You are on page 1of 9

BAITANG 7 | YUNIT 7 Click Home icon to go back to

Table of Contents

Alamat ng Capiz
I
sang mahalagang bahagi ng kulturang Pilipino ang mga alamat. Ang alamat ay nagsasalaysay
kung paano nagsimula ang isang bagay. Karaniwang paksa ng mga
alamat ay ang ating katutubong kultura, mga kaugalian, at kapaligiran.

Ang alamat ay bahagi ng karunungang-bayan na nasa anyong pasalita ang paraan


ng pagsasalaysay at nagsimula noong panahon ng mga katutubo. Layunin ng alamat na
ipaliwanag ang pinagmulan ng mga bagay, lugar, at pangyayari. Ang impormasyon
makukuha mula sa alamat ay kathang-isip lamang at walang pinagbatayang pag-aaral.

Sa yunit na ito ay pagtutuunan


natin ang pag-aaral ang isang
alamat mula sa Visayas,
partikular na sa bayan ng Capiz.
Malalaman din natin kung paano
magagamit ang mga aral na
ibinabahagi ng isang alamat sa
ating pang-araw-araw na buhay.
Alamin natin kung mas madali
kayang matukoy ang diwa ng
isang pahayag sa pamamagitan
ng pag-uulit ng salita. Subukin
nating gamitin sa pangungusap
ang mga pahayag sa
paghahambing batay sa mga
pangyayaring ating babasahin
sa alamat. Paganahin natin ang
ating imahinasyon dahil susulat
tayo ng isang alamat sa anyong
komiks. Tara!

Copyright © 2018 Quipper Limited

1
Basahin Natin!

Alamat ng Capiz
(Isang Paghahalaw)

oong panahong napadpad ang mga Kastila sa Pilipinas, dumaong ang kanilang Nmga
barko sa pulo ng Panay. Isa sa mga namumuno ng mga iyon ay ang mabait
na Heneral Alejandro de la Cuesta. Dumaong sila sa baybaying-dagat ng Panay at
buhat doon ay nagsimulang maglakbay sa pulo hanggang sa makarating sa isang
pook kung saan naninirahan ang mga katutubo.

Sa paglilibot ng mga sundalong pinangunahan ng mabait na Heneral, nakatanaw sila ng


isang babaeng naglalaba sa batis. Lumapit sila sa babae upang itanong kung ano ang
ngalan ng pook na kanilang kinaroroonan. Ang babaeng iyon ay may kasamang kambal na
anak na lalaking kasalukuyang naliligo sa malinaw na batis. Agad na pinuntahan ng babae
ang kaniyang mga anak nang makitang papalapit ang mga kawal sa kanila.

Dahil noon lamang nakakita ng kawal na Kastila ang babae, natakot siya at
nagtangkang tumakbo. Ngunit nakakailang hakbang pa lamang siya palayo ay
marahang lumapit ang Kastilang heneral sa kaniya at nagtanong,

Copyright © 2018 Quipper Limited

2
“Como se llama esta provincial?” na ang ibig sabihin ay, “Ano ang pangalan ng lalawigang
ito?”

Hindi naunawaan ng babae ang tanong ng pinunong Kastila. Pero nang mapansin ng babae
na nakatinging mabuti ang heneral sa dalawa niyang anak na nakakapit sa kaniyang hita,
inakala ng natatakot na babae na ang itinatanong sa kaniya ay kung bakit magkamukhang-
magkamukha ang dalawa niyang anak. Tumugon siya sa wikang Bisaya,

“Capid…capid…” na ang ibig sabihin ay kambal.

Yumukod ang pinunong Kastila bilang tanda ng pasasalamat bago nagpaalam sa pag-
aakalang ang isinagot nitong “Capid” ay siyang tamang sagot sa kanilang tanong.

