You are on page 1of 11

NOTRE DAME OF ST.

THERESE OF THE CHILD JESUS


(Formerly Canonico Antonio Institute)
St. Therese Drive, Purok Nopol, Corner Mabuhay Road, Brgy. Conel, General Santos City

Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino
Unang Markahan (Unang Semestre)

1
Page

“Grow like a saint.”


NOTRE DAME OF ST. THERESE OF THE CHILD JESUS
(Formerly Canonico Antonio Institute)
St. Therese Drive, Purok Nopol, Corner Mabuhay Road, Brgy. Conel, General Santos City

Unang Linggo
Pamantayang Nilalaman:
• Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika.
• Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman, pananaw, at mga karanasan.
• Nagagamit ang kaalaman sa modernong teknolohiya (facebook, google, at iba pa) sa pag-unawa sa
mga konseptong pangwika.

Pangganyak:
Panuto: Sa pamamagitan ng bubble map, magbigay ng sariling pagpapakahulugan ng salitang nakasulat sa
parisukat.

WIKA

Bakit mahalaga ang wika?


________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
2

________________________________________________________________________________
Page

“Grow like a saint.”


NOTRE DAME OF ST. THERESE OF THE CHILD JESUS
(Formerly Canonico Antonio Institute)
St. Therese Drive, Purok Nopol, Corner Mabuhay Road, Brgy. Conel, General Santos City

Aralin 1
Mga Konseptong Pangwika
Dito matutunghayan ang mga pagpapakahulugan sa wika,kahalagahan ng wika,
gayundin ang maikling kasaysayan ng wikang Pambansa.

 Alam mo ba?
Ang Pilipinas ay isang kapuluan. Binubuo ito nang mahigit pitong libong pulo na
nabibilang sa tatlong malalaking pangkat ng mga pulo sa bansa: ang Luzon, ang Visayas,
Mindanao. Dahil sa nasabing kalagayang heograpikal, hindi maiiwasang magkaroon at ang
tayo ng iba't ibang pangkat ng mga Pilipinong may kanya-kanyang wika at diyalekto. Ito
ang nagbigay-daan sa napakaraming wika at diyalektong ginagamit sa iba't ibang bahagi
ng bansa.

Ang opisyal na estadistika tungkol sa mga wika at diyalekto sa ating bansa ay hango sa
Census of Population and Housing (CPH) na isinasagawa tuwing isang dekada ng National
Statistics Office (NSO). Ayon sa datos ng CPH noong 2000, may humigit-kumulang 150
wika at diyalekto sa bansa. Tagalog ang nangungunang wika na ginagamit ng 5.4 milyong
sambahayan; pangalawa ang Cebuano/Bisaya/Binisaya/Boholano sa 3.6 milyong
sambahayan; pangatlo ang Ilocano sa 1.4 milyong sambahayan; pang-apat ang Hiligaynon/
longgo sa 1.1 milyong sambahayan. Maliban sa mga nabanggit, ang iba pang wika at
diyalektong bumubuo sa sampung pinakagamiting wika sa bansa ay ang sumusunod:
"Bikol Bicol, "Waray, Kapampangan, "Pangasinan o Panggalatok, "Maguindanao, at
"Tausug. (Ang pinagbatayan sa estadistikang ito ay ang Census of Population and Housing
(CPH) noong 2000 sapagkat ang datos mula sa CPH ng 2010 kaugnay ng wika at diyalekto
ay hindi pa nailalathala. Masasabing hindi perpekto dahil na rin sa katagalan ng panahon
kung kailan isinagawa ang census subalit mahalaga pa rin ang datos na ito dahil sa
ipinahihiwatig nito ang kalagayan ng mga wika at diyalekto sa ating bansa.)

