You are on page 1of 1

May isang tigre ang naglilibot sa guhat.

Sa kaniyang paglilibot, siya ay nahulog sa

napakalalim na hukay. Paulit-ulit na sinubokan ng tigre na makaahon, subalit siya ay nabigo.

Sumigaw nang sumigaw upang humingi ng tulong subalit walang nakakaring sa kanya, maya’t maya

napadaan si Hoa malapit sa hukay.“Tulong! Tulong!”, dali-daling pagsigaw ng tigre.

“Oh! Isang tigre!” sabi ni Hoa habang siya ay nakadungaw sa hukay. “Maaari mo ba akong tulungan

Makalabas dito”, nagmamakaawang tigre. “Maaari, ngunit ako ay nangangamba”, tungo ni Hoa.

”Bakit naman?” nagtatakang tigre. “Baka ako ay kainin mo!”, pabirong sinabi ni Hoa. “Ay nako!, hindi.

Ako ay isang mabuting tigre”, nakatitiyak na sinabi ng tigre. Ilang minuto ang nakalipas napagpasyahan

na ng lalaki na tutulongan niya ang kawawang tigre. Lumingon lingon si Hoa sa paligid at nakakita siya

ng troso, at ipinwesto niya na ito sa may hukay “Ito, maaari ka nang gumapang dito”, mahinhin na

pagsabi ni Hoa. Gumapang ang tigre, at sa wakas siya ay ligtas at maayus nakaalis mula sa malalim na

hukay. “Maraming salamat!”, masayang sinabi ng tigre. “Walang anuman”, tugon ni Hoa. Inaya ng tigre

si Hoa na maglibot libot sa gubat. “Tara! Tayo ay maglibot”, “Sige”, tugon ni Hoa. Sila ay

naglakad lakad hanggang sa nakarating sila sa Puno ng pino. Binati ng tigre ang puno ng pino,

“Magandang umaga kaibigan!”, “Magandang umaga rin Tigre” tugon ng Puno. Ipinakilala ng tigre

ang lalaki sa Puno, “Ito nga pala si?” , ”Hoa” tungo ni Hoa. “Tinulongan niya akong makaalis sa

napakalalim na hukay”, wika ng tigre. “Isang mabuting nilalang” walang pag aatubiling sinabi ng Puno.

“ang takot na takot na si Hoa ay nagawa pang tulungan ang tigre, kahit na maaari niya itong

ikapahamak”, wika ng Kuneho. “Isang mabuting nilalang”, walang pag aatubiling sinabi ng kuneho.

“isang pagpupugay rin sa mabuting tigre dahil siya ay marunong tumanaw ng utang na loob, Isang

Pagpupugay para sa tigre!” wika ng kuneho.

You might also like