You are on page 1of 8

PAMANTASAN NG FATHER SATURNINO URIOS

PROGRAMA NG SINING AT AGHAM


SANGAY NG PANGKATAUHAN
LUNGSOD NG BUTUAN

MGA ARALIN SA BALARILA SA WIKANG FILIPINO

BAHAGI NG PANALITA

I. MGA SALITANG PANGNILALAMAN

Sa panlahat na katuturan, ang salitang nominal ay nangangahulugang pangalan o anumang


salitang nauukol sa pangngalan. Sa balarilang ito, ang tinutukoy na mga nominal ay ang mga pangngalan
at ang mga panghalip. Angkop na tawaging nominal ang dalawang ito sapagkat kapwa tumutukoy sa ngalan
ng tao, hayop, bagay, pook, pangyayari, atbp.

A. MGA PANGNGALAN

- Isang pasalitang simbolong ang tinutukoy ay tao, hayop, bagay, pook, pangyayari, atbp.
- Ang pangngalan ay ngalan ng tao, hayop, bagay, pook, pangyayari, atbp.

Ang unang katuturan ay gumagamit ng katawagang pansemantika, pasalitang simbolo; ang ikalawa ay ang
karaniwang katuturang ibinibigay ng balarilang tradisyunal.

Halimbawa:
a. Mga Pangngalang Ngalan ng Tao
Manolo ama guro
Bong anak manananggol

b. Mga Pangngalang Ngalan ng Hayop


Tagpi aso tandang
Muning pusa katyaw

c. Mga Pangngalang Ngalan ng Bagay


Mongol lapis pagkain
Bagong balarilang Filipino aklat laruan

d. Mga Pangngalang Ngalan ng Pook


Pilipinas lungsod kaparangan
Bundok ng Apo bundok kamaynilaan

e. Mga Pangngalang Ngalan ng Katangian


Bait kabaitan pagkamabait
Tapang katapangan pagkamatapang

f. Mga Pangngalang Ngalan ng Pangyayari


Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Unang Pambansang Seminar sa Bilinggwaslismo
Kasalan pulong
Pag-aaway suntukan
B. MGA PANGHALIP

Sa dating balarila, ganito ang katuturan ng panghalip: “Ang panghalip ay salita o katagang panghalili
sa pangngalan.”

Halimbawa:
MGA PANGHALIP NA PANAO

Panauhan/Kailanan Anyong ang Anyong ng Anyong sa


(palagyo) (paukol) (paari)

Isahan
Una ako ko akin
Ikalawa ikaw, ka mo iyon
Ikatlo siya niya kanya

Dalawahan
Una *(kata) *(nita) *(kanita)
kita, tayo natin atin
Ikalawa kayo ninyo inyo
Ikatlo sila nila kanila

Maramihan
Una kami namin anim
Ikalawa kayo ninyo inyo
Ikatlo sila nila kanila

Ipinakikita sa tsart ang mga panghalip na panao sa iba’t ibang anyo, sa iba’t ibang panauhan at sa iba’t
ibang kailanan.

Mga Panghalip na Pamatlig

- Ang tawag sa mga panghalip na humahalili sa ngalan ng tao, bagay, atb. Na itinuturo o
inihihimaton. Halimbawa, sa pangungusap na :

“Giya ng mga tursita ang kapatid nito.”

Ang nito ay may hinahalinhang pangalan at gayundin, nagpapahiwatig na ang tinutukoy ay


itinuturo ng nagsasalita. Nariyan sa ibaba ang iba pang halimbawa ng panghalip na pamatlig.

MGA PANGHALIP NA PAMATLIG


I. Pronominal
A. Anyong ang (Paturol)
1. *ire (ibang anyo: yari)
2. ito
3. iyan (ibang anyo: yaan)
4. iyon (ibang anyo: yaon)

B. Anyong ng (paari)
1. *nire (ibang anyo: niyari)
2. nito
3. niyan
4. noon (ibang anyo: niyon, niyaon)

C. Angyong sa (paukol)
1. *dine
2. dito
3. diyan
4. doon

II. Panawag-pansin o Pahimaton


1. *(h) ere
2. (h) eto
3. (h) ayan
4. (h) ayun

III. Patulad
1. *ganire
2. ganito
3. ganyan
4. ganoon (ibang anyo: gayon)

IV. Panlunan
1. *narini (ibang anyo: nandini)
2. narito (ibang anyo: nandito)
3. nariyan (ibang anyo: nandiyan)
4. naroon (ibang anyo: nandoon)

C. MGA PANG-URI

Pang-uri ang mga salitang-ugat na nagpapahayag ng katangian o mga salitang


naglalarawan. Maaari itong salitang-ugat at panlaping makauri at salitang-ugat.