Ang Wika
Isang napakahalagang instrumento ng komunikasyon ang wika. Mula sa
pinagsama-samang makabuluhang tunog, simbolo, at tuntunin ay nabubuo ang mga
salitang nakapagpapahayag ng kahulugan o kaisipan. Ito ay behikulong ginagamit sa
pakikipag usap at pagpaparating ng mensahe sa isa't isa. Nagkakaintindihan tayo,
nakapagbibigayan tayo ng ating mga pananaw o ideya, opinyon, kautusan, tuntunin,
impormasyon, gayundin ng mga mensaheng tumatagos sa puso at isipan ng ibang tao,
pasalita man o pasulat gamit ang wika.
Ang salitang Latin na lingua ay nangangahulugang "dila" at "wika" o "lengguwahe."
Ito ang pinagmulan ng salitang Pranses na langue na nangangahulugan ding dila at wika.
Kalaunan ito'y naging language na siya na ring ginamit na katumbas ng salitang
lengguwahe sa wikang Ingles. Sa maraming wika sa buong mundo, ang mga salitang wika
at dila ay may halos magkaparehong kahulugan. Ito marahil ay sa dahilang ang dila ay
konektado sa pasalitang pagbigkas dahil ang iba't ibang tunog ay nalilikha sa
pamamagitan ng iba't ibang posisyon ng dila. Kaya naman, ang wika ay may tradisyonal at
popular na pagpapakahulugang sistema ng arbitraryong vocal-symbol o mga sinasalitang
3

tunog na ginagamit ng mga miyembro ng isang pamayanan sa kanilang


Page

pakikipagtalastasan at pakikipag ugnayan sa isa't isa. Marami ding dalubhasa sa wika ang

“Grow like a saint.”


NOTRE DAME OF ST. THERESE OF THE CHILD JESUS
(Formerly Canonico Antonio Institute)
St. Therese Drive, Purok Nopol, Corner Mabuhay Road, Brgy. Conel, General Santos City

nagbigay ng iba't ibang pagpapakahulugan sa wika tulad ng mga mababasa sa kabilang


pahina:
Ayon kina Paz, Hernandez, at Peneyra (2003:1), ang wika ay tulay na ginagamit
para maipahayag at mangyari ang anumang minimithi o pangangailangan natin. Ito ay
behikulo ng ating ekspresyon at komunikasyon na epektibong nagagamit. Ginagamit ng tao
ang wika sa kanyang pag-iisip, sa kanyang pakikipag-ugnayan, at pakikipag-usap sa ibang
tao, at maging sa pakikipag-usap sa sarili.

Ayon kay Henry Allan Gleason, Jr., isang lingguwista at propesor emeritus sa
Univeristy of Toronto, ang wika ay masistemang balangkas ng mga tunog na pinili at
isinaayos sa pamaraang arbitraryo upang magamit ng mga taong nabibilang sa isang
kultura.

Binigyang pagpapakahulugan ng Cambridge Dictionary ang wika sa ganitong


paraan: ito ay isang sistema ng komunikasyong nagtataglay ng mga tunog, salita, at
gramatikang ginagamit sa pakikipagtalastasan ng mga mamamayan sa isang bayan o sa
iba't ibang uri ng gawain.

Samantala, ang siyentipikong si Charles Darwin ay naniniwalang ang wika ay isang


sining tulad ng paggawa ng serbesa o pagbe-bake ng cake, o ng pagsusulat. Hindi rin daw
ito tunay na likas sapagkat ang bawat wika ay kailangan munang pag-aralan bago
matutuhan. Gayumpama'y naiiba ito sa mga pangkaraniwang sining dahil ang tao'y may
likas na kakayahang magsalita tulad ng nakikita natin sa paggakgak ng mga bata; wala
kasing batang may likas na kakayahang gumawa ng serbesa, mag-bake, o sumulat. Higit
sa lahat, walang philologist ang makapagsasabing ang wika ay sadyang inimbento; sa
halip, ito ay marahan at hindi sinasadyang nalinang sa pamamagitan ng maraming
hakbang o proseso.
Hindi lang basta tunog na nalilikha ng tao, bagkus ito'y isang napakahalagang
instrumento ng komunikasyon. Nakapagpapahayag ang tao ng mga saloobin sa
pamamagitan ng wika kaya't nararapat lang na pagyamanin at gamitin nang naaayon sa
angkop na layunin.

4
Page

“Grow like a saint.”


NOTRE DAME OF ST. THERESE OF THE CHILD JESUS
(Formerly Canonico Antonio Institute)
St. Therese Drive, Purok Nopol, Corner Mabuhay Road, Brgy. Conel, General Santos City

Ang Wikang Pambansa


Ang Pilipinas ay isang kapuluang binubuo ng iba't ibang pangkat ng mga Pilipinong
gumagamit ng iba't ibang wika at diyalekto. Humigit-kumulang 150 wika at diyalekto ang
umiiral sa ating bansa. Ang kalagayang ito ang naging pangunahing dahilan kung bakit
kinailangang magkaroon tayo ng isang wikang mauunawaan at masasalita ng karamihan
sa mga Pilipino. Ang wikang ito ang magbubuklod sa atin bilang mamamayan ng bansang
Pilipinas at tatawaging wikang Pambansa.

