You are on page 1of 3

Pangalan

I. Tukuyin ang angkop na pangngalan na bubuo sa diwa ng bawat pangungusap. Isulat ang
titik ng wastong sagot sa patlang.

1. Ako ang naghuhugas ng aming mga ________ tuwing gabi.


A. baso B. damit C. telebisyon D. kompyuter

2. Kumakain ako ng maraming _________ para hindi ako magkasakit.


A. laruan B. tubig C. prutas D. lapis

3. Hinahatid ako ng aking tatay sa _____________ tuwing umaga.


A. simbahan B. Bahay C. paaralan D. palaruan

4. Nagpunta kami sa _____________ noong nakaraang buwan.


A. Diamond Hotel C. Diamond hotel
B. diamond hotel D. diamond Hotel

II. Isulat sa patlang ang titik ng pangngalan na tinutukoy ng bawat pangungusap.

1. Ang ngalan ng kapatid na babae ng aking tatay ay ____________.


A. yaya B. lola C. tiya D. pinsan

2. Ang ngalan ng hayop na lumalangoy sa dagat ay __________.


A. isda B. ibon C. aso D. pusa

3. Ang ngalan ng tatay ng aking nanay ay ___________.


A. lolo B. kuya C. tiyo D. ninong

4. Ang ngalan ng sasakyan na lumilipad ay _____________.


A. kotse B. eroplano C. tren D. barko
III. Piliin ang wastong kailanan ng pangngalan ayon sa ibinigay na pangungusap o larawan.
Isulat ang titik ng wastong sagot sa patlang.

1. Ang __________________ ay naglalaro sa parke


tuwing hapon.

A. pinsan
B. magpinsan
C. magpipinsan

2. Masipag maglinis ng kalsada _________________.

A. si Melvin
B. ang Melvin
C. sina Melvin at Harvey

3. Nagluluto ng almusal ang _____________.

A. ina
B. mag - ina
C. mag - iina

4. Masayang lumangoy ______________ sa swimming


pool.

A. ang Ethan at Julean


B. si Ethan at Julean
C. sina Ethan at Julean

IV. Bumuo ng isang pangungusap na gumagamit ng PANGNGALAN para sa larawan.

You might also like