You are on page 1of 2

Republika ng Pilipinas

KAGAWARAN NG EDUKASYON
Sangay ng Hilagang Samar
MATAAS NA PAMBANSANG PAARALAN NG DON JUAN F. AVALON
San Roque, Hilagang Samar Iskor_____
UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 9 __
Pangalan_______________________________Taon/Bilang__________________________Petsa______________
Pangkalahatang Panuto. Ang pagsusulit na ito ay sa loob ng 1 oras lamang. Basahing mabuti ang lahat ng katanungan bago isulat
ang sagot. Isulat ang iyong sagot nang malinaw at walang bura. Anumang anyo ng PAGBURA ay maituturing na maling sagot.

I.Panuto: Piliin ang pinakaangkop na sagot. Isulat ang titik sa patlang na nakalaan bago ang bilang.
_______1. Kapag ang maikling kuwento ay nakatuon sa pagkakabuo ng mga pangyayari, ito’y mauuri bilang maikling
kuwentong _______________.
A. sikolohikal B. pakikipagsapalaran C. makabanghay D. kababalaghan
_______2.Ito ay isang akdang pampanitikan na nag-iiwan ng isang kakintalan.
A. Maikling Kwento B. Nobela C. Sanaysay D. Tula
_______3. Sa bahaging ito magsisimula ang balakid ng pangunahing tauhan sa isang kwento.
A. Panimula C. Saglit na kasiglahan C. Kasukdulan D. Paglalahad ng suliranin
_______4. Ito ang kuwentong punong-puno ng suliraning hahamon sa katalinuhan ng babasa na lutasin.
A.Kwento ng kabablaghan
B Kwento ng Talino
C Kwento ng Tauhan
D.Kwento ng Kapaligiran
______5. Tumutukoy sa pahiwatig o hindi tuwirang kahulugan na maaaring pansariling kahulugan ng isang tao
A..denotatibo B. konotatibo C. katotohanan D. opinion
______6. Ang babae lang ang dapat na gumawa ng gawaing-bahay. Ano ang pahayag na ito?
A. opinion B. katotohanan C. ekspresyon D. mensahe
______7. Alin sa mga pahayag sa ibaba ang katotohanan?
A. Mabait ang bata.
B. Mas gusto kong magkaroon ng kapatid na babae kaysa lalaki.
C. Ang mga pulitiko ay nasisilaw sa kapangyarihan.
D. Ang babae lang ang dapat gumagawa ng gawaing-bahay
______8. Batay sa resulta umabot na sa 6 milyong katao ang nahawaan ng corona virus pandemic sa buong mundo. Ang pahayag ay
isang_____________.
A. Opinyon B . Katotohanan C. Walang katotohanan D. Kasinungalingan
_____9. Paano nakatutulong ang mga pahayag sa katotohanan sa isang pangyayari?
A. nakapagdaragdag ng impormasyon
B. mga pahayag na maaaring maging tulong bilang mga ebidensiya
C. mga pahayag batay sa sariling paniniwala lamang
D. nakapagpapaisip sa mga taong nakakakita sa mga pangyayari
_____10. “Kahit huwad ang mga korporasyong itatayo natin, meron pa ring pagkakagastusan tulad ng buwis, mga sertipiko, at
marami pang iba.
A. kabutihan B. katotohanan C. kagandahan D. opinion
_____11. Ito ay isang uri ng panitikan na pinagyayaman sa pamamagitan ng paggamit ng tayutay, at malayang paggamit ng
mga salita sa iba’t ibang estilo, kung minsan ito ay maiksi o mahaba.
A. Maikling Kwento B. Nobela C. Sanaysay D. Tula
_____12. Ano ang sinisimbolo ng punongkahoy sa tulang “Ang Punongkahoy”?
A. krus b. libingan c. buhay D. kandila
_____13. Ang may-akda ng tulang “Ang Punongkahoy” ay si __________.
A. Ildefonso Santos B. Jose Rizal C. Pat Villafuerte D. Jose Corazon de Jesus
_____14. Bakit kailangang panatilihin ang pagpapahalaga bilang Asyano?
A. sapagkat ito ay ang ating pagkakakilanlan
B. sapagkat mahalaga ka bilang isang indibidwal na may sariling personalidad, katangian, kakayahan at angking
kagandahan
C. A at B
D. wala sa mga nabanggit
_____15. Ito ang pagpapangkat-pangkat ng mga taludtod sa tula. Ano ito?
ATaludturan B. saknong C. Tugma D. Sukat
_____16. Isang uri ng sulatin o komposisyon na nagpapahayag ng pananaw o opinyon ng sumulat nito. Ito ay naglalayong
magbahagi ng impormasyon, magpahayag ng nararamdaman, manghikayat ng ibang tao, at iba pa.
A. Alamat B. Maikling kuwento C. Nobela D. Sanaysay
_____17. Ano ang tawag sa mga salitang nag-uugnay ng dalawang salita, dalawang parirala at dalawang sugnay?
A. Pang-angkop B. Pangatnig C. Pang-abay D. Pang-ukol
_____18. Napakarami na niyang napagtagumpayang problema _______hindi na niya alintana ang mga darating pa. Alin
ang pangatnig na angkop gamitin sa pangungusap?
A. dahil sa B. kaya C. sapagkat D. subalit
_____19. “Bata pa si Red subalit siya’y responsible na.” Alin ang pangatnig na ginamit sa pangungusap?
A. bata B. subalit C. siya’y D. responsible
_____20. Sino si Estela Zeehandelaar?
A. aktibista at kaibigan ni Kartini C. radikal na feminist at Dutch
B. feminist at kaibigan ni Kartini D. radikal na feminist at Aleman
_____21. Sa kasalukuyan, ano ang batas ang nagbibigay ng proteksyon sa mga kababaihan?
A. RA 9262 o Violence Against Women and their Children
B. RA 9162 o Violence Against Women and their Children
C. RA 10627, o Anti-Bullying Act
D. RA 9485 o ang Anti-Red Tape Act of 2007
_____22. Ito ay isang uri ng dulang nagtataglay ng malulungkot na pangyayari?
A. Melodrama B. Komedya C. Trigikomedya D. Trahedya
_____23. Isang paglalarawan ng buhay na ginagawa sa isang tanghalan?
A. Maikling kuwento B. Nobela C. Sanaysay D. Dula
_____24. Ang may-akda ng tulang “Ang Punongkahoy” ay si __________.
A. Ildefonso Santos B. Jose Rizal C. Pat Villafuerte D. N.P.S Toribio
_____25.Ito ang paglabas-masok ng mga tauhang gumaganap sa tanghalan.
A. Dula B. Tagpo C. Yugto D. Tanghalan

