You are on page 1of 2

IKALAWANG LAGUMANG PAGSUSULIT

FILIPINO 10
Pangalan: ____________________________________________ Taon at Pangkat: _________________________________
Guro:________________________________________________ Petsa:________________________ Iskor: _________
I. Panuto: Piliin ang letra ng tamnag sagot at isulat sa patlang bago ang bilang.
___ 1. Isang uri ng akdang pampanitikan na nasa anyong tuluyan na may mga sitwasyong nasasangkot ang tauhan ngunit walang aksiyong umuunlad, gahol
ang banghay at mga paglalarawan lamang.
A. dagli B. maikling kuwento C. komiks D. kuwentong bayan
___ 2. Isang sangay ng panitikan na nasusulat sa anyong tuluyan na maaaring tumalakay sa anumang isyu sa kapaligiran. Isa itong matalinong pagkukuro ng
sumulat tungkol sa isang paksa.
A. talumpati B. sanaysay C. editoryal D. talambuhay
___ 3. Sila ang mga tauhan sa dulang isinulat ni William Shakespeare na naglalarawan sa walang kamatayang pag-ibig na humantong sa isang trahedya.
A. Thor at Loki B. Samson at Delilah C. Romeo at Juliet D. Florante at Laura
___ 4. Anong damdamin ang ipinahihiwatig sa pahayag na, “Ipinaputol ko at ipinagbili,” wika ni Della. “Hindi ba gusto mo rin ako kahit putol na ang aking
buhok?”
A. pagkainis B. pag-aalala C. pagtataka D. pagtatampo
___ 5. Anong dalawang mahahalagang yaman nina Jim at Della na nagawa nilang isakripisyo para maibili ng aginaldo isa’t isa?
I. buhok II. gintong relos III. mamahaling suklay IV. diyamanteng kuwintas
A. III at IV B. I at II C. II at III D. I at IV
___ 6. Uri ng tula na naglalahad ng mga saloobin, damdamin, imahinasyon at karanasang ng sarili ng may-akda o ng ibang tao.
A. padula B. pasalaysay C. patnigan D. pandamdamin
___ 7. Ang maikling kuwentong “Aginaldo ng mga Mago” ay orihinal na akda ni _________.
A. O. Henry B. Elizabeth Browning C. Dan Brown D. Alejandro Abadilla
___ 8. ______ ng klase ni Rebecca, agad siyang umuwi upang tumulong sa gawaing-bahay. Anong salita ang angkop na gamitin sa pangungusap?
A. kagabi B. sumunod C. pagkatapos D. ngayong araw
___ 9. Ang _____ ay isang uri ng akdang tuluyan na nagsasalaysay tungkol sa pinagmulan ng mga diyos at diyosa, bathala at mga anito, sa pagkakalikha ng
mundo at ng kawalakan.
A. epiko B. alamat C. mitolohiya D. kuwentong bayan
___ 10. Sadyang na palabasa ang kanyang dalagang anak. Ang may salungguhit ay isang ______ na ginagamit upang mapalawak ang pangungusap.
A. pang-uri B. pang-abay C. ingglitik D. komplemento
___ 11. Sumalagmak siya sa malambot na sopa. Ang kasingkahulugan ng salitang sumalagmak ay ______.
A. napahiga B. napaupo C. natumba D. napahandusay
___ 12. Ang diyosang si Rihawani ay hindi magkumahog sa pagbabalita sa kanyang nasaksihan.
A. tumatakbo B. humahagibis C. rumaragasa D. nagmamadali
___ 13. “Hindi ako titigil hangga’t may Brazilian na walang pagkain sa hapag, hangga’t may desperadong pamilya sa lansangan, hangga’t may mahirap na
mga bata na pinabayaan ng kanilang sariling pamilya. “Batay sa pahayag ng pangulo ng Brazil, masasabing siya ay _______.
A. mapagmahal B. may determinasyon C. mapagmalasakit D. malakas ang loob
___ 14. “Huwag kayong makilahok sa anumang pagkilos laban sa ating mamamayan, manapa’y makabilang sa mga kamay na magtatag ng bagong lipunan.”
Nais sabihin ng huling bahagi ng pahayag ang panawagan sa __________.
