You are on page 1of 4

III-Compassion

Taon at Antas
May dalawang paraan ng pagsulat ng isang panunuri. Ang una ay sa payak
na pagbubuod ng mga pangyayari sa akda at ang pangalawa ay sa paraang
pahalagang pagbubuod. Malaki ang magagawa ng istilo ng pagsulat sa isang
manunuri mapalutang ang layunin sa pagsulat ng akda. Ito ay kailangang
kumilala sa taglay na ipinaliliwanag ng isang panunuring pampanitikan kung
bakit dapat basahin ang isang akda kung anu-ano ang mga salik o
elementong nakapaloob sa isang suring basa.

1. PAGKILALA SA MAY AKDA – Ito ay hindi nangangahulugan ng


pagsusuri sa pagkatao ng may akda kundi sa mga bagay na nag-uudyok sa
kanya upang likhain ang isang akda.                          Isang Pilipinong nag
"translate" ng kuwentong ito ay ang kasalukuyang may akda nito.                                  

2. URI NG PANITIKAN - Pagtukoy sa mga anyo ng panitikang sinulat sa


himig o damdaming taglay nito.                               Maikling Kuwento-
Isang uri ng panitikang naaaring basahin sa isang upuan lamang hindi tulad
ng isang nobela.                    

3. LAYUNIN NG AKDA – Pagsusuri sa kahalagahan ng akda kung bakit


sinulat. Layunin ba nitong magpakilos o manghikayat, magprotesta at iba
pa.                         Nilalayon ng may akdang bigyang aral at aliw ang mga
mambabasang makababasa ng kanyang maikling kuwento.                                            

4. TEMA O PAKSA NG AKDA - Ito ba ay makabuluhan, napapanahon,


makatotohanan at mag-aangat o tutugon sa sensirilidad ng mambabasa?                       
Naging makabuluhan ang maikling kuwento na ito dahil pinapahalagahan
nito at sinasariwa ang pananampalataya ng mga hapon sa kanilang mga
diyos at diyosa. Nag karoon tayo ng pag kakataong silipin kung gaano ka
relihiyoso ang mga hapones                                                                                        

5. MGA TAUHAN/KARAKTER SA AKDA – Ang karakter ba’y anyo ng mga


taong likha ng lipunang ginagalawan, mga taong di pa nililikha sa panahong
kinabibilangan o mga taong nilikha, nagwasak, nabuhay o namatay.
                    Relehiyosong Lalaki- ang pangunahing tauhan sa
kwento kung saan nakaranas siya na hindi makita ng sinuman                              
                            Kanon Sama- Diyosa ng awa sa Bansang Japan, Siya ang
nagbigay ng mga pagsubok sa pangunahing tauhan                                                      
                            Oni- Naging dahilan ng kung bakit hindi makita ang lalaki
ng sinuman dahil sa kanlang mga Lura        
                            Budhistang Pari- Nag bigay ng kautusan sa lalaki na
umalis sa dambana at makikita na siya ng ibang tao.                                                    
                             Pastol- Nag bigay daan upang tumawag ang senyora at
senyor ng budhistang pari na naging sanhi ng pag ka kita ng ibang tao sa
lalaki                                                                           

6. TAGPUAN/PANAHON – Binibigyang pansin sa panunuring pampanitikan


ang kasaysayan, kapaligiran at panahong saklaw ng isang akda bilang mga
saksi ng kalagayan o katayuan ng isang indibidwal ng kanyang kaugnayan
sa kapwa at lipunan.
                      Naganap ang istorya noong unang panahon, nang yari ito sa
Kyoto      ( isang siyudad sa Bansang Hapon) at naging pabago-bago ang
naging oras sa            kuwento.                                                                                  

7. NILALAMAN/BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI – Isa bang gasgas


na pangyayari ang inilahad sa akda? May kakaiba ba sa nilalamang taglay.
Dati o luma na ba ang mga pangyayaring. May bagong bihis, anyo, anggulo
o pananaw? Paano binuo ang balangkas ng akda? May kaisahan ba ang
pagkakalapit ng mga pangyayari mula simula hanggang wakas? May
natutunan ka ba sa nilalaman ng akda?
                       1.) May isang relihiyosong lalaki na dumalaw sa kanyang
kaibigan at dumulog sa dambana ni Kanon sama                                                          
                       2.) Sa kanyang pag uwi naka sa lubong siya ng mga oni,
dahil sa hindi daw siya masarap kainin pinag duduraan siya nito at naging
sanhi nito ay hindi na siya makita ng ibang tao.                                                            
                        3.) Dahil dito sumamba siya sa diyos ng awa na si Kanon
Sama at hiniling na muli siyang makita ng ibang tao, Dahil sa kapaguran
nakatulog siya at kina usap siya ng isang budhistang pari sa kanyang
panaginip at inutusan siyang umalis sa templo upang makita ng ibang tao.                    
                       4.) Sa kanyang pag labas nakakita siya ng isang pastol na
nag dala sa kanya sa isang maliit na kuwarto kung saan naandoon ang may
sakit na prinsesa, winika ng pastol sa lalaki na pukpukin ang ulo nito ng
isang kahoy na martilyo. Namimilipit ang prinsesa sa bawat undayog ng
martilyo                                            