II. Salungguhitan ang pang-ugnay na ginamit sa pangungusap. Isulat sa linya kung anong uri ito ng pang-ugnay.
___________26-27. Huwarang babae kung ituring ang mga babaeng may paninindigan.
__________ 28.-29. Alinsunod sa kanilang tradisyon, ang hindi pag-aasawa ang pinakamalaking kasalanang magagawa
ng isang babaeng Muslim.
__________30.-31. Wala akong iniisip gabi’t araw kundi ang makagawa ng paraang malabanan ang mga lumang
tradisyon namin.
__________32.-33. Paano nga ba hindi magkakaganoon, kung tila ginawa lamang para sa lalaki ang mga batas.
__________ 34.-35 . Marami buhay na ang nawala dahil sa mapaminsalang COVID-19 na iyan.

B. Piliin at salungguhitan sa loob ng panaklong ang angkop na pangatnig upang mabuo ang pahayag.
36. Napakarami na niyang napagtagumpayang problema( sa wakas, sa lahat ng ito) hindi na niya alintana ang mga
darating pa.
37. Marami ang natuwa (sa wakas, saka) dahil marami ang sumusunod sa patakarang stay at home at social distancing.
38. Matalino sana siya, (saka, subalit) hindi niya ito naipamalas sa klase.
39. (Kung gayon, Samantala) marami ang nayamot na mga netizens sa mga pasaway dahil umano sa hindi ito marunong
magtiis habang umiiral ang Enhanced Community Quarantine o ECQ.
40. (Dahil dito, Datapwat) hindi nagpaapekto ang marami sa hinaharap na pandemic bagkus naging matatag pa ang
pananalig sa Diyos na maugpo na ang kinakaharap na suliranin ng buong mundo.

C.Isulat sa nakalaang patlang kung OPINYON o KATOTOHANAN ang sumusunod na pahayag.


_________________ 41. Humihingi ng bayad ang ibang bumbero bago patayin ang sunog.
_________________42. May mga taong ang gagawin ay magsilbi ng kapwa.
_________________43. Walang basurerong yumayaman.
_________________44. Ang mga magsasaka ang gumagawa ng ating kinakaing mga bigas.
_________________ 45. Sa initan nagtatanim ang mga magsasaka

D. Tukuyin ang sumusunod na salita o grupo ng mga salitang nakasalungguhit ay ginamit sa denotatibo o konotatibong
pagpapakahulugan. Isulat ang sagot sa patlang na nakalaan.
_________________46. Huwag kang lumapit sa nagbabagang apoy at baka mapaso ka.
_________________47. Isa siyang maningning na ilaw sa gitna ng kalungkutan dagil sap ag-asang dala niya.
_________________48. Matibay ang haligi ng tahanan nila kahit ilang malalakas na bagyo na ang nagdaan ay hindi pa
rin ito natitibag.
_________________49. Maituturing na tila isang walis tingting ang kanilang klase dahil sa pagtutulungan at
pagkakaisang kanilang ipinamalas.
_________________50. Isang iyak pusa ang aking kapatid, maliit na bagay lamang ay agad na siyang umiiyak.

Inihanda ni: Itinala ni:


Juffy M. de Leon Malyn M. Lim
Guro Filipino Koordineytor
Pinagtibay ni:
Clarinda B. Acibar
Tagapangulo, Kagawaran ng Wika

You might also like