You are on page 1of 15

PANGALAN:_____________________________________

BAITANG/SEKSYON:___________________________
____
10
ARALING PANLIPUNAN
Kwarter I – Linggo 4
Mga Paghahandang Nararapat
Gawin sa mga Suliraning
Pangkapaligiran

CONTEXTUALIZED LEARNING ACTIVITY SHEETS


SCHOOLS DIVISION OF PUERTO PRINCESA CITY
Araling Panlipunan – Baitang 10
Contextualized Learning Activity Sheets (CLAS)
Kwarter I – Linggo 4: Mga Paghahandang Nararapat Gawin sa mga Suliraning
Pangkapaligiran
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda
kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit sa CLAS na
ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban
sa CLAS na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot ng Kagawaran.
Inilathala ng Dibisyon ng Lungsod ng Puerto Princesa.

Bumubuo sa Pagsusulat ng Contextualized Learning Activity Sheets

Manunulat: Teddy G. Aquino Jr.


Pangnilalamang Patnugot: Rodney M. Ballaran
Editor: Lorna A. Quiatzon
Tagawasto: Nimfa V. Alaska, Rodney M. Ballaran
Tagasuri: Marites L. Arenio, Fe O. Cabasal, Nimfa V. Alaska,
Rodney M. Ballaran, Carissa M. Calalin, Jouilyn O. Agot

Tagalapat: Teddy G. Aquino Jr.

Tagapamahala:
Servillano A. Arzaga, CESO V, SDS
Loida P. Adornado PhD. ASDS
Cyril C. Serador PhD. CID Chief
Ronald S. Brillantes, EPS-LRMS Manager
Marites L. Arenio, EPS-Araling Panlipunan
Fe O. Cabasal , PSDS
Eva Joyce C. Presto, PDO II
Rhea Ann A. Navilla, Librarian II

Pandibisyong Tagasuri ng LR: Ronald S. Brillantes, Rodney M. Ballaran,


Carissa M. Calalin, Jouilyn O. Agot

Division of Puerto Princesa City-Learning Resource Management Section (LRMS)


Sta. Monica Heights, Brgy. Sta. Monica, Puerto Princesa City
Telephone Number.: (048) 434 9438
Email Address: puertoprincesa@deped.gov.ph
Aralin 1

Mga Paghahandang Nararapat Gawin


sa mga Suliraning Pangkapaligiran

MELC: Natutukoy ang mga paghahandang nararapat gawin sa mga suliraning


pangkapaligiran.

Mga Layunin:
1. Nabibigyang kahulugan ang Disaster Management;
2. Naiisa-isa ang bahagi ng Disaster Management Plan; at
3. Natutukoy ang mga paghahandang nararapat gawin sa harap ng panganib na dulot
ng mga suliraning pangkapaligiran

Subukin Natin
I. Panuto: Unawain mo ang mga katanungan at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

_____1. Ano ang tumutukoy sa hakbang na dapat gawin ng isang komunidad sa banta
ng isang kalamidad?
A. Disaster Mitigation
B. Disaster Management
C. Disaster Preparedness
D. Disaster Management Plan
_____2. Alin sa sumusunod na hakbang ang nararapat isaisip upang maging handa
ang isang lugar sa pagharap sa kalamidad?
I. Bago ito maganap.
II. Kapag ito ay nagaganap.
III. Pagkatapos nito maganap.
A. I at II C. I at III
B. I, II, at III D. II at III
_____3. Ang sumusunod ay may pangunahing kakayahan na kumilos sa paghahanda
sa harap ng panganib na dulot ng suliraning pangkapaligiran. Alin ang HINDI
kasama?
A. Opisyal ng gobyerno
B. Hukbong sandatahan
C. Mga pribadong sangay
D. Ordinaryong mamamayan

1
_____4. Ano ang pinagsamang pagsusuri sa lawak, sakop, at pagiging handa sa pagtugon
sa pinsala na maaaring danasin ng iyong lugar?
A. Danger Preparedness
B. Hazard Assessment
C. Hazard Assessment Plan
D. Hazard Assessment and Preparedness
_____5. Alin ang nagsasagawa ng mga hakbang na nararapat isagawa upang mabawasan
ang malubhang epekto ng panganib sa tao, ari-arian, at kalikasan?
A. Capacity Assessment
B. Disaster Mitigation
C. Disaster Prevention
D. Vulnerability Assessment

II. Panuto: Basahin ang sitwasyon sa bawat bilang at piliin ang sagot mula sa
talahanayan na tugma sa bawat tanong at sitwasyon. Isulat ang titik
ng tamang sagot sa patlang bago ang bawat aytem.