A. paglikha ng pagbabago C. pagkakaroon ng matatag na bansa
B. pagbuo ng bagong bansa D. paghubog ng bagong mamamayan
___ 15. Alin sa mga sumusunod ang hindi katangian ng dagli?
A. gahol sa banghay C. walang aksiyong umuunlad
B. mga paglalarawan lamang D. sentimental na pagsasalaysay
___ 16. Nililinlang ni Utgaro-Loki si Thor upang hindi ______________.
A. sila masakop at magapi C. manaig ang kapangyarihan nito
B. na makabalik sa pinagmulan D. sila mapaglaruan ng taglay nitong lakas
___ 17. “ Pagkat di ka maaaring pantayan ng daigdigan, Pagkat ikaw o ina ko, ika”y wala pang kapantay.”
Ang mga may salungguhit ay nagpapakita ng _____________.
A. kabaitan B. pagkaawa C. pagsisisi D. pagmamahal ng anak sa ina
___ 18. Naging masining ang tula sa tulong ng paggamit ng ______________.
A. tugma B. talinghaga C. sukat D. malayang taludturan
“Pero hindi nilkha ang tao para magapi”, sabi niya. “Maaaring was akin ang isang tao pero hindi siya magagapi.” Nagsisisi ako na napatay ko ang isda,
sa loob-loob niya. Parating na ngayon ang masamang panahon at wala man lang akong salapang. Malupit ang dentuso, at may kakayahan at malakas at
matalino. Pero mas matalino ako kaysa kaniya. Siguro’y hindi, sa loob-loob niya. Siguro’y mas armado lang ako.
Mula sa Matanda at ang Dagat

___ 19. “Pero hindi nilikha ang tao para magapi,” sabi niya. “Maaaring wasakin ang isang tao pero
hindi siya magagapi”. Ang naturang pahayag ay nagpapahiwatig na ______________.
A. kung may dilim may liwanag ding masisilayan. C. nilikha tayo pata lumaban at hindi para masaktan lamang
B. hindi dapat magpatalo sa hamon ng buhay D. may pagsubok mang dumating, matatag pa rin itong kahaharapin
___ 20. Anong katangian ng pangunahing tauhan ang makikita sa naturang pahayag?
A. mabait B. mabuti C. maaalalahanin D. mapagpahalaga
___ 21. “Huwag kang mag-isip, tanda,” malakas niyang sabi. “Magpatuloy ka sa paglalayag at harapin ang anumang dumating.” Ang pahayag ay
nagpapakita na uri ng tunggaliang ______.
A. tao vs sarili B. tao vs lipunan C. tao vs tao D. tao vs kalikasan
___ 22. Nagbalik-loob si Samson sa Panginoon at nanalangin nang taimtim. Ipinahihiwatig ng kilos ng tauhan na ____________.
