You are on page 1of 5

Pangungusap At Parirala

I. Isulat sa patlang ang PNG kung ang grupo ng mga salita ay


pangungusap at PAR naman kung parirala. Ang unang
bilang ay sinagutan na bilang halimbawa.

PNG 1. Paborito kong panahon ang tag-araw.

2. mainit na sikat ng araw

3. Kailan nagsisimula ang tag-araw?

4. Ang aking pamilya ay pumupunta sa baybayin.

5. Lumalangoy at naglalaro kami sa dagat.

6. puti at pinong buhangin sa baybayin

7. Saan kayo magbabakasyong mag-anak?

8. Kaming magkapatid ay mahilig gumawa ng kastilyong


buhangin.

9. malalakas na alon

10. malinaw at bughaw na dagat

11. Maingat kaming lumangoy.

Page 1 of 3 visit twinkl.com


Pangungusap At Parirala

II. Bilugan ang simuno sa pangungusap at salungguhitan ang


panaguri. Ang unang bilang ay sinagutan na bilang halimbawa.

1. Ang panahon ay mainit kapag tag-araw.


2. Masayang namasyal ang mag-anak sa Baguio.
3. Ang panahon sa Baguio ay malamig kahit tag-araw.
4. Kilalang pasyalan ang Burnham Park.
5. Nagbisikleta kami sa parke.
6. Si nanay ay bumili ng mga prutas at gulay.
7. Kumain din kami ng strawberries.
8. Sumakay ako sa kabayo.
9. Ang aming pamilya ay nanood ng parada ng mga bulaklak.
10. Kami ay sumakay ng bus pabalik ng Maynila.

III. Pumili ng isang paksa mula sa tatlong kahon. Magsulat ng


tatlong kumpletong pangungusap tungkol sa napiling paksa.
Maaaring gamitin ang mga gabay na tanong sa iyong pagsusulat
ng mga pangungusap. Gagamitin ng iyong guro, magulang, o
gabay sa pag-aaral ang rubrik para sa pagsulat ng pangungusap.

A. Ang Paborito Kong Pagkain


1. Ano ang iyong paboritong pagkain?
2. Ano ang hitsura at lasa ng iyong paboritong pagkain?
3. Saan maaaring mabili ang iyong paboritong pagkain?

B. Ang Aking Kaibigan


1. Ano ang pangalan ng iyong kaibigan?
2. Ano ang kanyang hitsura?
3. Ano/ano-ano ang kanyang mabuting katangian?

Page 2 of 3 visit twinkl.com


Pangungusap At Parirala

C. Ang Paborito Kong Palabas Sa Telebisyon


1. Ano ang pamagat ng paborito mong palabas?
2. Sino ang pangunahing karakter o tauhan?
3. Ano ang iyong gustong-gusto sa iyong paboritong palabas?

1.

2.

3.

Page 3 of 3 visit twinkl.com


Sipi Ng Mga Sagot
I. Isulat sa patlang ang PNG kung ang grupo ng mga salita ay
pangungusap at PAR naman kung parirala. Ang unang
bilang ay sinagutan na bilang halimbawa.

PNG 1. Paborito kong panahon ang tag-araw.

PAR 2. mainit na sikat ng araw

PNG 3. Kailan nagsisimula ang tag-araw?

PNG 4. Ang aking pamilya ay pumupunta sa baybayin.

PNG 5. Lumalangoy at naglalaro kami sa dagat.

PAR 6. puti at pinong buhangin sa baybayin

PNG 7. Saan kayo magbabakasyong mag-anak?

PNG 8. Kaming magkapatid ay mahilig gumawa ng kastilyong


buhangin.

PAR 9. malalakas na alon

PAR 10. malinaw at bughaw na dagat

PNG 11. Maingat kaming lumangoy.

Page 1 of 2 visit twinkl.com


Sipi Ng Mga Sagot

II. Bilugan ang simuno sa pangungusap at salungguhitan ang


panaguri. Ang unang bilang ay sinagutan na bilang halimbawa.

1. Ang panahon ay mainit kapag tag-araw.


2. Masayang namasyal ang mag-anak sa Baguio.
3. Ang panahon sa Baguio ay malamig kahit tag-araw.
4. Kilalang pasyalan ang Burnham Park.
5. Nagbisikleta kami sa parke.
6. Si nanay ay bumili ng mga prutas at gulay.
7. Kumain din kami ng strawberries.
8. Sumakay ako sa kabayo.
9. Ang aming pamilya ay nanood ng parada ng mga bulaklak.
10. Kami ay sumakay ng bus pabalik ng Maynila.

III. Iba-iba ang magiging sagot ng bawat bata. Gamitin ang ibinigay
na rubrik para sa pagsulat ng pangungusap sa pagbibigay ng iskor
para sa bahaging ito.

Halimbawang Sagot:
1. Ang aking paboritong pagkain ay keyk.
2. Matamis at malambot ang keyk.
3. Mabibili ang keyk sa panaderya.

Page 2 of 2 visit twinkl.com

You might also like