A. Disaster Prevention and Mitigation B. Disaster Response


C. Disaster Rehabilitation and Recovery D. Disaster Preparedness

_____6. Ang Kapitan ng inyong Barangay ay kasalukuyang nagsusuri ng lawak,


sakop, at pinsala na maaaring danasin ng inyong komunidad sa panahon
ng panganib.
_____7. Itinatala ng maayos ni Kapitan Berto ang kagamitan, imprastraktura at tauhan sa
kanyang nasasakupan na kakailanganin sa panahon ng kalamidad.
_____8. Katatapos lamang ng isang matinding pagbaha na dulot ng bagyo sa iyong
komunidad na nagdulot ng pagkasira ng ari-arian at istruktura.
_____9. Isa sa lokal na pahayagan sa inyong lugar ay nag-anunsyo ng hakbang na
dapat gawin at hingan ng tulong sa oras ng sakuna, kalamidad o panganib.
_____10. Ang bansang Pilipinas ay mayroong pagtaas ng antas ng kaso ng sakit na
COVID-19, dahil dito patuloy ang pagbuo ng plano at istratehiya ng
pamahalaan upang magamit ng mahusay ang pinagkukunang yaman ng
bawat komunidad.

III. Panuto: Basahin nang mabuti ang tanong na tugma sa layunin ng mahahalagang
ahensya ng pamahalaan sa pagharap sa sakuna. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa patlang.

_____11. Alin sa mga pangasiwaang ito ang nagbibigay babala sa lagay ng panahon at
nag-uulat tungkol sa lakas ng hangin, ulan, at galaw ng bagyo?
A. DILG
B. DOLE
C. NDRMM
D. PAGASA
_____12. Anong pangasiwaan ng pamahalaan ang nagsasaayos ng mga lansangan,
daan, tulay, dike, at iba pang imprastruktura na nasisira kapag may baha o
lindol?
A. Department of Public Work on Highway
B. Department of Public Work on Highways
C. Department of Public Works and Highway
D. Department of Public Works and Highways

2
_____13. Ano ang pisikal na katangian ng isang hazard na tumutukoy sa sakop at tagal
ng isang pinsala?
A. Katangian
B. Lawak
C. Pagkakakilanlan
D. Saklaw
_____14. Alin sa mga ahensiya ng pamahalaan ang namamahala sa paglilingkod sa
lipunan lalo na sa mahihirap. Kapag may kalamidad, ito rin ang nangunguna
sa pagtulong sa mga nasalanta?
A. Department of Social Welfare and Development
B. Department of Socials Welfare and Development
C. Department of Social Wellfare and Developments
D. Department of Service Welfares and Development
______15. Ano ang pangunahing serbisyo na ibinibigay ng Department of Health o DOH
bukod sa nangangalaga sa kalusugan ng mamamayan ng bansa?
A. Nagbibigay ng ayuda
B. Nagsisilbi sa panahon ng pandemya
C. Pagsugpo sa paglaganap ng nakahahawang sakit
D. Programa sa pagbabakuna

Ating Alamin at Tuklasin

Paghawan ng Ang pagsasagawa ng Community-Based Disaster Risk


Balakid Reduction and Management Plan ay nakabatay sa pinagsanib na
top-down at bottom-up approach na tinalakay sa mga
Disaster– nakaraang aralin.
mga bagay, gawain at Disaster Management ay ang pagbibigay prayoridad sa
pangyayari na paghahanda, pagtugon at pagbangon bago pa magkaroon ng
maaaring magdulot kalamidad, habang ito ay nagaganap at pagkatapos.
ng pinsala, Disaster Management Plan naman ay mga hakbang na
kapahamakan at dapat gawin na may malaking tulong sa komunidad dahil mas
kasawian sa buhay, natutugunan ang mga kalamidad nang mas maigi.
ari-arian,
at kabuhayan. Mayroon ka bang
Hazard- naalala sa nakalipas na Oo, ito ay ang Solid
mga banta na aralin tungkol sa Waste, Pagkasira ng
maaaring dulot ng pinakamalaking sanhi at Likas na Yaman, at
epekto ng pagkasira ng Climate Change.
gawa ng tao o
kalikasan. kapaligiran?

