You are on page 1of 2

UNITED NATIONS

Upang hindi na masundan pa ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig,


humanap ng paraan ang mga bansa upang tuluyan nang makamit ang
kapayapaan. Isa sa mga hakbang na ginawa nila ay ang pagtatag ng United
Nations.

Ang mga Bansang Nagkaisa-isa (United Nations)

October 1943 nang magpulong ang United States, Great Britain at Soviet
Union at nagkasundo na pairalin at panatilihin ang kapayapaan sa sandaling
matalo ang Axis Powers.

October 24, 1945 - 50 Bansa ang nagpulong sa California, USA upang


balangkasin ang Karta ng mga Bansang Nagkakaisa at naitatag ang Mga
Bansang Nagkakaisa o United Nations (UN)

February 1, 1946 - Muling nagpulong ang mga kinatawan ng mga bansa sa


London at nahalal na unang Secretary - General ng United Nations si Trygve
Lie ng Sweden.

Layunin ng United Nations

- Mapanatili ang kapayapaan


- Maging maayos samahan ng mga Bansa
- Tumulong sa paglutas ng suliraning pandaigdigan
- Pagsasaayos ng mga gawain ng mga bansa

Sangay ng United Nations

- General Assembly
- Security Council
- Secretariat
- International Court of Justice
- Trusteeship Council
- Economic and Social Council

General Assembly

- Pangunahing sangay ng United Nations na kung saan lahat ng kasaping


bansa ay may kinatawan.
- Dito ginagawa lahat ng pagpupulong.
- Ito ang sanagay tagapagbatas ng samahan.
- Nangangasiwa sa pagpapanatili ng kapayapaan sa daigdig katulad ng
pagbibigay at pagtanggap ng rekomendasyon.
- Nagrerekomenda ng kapangyarihan at katungkulan ng mga sangay ng UN.
- Nagsusuri sa oagdaigdigang pulitika, batas at pangangalaga sa kalayaan at
karapatan ng mga tao.
- Naglalahad ng mga rekomendasyon upang maisaayos ang alitan ng mga
bansa.
- Naghahalal ng mga kasapi ng Security Council, Trusteeship Council at
Hukuman para sa International Court of Justice.
- Kabilang sa paghalal ng Secretary-General sang-ayon sa Security Council.

Security Council

- Ang sangay tagapaganap.


- Binubuo ng 11 kagawad:
> 5 Permanent Members (USA, Great Britain, Russia, France, at China)
> 6 Elected Members (2 years) \

Secretariat

- Ang pangkat ng mga tauhang pampangasiwaan ng UN nagpapatupad sa


mga gawain pang araw-araw.

International Court of Justice

- Ang sangay na nagpapasya sa mga kasong may kinalaman sa alitan ng


mga bansa.

Trusteeship Council

- Ang sangay na mamamahala at mangangasiwa sa transisyon ng isang


kolonya patungo sa pagiging malayang bansa.

Economic and Social Council

- Binubuo ng 54 na kasaping bansa.


- Ito ang sangay na namamahala sa aspekto ng pangkabuhayan, panlipunan,
pang-edukasyon, siyentipiko, at pangkalusugan ng daigdig.

You might also like