1934: Dahil nga sa pagkakahiwa-hiwalay ng ating bansa sa iba't ibang pulo at sa dami
ng wikang umiiral dito, naging isang paksang mainitang pinagtalunan, pinag-isipan, at
tinalakay sa Kumbensiyong Konstitusyunal noong 1934 ang pagpili sa wikang ito.
Marami sa mga delegado ang sumang-ayon sa panukalang isa sa mga umiiral na wika
sa bansa ang dapat maging wikang pambansa subalit sinalungat ito ng mga maka-
Ingles na naniniwalang higit na makabubuti sa mga Pilipino ang pagiging mahusay sa
wikang Ingles. Subalit naging matatag ang grupong nagmamalasakit sa sariling wika.
Iminungkahi ng grupo ni Lope K. Santos na ang wikang pambansa ay dapat ibatay sa
isa sa mga umiiral na wika sa Pilipinas. Ang mungkahing ito ay sinusugan ni Manuel
L. Quezon na noo'y Pangulo ng Pamahalaang Komonwelt ng Pilipinas.

1935: Ang pagsusog na ito ni Pangulong Quezon ay nagbigay-daan sa probisyong


pangwika na nakasaad sa Artikulo XIV, Seksiyon 3 ng Saligang Batas ng 1935 na
nagsasabing:
"Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang
wikang pambansang ibabatay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika.
Hangga't hindi itinatakda ng batas, ang wikang Ingles at Kastila ang siyang
mananatiling opisyal na wika."

Base sa probisyong ito ng Saligang Batas ng 1935 ay nagkaroon ng maraming talakayan kung anong
wika ang gagamiting batayan sa pagpili ng wikang pambansa. Ito ay nagresulta sa pagkakaroon ng
isang batas, ang Batas Komonwelt Blg. 184

Batas Komonwelt Blg. 184

 Ginawa ni Norberto Romualdez na nagtatag Surian ng Wikang Pambansa


Ang Surian ng Wikang Pambansa ay "mag-aaral ng mga diyalekto sa pangkalahatan para sa
5
Page

layuning magpaunlad at magpatibay ng isang pambansang wikang batay sa isa sa mga umiiral

“Grow like a saint.”


NOTRE DAME OF ST. THERESE OF THE CHILD JESUS
(Formerly Canonico Antonio Institute)
St. Therese Drive, Purok Nopol, Corner Mabuhay Road, Brgy. Conel, General Santos City

na wika ayon sa balangkas, mekanismo, at panitikan na tinatanggap at sinasalita ng


nakararaming Pilipino."
Pamantayan sa pagpili ng Wikang Pambansa

o wika ng sentro ng pamahalaan


o \wika ng sentro ng edukasyon
o wika ng sentro ng kalakalan; at
o wika ng pinakamarami at pinakadakilang nasusulat na panitikan

Sa pag-aaral ng Surian ng Wikang Pambansa gamit ang mga nasabing pamantayan ay napilii ng
Surian ng Wikang Pambansa ang TAGALOG

1937: Noong Disyembre 30, 1937 ay iprinoklama ni Pangulong Manuel L. Quezon ang
wikang Tagalog upang maging batayan ng Wiking Pambansa base sa rekomendasyon
ng Surian sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134. Magkakabisa ang
kautusang ito pagkaraan ng dalawang taon.

1940: Dalawang taon matapos mapagtibay ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134,
nagsimulang ituro ang wikang pambansa na batay sa Tagalog sa mga paaralang
pampubliko at pribado.

1946: Nang ipagkaloob ng mga Amerikano ang ating kalayaan, sa Araw ng Pagsasarili
ng Pilipinas noong Hulyo 4, 1946 ay ipinahayag ding ang mga wikang opisyal sa
bansa ay Tagalog at Ingles sa bisa ng Batas Komonwelt Bilang 570.