Agad na itinala ni Hen. de la Cuesta ang salitang ”Capid” at nagpatuloy sila sa paglalakbay sa
buong lalawigan. Ngunit nang mag-usap-usap na sila tungkol sa pangalan ng lalawigan ay
nahirapan silang bigkasin ang pangalan nito. Hindi angkop sa kanilang dila ang salitang may titik
‘d.’ Dahil doon, binago ng Heneral ang titik ‘d’ at ginawang titik ‘s.’

Buhat noon, ang lalawigang iyon na sakop ng isla ng Panay sa Kabisayaan ay kinilalang
Capis imbis na Capid ng mga Kastila. Iyon ang naging bunga ng hindi pagkakaunawaan ng
natatakot na ina at ng isang heneral na Kastila.

Pag-aralan Natin
Hanggang sa kasalukuyan, marami pa ring lumalabas na mga
bersiyon ng mga alamat at mga kuwento tungkol sa kasaysayan
ng mga lugar sa Kabisayaan. Ang iba sa mga alamat na ito ay
mahihinuhang nakabatay o ibinatay sa katutubong kasaysayan.

Kaligirang Pangkasaysayan
Ang kaligirang pangkasaysayan ng isang akda ay tumutukoy
sa historikal na konteksto nito. Ibig sabihin ay ang mga detalye sa
isang takdang panahon nang maganap ang isang pangyayari.
Sinasaklaw nito ang panlipunang, panrelihiyon, at pulitikal na
kondisyong umiral sa isang lugar at panahon. Ito ang mga salik na
nakaapekto sa isang pangyayari sa kasaysayan.

Sa mga akdang pampanitikan, nakatutulong na mas maunawaan


at mapahalagahan ang isang akda matapos malaman ang mga
pangyayari o salik sa lipunan na nakaapekto sa pagkakalikha o
pagbuo ng isang akda. Maaari itong tumukoy sa historikal na
kalagayan o kinalalagyan ng manunulat habang isinusulat ang

3
akda na maaaring masalamin nito. Para naman sa mga akdang
walang tiyak na may-akda tulad ng alamat, maaari itong tumukoy sa panahon o bahagi ng
kasaysayang kinapapalooban ng alamat.

Paano Malalaman ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Akda?

A. Pananaliksik
Ang tiyak na paraan para malaman ang kaligirang pangkasaysayan ng isang akda ay sa
pamamagitan ng pananaliksik. Pangunahing dapat malaman ay ang mga historikal na
kalagayan o kinalalagyan ng manunulat habang binubuo ang akda. Ang mga
impormasyong kailangang malaman ay ang sumusunod:

  Petsa kung kailan sinimulang buuin ang akda o kung kailan ito napalimbag
 Talambuhay ng may-akda upang matukoy kung sa aing bahagi ng buhay nito
 ginawa o binuo ang akda
 Ano ang nagaganap noon sa lipunang kinabibilangan ng may-akda habang
 isinusulat o binubuo niya ang akda?
 Paano nakaapekto ang mga pangyayari sa lipunan sa mga ideya at paniniwala
 ng may-akda na nakaimpluwensiya sa pagsulat niya ng akda?
  Ano-ano ang pangyayari noon nang ilabas o ilathala ang akda?
 Ano ang naging epekto ng akda sa mga mambabasa nito nang illabas o ilathala
ito?

Malaking tulong bilang sanggunian sa mga ito ang mga aklat na tumatalakay sa buhay
at mga akdang isinulat ng manunulat o may-akda. Madalas na ang mga introduksiyon
ng mga aklat na pinaghanguan ng akda ay may sulatin tungkol sa manunulat o sa akda.
Sumangguni sa mga aklat sa kasaysayan para sa pananaliksik tungkol sa kasaysayan o
mga pangyayaring nakapaligid sa buhay ng may-akda o nakaapekto sa pagkakabuo ng
akda.