A. Siya ay nagsisi at nanalig sa Diyos. C. Sa Diyos pa rin siya kukuha ng lakas.
B. Sa Diyos pa rin siya hihingi ng tulong. D. Kinikilala niya ang kapangyarihan ng Diyos
___ 23. Itinuturing na marurunong na Mago ang mag-asawang Jim at Della Young dahil sa _____.
A. Isinakripisyo nila ang pinakamahalagang ari-ariang pinakaiingatan nila.
B. Hindi nila ipinakita ang pagdaramdam sa isa’t isa sa kabila ng kanilang pagkakamali
C. Pinatunayan nila na pag-ibig ang pinakamagandang aginaldo sa Pasko
D. Binigyan nila ng aginaldong pamasko ang bawat isa sa kabila ng kanilang kahirapan
___ 24. Ang kaisipang lumutang sa maikling kuwentong “Aginaldo ng Mago” ay ________.
A. Ang Diyos ay pag-ibig. C. Ang pag-ibig ay pagpapakasakit
B. Ang Pasko ay para sa mga bata. D. Mas mainan magbigay kaysa tumanggap
___ 25. Ang mahalagang kaisipang nais iparating ng dulang “Romeo at Juliet” ay ________.
A. Ang pag-ibig na tapat ay walang kamatayan C. Hahamakin ang lahat, masunod lamang ang tawag ng pag-ibig
B. Kapag mahal mo ang isang tao, ipaglaban mo D. Lahat ay pantay-pantay sa ngalan ng pag-ibig
___ 26. Ang lihim na pagkikita nina Romeo at Juliet ay nagpapahiwatig ng __________.
A. pagtataksil ni Juliet kay Paris C. marubdob na pag-ibig para sa isa’t isa
B. pagsaway sa utos ng kanilang angkan D. pagiging makasarili sa larangan ng pag-ibig
Kinabukasan, habang natutulog pa ang higante ay hinugot ni Thor ang maso sa ulo nito. Napatayo si Skrymir, kinamot ang kaniyang pisngi at nagwika kung may mga ibon
bas a taas ng puno. Nang siya ay magising tila may mga nahuhulog na dahon sa kaniyang ulo. “Gising ka na ba Thor?” wika niya. Oras na upang bumangon at magbihis.
Malapit na kayo sa kaharian ni Utgaro. Narinig ko kayong nagbubulungan na ako ay walang kwentang higante. Kung makararatin kayo kay Utgaro, makikita ninyo ang
malalaking tao roon. Bibigyan ko kayo ng mabuting payo. Huwag kayong magpapakita ng pamamataas kay Utgaro, Loki,” sabi pa nito.

___ 27. Ang pagtatanong ni Skrymir kay Thor kung may ibon basa taas ng puno ay nangangahulugang hindi niya __________.
A. alam na tinaga siya ni Thor C. alam na naunang nagising si Thor
B. nalalaman ang sikreto ni Thor D. naramdaman ang paglipad ng ibon
___ 28. Ang pagbibigay ng payo ng higante kay Thor ay nangangahulugan ng __________.
A. pag-aalala B. pagmamalasakit C. pagmamahal D. pagtanaw ng utang na loob
___ 29. “Ang pagpapaunlad ng serbisyo publiko ay pagsasaayos din ng paggastos ng gobyerno. Ang prinsipyong nakapaloob dito ay _____________.
A. paunlarin ang serbisyo ng bayan C. ang pera ng bayan, gamitin para sa bayan
B. gamitin nang tama ang pindo para sa publiko D. mahusay na paggatos ng gobyerno para sa maraming serbisyo
___ 30. “Labingwalong taon kong inalagaan, pinalaki at iningatan ang aking anak, pagkatapos nag-abang lamang siya ng bus pauwi galling eskwela ay bigla
na lamang aagawin ing iyong anak, dadalhin sa motel,sasaktan, paglalaruan..At..At..wala kayong habg!” Batay sa pahayag ano ang nangyari sa
kanyang anak?
A. binugbog C. ibinenta sa mga dayuhan
B. pinagsamantalahan D. pinagamit ng pinagbabawal na gamot
___ 31. “Inisa-isa ko ang kanyang mga pinuntahan.. Ipinaghiganti ko lamang ang aking kapatid! Tayo na inay! Aalis tayo !Madali! Kailangan makaalis tayo
dito! Kailangan ko ang baril na ito inay ! tiyak na papatayin rin nila ako.”
A. pinatay niya ang lumaspastangan sa kanyang kapatid
B. nilapastangan rin niya ang anak na babae ng mayo
C. binugbog niya ang lumapastangan sa kanyang kapatid
D. isa siyang kasapi ng mga taong-labas at nagtatago sa mga may kapangyarihan
___ 32.” Mata sa mata…ngipin sa ngipin..apoy sa apoy..sugat sa sugat…gaganti ako…gaganti ako!
A. Pagkamuhi B. pagtatangka C. pagdadalamhati D. pagkaawa sa sarili
___ 33. “Pag-ibig ko’y isang matinding damdamin… Noong ako’y isang musmos pa sa turing… Na ang pananalig ay di masusupil!
Ang saknong ay isang halimbawa ng tulang _____
A. awit B. dalit C. liriko D. damdamin
A. Moralismo B. Sikolohikal C. Realismo D. Bayogapikal
E. Klasismo F. Naturalismo G. Humanismo H. Eksistensyalismo
___ 34. “Nilundag ko yaong pader sa pakpak ng pagmamahal; Pagkat ang pag-ibig ay di mapipigil ni’yong batong humahadlang. Ginagawa ng pag-ibig ang
bawat kaya niyang gawin. Kaya’t ang mga pinsan mo’y hindi sagabal sa akin.”