1. Mga salitang-ugat
Banal pula bago
Dakila puti luma

2. May panlaping pang-uri


Maganda masintahin palangiti

Ilang panlaping makauri

a. -an – nangangahulugan ng labis ang laki o higit na dami sa karaniwan.


Halimbawa: pangahan, bibigan, uluhan
b. ka- - nangangahulugan ng kaisa. Halimbawa: kakulay, kalahi, katulad

c. kay – nangangahulugan ng paghanga. Halimbawa: kaybuti, kay-inam, kaylayo

d. ma – nangangahulugan ng pagtataglay ng katangiang sinasabi ng salitang-ugat at


pagkarami. Ito ang karaniwang panlapi ng pang-uri. Halimbawa: malusog,
matalino, madamo

e. maka – nangangahulugan ng mahilig, kampi o tagapagmalasakit. Halimbawa:


Makabayan, makatao, makaluma

f. mala – nangangahulugan ng tila, para o halos. Halimbawa: malausog, malakanin,


malasebo

g. mapag – nangangahulugan ng may ugaling taglay ng salitang-ugat. Halimbawa:


mapagbasa, mapagbiro, mapaglaro

h. mapang- / mapam- / mapan – nangangahulugan din ng may ugaling taglay ng


salitang-ugat.

i. pala – nangangahulugan din ito na may ugaling taglay ng salitang-ugat ng


mapang- .Halimbawa: palabasa, palabiro, palasigaw

j. -in – nangangahulugan ng may hugis o uri ng bagay na sinasabi ng salitang-ugat


at kapag may gitlapi ng pagkamahilig o palagian kapag hulapi. Halimbawa:
sinampalok, binalimbing, antukin

D. MGA PANDIWA

Binubuo ng salitang-ugat at panlaping makadiwa ang pandiwang nagsasaad ng kilos.

Salitang-ugat Panlapi + salitang-ugat

basa um- + awit = umawit


lakad mag- + puti = magputi
takbo mang- + isda = mangisda

Ilang Panlaping Makadiwa

1. [ um- ] - karaniwang panlapi ng pandiwa ang um, nangangahulugan ito ng likas na pagkaganap o
sadyang pangyayari. Halimbawa:

umulan lumindol umaraw

2. [ mag- ] – nagsasaad ng pagganap ng isang hanapbuhay, pagganap sa sarili, pagganap ng madalas,


pagbungkal o likas na pagganap. Halimbawa:

magtinda mag-ahit mag-usbong

3. [ ma- ] – nagsasaad ng pagkakaroon ng bagay na sinasabi ng salitang-ugat, pagganap ng sariling


hilig. Halimbawa: magalit, malungkot, maligo
4. [ ma- ] – nagsasaad ng di-sinasadyang pagganap. Halimbawa: mapikit, malason, madapa

5. [ mang- ] – nagsasaad ng paghahanap-buhay, nagsasaad ng damdamin ng katawan.

6. [ maka- ] – nagsasaad ng paghahanap-buhay, kakayahang maikilos ang katawan. Halimbawa:


makabuti, makagaling, makahiga

7. [ naki- ] – nagsasaad ng pangunguutang ng loob, pagsuyo. Halimbawa: makisakay, makiinom,


makabili

8. [ in- ] – nagsasaad ng pagiging simuno. Halimbawa: tuwirang layon tulad ng suklayin, sulatin,
lutuin, sakahin

9. [ i- ] – nagsasaad ng pagiging simuno ng di-tuwirang layon. Halimbawa: itahi, ibili, igawa

10. [ -an ] – nagsasaad ng pagiging simuno ng lokatib o lugar. Halimbawa: higaan, bakuran, bilihan

E. MGA PANG-ABAY

Kabilang sa mga panuring ang tinatawag na pang-abay. Nahahati sa apat na mahahalagang uti ang
mga pang-abay: pamanahon, panlunan, pamaraan, panggaano.

