyang sinabi sa matanda.
ng lupa. Ang mga tao’y bantad na sa pagpapalimos ng maraming pulubi. Ang mga tao’y
naghihikahos na rin. Ang panahon ay patuloy na ibinuburol ang karukhaan. “Ano? Naloloko ka ba, Adong? Sasaktan ka ni Bruno. Makita ka ni Bruno!”

Narinig man ni Adong ang sinabi ng matanda, nagpatuloy pa rin sa paglakad, sa


Ang kampana ay tumugtog at sa loob ng simbahan, pagkaraan ng maikling
simula’y marahan, ngunit nang makubli siya sa kabila ng bakod ng simbahan ay pumulas
sandali, narinig ni Adong ang pagkilos ng mga tao, papalabas, waring nagmamadali na tila
siya ng takbo. Lumusot siya sa pagitan ng mga dyipni na mabagal sa pagtakbo. Sumiksik
ba sa wala pang isang oras na pagkakatigil sa simbahan ay napapaso, nakararamdam ng
siya sa kakapalan ng mga taong salu-salubong sa paglakad. At akala niya’y nawala na siya
hapdi, hindi sa katawan, kundi sa kaluluwa. Natuwa si Adong. Pinagbuti niya ang
sa loob ng sinuot niyang mumunting iskinita. Sumandal siya sa poste ng ilaw-dabitab.
paglalahad ng kanyang palad at pagtawag sa mga taong papalapit sa kanyang
Dinama niya ang tigas niyon sa pamamagitan ng kanyang likod. At sa murang isipang iyon
kinaroroonan.
ni Adong ay tumindig ang tagumpay ng isang musmos sa paghihimagsik, ng paglayo kay
“Malapit nang dumating si Bruno…” ani Aling Ebeng na walang sino mang Bruno, ng paglayo sa gutom, sa malalamig na mukha, sa nakatunghay na simbahan, na
pinatutungkulan. Manapa’y para sa lahat na maaaring makarinig kabangisang sa mula’t mula pa’y nakilala niya at kinasuklaman. At iyon ay matagal din
niyang pinakalansing.
Biglang-bigla, napawi ang katuwaan ni Adong. Nilagom ng kanyang bituka ang
nararamdamang gutom. Ang pangambang sumisigid na kilabot sa kanyang mga laman at “Adong!” Sinundan iyon ng papalapit na mga yabag.
nagpatindig sa kanyang balahibo ay waring dinaklot at itinapon sa malayo ng isang
Napahindik si Adong. Ang basag na tinig ay naghatid sa kanya ng lagim. Ibig
mahiwagang kamay. Habang nagdaraan sa kanyang harap ang tao—malamig walang
niyang tumakbo. Ibig niyang ipagpatuloy ang kanyang paglaya. Ngunit ang mga kamay ni
awa, walang pakiramdam—nakadarama siya ng kung anong bagay na apoy sa kanyang
Bruno ay parang bakal na nakahawak na sa kanyang bisig, niluluray ang munting lakas na
gutom at pangamba. Kung ilang araw na niyang nadarama iyon, at hanggang sa ngayon
nagkaroon ng kapangyarihang maghimagsik laban sa gutom, sa pangamba, at sa
ay naroroon pa’t waring umuuntag sa kanya na gumawa ng isang marahas na bagay.
kabangisan.
Ilang singkong bagol ang nalaglag sa kanyang palad, hindi inilagay kundi
“Bitawan mo ako, Bruno! Bitawan mo ako!” naisigaw na lamang ni Adong.
inilaglag, sapagkat ang mga palad na nagbigay ay nandidiring mapadikit sa marurusing na
palad na wari bang mga kamay lamang na maninipis ang malinis. Dali-daling inilagay ni Ngunit hindi na niya muling narinig ang basag na tinig. Naramdaman na lamang
Adong ang mga bagol sa kanyang bulsa. Lumikha iyon ng bahaw na tunog nang tumama niya ang malulupit na palad ni Bruno. Natulig siya. Nahilo. At pagkaraan ng ilang sandali,
sa iba pang sentimong nasa kanyang palad at sa kaabalahan niya’y hindi niya napansing hindi na niya naramdaman ang kabangisan sa kapayapaang biglang kumandong sa kanya.
kakaunti na ang taong lumalabas mula sa simbahan. Nakita na naman ni Adong ang mga
mukhang malamig, ang imbay ng mga kamay na nagpapahiwatig ng pagwawalang-
bahala, ang mga hakbang ng pagmamadaling pag-iwas.