___ 35. Makalawang nakapagpaputok si Regina, at bago pa man maagaw ng pulis ang baril ay bumagsak na si Tony. Pinatay
niya ang sarili niyang anak at habang bitbit siyang inilalabas ng mga pulis ay makailang ulit sinasabing “pinatay ko ang sarili kong anak!”
___ 36. “Maayos silang naglayag at ibinaba ni Santiago ang kaniyang mga kamay sa tubig-alat at sinikap na linawin ang kaniyang
isip. Mataas ang cumulus clouds at may sapat na cirrus sa ibabaw kaya alam ng matanda (Santiago) na tatagal ang simoy
sa buong magdamag.”
___ 37. “Hindi mo pinatay ang isda para lamang mabuhay ka o para ibenta bilang pagkain, sa loob-loob niya. Pinatay mo siya
dahil sa iyong dangal at dahil isa kang mangingisda.”
___ 38. “Nakapagdala sana ako ng bato para sa lanseta,” sabi ng matanda matapos tingnan ang tali sa puluhan ng sagwan.
“Dapat akong nagdala ng bato.” Marami kang dapat dinala, sa loob-loob niya. Pero hindi mo dinala, tanda. Hindi ngayon
ang oras para isipin kung ano ang wala ka. Isipin mo kung ano ang magagawa sa kung ano ang naririyan.”
___ 39. “Pero lahat naman ay kasalanan. Huwag kang mag-isip tungkol sa kasalanan. Masyado nang huli para diyan at may mga taong binabayaran para
gawin iyon. Hayaan mong sila ang mag-isip tungkol doon. Isinilang ka para maging isang mangingisda tulad ng isda na ipinanganak para maging
isang isda..”
___ 40. “Pero hindi nilikha ang tao para magapi,” sabi niya. “Maaaring wasakin ang isang tao pero hindi siya magagapi.” Nagsisisi ako na napatay ko ang
isda, sa loob-loob niya..”
A. Simile B. Metapora C. Hyperboli D. Personipikasyon
___ 41. Rosas sa kagandahan si Catriona Gray.
___ 42. Ang ulap ay nagdadalamhati sa kanyang paglisan.
___ 43. Hindi mahulugang karayon sa dami ng tao ang konsyerto kagabi.
___ 44. Tila mga anghel ang mga munting bata.
___ 46. Sa kagubatan, ang mga ibon ay nagsisiawit tuwing umaga.
Iniibig kita nang buong taimtim, Yaring pag-ibig ko’y katugon, kabagay
Sa tayog at saklaw ay walang kahambing, Ng kailangan mong kaliit-liitan,
Lipad ng kaluluwang ibig na marating Laging nakahandang pag-utus-utusan,
Ang dulo ng hindi maubos-isipin. Maging sa liwanag, maging sa karimlan.
-Ang Aking Pag-ibig
___ 47. Gumamit ng istilo na nagpapahayag ng kaniyang pagmamahal at pagsinta sa taong kaniyang iniibig ang persona sa
pamamagitan ng ______________.
A. Pagsasalarawan ng tunay na pag-ibig C. Paglalahad ng mga pangyayari sa buhay ng umiibi
B. Paghahambing nito sa iba’t ibang bagay sa buhay D.Pagpapahiwatig ng nararamdaman
___ 48. Ang mga sumusunod ay katangiang ipinakita ng persona sa tula maliban sa isa.
A. mapagmalasakit B.masayahin C.mapagpakumbaba D.mapagtiis
___ 49. Ano ang sukat na ginamit sa bawat taludtod ng tulang “Ang Aking Pag-ibig”?
A. Wawaluhin B.Lalabindalawahin C.Lalabinganimin D.Lalabintatluhin
___ 50. Basahin ang unang taludtod ng saknong sa itaas, Anong elemento ng tula ang ipinapakita dito?
A. Sukat B.Tugmaan C.Kariktan D.Talinghaga

You might also like