                        5.) Naging dahilan ito upang mag patawag ng budhistang


pari ang mga magulang nito. Sa pag dating nito nag bangit ito ng
budhistang dasal at mga kanta, naging sanhi ito upang makita ang lalaki sa
nag liliyab nitong kimono, masayang bumalik ang lalaki sa kanyang pamilya.
                                                             
8. MGA KAISIPAN/IDEYANG TAGLAY NG AKDA – Ang isang akdang
pampanitikan ay nagtataglay at nagpapaoliwanag sa mga kaisipang umiiral,
tinatanggap at pinatutunayan ng mga tiyak na sitwasyon o karanasan.
Maaari ding ang mga kaisipang ito ay salungatin, pabulaanan, magbago o
palitan. Ito ba ay mga makatotohang unibersag l, likas sa tao at lipunan,
mga batas sa kaikasan, sistema ng mga ideya o paniniwalang kumokontrol
sa buhay? Mahalagang masuri sa akda ang nga kaisipang ginamit na
batayan sa paglalahad ng mga pangyayari.
                           Marahil relihiyosong likas ang may akda ng kuwentong ito
dahil pinanahahalagahan niya ang mga diyos at diyosa ng kanilang bansa at
gumawa siya ng paraan upang maipakita kung gaano             kahalaga ang
kanilang mga sinasamba sa pamamagitan ng pag gawa ng kuwento.                              

 9. ISTILO NG PAGKAKASULAT NG AKDA – Epektibo ba ang paraan ng


pagkakagamit ng mga salita? Angkop ba ang antas ng pang-unawa ng mga
mambabasa sa pagkakabuo ng akda? May bayas ba kaya ang istilo nng
pagkakasulat sa nilalaman ng akda? Masining ba ang pagkakagawa ng akda?
Ito ba’y may kahalagahang tutugon sa panlasa ng mambabasa at sa
katangian ng isang mahusay na akda?
                           Naging mabisa ang kanyang mga salita at kataga,
masining ang pag kakagawa niya ng kuwento dahil sa mga pangyayaring
naganap na hindi inaasahan ng mga mambabasa. Mahusay ang may akda
dahil naging malinaw ang gusto niyang ipahiwatig sa mga mambabasa.                          

10. BUOD – Hindi kailangang ibuod nang mahaba ang istorya ng akda. Ang
pagbanggit sa mahalagang detalye ang bigyang tuon.
                             Minsan sa bayan ng Kyoto mayroong isang relihiyosong
lalaki na dumalaw sa dambana ni Kanon sama, Sa kanyang pag uwi nakasa
lubong siya ng mga oni at sa pag aakalang kakainin siya nito kinabahan
siyang lubos, Ngunit sabi ng mga Oni ay hindi siya masarap kaya't pinag
duduraan siya nito. Nag bunga ito sa hindi pagkakakita sa kanya ng ibang
tao. Dahil dito dumulog siyang muli kay Kanon sama, dahil sa kanyang
pagod naka iglip siyang saglit at sa kanyang panaginip may isang
budhistang nag wikang umalis na siya sa templo at muli siyang makikita ng
ibang tao. Sa kanyang pag labas, nakatagpo siya ng isang pastol na nag
dala sa kanya sa mistula isang maliit na kuwarto. Sa loob nito ay may isang
Prinsesang mayroong sakit. Winika ng Pastol na pukpukin ng lalaki ang
prinsesa ng martilyong kahoy na nag bigay daan upang tawagin ng mga
magulang nito ang isang budhistang pari. Sa pag dating pari nag wika ito ng
mga budhistang kanta at dasal sa hindi inaasahang pangyayari, lumitaw ang
lalaki sa nag liliyab nitong kimono at muli siyang nakita ng ibang tao. Umuwi
siyang maligaya sa kanyang pamilya                                             

Ang pagsulat ng isang panunnuri ay nangangailangan ng sapat na kaalaman,


kahandaan at kakayanan sa panig ng panunuri. Kailangang makita ang
pagiging maingat at lubos na pagkaunawa sa akdang sinusuri. Ang pagiging
obhitibo sa panunuri ay kailangang isaalang-alang. 

You might also like