You are on page 1of 1

Ang Kuwento ni Baby Jesus

Filipino Group 5

Group members: Nica Turalde, Ayesha Agena, Castiel De Guzman and Amry Escobar.

Narrator: Noong unang panahon sa isang bayan na tinatawag na Nazareth ay


naninirahan ng isang dalaga na nangangalang Maria. Mabait siya sa kanyang kapwa at
malapit na siyang ikasal kay Jose, isang karpintero. Isang araw, habang si Maria ay
naglilinis sa kanyang silid, biglang may lumitaw na isang anghel. Bago pa man
magsalita si Maria, nagsalita ang anghel.

Nica: “Wag kang matakot. Ang Diyos ay masaya sa iyo at nais kang pagpalain.
Magkakaroon ka ng sanggol na lalaki! At dapat mong pangalanan siyang Jesus.”

Nica: “Gagawa ako ng isang himala para sa iyo. At dahil dito, ang iyong sanggol ay
tatawaging anak ng Diyos.”

Narrator: Hindi makapaniwala si Maria sa kanyang narinig. Hindi niya alam kung anong
sasabihin. Napagtanto niya na siya’y nanginginig at napaluhod.

Ayesha: “Naniniwala ako sa Diyos. At inaasahan ko na lahat ng iyong sinabi ay


mangyayari.”

Narrator: Nung nalaman ni Jose ang tungkol kay Maria, siya ay nalito at hindi naniwala
sa kuwento. Kaya isang gabi habang si Jose ay natutulog, binisita siya ng anghel.

Nica: “Jose, hindi nagsisinungaling si Maria, sapagka't ang batang ipinaglihi sa kaniya
ay mula sa Espiritu Santo.”

Narrator: Nang magising si Jose mula sa pagkakatulog, ginawa niya ang iniutos sa
kanya ng anghel. Lumipas ang mga buwan, naglakbay silang dalawa papuntang
Bethlehem. Pagdating nila sa lungsod, puno na ang mga hotel, kaya binigyan sila ng
opsyon na manatili sa isang lugar ngunit hindi nga lang ito hotel.

Narrator: Nang makarating na sila sa lugar, nakita nila na isa itong maliit na kamalig
kung saan naninirahan ang mga hayop. Nang gabing iyon at ilang oras na ang lumipas,
kamangha-manghang bagay ang nangyari. Si Maria at si Jose ay nagkaroon ng
sanggol. Ngunit, hindi lamang ito isang sanggol, siya ay si Baby Jesus! At siya ang
magliligtas sa buong mundo.
- End

You might also like