B. Paghihinuha
Ang paghihinuha ay ang pagbibigay ng prediksiyon sa mga maaaring mangyari at/o
pinaghanguan ng mga pangyayari gamit ang mga impormasyon, at palatandaan mula
sa mga pangyayari sa akda. Para naman sa mga akdang walang tiyak na may-akda
tulad ng alamat, maaari itong tumukoy sa panahon o bahagi ng kasaysayang
kinapapalooban ng alamat. Maaari itong matukoy sa pamamagitan ng paghihinuha.
Samakatuwid, upang makapagbigay ng hinuha ukol sa kaligirang kasaysayan o
maaaring pinagmulan ng alamat ay tinutukoy natin ang mga tagpo sa alamat na
maaaring makatulong sa ating makabuo ng konklusyon ng pinagmulan nito.

Batay sa tagpuan, ang panahon at lugar, na pinagyarihan ng alamat, tukuyin ang mga
detalyeng maaaring makapagturo sa kaligirang pangkasaysayan nito at bumuo ng
hinuha batay sa mga ito.

4
Aralin 3
Mga Pahayag sa Paghahambing

Pag-aralan Natin!
Paghahambing
Ang paghahambing ay isang paraan ng pagsusuri upang makita ang pagkakatulad o
pagkakaiba ng dalawa o higit pang bagay. Mula sa pagkabata ay ginagamit na natin ang
kasanayan sa paghahambing para matukoy ang isang bagay mula sa iba pa. Hanggang sa
pang-araw-araw na pamumuhay ay ginagamit natin ang kasanayang ito sa pagdedesisyon o
pagpili ng isang bagay o gawain kaysa isa o iba pa. Tinitingnan natin ang ang pagkakapare-
pareho o pagkakaiba-iba ng mga bagay at saka pumipili o kumikilos nang naaayon.

Kapag naghahambing, tinitingnan natin ang mga katangian ng mga bagay na sinusuri.
Bumubuo tayo ng paglalarawan sa ating isip at saka sinusuri ang magkakatulad at
magkakaiba.

Ang Venn diagram ang ginagamit para katawanin sa anyong biswal ang paghahambing. Sa
magkapatong na bahagi ng dalawang bilog inilalagay ang mga katangiang magkatulad
habang sa dalawang natitirang bahagi inilalagay ang mga katangiang magkahiwalay na
tiantaglay ng dalawang bagay na inihahambing. Ito ang kumakatawan sa pagkakaiba.

Bagay A Bagay B

Mga
Mga katangiang katangiang Mga katangiang
parehong
natatangi sa natatangi sa
taglay ng
bagay A bagay A at bagay B
B

Kung nais ipahayag ang mga natukoy na pagkakatulad at pagkakaiba ng mga bagay na
pinaghahambing, gumagamit ng mga pahayag na naghuhudyat nito at maging ng antas ng
pagkakaiba nito. Napapangkat ang mga pahayag ayon sa dalawang uri ng paghahambing:

5
Paghahambing na Magkatulad
Ang paghahambing na magkatulad ay naghahambing ng mga bagay na may parehong
antas ng katangiang pinaghahambing.

Upang ipahayag ang paghahambing na ito, gumagamit ng mga unlaping magka-, magkasing-, magsing- , kasing,
at sing-, at mga salitang tulad ng pareho, tulad, gaya ng, kamukha ng, at kapareho ng.

Halimbawa:
 Ang panahon kung kailan nangyari ang alamat at ang katutubong kasaysayan ng
 Capiz ay parehong nangyari noong panahon ng Kastila.
  Magkasingrikit ang kababaihan taga-baryo at taga-bayan.
  Parehong malakas at maaasahan sa mga gawain sa bukid ang kalabaw at baka.
 Ang malugod na pagtanggap ng mga katutubo sa kay Heneral de la Cuesta ay tulad
ng kanilang mainit na pagtanggap sa isang dating kaibigang nagbabalik upang
bumisita.

Paghahambing na Di-Magkatulad
Ang paghahambing na di-magkatulad ay naghahambing ng dalawa o higit pang bagay
na may magkaibang antas ng katangiang pinaghahambing. May dalawang uri ito, ang
palamang at pasahol.

