You are on page 1of 3

ANG ATING MUNDONG GINAGALAWAN

Mundo na ginagalawan

Nasira na ng tuluyan

Puno ay nag-iiyakan

Nawa sana’y naramdaman.

Ang ibon at ang halaman

Rinig ay nag-iiyakan

Sa nasira ng tahanan

Sana ay maintindihan.

Ngayon ay kabaliktaran

Hayop ang nagdadamayan,

Tao ay nagsasakitan

Halama’y nagmamahalan.

Tala sa langit tumingin

Nangamba sa ating tanawin

Dapat ngayon ay isipin

Pagbabagong dapat gawin.

Pangalagaan ang atin

Mga dalubyo’y sirain

Kalikasan pagyamanin

Dapat ating pagsikapan.


WIKANG FILIPINO LAGING GAMITIN

Ngayon tayo’y nasa bagong henerasyon

Nakalimutan na ata ang wika noon

Lahat tila’y unti-unting nababaon

Sa mga lenggwahe ng ibang lahi nasyon.

Hindi na nila alam ang tamang baybay

Ng mga salitang satin ay ibinigay

Mga ninuno at ang bayaning nag-alay

Kanilang talino, dugo, pawis, hubay.

Wika na sinipi at piang-aralan

Ang bawat kataga’y merong kabuluhan

Ingatan, higit pa sa pamanang yaman

Upang hindi masayang, pinaghirapan.

Ibuka ang bibig, ipaalam ang ibig

Ipabatid sa daigdig ating hilig

Itong nais gawin, hiling ko ay dinggin

Wikang Filipino ang laging gamitin natin.

You might also like