Malaki ang suliranin at hamong kinahaharap ng lungsod ng Puerto Princesa at


lalawigan ng Palawan dahil sa pang-aabuso at pagpapabaya ng tao sa kalikasan. Ito ay
nagpapalala sa mga natural na kaganapan tulad ng pagkakaroon ng malalakas na bagyo,
pagguho ng lupa, at malawakang pagbaha.

Handa ka na ba? Tara! Simulan na natin ang bagong aralin.

3
Unang Yugto: Disaster Prevention and Mitigation
Hazard Assessment and Preparedness ay tumutukoy sa pinagsamang pagsusuri sa
lawak, sakop, at pagiging handa sa pagtugon sa pinsala na maaaring danasin ng isang
lugar sa panahon ng sakuna o kalamidad.

Pisikal na Katangian Katangian


Pagkakilanlan Ang pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa iba’t ibang hazard at kung
paano ito umusbong sa isang lugar.

Katangian Kaalaman sa mga uri ng isang hazard.


Intensity Ang pagtukoy sa lawak ng pinsala na maaaring idulot ng hazard.

Lawak Tungkol sa pag-aaral sa sakop at tagal ng epekto ng hazard.

Saklaw Pagtukoy kung sino ang maaaring tamaan ng o maapektuhan ng


hazard.
Predictability Panahon o pagkakataon kung kailan maaaring maranasan ang isang
hazard.
Manageability Ang pagtaya sa kakayahan ng komunidad na harapin ang hazard.

Temporal na Katangian
Katangian
Frequency Dalas ng pagdanas ng hazard na maaaring maganap bawat taon,
isang beses sa loob ng lima o sampung taon o kaya ay biglaan.

Duration Tagal kung kailan nararanasan ang hazard tulad ng lindol, baha o
kaya ay digmaang sibil.
Speed of onset Bilis ng pagtama ng isang hazard tulad ng lindol, bagyo o baha.

Forewarning Panahon o oras sa pagitan ng pagtukoy ng hazard at oras ng


pagtama nito sa isang komunidad.
Force a.Natural; panganib na dala ng hangin, tubig, lupa at apoy.

b.Gawa ng tao; di pagkakaunawaan at pagkakaisa gaya ng digmaang


sibil, rebelyon, at pagaaklas, industrial/technological, taggutom,
tagtuyot, at pagsalakay ng peste sa mga pananim.

Vulnerability at Capacity Assessment (VCA)


Vulnerability Assessment. Tinataya ang kahinaan o kakulangan ng isang tahanan
o komunidad na harapin o bumangon mula sa pinsalang dulot ng hazard.
Capacity Assessment. Tinataya ang kakayahan ng komunidad na harapin ang
iba’t ibang uri ng hazard.

Ayon kina Abarquez at Murshed, (2004), sa pagsasagawa ng Vulnerability


Assessment, kailangang suriin ang sumusunod: Elements at risk, People at risk, at Location
of people at risk.

4
Mga Salik ng VCA Katangian
Mga indibiduwal, hayop, mga pananim, bahay,
kasangkapan, imprastruktura, kagamitan para sa
Elements at risk
transportasyon at komunikasyon at maging paguugali.

Grupo ng tao na maaaring higit na maapektuhan ng


People at risk
kalamidad.
Lokasyon o tirahan ng mga taong natukoy na vulnerable.
Location of people at risk

Capacity Assessment
Sinusuri dito ang kapasidad ng komunidad na harapin ang anomang hazard.
Mayroon itong tatlong kategorya: ang Pisikal o Materyal, Panlipunan, at Pag-uugali ng
mamamayan tungkol sa hazard.

Kategorya Katangian

Pisikal o Materyal Mga istruktura tulad ng bahay, paaralan, gusaling


pampamahalaan, kalsada at iba pa.

Aspektong Panlipunan Ang mamamayan ay nagtutulungan upang ibangon ang


kanilang komunidad.

Pag-uugali ng tao Mga mamamayan na bukas ang loob na ibahagi ang


kanilang oras, lakas, at pagmamay-ari.

Risk Assessment
Ayon kina (Ondiz at Redito, 2009), ang Disaster Prevention ay tumutukoy sa pag-
iwas sa hazard at kalamidad, sinisikap naman ng gawain sa Disaster Mitigation na
mabawasan ang malubhang epekto nito sa tao, ari-arian, at kalikasan.

