You are on page 1of 11

ALAMAT

KASANAYANG POKUS NG
PAMPAGKATUTO: PAGKATUTO:

Nakasusulat ng sariling Kaya kong sumulat ng


alamat tungkol sa mga sariling alamat tungkol sa
bagay na maaaring mga bagay na maaaring
ihambing sa sariling ihambing sa sariling
katangian o pag-uugali katangian o pag-uugali
PAG-ARALAN NATIN!

Paano nabuo ang mga Alamat?

 Ang alamat ay isang anyo ng katutubong panitikan


na naipasa sa pamamagitan ng pagsasalaysay kung
kaya walang katiyakan na may-akda ng mga ito at
maraming tao ang nakapag-ambag sa pagkasalaysay
ng alamat dahil sa pagpasa-pasa nito.
• Samakatuwid, masasabing ang pagkakabuo ng mga
katutubong panitikan tulad ng alamat ay kolektibo,
na isa sa mga katangian ng tradisyong pasalaysay.
• Ang mga salaysay na ito ay mahabang panahong
nanatiling tradisyon lamang hanggang magsimula
ang pananalaksik at pagtatala tungkol dito ng mga
mananaliksik, iskoloar, o simpleng mayhilig sa mga
katutubong kwento.
• Dahil sa mga ginawang pag-aaral at pangangalap ay
saka pa lamang naipalimbag ang mga ito.
• Bukod sa pang-aaliw, nagsilbing paliwanag din ang
mga alamat tungkol sa pinagmulan ng ibang bagay
bagama`t piksiyonal ang mga ito.
• Maituturing itong pagtatangka na maipaliwanag ang
pinagmulan ng mga bagay-bagay, maaaring may
tunay na batayan ngunit nalamangan ng mga
bahaging piksiyonal na idinagdag ng bawat
mananalaysay nang kanilang pagkuwentuhan ang
mga salaysay na tulad ng alamat.
• Sa ganitong pagtingin, maari din tayong makabuo ng
sarili nating alamat isang salaysay na
nagpapaliwanag sa pinagmulan ng isang bagay at
angkop sa kasalukuyang Panahon.
• Maituturing itong pagtatangka na maipaliwanag ang
pinagmulan ng mga bagay-bagay, maaaring may
tunay na batayan ngunit nalamangan ng mga
bahaging piksiyonal na idinagdag ng bawat
mananalaysay nang kanilang pagkuwentuhan ang
mga salaysay na tulad ng alamat.
• Sa ganitong pagtingin, maari din tayong makabuo ng
sarili nating alamat isang salaysay na
nagpapaliwanag sa pinagmulan ng isang bagay at
angkop sa kasalukuyang Panahon.
Gabay sa pagsulat ng
Alamat
1. Pumili ng paksang patutungkulan ng isusulat na
alamat
2. Kumalap ng impormasyong tungkol sa napiling
paksa. Maaaring magsagawa ng pananaliksik,
panayam, o pagtatanong-tanong ukol dito.
3. Siguruhing ito ay tungkol sa pinagmulan ng isang
pook, hayop, o bagay.
4. Bumuo ng balangkas ng kuwento. Tukuyin ang mga
gagamiting elemento: tauhan, tagpuan, at banghay.
Pag-isipan kung paano mailalangkap ang mga
nasaliksik na katangian ng paksa
Tauhan
Bagama`t hindi gaanong detalyado ang karakterisasyon
ng tauhan ng alamat, maaari itong bigyan ng kakaibang
katangian na magbibigay ng kakaibang “bali” sa
kuwento ng alamat

Tagpuan
Gumamit ng mga pang-abay na pamanahon at
panlunan. Siguruhing angkop sa pipiliing tagpuan ang
pagkilos ng mga tauhan o ang mga pangyayari nito.
Banghay
Siguruhing nagtataglay ito ng simula, gitna, at wakas.

5. Ipabasa sa isang kaklase, magulang at guro na


maaaring magbigay ng puna at mungkahi tungkol sa
mga detalye,pangyayari, at tauhan na nakasaad sa
alamat.

6. Rebisahin ang alamat kung kinakailangan, mataos


marinig ang komento ng mga mambabasa.

You might also like