1. Ang Pamanahon
Nagsasaad ng panahon ng uring ito, may salita at may mga kataga lamang na nagsasaad ng
panahon. Sumasagot ito sa tanong na kalian.

Kataga
na – nangangahulugan ng tapos na
pa – nangangahulugan ng ginaganap o gaganapin pa noon

Salita
bukas lingo hapon
ngayon umaga gabi

Panlapi + salitang-ugat
ka + gabi = kagabi
ka + hapon = kahapon

Inuulit
gabi-gabi
araw-araw
linggu-linggo

2. Ang Panlunan
Nagsasaad ng pook o lunang kinaroroonan o pinaggagampanan ng kilos. Sumasagot ito sa
tanong na saan o nasaan. Nagkakaroon lamang ng kahulugan ang mga kataga kapag kasama ng ibang
salita tulag ng sa o nasa ( sa ibabaw ng mesa, sa ilalim ng silya, sa harap ng bahay, sa likod ng garahe).

Halimbawa:
Saan ka pupunta? Sa Baguio.
Saan ka ipinanganak? Sa Maynila.

3. Ang Pamaraan
Nagsasaad kung paano ginaganap ang kilos at sumasagot sa tanong na paano. Panlapi +
salitang-ugat na ang anyo’y pang-uri kaya lamang tinatawag na pang-abay sapagkat ang binibigay-
turing ay mga pandiwa o pang-uri, tulad ng mahusay siya 9pang-uri dahil tinuturing ang siya)
mahusay lumangoy (pang-abay dahil tinuturing ang langoy).
Ginagamitan din ito ng katagang nang na nangangahulugan ng pamamaraan ng
pagkaganap ng kilos. Halimbawa: Nakatulog siya nang padapa, maaari rin itong sabihing padapa
siyang nakatulog.
Samaktuwid, ang pa- kakabit ng salitang-ugat ay makapagpapahayag din ng pang-abay.
Isa pang halimbawa ang patalikod siyang lumapit.

4. ANG PANGGAANO
Nangangahulugan ito ng kalidad ng ipinahahayag ng kilos, sumasagot ito sa katanungang
gaano. Bagama’t masasabi ring ang malamang ipakahulugan dito’y ang pagiging pang-uri.
Halimbawa ang katamtaman lamang iyan (pang-uri ito dahil tumuturing sa iyan), kapag sinabing
katamtamang kumain ang taong iyan. (Pang-abay na ito dahil kumain na ang tinuturingan.)
Sa masusing pag-aaral ang mga pamaraan at panggaano’y may istruktural ng pang-uri kaya
hindi magkaiba ang istruktura, lamang ay naiiba ang tinuturingan.
II. MGA SALITANG PANGKAYARIAN

Nahahati sa dalawang bahagi ang mga pangkayariang bahagi ng pananalita: ang mga pang-ugnay
at ang mga pananda. Ang mga pananda’y tinatalaky na sa unang bahagi kaugnay ng mga pangalan at
panghalip. Ang hindi na lamang natatalakay ay ang tinatawag na pananda ng predikeyt na walang iba kundi
ang ay na tatalakayin sa dakong huli ng bahaging ito.

A. ANG MGA PANG-UGNAY


Nahahati sa pang-angkop o linker, pangatnig at pang-ukol ang mga pang-ugnay. Mahalaga sa
pagbubuo ng mga pangungusap ang mga ito sapagkat ito ang nag-uugnay-ugnay sa mga nilalamang
ipinahahayag sa unahan. Higit na nagging malinaw at maluwag ang pagbigkas ng mga pangungusap kapag
may mga pang-ugnay.

1. Ang Pangatnig
Pangatnig ang mga katagang nag-uugnay sa mga salita, parirala o sugnay. Maaaring panimbang o
pantulong ang mga pangatnig.
Ang Panimbanng – nag-uugnay ng magkatimbang na mga salita, parirala o sugnay. Binubuo ito ng
at, pati, ngunit, datapwat, subakit, o, ni man, maging.
Halimbawa:
Ang arkitekto at ang inhinyero.
Ang prusisyon pati ang parada.

2. Ang mga Pang-ukol/Preposisyon


Ang mga tinatawag na preposisyon ay mga kataga lamang na masasabing iniuugnay sa lugar, direksyon
at kinauukulan. Kasama na ito ng mga pang-abay na panlunan. Babanggitin na lamang dito ang mga
bumubuo sa mga pang-ukol na kinabibilangan ng ayon sa, alinsunod sa, tungkol sa, ukol sa, laban sa.
Kapag tinutukoy ang tao, ang sa’y napapalitan ng kay.