Ikalawang Yugto: Disaster Preparedness


Disaster Response ay hakbang o dapat gawin bago at sa panahon ng pagtama ng
kalamidad, sakuna o hazard na may layuning mapababa ang bilang ng mga maapektuhan,
maiwasan ang malawakan at malubhang pagkasira ng mga pisikal na istruktura at maging
sa kalikasan, at mapadali ang pag-ahon ng mga mamamayan mula sa dinanas na
kalamidad.

Ikatlong Yugto: Disaster Response


Needs ay tumutukoy sa pangunahing pangangailangan ng mga biktima ng
kalamidad tulad ng pagkain, tahanan, damit at gamot.
Damage ay tumutukoy sa bahagya o pangkalahatang pagkasira ng ari-arian dulot
ng kalamidad.
Loss ay tumutukoy sa pansamantalang pagkawala ng serbisyo at pansamantala o
pangmatagalang pagkawala ng produksyon.

Ikaapat na Yugto: Disaster Rehabilitation and Recovery


Kinapapalooban ito ng pagbuo ng iba’t ibang cluster sa bawat barangay, bayan at
komunidad na siyang mamumuno sa mga ito sa panahon ng panganib, pagpapatatag ng
seguridad at suplay ng pagkain at pangunahing pangangailangan, pagpapasigla ng
information campaign, at pagpapayabong ng mga gawaing pangkabuhayan sa mga
nasalantang lugar.

5
Mga Ahensiya ng Layunin Logo
Pamahalaan
Department of Social Namamahala sa programa
Welfare and Development ng pamahalaan sa
(DSWD) paglilingkod sa lipunan lalo
na sa panahon ng sakuna o
panganib.
(Pinagkunan: Department of
Social Welfare and Development, DSWD official
logo, Free Royalty.
www.Dswd.gov.ph/logo)
Department of Interior and Namamahala sa mga yunit
Local Government (DILG) ng pamahalaan tulad ng
barangay, bayan, lungsod o
lalawigan.
(Pinagkunan: Department of
Interior and Local Government, DILG official logo,
Free Royalty.
www.Dilg.gov.ph/logo)
Department of Education Ginagamit ang mga paaralan
(DepED) bilang pansamantalang
tirahan ng mga nasalanta ng
panganib.

(Pinagkunan: Department of Education,


DepEd official logo, Free Royalty.
www.Deped.gov.ph/logo)

Department of Health (DOH) Ang pangunahing


nangangalaga sa kalusugan
ng mamamayan ng bansa
lalo sa banta ng mga
nakahahawang
karamdaman gaya ng
COVID-19.

(Pinagkunan: Department of
Health, DOH official logo, Free
Royalty. www.Doh.gov.ph/logo)
Department of Public Nagsasa-ayos ng mga
Works and Highways lansangan, tulay,
(DPWH) pampublikong daan, at iba
pang imprastruktura na
nasira ng sakuna.

(Pinagkunan: Department of
Public Works and Highways,
DPWH official logo, Free Royalty.
www.Dpwh.gov.ph/logo)
Department of National Nangangalaga ng
Defense (DND) pambansang kapayapaan at
tumutulong sa panahon ng
kalamidad.

(Pinagkunan: Department of National


Defense, DND official logo, Free Royalty.
www.Dnd.gov.ph/logo)

6
Department of Tagapangalaga ng
Environment and Natural kapaligiran at kalikasan
Resources (DENR) laban sa pagkasira nito.

(Pinagkunan: Department of Environment and


Natural Resources, DENR official logo,
Free Royalty.
www.Denr.gov.ph/logo)

Philippine Athmospheric, Ipinararating sa publiko ang


Geophysical and lagay ng banta ng
Astronomical Services masamang panahon at
(PAGASA) nagbibigay ng sapat na
babala.

(Pinagkunan: Philippine
Athmospheric, Geophysical and Astronomical
Services, PAGASA official logo, Free Royalty.
www.Pagasa.gov.ph/logo)
National Risk Reduction and Nakikipag-ugnayan sa mga
Management Council sangay ng gobyerno sa pag-
(NDRRMC) iwas at pagbangon sa epekto
ng kalamidad.

(Pinagkunan: National Risk


Reduction and Management Council, NDRRMC
official logo, Free Royalty.
www.Ndrrmc.gov.ph/logo)

Binigyang diin sa bahaging ito ang ibat-ibang yugto na makatutulong upang


maging mas malawak at ang mabubuong plano at istratehiya ay magagamit ng
mahusay sa mga pinagkukunang yaman ng isang komunidad.