1959: Noong Agosto 13, 1959, pinalitan ang tawag sa wikang pambansa. Mula Tagalog
ito ay naging Pilipino sa bisa ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 na ipinalabas ni
Jose E. Romero, ang Kalihim ng Edukasyon noon. Sa panahong ito'y higit na binigyang
halaga at lumaganap ang paggamit ng wikang Pilipino. Ito ang wikang ginamit sa mga
tanggapan, gusali, at mga dokumentong pampamahalaan tulad ng pasaporte, at iba
pa, gayundin sa iba't ibang antas ng paaralan at sa mass media tulad ng diyaryo,
telebisyon, radyo, magasin, at komiks. Sa kabila nito ay marami pa rin ang
6

sumasalungat sa pagkakapili sa Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa.


Page

“Grow like a saint.”


NOTRE DAME OF ST. THERESE OF THE CHILD JESUS
(Formerly Canonico Antonio Institute)
St. Therese Drive, Purok Nopol, Corner Mabuhay Road, Brgy. Conel, General Santos City

1972: Muling nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa Kumbensiyong Konstitusyunal


noong 1972 kaugnay ng usaping pangwika. Sa huli, ito ang mga naging probisyong
pangwika sa Saligang Batas ng 1973, Artikulo
\\\8u9[0i XV, Seksiyon 3, blg. 2:
"Ang Batasang Pambansa ay dapat magsagawa ng mga hakbang na
magpapaunlad at pormal na magpapatibay sa isang panlahat na wikang
pambansang kikilalaning Filipino."
Dito unang nagamit ang salitang Filipino bilang bagong katawagan sa wikang
pambansa ng Pilipinas. Gayunpama'y hindi naisagawa ng Batasang Pambansa ang
pormal na pagpapatibay tulad ng itinatadhana ng Saligang Batas.

1987: Sa Saligang Batas ng 1987 ay pinagtibay ng Komisyong Konstitusyunal na binuo


ni dating Pangulong Cory Aquino ang implementasyon sa paggamit ng Wikang Filipino.
Nakasaad sa Artikulo XIV, Seksiyon 6 ang probisyon tungkol sa wika na nagsasabing:

"Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay


dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika sa Pilipinas
at sa iba pang mga wika."

Wikang Opisyal at Wikang Pánturo

Ayon kay Virgilio Almario (2014:12) ang wikang opisyal ay ang itinadhana ng
batas na maging wika sa opisyal na talastasan ng pamahalaan. Ibig sabihin, ito ang
wikang maaaring gamitin sa anumang uri ng komunikasyon, lalo na sa anyong nakasulat,
sa loob at sa labas ng alinmang sangay o ahensiya ng gobyerno.

Ang wikang panturo naman ang opisyal na wikang ginagamit sa pormal na


edukasyon. Ito ang wikang ginagamit sa pagtuturo at pag-aaral sa mga eskuwelahan at
ang wika sa pagsulat ng mga aklat at kagamitang panturo sa mga silid-aralan.

Ano-ano ang mga wikang ginagamit bilang panturo sa loob ng inyong silid aralan?
Nakatutulong ba ang mga ito upang higit mong maunawaan ang iyong mga aralin at
aktibong makibahagi sa mga gawain at talakayan?

Ayon sa itinatadhana ng ating Saligang Batas ng 1987, Artikulo XIV, Seksiyon 7,


7
Page

mababasa ang sumusunod:

“Grow like a saint.”


NOTRE DAME OF ST. THERESE OF THE CHILD JESUS
(Formerly Canonico Antonio Institute)
St. Therese Drive, Purok Nopol, Corner Mabuhay Road, Brgy. Conel, General Santos City

"Ukol sa layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng


Pilipinas ay Filipino at, hangga't walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga
wikang panrehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbing
pantulong na mga wikang panturo roon. Dapat itaguyod nang kusa at opsiyonal ang
Kastila at Arabic."

Sa pangkalahatan nga ay Filipino at Ingles ang mga opisyal na wika at wikang


panturo sa mga paaralan. Sa pagpasok ng K to 12 Curriculum, ang Mother Tongue o
unang wika ng mga mag-aaral ay naging opisyal na wikang panturo mula Kindergarten
hanggang Grade 3 sa mga paaralang pampubliko at pribado man. Tinawag itong Mother
Tongue-Based Multi-Lingual Education (MTB-MLE).