Halimbawa:
Ayon sa nagsisiyasat ang gumawa ng bilding ang maysala.
Ayon kay Noel ang gumawa ng bilding ang maysala.

3. Ang mga Pang-angkop/Linker


Dalawa ang anyo ng linker: na at -ng. Ginagamit ang na kapag ang salitang inuugnay ay nagtatapos sa
katinig maliban sa n. Maaaring baligtarin ang salitang pinag-uugnay na hindi nababago ang kahulugan
ngunit ang linker ay lagging nasa unang salita. May ilang pagkakataong di maaaring pagbaligtarin.
Halimbawa: anim na piso hindi maaaring pisong anim. Ang -ng ay ginagamit kapag ang salitang iuugnay
ay nagtatapos sa patinig. Kapag ang salita nama’y nagtatapos sa n kinakaltas ang n at ginagamit ang -ng.
Maaring pag-ugnayin ang iba’t ibang salitang pangnilalaman.

B. ANG MGA PANANDA

Dalawang uri ng pananda: mga marker na siyang tagapagpakilala ng relasyon ng pangngalan sa mga
bahagi ng pangungusap at ang ay na nagpapakita ng kaayusan ng pangungusap sapagkat ito ang
nagpapakilala ng panaguri ng pangungusap kapag nauuna ang simuno sa panaguri na siyang
kabaligtarang ayos sa istruktura ng pangungusap sa Filipino. Natalakay na ang iba’t ibang marker –
ang, ng, sa at mga maaaring ipanghalili sa mga panandang ganito. Kaya ang panandang pampanaguri
o predikeyt na lamang ang tatalakayin dito.
Ang panandang Pampredikeyt

Ay ang panandang pampredikeyt. Matatagpuan lamang ito sa pangungusap kung hindi normal ang
ayos ng pangungusap. Sa Filipino, normal ang ayos ng pangungusap kung ang panaguri ang nauuna at
nag simuno ang nahuhuli.
Halimbawa:
Normal:
Panaguri + Simuno

Gurang na ang lolo ni Johnny

Bligtad:
Simuno/Sabjek + Panandang + Panaguri/Predikeyt

Ang lolo ni Johnny ay gurang na.

Ang ay bagiging ‘y kapag ang nauunang salitang ikakabit sa predikeyt ay nagtatapos sa a, e, i, o, u, w. Kapag
nagtatapos naman sa n nawawala ang n at ‘y ang inilalagay tulad ng :

Ang baya’y inabot ng kalamidad.

Pagbubuo
Sa pagbubuo, lahat ng mga salitang may kabuluhan sa ganang sarili’y nabibilang sa mga salitang
pangnilalaman at lahat ng mga katagang ang kahulugan ay depende lamang sa mga salitang kasama’y
panrelasyon lamang. Nililinaw lamang ang relasyon ng mga sangkap ng pangungusap sa isa’t isa.

Inihanda ni:
Donna Delgado Oliverio, MATF
Instructor
Father Saturnino Urios University
A.Y. 2020-2021, 1st Semester

Ang mga araling ito ay sinaliksik at inayos upang magsilbing gabay ng mga mag-aaral na kumukuha ng
GE 114 Balarila ng Wikang Filipino. Ilang mga impormasyon ay hinalaw sa iba’t ibang aklat na ginamit ng guro
para sa asignaturang ito.

MGA SANGGUNIANG AKLAT:

Montera, Godfrey G. 2013. Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Likha Publications: Cebu City.
Santiago, Alfonso O. 1979. Panimulang Linggwistika. Rex Book Store: Quezon City.
Santiago, Alfonso O. at Tiangco, Norma G.2003. Makabagong Balarilang Filipino.Rex Book Store: Manila City.
Zamora, Nina Christina et al. Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Mutya Publishing, Inc.: Malabon City.
Ugot, Irma V. 2005. Batayang Linggwistika. University of San Carlos Press: Cebu City.
_______________. Manual sa Panimulang Linggwistika. Mindanao State University, Marawi City.
_______________.2014.Ortograpiyang Pambansa.Komisyon ng Wikang Filipino:Manila City.

You might also like