You are on page 1of 1

Paano ba ang pagsasagawa ng pagtatasa sa kasalukuyang kalagayan ng pag-aaral ng mga

mag-aaral?
Madaling basahin na tanong subalit napakahirap sagutin dahil hindi natin napaghandaan
ang sakunang ating kinakaharap sa kasalukuyan at higit sa lahat sanay tayong sa loob ng mga
paaralan natuto ang mga bata. Guro lamang ang nagbibigay ng gabay sa pagkatuto at mag-
aaral ay siyang taga-tuklas at nagpapaunlad ng sariling kakayahan.
Sa unang bidyong ating napanood tungkol sa “Conducting Assessments on Online
Distance Learning”. Lahat ng mga inilahad ni G. Mesana ay lahat reserch-based ibig sabihin na
may pinagbabatayan at pinag-aralang mabuti. Nalaman natin na hindi lamang sa ating bansa
ang nagkakaroon ng malaking “adjustment” sa edukasyon kundi maging ang ibang mga bansa.
Nangangahulugan lamang na “Globally” ang pag-iisip at paggawa ng mga hakbang sa
pagkakaroon ng epektibong estratehiya para makamit ang matagumpay na pagtatasa.
Distance Learning Modality (Online, Modular, Digital) na pinagtuunan ng pansin sa
pagtatalakay ay Modular Modality na “ideal” sapagkat ito ay “accessible” sa lahat ng mga mag-
aaral may resources ka man tulad ng gadgets o internet at wala , sa madaling salita ay pwede
sa lahat. Madali lamang ang pagbibigay ng mga gawain sa mga mag-aaral ngunit nakakabahala
kung ito ba ay magbibigay ng pagkatuto ng mga mag-aaral. Hindi maalis sa ating isipin na
malaki ang porsyento ng pagkakaroon ng pangongopya o di’ kaya pagkabagot ng mga mag-
aaral dahil hindi natin alam kung sila ang sumasagot sa kanilang modyul o nasisiyahan.
Ang mga bantang ito sa pagkakatuto ng mga mag-aaral ay nakakabahala.
Gayunpaman, kailangan pa rin ng isang guro na lutasin ang mga hamong ito. Batay sa mga
paglalahad , ang pagtatasa ay kinakailangan ay “Authentic” nangangahulugan lamang na ibigay
sa mga mag-aaral ang makakatohanan na mga pangyayari na maaari silang maka-ugnay at
mayroong partisipasyon ng mga tao sa kanilang tahanan gaya ng kanilang mga magulang o
sino pa. Makikita sa pamamaraang ito na magkakaroon ng interaksyon kaya hindi mamalayan
ng mga bata na may natuto sila.
Ang online distance teaching ay epektibong uri ng distance modality dahil may pagkikita
ang guro at mga mag-aaral ibig sabihin na magkakaroon ng relasyon sa pagkatuto. Sa modality
na ito ay mayroong mga “platform” na makakatulong upang magkaroon ng interactive na
pagtatasa ng mga mag-aaral maaaring “asynchronous at synchronous”. Marami man ang
benepisyo nito sa mga mag-aaral ngunit aminin natin na iilan lamang sa mga mag-aaral ang
may access lalong-lalo na sa mga lugar na maituturing na “Remote” at higit sa lahat ang may
kaya lamang sa bulsa.
Maraming mga pamamaraan sa pagtatasa na maaaring magamit sa anumang
pagkakataon dahil ang mga aralin sa face to face natin ginagawa ay pinaunlad lamang dahil
ginawang “digital” para makasabay sa “trend” at kinakailangan ng edukasyon sa kasalukuyan.
Hindi kailangan bawasan ang mga pamantayan sa pagtatasa ng mga mag-aaral kahit na gaano
man kaganda ang ating hangarin dahil pagkatuto at kinabukasan na ng mga mag-aaral ay
nakasalalay rito. Alam nating malaking trabaho ngunit ito ay ating kailangan. Isaisip lamang
natin bago ang pagsisimula ay ibigay natin ang mga kinakailangan ng asignatura upang
magkaroon ng gabay ang mga mag-aaral at kasabay nito ay makagawa ng “Rubrik” na basihan
nila sa bawat paggawa.
Sa kabuuan,walang perpektong panukat o pagtatasa na inimbento ng sinuman ngunit
bilang guro tayo ay kailangan maparaan upang maghanap ng lunas sa ating sariling klase. Ibig
sabihin nasa ating mga kamay ang manibela sa paglalayag ng pagkatuto ng mga mag-aaral.
Tayo ang mag-iisip at lilikha ng mga estratehiya para matugunan ang mga kinakailangan ng
mga mag-aaral. Panahon man ng Covid o hindi , tayong mga guro ay hindi mapapalitan.

You might also like