(Pinagkunan: "Araling Panlipunan 10 Mga Kontemporaryong Isyu-Learning Module,”


Learning Resource Management Development System, accessed May 10, 2020,
https://lrmds.deped.gov.ph/list/kto12/subject/1270.)

Tayo’y Magsanay
Gawain 1
Panuto: Basahin at unawain ang sitwasyon sa bawat bilang. Isulat sa patlang
ang ( + ) kung handa ang lipunan sa mga sakuna sa kapaligiran at ( - )
naman kung hindi.

_____1. Ang mga opisyal ng iyong barangay ay regular na nagbibigay ng kaalaman


tungkol sa iba’t ibang hazard at kung paano ito umusbong sa isang lugar.
_____2. Si Josua na isang residente ng kanilang lugar ay pinagwalang-bahala ang mga
pabatid tungkol sa kaalaman sa sakuna.
_____3. Mabilis natukoy ang sakop at tagal ng epekto ng pagbaha sa nasasakupan ng
Kapitan ng Barangay na si Kapitan Manuel dahil sa pakikipagtulungan sa mga
eksperto sa sakuna.
7
_____4. Ang komunidad ng mga mangingisda sa tabing dagat ay naglalagay ng gulong
ng sasakyan sa bubong ng bahay tuwing panahon ng bagyo.
_____5. Inilunsad ni Mayor Lucio kasama ang buong komunidad ang programang
Oplan Bayanihan bilang paghahanda sa panahon ng matinding sakuna .

Gawain 2
Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na sitwasyon tungkol sa tatlong kategorya
ng Capacity Assessment ng isang sakuna. Isulat sa patlang ang PM kung Pisikal
o Materyal, AP kung Aspektong Panlipunan, at PT naman kung Pag-uugali ng
Tao.

_____1. Gawa sa matibay na materyales gaya ng bakal, semento, at marmol ang bahay
nila Christine.
_____2. Ang mga residente ng Barangay Bagong Sikat ay nagtulungan upang ibangon
ang kanilang komunidad dulot ng sunog.
_____3. Si Julius ay regular na nagbibigay ng donasyon sa kanyang lugar sa panahon
ng baha.
_____4. Inaabot ng ilang araw bago makarating ang ayuda ng gobyerno sa malalayong
lugar dahil sa sirang daan.
_____5. Ang paaaralan ni Mario ay naglaan ng ilang gusali upang pansamantalang
tirahan ng mga biktima ng lindol.

Sa iyong natalakay na mga epekto ng pagiging masigasig ng bawat


isa sa gawaing politika, bakit kaya mahalaga ang pakikiisa sa mga
gawaing makatutulong upang mabigyang-lunas ang mga isyung
kinakaharap ng lipunan?

Ating Pagyamanin
Gawain 1
Panuto: Suriin mo kung saan nabibilang ang bawat sitwasyon. Isulat ang TSEK (√ )
sa angkop na hanay. Ang unang pahayag ay ginawa bilang gabay sa pagsagot.

Sitwasyon Needs Damage Loss


Halimbawa: 
Pangunahing pangangailangan ng mga biktima ng
kalamidad ang pagkain, tahanan, damit at gamot.
1. Ang regular na pag-inom ng bitamina na may sangkap
na Ascorbic Acid at Zinc ay mainam na panlaban sa
sakit.
2. Marami sa mga batang residente ang mayroong
bahagya o matinding malnutrisyon dahil sa
kakulangan ng masustansiyang pagkain.
3. Ang magulang ni Josie ay walang sasakahing palay at
gulayan dahil sa epekto ng malakas na bagyo.
4. Nabalot ng kadiliman ang maraming barangay sa
lungsod ng Puerto Princesa dahil sa pansamantalang
pagkasira ng kawad ng kuryente dulot ng malakas na
hanging amihan.

8
5. Malaki ang pasasalamat ng pamilya ni Rene dahil sila
ay ligtas nang masunog ang kanilang tirahan.

Gawain 2
Panuto: Sagutin ang tanong base sa iyong natutuhang konsepto ng mga paghahandang
nararapat gawin sa mga suliraning pangkapaligiran.