Ayon kay DepEd Secretary Brother Armin Luistro, FSC, "ang paggamit ng wikang
ginagamit din sa tahanan sa mga unang baitang ng pag-aaral ay makatutulong mapaunlad
ang wika at kaisipan ng mga mag-aaral at makapagpapatibay rin sa kanilang kamalayang
sosyo-kultural."

Pinatunayan ng mga isinagawang pag-aaral na lokal at internasyonal na ang


paggamit ng wikang kinagisnan sa mga unang taon ng pag-aaral ay nakalilinang sa mga
mag-aaral na mas mabilis matuto at umangkop sa pag-aaral ng pangalawang wika
(Filipino) at maging ng ikatlong wika (Ingles).

Noong mga unang taon ng pagpapatupad ng K to 12 ay itinadhana ng DepEd ang


labindalawang lokal o panrehiyon na wika at diyalekto para magamit sa MTB MLE. Subalit
sa taong 2013 ay nadagdagan pa ito ng pito kaya't sa kasalukuyan ay labinsiyam na wika
at diyalekto na ang ginagamit tulad ng sumusunod: Tagalog, Kapampangan, Pangasinense,
Iloko, Bikol, Cebuano, Hiligaynon, Waray. Tausug, Maguindanaoan, Meranao, Chavacano,
Ybanag, Ivatan, Sambal, Aklanon, Kinaray-a, Yakan, at Surigaonon. Ang mga wika at
diyalektong ito ay ginagamit sa dalawang paraan: (1) Bilang hiwalay na asignatura at (2)
bilang wikang panturo.

Ang wikang Filipino at Ingles ay gagamitin at ituturo pa rin sa mga paaralan. Ang
magiging pokus sa kindergarten at unang baitang ay katatasan sa pasalitang
pagpapahayag. Sa ikalawa hanggang ikaanim na baitang ay bibigyang-diin ang iba't iba
pang komponent ng wika tulad ng pakikinig, pagsasalita, pagbasa, at pagsulat. Sa mas
matataas na baitang ay Filipino at Ingles pa rin ang mga pangunahing wikang panturo o
medium of instruction.
8
Page

“Grow like a saint.”


NOTRE DAME OF ST. THERESE OF THE CHILD JESUS
(Formerly Canonico Antonio Institute)
St. Therese Drive, Purok Nopol, Corner Mabuhay Road, Brgy. Conel, General Santos City

Gawain 1
Panuto: Ibigay ang iyong sariling pagpapakahulugan sa mga konseptong pangwikang
nabanggit na nasa talakayang bahagi ng araling ito. Magbahagi rin ng ilang halimbawa nito
na napanood, narinig, o naranasan. Sagutin ito gamit ang pormat na nasa ibaba.

KONSEPTONG PANGWIKA SARILING HALIMBAWA


PAGPAPAKAHULUGAN

Wikang Pambansa

Wikang Panturo

Wikang Opisyal

Unang Wika at Pangalawang Wika

Ano ang Unang Wika?


Ang unang wika o mas kilala sa tawag na katutubong wika (kilala rin bilang inang wika
o arteryal na wika) ay ang wika na natutunan natin mula ng tayo ay ipinanganak.
Batayan para sa pagkakilanlang sosyolinggwistika ang unang wika ng isang tao.

Ano ang Ikalawang Wika?


Ayon sa dalubwika, ito ay tumutukoy sa alinmang wikang natutuhan ng isang tao
matapos niyang maunawaang lubos at magamit ang kanyang sariling wika o ang
kanyang unang wika.

Ano ang Ikatlong Wika?


Ibang bagong wika na natutuhan at nagagamit sa pakikipagtalastasan sa mga tao sa
paligid na nagsasalita rin ng ganitong wika. Nagagamit ang natutuhang wika naito sa
pakikiangkop sa malawak namundong ginagalawan.
9
Page

“Grow like a saint.”


NOTRE DAME OF ST. THERESE OF THE CHILD JESUS
(Formerly Canonico Antonio Institute)
St. Therese Drive, Purok Nopol, Corner Mabuhay Road, Brgy. Conel, General Santos City

Monolingguwalismo, Bilingguwalismo, at Multilingguwalismo

Monolingguwalismo
 Ito ang tawag sa pagpapatupad ng isang wika sa isang bansa tulad ng
isinasagawa sa mga bansang England, Paransya, South Korea, Hapon at iba
pakung saan iisang wika ang ginagamit na wikang panturo sa lahat ng larangan o
asignatura.
 Ayon kay Richards at Schmidt (2002), ang monolingguwal ay isang indibiduwal na
may iisang wika lamang ang nagagamit.
 Sa isang bansa o nasyon, kung ito ay isang monolingguwal bansa
nangangahulugang iisang wika ang umiiral bilang wika ng komersiyo, negosyo
atpakikipagtalastasan sa pangaraw-araw na buhay ng mamamayan nito.Bukod
rito,ang gagamiting wikang panturo sa lahat ng asignatura o larangan ay iisang
wika.