“Adong…ayun na si Bruno,” narinig niyang wika ni Aling Ebeng.

Tinanaw ni Adong ang inginuso sa kanya ni Aling Ebeng. Si Bruno nga. Ang
malapad na katawan. Ang namumutok na mga bisig. Ang maliit na ulong pinapangit ng

STA. LUCIA ACADEMY - 09693239648 Page | 5


1 PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK 1
MODULE 1: MGA URI NG TEKSTO (TEKSTONG NARATIBO AT PROSIDYURAL) Weeks 3 and 4 (1st Quarter)

4. EBALWASYON
Naglalaman ng mga pamamaraan kung paano masusukat ang tagumpay ng
prosidyur na isinagawa.

KAHALAGAHAN NG TEKSTONG PROSIDYURAL

1. Dahil sa pagsunod ng mga hakbang, mayroon kang magagawang produkto o


awtput.
2. Nagkakaroon ng kaalamang kung paano gumawa ng isang produkto.

Ano nga ba ang tekstong Prosidyural?

Ang tekstong prosidyural ay naglalahad ng serye o mga hakbang sa pagbuo ng MGA TIYAK NA KATANGIAN NG WIKA NG ISANG TEKSTONG PROSIDYURAL
isang gawain upang matamo ang inaasahan. Nagpapaliwanag ito kung paano ginagawa
1. Nakasulat ng kasalukuyang panahunan.
ang isang bagay. Layunin nitong maipabatid ang mga wastong hakbang na dapat isagawa.
2. Nakapokus sa pangkalahatang mambabasa at hindi sa iisang tao lamang.
Hindi sapat na marunong tayong umunawa sa mga tekstong prosidyural, dapat 3. Tinutukoy ang mambabasa sa pangkalahatang pamamaraan sa pamamagitan ng
ding magkaroon tayo ng kakayahang sumulat ng isang prosidyur na mauunawaan ng paggamit ng mga panghalip
lahat. 4. Gumagamit ng mga tiyak na pandiwa para sa inroduksiyon
5. Gumagamit ng malinaw na pang-ugnay at cohesive eevices upang ipakita ang
Nakatutulong ang paglalakip ng larawang o ilustrasyon kasama ng pagpapaliwanag upang
pagkakasunod-sunod at ugnayan ng mga bahagi ng teksto.
higit na maging malinaw ang pagsasagawa ng mga hakbang.
Alam mo ba?
Dapat pakaisiping layunin ng tekstong prosidyural na maipaliwanag nang mabuti
Ang DoItYourself.com ay isa sa mga nangungunang website na
ang isang gawain upang maisagawa ito nang maayos at tumpak, kaya nararapat lamang
na maisulat ito sa paraang mauunawaan ng lahat. tumutulong sa mga nais magkumpuni at magpaganda ng sariling bahay. Ang
mga taong ito ay hindi na kumukuha ng mga ekspertong susuwelduhan.
Pinarangalan ang website na ito ng Time Magasine bilang “One of the top 50
APAT NA NILALAMAN NG TEKSTONG PROSIDYURAL Sites in the World”. Maliban sa napakarami at napakalawak na paksa at iba’t
ibang bagay na matutunan mula sa site na ito, ay maroon din itong mga
1. LAYUNIN O TARGET NA AWTPUT
forum na nagbibigay-daan upang makipag-ugnayan ang mga bumibisita sa
Nilalaman ng bahaging ito kung ano ang kalalabasan ng proyekto ng
prosidyur. Maaaring ilarawan ang mga tiyak na katangian ng isang bagay
website sa kapwa nilang nagnanais ding gamitin ang website upang matutong
kung susundin ang gabay. magkumpuni at magpaganda ng sariling bahay. Binibigyan din sila ng
2. KAGAMITAN pagkakataong humingi ng payo sa mga eksperto.
Nakapaloob dito ang mga kasangkapan at kagamitang kinakailangan upang
makompleto ang isasagawang proyekto. Ang site na ito ay sinimulan noong 1995 na naglalayong tumulong sa
3. METODO mga mamimili na makakuha ng mga impormasyon sa pagkukumpuni ng
Serye ng mga hakbang na isasagawa upang mabuo ang proyekto. bahay. Sa kasalukuyan, ang DoItYourself site ay binibisita bawat buwan ng
limang milyong tao mula sa iba’t ibang bansa.
STA. LUCIA ACADEMY - 09693239648 Page | 6
Dito, nakapupulot sila ng mga prosidyur kung paano gawin ang mga
1 PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK 1
MODULE 1: MGA URI NG TEKSTO (TEKSTONG NARATIBO AT PROSIDYURAL) Weeks 3 and 4 (1st Quarter)