#OplanLagingHandaPPC
1. Ano ang nais sabihin ng hashtag?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

2. Para kanino ang mensaheng ito?


______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

3. Bakit mahalaga sa isang mamamayan ang pagiging handa sa sakuna o


suliraning pangkapaligiran?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Paano nakatutulong sa iyong komunidad ang mga


paghahandang nararapat gawin sa suliraning pangkapaligiran?

Ang Aking Natutuhan


Panuto: Punan ang pahayag mula sa pagpipilian at isulat sa patlang ang nawawalang
salita.

hazard
top-down
Management Plan
Disaster Management Plan disaster

9
Ang ________________ ay mga bagay, gawain at pangyayari na maaaring magdulot
ng pinsala, kapahamakan at kasawian sa buhay, ari-arian, at kabuhayan habang ang
_______________ ay ang banta na maaaring dulot ng gawa ng tao o kalikasan.
Ang pagsasagawa ng Community-Based Disaster Risk Reduction and Management
Plan ay nakabatay sa pinagsanib na _________________at bottom-up approach.
Nagbibigay prayoridad sa paghahanda, pagtugon at pagbangon ang
__________________________bago pa magkaroon ng kalamidad, habang ito ay nagaganap
at pagkatapos habang ang _______________________naman ay mga hakbang na dapat
gawin na may malaking tulong sa komunidad dahil mas natutugunan ang mga
kalamidad nang mas maigi.

Ating Tayahin
I. Panuto: Basahin nang mabuti ang tanong na tugma sa layunin ng mahahalagang
ahensya ng pamahalaan sa pagharap sa sakuna. Bilugan ang titik ng tamang
sagot.
_____1. Alin sa mga pangasiwaang ito ang nagbibigay babala sa lagay ng panahon at
nag-uulat tungkol sa lakas ng hangin, ulan, at galaw ng bagyo?
A. DILG
B. DOLE
C. NDRMM
D. PAGASA
_____2. Anong pangasiwaan ng pamahalaan ang nagsasaayos ng mga lansangan, daan,
tulay, dike, at iba pang imprastruktura na nasisira kapag may baha o lindol?
A. Department of Public Work on Highway
B. Department of Public Work on Highways
C. Department of Public Works and Highway
D. Department of Public Works and Highways
_____3. Ano ang pisikal na katangian ng isang hazard na tumutukoy sa sakop at tagal
ng isang pinsala?
A. Katangian
B. Lawak
C. Pagkakakilanlan
D. Saklaw
_____4. Alin sa mga ahensiya ng pamahalaan ang namamahala sa paglilingkod sa
lipunan lalo na sa mahihirap. Kapag may kalamidad, ito rin ang nangunguna
sa pagtulong sa mga nasalanta?
A. Department of Social Welfare and Development
B. Department of Socials Welfare and Development
C. Department of Social Wellfare and Developments
D. Department of Service Welfares and Development
_____5. Ano ang pangunahing serbisyo na ibinibigay ng Department of Health o DOH
bukod sa nangangalaga sa kalusugan ng mamamayan ng bansa?
A. Nagbibigay ng ayuda
B. Nagsisilbi sa panahon ng pandemya
C. Pagsugpo sa paglaganap ng nakahahawang sakit
D. Programa sa pagbabakuna
10
II. Panuto: Unawain mo ang mga katanungan at isulat ang titik ng tamang sagot sa
patlang.

_____6. Ano ang tumutukoy sa hakbang na dapat gawin ng isang komunidad sa banta
ng isang kalamidad?
A. Disaster Mitigation
B. Disaster Management
C. Disaster Preparedness
D. Disaster Management Plan
______7. Alin sa sumusunod na hakbang ang nararapat isaisip upang maging handa
ang isang lugar sa pagharap sa kalamidad?
I. Bago ito maganap.
II. Kapag ito ay nagaganap.
III. Pagkatapos nito maganap.
A. I at II C. I at III
B. I, II, at III D. II at III
_____8. Ang sumusunod ay may pangunahing kakayahan na kumilos sa paghahanda
sa harap ng panganib na dulot ng suliraning pangkapaligiran. Alin ang HINDI
kasama?
A. Opisyal ng gobyerno
B. Hukbong sandatahan
C. Mga pribadong sangay
D. Ordinaryong mamamayan
_____9. Ano ang pinagsamang pagsusuri sa lawak, sakop, at pagiging handa sa pagtugon
sa pinsala na maaaring danasin ng iyong lugar?
A. Danger Preparedness
B. Hazard Assessment
C. Hazard Assessment Plan
D. Hazard Assessment and Preparedness
_____10. Alin ang nagsasagawa ng mga hakbang na nararapat isagawa upang mabawasan
ang malubhang epekto ng panganib sa tao, ari-arian, at kalikasan?
A. Capacity Assessment
B. Disaster Mitigation
C. Disaster Prevention
D. Vulnerability Assessment

III. Panuto: Basahin ang sitwasyon sa bawat bilang at piliin ang sagot mula sa
talahanayan na tugma sa tanong at sitwasyon. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa patlang bago ang bawat aytem.