Bilingguwalismo
 Ayon kay Weinrich (1935), ito ang katawagan sa paggamit ng dalawang wika ng
magkasalitan at ang taong gumagamit nito ay tinatawag na bilingguwal.
 Ito ay nangangahulugang malayang paggamit ng dalawang wika sa pagtuturo at
pakikipagtalastasan sa paraang ang hiram na wika ay nagiging sarili niyang wika
sa pagdaanng panahon. Nangyayari ito, sa kadahilanan ng katagalan ng panahon
na paggamit ng ibang wika na hindi nakakaligtaan ang katutubong wika. Katulad
sa Pilipinas na gumagamit ng wikang Filipino bilang wikang pambansa at wikang
Ingles naman bilang wikang global.
 Kung minsan nagagamit ng bilingguwal ang dalawang wika na halos hindi na
makikilala o matutukoy kung alin sa dalawang ito ang unang wika at kung alin
ang ikalawang wika.

Multilingguwalismo
 Ayon kay Leman (2014), Ang mga tao ay maaaring matawag na multilingguwal
kung maalam sila sa pagsasalita ng dalawa o higit pang wika, anuman ang
antas ng kakayahan. Base rito, maaaring tawaging mulitilingguwal ang isang tao
kung siya ay may kakayahang makapagsalita ng dalawa o higit pang wika ng
hindi sinusukat ang kanyang kasanayan at kagalingan sa mga wikang ito na
kanyang sinasalita.
 Ang lahat ng bansa maliban sa isa ay kung hindi bilingguwal ay multilingguwal.
Ito ay sa kadahilanan ng kolonyalismo o hindi kaya naman sa impluwensiya ng
dayuhan pagdating sa mga kalakalan.
 Isang halimbawa na lamang nito ay ang iba’t ibang rehiyon at lalawigan sa
Pilipinas, ang iba sa mga Pilipino ay hindi nalilimitahan sa Ingles at Filipino
lamang ang kanilang wika.
10
Page

“Grow like a saint.”


NOTRE DAME OF ST. THERESE OF THE CHILD JESUS
(Formerly Canonico Antonio Institute)
St. Therese Drive, Purok Nopol, Corner Mabuhay Road, Brgy. Conel, General Santos City

Gawain 2
Panuto: Punan ang mga kahon sa kabilang pahina ng halibawang nagmula sa iyong
sariling kaalaman, pananaw, at mga karanasan.

Punan ang kahon ng tawag Punanang kahon ng tawag Punan ang kahon ng isa
sa iyong unang wika (L1) at sa iyong pangalawang wika pang nalalaman mo (l3) at
isang halimbawang (L2) at halimbawang magtuturing sa iyo bilang
pangungusap gamit nito. pangungusap gamit ito. isang Mu;tilingguwal. Kung
wala ay sumulat ka ng
tatlong salitnag katutubo sa
Pilipinas na alam mo.

Batay sa iyong sariling Paano mo naman Kung mayroon kang


karanasa, paano mo natutuhan ang iyong nalalamang pangatlong wika,
nalinang ang iyong unang pangalawang wika? paano mo ito natutuhan?
wka? Kung wala, ano ang nais
mong wikang matutuhan, at
bakit?

Agosto 31 (Pagdiriwang sa Buwan ng Wika)

Bilang pagdiriwang sa Buwan ng Wika na may temang “Filipino at mga Katutubong Wika:
Kasangkapan sa Pagtuklas at Paglikha" ang mga mag-aaral ay inaasahan na makabubuo
ng isang infographics na naglalaman ng timeline kung paano nahirang ang Wikang Filipino
bilang wikang Pambansa. Inaasahan na ang nagawang infographics ay maibabahagi sa
Facebook na may angkop na caption.
11
Page

“Grow like a saint.”

You might also like