4.

1.
VI. PAGSASANAY

Pangalan: _____________________________________________________________________

Pangkat at Baitang: ___________________________________________________________


1 2.

Panuto: Batay sa binasang akdang pinamagatang “Mabangis na Lungsod”, Isulat


sa unang hanay ang mga salitang mahirap ninyong maintindihan at sa ikalawang
hanay, gamit ang diksyunaryo o sa tulong ng konteksto ng pangungusap kung
saan ito ginamit ay bigyang ito ng pagpapakahulugan. 3.

SALITA KAHULUGAN

1.

4.

2.

5.

3.

6.

STA. LUCIA ACADEMY - 09693239648 Page | 7


1 PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK 1
MODULE 1: MGA URI NG TEKSTO (TEKSTONG NARATIBO AT PROSIDYURAL) Weeks 3 and 4 (1st Quarter)

Pangalan: _______________________________________________________________________

Pangkat at Baitang: _____________________________________________________________


2
Panuto: Sa kasalukuyang panahon ay maaari na tayong makipagkaibigan at makipagtalastasan sa sinuman, saanmang panig ng mundo basta’t may
koneksiyon sa Internet sa pamamagitan ng pagbubukas ng account sa mga social networking site. Paano ba ang magbukas ng account sa mga ito? Turuan
nating gumamit ng social media networking site ang mga tinaguriang technophobic at mga taong hindi pa sanay gumamit ng teknolohiya. Dagdagan ng
tamang mga salita o parirala ang sumusunod upang mabuo ang tekstong prosidyural na gagamitin nilang gabay.

1. “Ganito ang paraan upang makapagbukas ng account sa_____________________________.


(isulat ang napili mong social networking site)
2. Magpunta sa _______________________________________ site.
3. Iclick ang _________________________________.
4. I-type ang iyong ____________________________.
5. Pagkatapos ay umisip ng ________________________________at i-type sa kinauukulang kahon.
6. I-type ang araw ng iyong kapanganakan.
7. Ang sumusunod ay ang pagpili ng iyong _________________________.
8. Sa huli ay ________________________________.

Tandaan: Maaaring dagdagan ang mga bahagi hanggang matapos ninyong mailahad ang mga sumusunod na instruksiyon sa paggawa ng isang account sa
social media.

STA. LUCIA ACADEMY - 09693239648 Page | 8


1 PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK 1
MODULE 1: MGA URI NG TEKSTO (TEKSTONG NARATIBO AT PROSIDYURAL) Weeks 3 and 4 (1st Quarter)

STA. LUCIA ACADEMY - 09693239648 Page | 9

You might also like