A. Disaster Prevention and Mitigation B. Disaster Response


C. Disaster Rehabilitation and Recovery D. Disaster Preparedness

_____11. Ang Kapitan ng inyong Barangay ay kasalukuyang nagsusuri ng lawak,


sakop, at pinsala na maaaring danasin ng inyong komunidad sa panahon
ng panganib.
_____12. Itinatala ng maayos ni Kapitan Berto ang kagamitan, imprastraktura at tauhan
sa kanyang nasasakupan na kakailanganin sa panahon ng kalamidad.
_____13. Katatapos lamang ng isang matinding pagbaha na dulot ng bagyo sa iyong
komunidad na nagdulot ng pagkasira ng ari-arian at istruktura.
_____14. Isa sa lokal na pahayagan sa inyong lugar ay nag-anunsyo ng hakbang na
dapat gawin at hingan ng tulong sa oras ng sakuna, kalamidad o panganib.
_____15. Ang bansang Pilipinas ay mayroong pagtaas ng antas ng kaso ng sakit na
COVID-19, dahil dito patuloy ang pagbuo ng plano at istratehiya ng pamahalaan
upang magamit ng mahusay ang pinagkukunang yaman ng bawat komunidad.
11
Susi sa Pagwawasto

Ating Subukin Ating Tayahin Tayo’y Magsanay


Gawain 1
1. ( + )
1. D 1. D 2. ( - )
2. B 2. D 3. ( + )
3. C 3. B 4. ( + )
4. D 4. A 5. ( + )
5. B 5. C
6. A 6. D Gawain 2
7. B 7. B 1. PM
8. C 8. C 2. AP
9. D 9. D 3. PT
10. C 10. B 4. PM
11. D 11. A 5. PM
12. D 12. B
13. B 13. C Ating Pagyamanin
14. A 14. D Gawain 1
15. C 15. C 1. Needs
2. Needs
Ang Aking Natutuhan 3. Loss
4. Loss
1. disaster 5. Damage
2. hazard Gawain 2
3. top-down Ibabase ang sagot sa konsepto ng
4. Disaster Management mga paghahandang nararapat gawin sa
5. Disaster Management Plan mga suliraning pangkapaligiran gamit
ang Hashtag.

Sanggunian

Website

Learning Resource Management Development System. "Araling Panlipunan 10: Mga


Kontemporaryong Isyu-Learning Module.” Accessed May 10, 2020.
https://lrmds.deped.gov.ph/list/kto12/subject/1270.

12
FEEDBACK SLIP

A. PARA SA MAG-AARAL

Maraming salamat sa paggamit ng CLAS na ito. Hangarin nito


ang iyong lubusang pagkatuto sa tulong ng iyong kapamilya. OPO HINDI

1. Kontento at masaya ka bang natuto gamit ang CLAS na ito?

2. Nasunod at nagawa mo ba ang mga proseso at pamamaraang


nakasaad para sa iba’t ibang gawain para sa iyong pagkatuto?

3. Ikaw ba ay ginabayan o sinamahan ng sinuman sa iyong


kapamilya para sa pag-aaral gamit ang CLAS na ito?

4. Mayroon bang bahagi sa CLAS na ito na ikaw ay nahirapan


(kung Opo, ano ito at bakit?)

B. PARA SA MAGULANG O TAGAPATNUBAY

Suhestiyon o Rekomendasyon para sa mas maayos na serbisyo


at pagkatuto ng inyong anak gamit ang CLAS na ito?

Mayroon (Pakisulat sa nakalaang guhit)

Wala

Contact Number : __________________________________

PANGALAN NG PAARALAN:

Pangalan at Lagda ng Guro:

Pangalan at Lagda ng Magulang


o Tagapatnubay:

Petsa ng Pagtanggap ng CLAS:

Petsa ng Pagbalik ng CLAS:

13

You might also like