6
Paghahambing na Di-Magkatulad

Palamang Pasahol

Ginagamit kapag Ipinahahayag sa Ginagamit kapag


inilalarawan ang isang pamamagitan ng inilalarawan ang isang Ipinahahayag sa
bagay na nagtataglay paggamit ng mga bagay na nagtataglay pamamagitan ng mga
ng higit na antas ng salitang lalo, higit, di- ng mas mababang salitang di-gaano, di-
katangiang hamak, mas, at iba pa antas ng katangiang gasino, at di-masyado.
pinaghahambing. sa pang-uri pinaghahambing.

Halimbawa:
a. Palamang
 Mas kapani-paniwala ang katutubong kasaysayan na mayroong pinagbatayan
 kaysa sa alamat na isang piksiyon o kathang-isip lamang.
 Lalong dumami ang mga dayuhang dumating sa baybayin ng Panay kaysa
 noong unang dating nina Heneral Alejandro de la Cuesta.
 Nanibago ang mga katutubo sa mga dayuhan na higit na matatangkad at
 mapuputi kaysa kanilang mga kapuwa sa komunidad.
 Di-hamak na mas payapa ang buhay ng mga katutubo sa Panay noong hindi pa
dumarating ang mga dayuhang mananakop na nagpanggap bilang kanilang
kaibigan.

b. Pasahol
 Ang mga bata ay di-gaanong natakot sa mga Kastila kumpara sa kanilang nanay
dahil hindi pa nila batid ang panganib na maaring idulot ng mga taong hindi
 kakilala.
 Hindi na masyadong nakikipag-usap ang kababaihan sa mga dayuhang Kastila
kaysa noong simula nang bumalik sila nang mas marami ang dalang armas.

Pag-isipan Natin
A. Bilugan ang pahayag sa paghahambing na angkop gamitin sa sumusunod
na pangungusap.

7
1. (Di-gaanong, Di-hamak na) matibay ang binili ni Tom na tsinelas sa mall
kumpara sa tsinelas na gawa ng sapaterong si Mang Jun, dahil napigtal
agad ito.
2. Dahil natutuhan na ni Julia ang resipi ng kaniyang ina, (mas masarap,
kasingsarap) na ng pagluluto ni Julia ang luto nito.
3. (Parehong malakas, Lalong malakas) ang kuya ni Ara na nagtatrabaho
bilang kargador kaysa kuya ni Jek na hindi sanay magbuhat.
4. (Magkasingtangkad, Di-masyadong matangkad) na ang tatay at anak nitong
lalaki na binata na at galing ibang bansa.
5. Si Lea ang nagwagi sa paunahang tumakbo nila ni Ayra dahil (higit
na, parehong) mabilis ang pagtakbo niya.

B. Pag-aralan ang sumusunod na pahayag na nagsasaad ng paghahambing.


Tukuyin kung ano ang mga bagay na pinaghahambing, ang katangiang sinusuri,
at ang uri ng paghahambing na ginamit. Sagutin ang talahanayan.

1. Mas malayo sa amin ang Laguna kaysa Bulacan kaya doon na lang
kami naghanap ng resort na paliliguan.
Mga bagay na pinaghahambing
Katangiang sinusuri
Uri ng paghahambing

2. Magkatulad lang pala ang kuwento ng dalawang palabas sa magkalabang


estasyon. Pareho lang ito ng kuwento tungkol sa mahirap na babaeng
umibig sa lalaking mayaman.
Mga bagay na pinaghahambing
Katangiang sinusuri
Uri ng paghahambing

8
3. Hindi ako natakot subuking akyatin ang Bulkang Pinatubo dahil hindi
naman ito masyadong mataas na gaya ng Bundok Pulag sa Baguio.
Mga bagay na pinaghahambing
Katangiang sinusuri
Uri ng paghahambing

You might also like